PROLONGUE;Makalipas ang ilang minuto ay tumawag si Jacob kay Harry. “Harry, nakaalis na ba kayo ng ospital? Dumeretso na kayo kay Chelsea,siguraduhin mong aabot kayo sa oras ng appointment niya. Siya na ang bahala sa inyong dalawa.” matigas na tono ni Jacob. “Oo Jacob, nakaalis na kami. Pero, medyo alanganin kami sa oras. Traffic dito sa daan.” sagot ni Harry "pwes gawan mo ng paraan, hindi pwedeng mahuli kami sa okasyon mamaya" sagot ni Jacob sa tono niya ay alam ni Harry ang kahihinatnan niya kung hindi niya ito masusunod. "wag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan. Aabot kami sa schedule namin" sagot ni Harry “Sige, basta pagdating niyo kay Chelsea, sabihin mo lang na pinapunta ko kayo. Siya na bahala sa fitting at sa lahat.” Sa tabi ni Harry, tahimik na nakikinig si Marielle. Nakatitig siya sa bintana ng sasakyan, ang mga mata niya’y puno ng lungkot at panghihinayang. Alam niyang wala na siyang magagawa, dahil pinipilit siyang kumapit sa kasunduan nila ni Jacob. Hindi siya
MARIELLE AREVALLO: Nang huminto ang sasakyan na minamaneho ni Harry sa tapat ng isang botique. isang mamalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako pumasok sa loob ng shop. Ngumiti ang isang babae na sumalubong sa amin. Nailang ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. “So, ikaw pala si Marielle. I’ve heard so much about you. Now, let’s see what we’re working with.” nakangiti niyang sabi na tila ba may ibig sabihin. Hindi ako nakasagot. Habang umiikot siya sa akin na akala mo ay sinusuri ako ng xray machine. Ramdam ko ang lamig sa paligid namin sa bawat tingin na kaniyang ginagawa. Ilang minuto lang pala ang lumipas pero para sa akin parang oras na ang nagdaan sa ilalim ng masusing mata nito. Nakakunot ang kaniyang noo habang tinitignan ako. Napapa buga na lang ako ng malalim na hininga. Napapa irap ako sa hangin sa mga ngyayari sa buhay ko. “Okay, you have good posture and a graceful build, pero may ilang bagay na kailangan natin i-enhance. Maraming kayang gawin
Maya-maya, bumukas ang kurtina ng dressing room, at dahan-dahang lumabas si Marielle. Suot niya ang simpleng gown na napili ni Chelsea, walang sobrang detalye ngunit eleganteng bumagay sa kanya, parang ipinanganak siya para dito. Napahinto ang buong paligid, nagulat at napangiti ako ng hindi inaasahan. Para bang sa unang pagkakataon, nakikita ko ang tunay na Marielle. Napakagandang pagmasdan ni Marielle. , para akong nakatingin sa isang obra. Nakamamanghang tanawin sa kanyang bagong ayos na nilikha ni Chelsea. Nakasuot siya ng isang strapless na gown na gawa sa malambot na itim na chiffon at satin, na umaagos sa kanyang katawan at nagdadala ng isang eleganteng aura. Sa kanyang mga paa, nakasuot siya ng mga satin na sapatos na mataas ang takong, kumikislap sa kaniyang bawat hakbang. Ang kanyang buhok ay inayos sa isang classy bun, na may mga maliliit na alon na bumabagsak sa kanyang mukha, na pinagdikit ng isang delicate na hairpin na may perlas at crystals. Ang kanyang make-up ay pe
JACOB SOBEL POV Confident akong pumasok sa loob ng bahay ni Lola. Pagpasok namin ni Marielle sa loob ng bahay, agad kong naramdaman ang bigat ng alaala at mga matang nakatingin sa amin. Sa gitna ng sala, nakaupo si Lola, may mapagmahal na ngiti sa kanyang mga labi. “Jacob, wow apo mabuti naman at nakadalo ka. Akala ko makakalimutan mo na naman ang kaarawan ko.” Sabi ni lola ng may pagtatampo. “Siyempre hindi na this time.” Sagot ko naman kay Lola. Biglang tumayo si Jullian sa kaniyang pagkakaupo. May ngiti sa kanyang mga labi, pero alam kong may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata, isang damdaming hindi ko kailanman maitatanggi. Ang taong minsan kong minahal nang sobra. Parang bumagal ang lahat ng makita ko siya, at biglang sumikip ang dibdib ko. Alam kong darating ang sandaling ito, pero hindi ko inasahan na magiging ganito kabigat ang unang beses ng muli naming pagkikita. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa boses “Jacob
Pakiramdam ko’y tinutulak ako pababa sa putik. Napatingin ako sa kanya, nagpipilit na maging matatag, pero kahit anong tapang ang pilit kong ipakita, nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Aalis na sana ako kaya lang humigpit ang hawak niya sa braso ko, halos masaktan ako “Ano? Wala ka bang sasabihin? Alam mo, masyado kang ilusyunada. Alam mo bang hindi akong kayang iwan ni Jacob kaya lang siya nagkakaganyan dahil nasaktan siya. Pero ngayong nandito na ko, tignan natin kung pipiliin ka pa rin ni Jacob. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. E ano ngayon kung pinili ka ni Jacob ngayon? Hindi ibig sabihin nun na karapat-dapat ka. Isang araw, iiwan ka rin niya. Magigising din siya at makikita niya kung gaano ka… kababaw.” Sa sobrang sakit ng mga salita niya, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Alam kong hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko, pero hindi ko na kayang labanan pa. Ramdam kong hinuhusgahan niya ako, binabasag ang kahit anong natitira kong pag-asa na ba
JACOB POV: “FVCK, NASAN KA BA, MARIELLE?!” Halos sumabog na ang boses ko habang muling sinubukan tawagan ang numero niya. Walang sumasagot. Ang bawat segundo na hindi ko siya nakikita ay parang patalim na tumatarak sa dibdib ko. Galit akong huminto sa gilid ng kalsada, pinindot ko ang speed dial at inutusan ang bawat tauhan ko. “Harry!” Sigaw ko sa telepono, halos mabasag na ito sa diin ng kamay ko. “Hanapin niyo si Marielle. Ngayon din. Ikutin niyo ang buong lugar, hindi niyo titigilan hangga’t hindi niyo siya nakikita. Kapag kailangan niyong baliin ang lahat ng pinto sa siyudad, gawin niyo. Huwag kayong babalik sa akin nang hindi siya kasama! Sabihan mo na din si Harvey at lahat ng mga tauhan. " sinabi ko kay Harry kung anong ngyari kanina at kung bakit umalis si Marielle sa bahay nila Mommy. Tahimik ang nasa kabilang linya, pero ramdam ko ang kaba ng mga tauhan ko. Alam nila ku
Pilit kong pinapakalma ang sarili, pero wala akong magawa kundi ang magngitngit sa galit. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita, hindi ako susuko kahit pa mapagod ako, kahit pa mawala ang hininga ko. Tumatagal na ang mga sandali at wala pa ring tumatawag sakin para magbalita. Kaya naman ako na ang tumawag sa aking mga tauhan , bawat isa’y mahigpit kong kinukulit. “Harry, saang area na kayo?!” tanong ko nang may matinding galit sa telepono. “Nasa harap na kami ng isa pang eskinita, boss. Hindi kami titigil. Binabaybay namin bawat sulok ng kanto sa lugar na to, wag kang mag-alala boss” nanginginig na sagot ni Harry "pasensya na boss medyo magulo dito sa lugar na to kaya nahihirapan kami dahil madaming tao" sagot ko sa kaniya “Hindi ko kailangan ng paumanhin niyo, Harry,” sagot ko sa malamig na boses. “Kapag hindi siya nakita sa loob ng oras na i
“Marielle, hayaan mo akong ipakita sa’yo na walang sinuman, kahit si Jullian, ang kayang sirain ang meron tayo.” Tumango siya, bagamat bakas pa rin ang kaba sa mga mata niya. Alam kong mahaba pa ang lalakbayin namin para mabuo muli ang tiwala niya sa relasyon namin. Pero handa akong ibigay ang lahat, kahit pa sobrang bigat na ng galit ko kay Jullian. “Siya ang sumira sa’yo, Marielle,” bulong ko, puno ng determinasyon. “At ako ang tatapos sa kanya.” Habang inaalalayan ko si Marielle papasok ng kotse, naramdaman ko ang mga tauhan kong nakapalibot sa amin. Tahimik silang nakamasid, parang hinihintay kung may ipag-uutos pa ako. Nakita ko ang pagod sa mga mukha nila, ang bigat ng responsibilidad ng paghahanap nila buong gabi. Nang makaupo na siya sa loob ng kotse, muling bumaling ako ng tingin sa mga tauhan ko. Tinignan ko silang lahat, ramdam kong hinihintay nila ang utos ko o ang galit na maaaring bumuho
Sa kabila ng katotohanang pumapatay ako nang walang pinipiling tao, itinuturing ko ang aking sarili na isang taong may malaking puso. Tumutulong ako sa mga ospital, mga ampunan, sumusuporta sa mga single mother. Aktibo ako sa lipunan, pinondohan ko ang mga kagamitan at ward na nagliligtas ng buhay. Isa ito sa adbukasiya ng aming pamilya. Lalo na si Mommy. Palaging sinasabi samin ni Daddy na mag donate kami sa mga nangangailangan. Sinunod ko ang prinsipyong ito para gawing mas madali ang buhay ng ibang tao. Mabilis akong pumasok sa kwarto ni Lilly, halos mabangga ako kay Dr. Arnulfo. Binati niya ako ng isang maliit na ngiti at idinaos ang kanyang salamin sa kanyang ilong. “Hi Dok. Kamusta na siya? “ nag-aalala kong tanong sa kaniya. Dahil Pag-alis ko kinaumagahan, wala pa rin siyang malay. “Okay na siya kayaa nung mga nakaraan. Nagising siya ng ilang minuto, pero sobrang disoriented siya at hindi masyadong nagsasalita.” Sagot ni Dr
Pagkababa ko ng tawag, napasandal ako sa dingding. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin—mukhang pagod at gulo-gulo ang buhok. Pero hindi pa ito tapos. Kailangan kong bumalik sa kwarto niya. Kailangan kong siguraduhin na magiging maayos siya. “sige lang magpahinga ka muna” . Binasa ko ang kanyang mga labi at hinawakan ang kanyang maliit na kamay, sinusubukan kong painitin ito ng kaunti. Hindi ko masyadong iniisip si Marneth dahil hindi naman kami nagsasama pa ng hindi pa naikakasal. Wala naman talaga kaming nararamdaman para sa isa’t isa. Hindi ko talaga mahal si Marneth. Wala kaming kaano anong interes. Wala kaming oras palagi sa isa’t isa. Hind kami madalas na nag uusap. Not unless importante talaga. Nakakasama ko lang siya sa iba’t ibang elite party na ina-attendan ko at paminsan minsang kasama ko siyang kumain sa labas. Kahit na ilang taon ko na siyang fiance ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kaniya. Kaya wala akong pakielam sa mga
HARLEY SOBEL Nagulat si Dr. Arnulfo na pagpasok niya ay nasa loob pa rin ako ng silid na iyon. Matagal ko ng kakilala si Dr. Arnulfo at kaibigan, mapapagkatiwalaan siya ng buong pamilya namin "Bakit nandito ka pa rin, sa ganitong oras. Stable na ang kundisyon niya Mr. Sobel, wala ka ng dapat pang alalahanin?" Inangat ko ang tingin ko mula sa natutulog na babae. Ang pagod sa boses ni Dr. Arnulfo ay may halong pagtataka, ngunit ang tono niya ay nanatiling kalmado at propesyonal. "Oo, sinabi mo. Pero hindi ko kayang umalis nang hindi ko nalalaman... bakit niya binanggit ang pangalan ni Jake. ALam kong hindi ito consequence lang" Bahagyang kumunot ang noo ni Dr. Arnulfo, lumapit siya at naupo sa upuang nasa harapan ko. Dinala niya ang clipboard mula sa kanyang braso at tiningnan ito nang saglit bago muling ibinaba. "Sinabi mo sa akin kanina ang tungkol sa pangalan na sinasabi ng babaeng ito. Kung ikaw ang tatanungin ko, sa tingin mo ba talag
Ramdam ko ang kaba sa boses ni Mommy. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon ko ngayon. Masyado pang sariwa ang lahat—masyadong magulo. “Ayos lang ako, My. May inaasikaso lang ako dito sa ospital,” sagot ko, pilit pinapakalma ang tono ko para hindi siya lalo pang mag-alala. “Ospital? Bakit? Ano’ng nangyari?!” Napakagat ako sa labi. Maling choice of words. “Ah, hindi ako. May tinutulungan lang akong kaibigan. Huwag kang mag-alala, okay lang ako.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. “Sigurado ka, anak? Kung may problema ka, sabihin mo lang, ha? Dadating kami diyan kung kailangan mo ng tulong.” “Promise, My. Ayos lang ako.” Saglit siyang tumahimik. Parang pinakikiramdaman niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. “Okay. Basta mag-iingat ka, Harley. At sana naman umuwi ka na soon. Miss na kita, anak.” “Miss ko rin kayo, my” Pagkababa ko ng tawag, napasandal ako sa dingding. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin—mukhang pagod at gulo-gulo an
HARLEY SOBEL Nagulat si Dr. Arnulfo na pagpasok niya ay nasa loob pa rin ako ng silid na iyon. Matagal ko ng kakilala si Dr. Arnulfo at kaibigan, mapapagkatiwalaan siya ng buong pamilya namin "Bakit nandito ka pa rin, sa ganitong oras. Stable na ang kundisyon niya Mr. Sobel, wala ka ng dapat pang alalahanin?" Inangat ko ang tingin ko mula sa natutulog na babae. Ang pagod sa boses ni Dr. Arnulfo ay may halong pagtataka, ngunit ang tono niya ay nanatiling kalmado at propesyonal. "Oo, sinabi mo. Pero hindi ko kayang umalis nang hindi ko nalalaman... bakit niya binanggit ang pangalan ni Jake. ALam kong hindi ito consequence lang" Bahagyang kumunot ang noo ni Dr. Arnulfo, lumapit siya at naupo sa upuang nasa harapan ko. Dinala niya ang clipboard mula sa kanyang braso at tiningnan ito nang saglit bago muling ibinaba. "Sinabi mo sa akin kanina ang tungkol sa pangalan na sinasabi ng babaeng ito. Kung ikaw ang tatanungin ko, sa tingin mo ba talagang may kinalaman ang pangalan iyon sa ngya
JAKE ROBERT POVPalinga linga akong umalis sa lugar kung san ko pinatumba si Lilly. Pagpasok ko sa bahay, malakas kong isinara ang pinto. Hinubad ko ang jacket, isinabit sa upuan, at dumiretso sa itaas. Sa loob ng banyo, hinubad ko ang aking mga damit. Habang bumabagsak ang mainit na tubig sa aking katawan, nakaramdam ako ng ginhawa. Hinayaan kong pawiin nito ang mga pangyayari kanina.“Sayang ka Lilly… ang sarap mo pa naman. Pwede ka sanang maging parausan ko pedo pumasok ka kasi sa kwartong hindi mo naman dapat pinasukan. Hah! … “ sabi ko sa sarili ko habang patuloy ang pag agos ng tubig. Marami na kaming itinaya ni Marneth para lang sirain ng isang taga linig sa hotel. Kapag nalaman ni boss ang pagkalantari ko kay Marneth siguradong hindi na kami aabutan ng kinabukasan. Walang gustong kumalaban kay Harley Sobel. Maliban na lang kung gusto mong mapaaga ang yong kamatayan.Sa loob ng tatlong taon, itinago namin ni Marineth ang aming relasyon, ang aming nararamdaman, at ang aming mga
Patuloy niya akong sinunsundan. Kung papatayin niya ako, wala nang magiging saksi sa gagawin niya dahil pumasok na ako sa pinaka liblib na eskenita sa sobrang takot. “ahhhmmm. Masyado ka kasing pakiealera. Simpleng trabaho hindi mo magawa?!" sabi niya niya, ang tono ni Mr. Jake ay puno ng pagbabanta. "hindi naman kasi dapat aabot pa sa ganito ang lahat Lilly kung hindi mo kami nakita ni Marneth. Dapat hindi ko na to sinasabi sayo ee. Pasensya ka na, ganyan talaga ang buhay, Lilly. Minsan napapadpad tayo sa maling lugar, sa maling oras at nagiging palaisipan ang ating kapalaran. Nataon lang na humarang ka sa daang tinatahak namin ni Marneth, katapusan mo na ngayong gabi!.” Natigilan ako sa mga sinabi niya. Parang laro lang sa kaniya ang gagawin niyang pagkitil sa buhay ko. Sa pagka confident niya sa kaniyang mga pagbabanta sa akin at sa mga kilos niya ay masasabi kong sanay na sanay siyang kumitil ng buhay ng mga tao. Maaaninag sa kaniyang mga mata ang isang taong walang konsensya.
Maghapon kong sinubukang tawagan si Alex, pero laging busy ang kaniyang line. Siguro kausap na naman niya ang kaniyang boyfriend."pakshit, ano bang ngyayari sakin. " sigaw ko sa sarili ko. Ang hirap maghanap bastahan ng trabaho sa ganitong sitwasyon. Biglaan na lang akong nawalan ng pagkakabuhayan, mabuti kung hihinto ang mga bayarin ee hindi naman. "girl pasensya na kanina ang dami mo palang mis calls" pang bungad niya sa akin."oo girl nagtataka kasi ako. Hindi ka naman kasi nagme-message kaya ayun. Kaya tinawagan na kita, ah girl pwede ka bang pumunta dito sa apartment?" tanong ko sa kaniya"ay pasensya na girl sobrang busy talaga. ""ganun ba? itatanong ko lang pala. Diba si Mr. Roberts ang General Manager natin? tingin mo girl kaya niyang sagutin kung tatanungin ko siya kung bakit ako biglaang tinaggal?" tanong ko sa kaniya na puno ng kuryosidad."Lilly pasensya na, lpinag overtime ako, sige na next time na lang" pagmamadali niyang sabi. Napataas ang kilay ko dahil lahat ng i m
Naabutan ako ni Alex pagtapos ng shift ko, nang magpapalit na ako sa locker room. Galit na galit pa rin siya sakin dahil sa naging kapalpakan ko kanina. “Ano ba naman yan Lilly. Please lang ayusin mo naman. Ako malilintikan kay bulaklak buti na lang mabait ang guest mo.” Iritable niyang sabi sa akin. “Diyos ko naman Alex! Para kang namatayan ng buong pamilya. Humingi na ako ng pasensiya sa lalaki at tapos na iyon, di ba? Hindi naman siya nagsumbong kay bulaklak kaya okay na yun. Pero don’t worry hindi na mauulit.” Sabi ko sa kaniya ng may “Pasensya na sobrang pagod ko lang din talaga siguro ngayong araw.” Sabi niya sa akin. “Magpahinga ka at mag-recharge! Plano ko ring gawin iyan. Siguro mag re request muna ako ng day off.” Sabi ko sa kaniya “ oo nga pala sabi ni bulaklak mag off ka daw bukas .” Napanganga ako, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ako mag da- day off? During the weekends? Anong himala ang nangyayari? Nilalagnat ba ang bruha?! Tanong ko sa sarili ko. “Joke ba ya