Millow's POV
Hindi na kami magkandaugaga nang dumami pa lalo ang mga tao. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng Lake na 'yon pero nang tawagin lahat ng mga bisita sa napakalaking bulwagan ng bahay, natutok ang mata ko kay Lake.
"Everyone, listen." Nakatingin ang matandang Monteverde sa mga trabahante sabay ngiti. "Salamat. Kung 'di dahil sa inyo, this won't be a success and of course," napatingin naman ang matandang lalake sa dalawang taong nakatayo sa gilid nito."My son, Leighton, was supposed to be in seminary before meeting you, Selene, but you changed his mind. We are grateful to have you as a new member of our family and you son." Napatikhim pa ang matanda nang nakangiti nitong titigan ang anak na si Leighton, ito ang panganay. "You make me very happy to think about seeing you with my grandchildren someday. I didn't ask for this, yet I'm excited. No offense to God; perhaps this is His will."
Siya iyon! Si Selene, ang kahalikan ni Lake sa kubo. Pero bakit ito hawak sa kamay ni Leighton? Binulungan lang ako ng isa sa mga katulong na ito raw ay kapatid ni Lake. Gwapo rin ito pero iba ang karisma ni Lake. Hindi sila magkamukha dahil may pagkatsinito si Leighton samantalang parang Hispanic naman si Lake. Nakilala ko pa ang ibang mga Monteverde sa pamamagitan ng pagturo ni Aling Zenya kanina.
"Today's engagement party for my son Leighton and my future daughter-in-law Selene is a dream come true as a dad." Dugtong ng matanda.
Naghiyawan ang mga bisita kasabay ng palakpakan nang gawaran ni Leighton ng halik sa labi si Selene. Naguluhan ako bigla pero muling nanumbalik ang takot ko nang mapatingin ako sa gawi ni Lake. Nakatitig pala ito sa'kin. Mestizo ang lalaki at rugged look dahil sa buhok nitong mahaba na abot hanggang balikat nito. Napakatangos din ng ilong nito na akala mo'y foreigner. Nailang ako nang ngisihan niya 'ko lalo pa't lumabas ang pantay-pantay nitong ngipin.
"Millow," mahinang bulong sa'kin ni Aling Zenya. "Tara na't mag-serve sa mga bisita."
Something is fishy talaga. Parang unti-unti ko nang nage-gets kung bakit nagagalit sa'kin si Lake. Si Selene—ikakasal sa kapatid nito. Hindi naman ako tanga at manhid ano! May ginagawa si Lake na ikakasakit ng loob ng kapatid nito.
"Hay, salamat." Tanging nasambit ni Aling Zenya matapos ang dinner ng mga bisita. Hindi na rin maingay kagaya kanina dahil nagsipuntahan na ang ilang bisita sa resort ng mga Monteverde na nasa kabilang area lamang katabi ng mansyon. "Ibabalot kita ng pagkain, Millow, para may maiuwi ka sa pamilya mo."
"O-oho." Tanging nasabi ko nang may pagmamadali kong sininop ang pinagkainan ng mga bisita.
Ayon kay Aling Zenya, ang ibang katulong na ang bahalang maghugas ng mga ito. Late na raw kasi kaya kailangan ko nang umuwi. Apat na oras lang ang inilagi ko sa tahanan ng mga Monteverde. Sa napag-usapan namin kanina ng mayordoma, apat na oras lang at tatlong beses sa isang linggo lang ako magre-report para mas maka-focus nga ako sa pag-aaral. Di hamak na mas malaki ang 8 thousand na sasahurin ko kumpara sa mga nagtatrabaho sa bayan ng full time. Hindi na masama.
"Mauna ka na, Millow. May mga poste ng ilaw naman sa daan at siguradong ligtas kang makakauwi." Nakangiting saad ni Aling Zenya nang ihatid ako sa malaking gate. "Oh," sabay abot nito ng isang malaking plastic sa'kin na naglalaman ng mga pagkain. "May pasok ka pa bukas kaya kailangan mong magising nang maaga."
Lagpas alas-onse na ng gabi nang tingnan ko ang malaking wall clock sa bahay ng mga Monteverde kanina. Totoo naman ang sinasabi ni Aling Zenya dahil wala pang nababalitang krimen dito sa lugar namin. Tsaka isa pa, sanay na sanay ako sa labas kasama ang kaibigan ko. Mahilig kaming tumambay sa tabing dagat, pampalipas oras kapag nabo-bored sa bahay namin na 'di naman kalayuan sa dalampasigan.
Pasipol-sipol pa'ko habang binabaybay ang sementadong daan papunta sa'min pero impit akong napatili nang may humila sa'kin bigla sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Nabitawan ko pa ang plastic na agad tumilapon sa gilid ng daan.
"Sssh." Agad na anas ng lalake sabay bitaw sa'kin. "It's me, Millow."
Pero sa plastic natuon ang pansin ko nang lumitaw sa harapan ko ang lalake. Nanlaki ang mga mata ko nang maapakan nito ang plastic at pumulandit ang sarsa ng ulam sa paa nito.
"Fuck! What is this?"
Agad lumipad ang tingin ko sa mukha niya—si Lake. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito rito? Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko nang makaramdam ako ng panghihinayang sa ulam.
"You know why I'm here," agad na bwelta ng lalake na ikinaurong ko. "I saw how you reacted nang malaman mong fiancee ng kapatid ko ang kalaguyo ko." Lalo lang pumulandit ang sabaw mula sa plastic nang ang isang paa naman nito ang umapak sa plastic. "God, what is this, Millow?" pigil ang galit nito nang titigan ang plastic.
"Pagkain p-po 'yan, sir." Pigil din ang inis ko nang talikuran ko na lang siya bigla.
Agad na humabol ang lalake. " Hey!"
Napahinto na naman ako nang maramdaman ang kamay niya sa isang braso ko.
"You have no manners, lady." Singhal ni Lake na ikinataas ng mukha ko para salubungin ang galit niyang tingin. "Kung kinakausap pa kita, 'wag mo'kong tatalikuran!"
Hindi ako umimik. Ba't ba ito sumunod? Kailangan ko nang umuwi dahil ala-singko pa lang ng madaling araw, umaalis na'ko para makisabay sa ilang estudyanteng nag-aaral din sa bayan. May kalayuan kasi ang school namin. Halos 20 minuto lang naman ang tatakbuhin ng tricycle pero kung maglalakad kami, aabutin kami ng lagpas isang oras.
Napabuntonghininga ako bigla, "Kailangan ko na pong makauwi, sir."
"Kailangan nating mag-usap!" Maawtoridad na bigkas nito kasabay ng paghila nito sa'kin sa madilim na bahagi ng daan. "Millow," panimula nito. "Alam kong alam mo na may relasyon kami ni Selene, ang mapapangasawa ni Kuya Leighton."
Iyon nga ang hula ko kanina.
"Look, nire-remind lang kita na 'wag mong sasabihin sa kahit sino ang nalalaman mo."
Eh, 'yon naman talaga ang mangyayari kung ayaw naming mapalayas ng lalaking ito sa lupa niya—hiyaw ng utak ko.
"How can I trust you, Millow?" seryoso niyang tanong nang isandig ako nito sa isang puno bago nito hinawi ang mahaba kong buhok na tumabon sa mukha ko. "How sure are you na hindi kakalat sa probinsyang ito ang sekreto ko?"
Bakit na lang naging mabilis ang pintig ng puso ko? Nakatitig na kasi si Lake sa'kin at do'n na lang natutok ang mata ko sa poging mukha niya. Ano bang nangyayari sa'kin? Mas malantik pa nga ang eyelashes nito kumpara sa'kin at Diyos ko, ang labi niya. Parang hindi ako makatagal dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
"Millow?" untag nito na walang kangiti-ngiti.
"Promise, Sir Lake, w-walang kakalat na kwento rito b-basta mag-ingat ka lang." Bakit ba kasi nito pinatulan ang nobya ng kapatid nito? "K-kaya lang," hindi ko napigil ang sarili ko. "Naaawa ako kay Sir Leighton kasi pareho niyo siyang n-niloloko."
Natawa ang lalake na ikinataas ng mukha ko. Napailing ito sabay hawak sa baba ko.
"Nothing is special with Selene, Millow, siya itong may gusto hindi ako. Leighton knows what he wants—not that woman. Sasamahan kita hanggang sa inyo para naman malaman ko kung sa'n ka nakatira para in case na hindi ka tumupad sa pangako mo, alam ko kung sa'n ka matatagpuan."
Nakaakbay pa talaga ang lalake sa'kin habang naglalakad kami. Naging napakabigat ng paghakbang ko dahil naaasiwa ako sa sobrang pagkakalapit namin. Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko ma-explain!
"Sir, umuwi k-ka na." Utos ko sa kanya nang tumigil ako sa isang half-cement half-plywood na bahay matapos naming pasukin ang masukal na daan na hindi na rin sementado.
"Your house?" Tanong nito sabay cross ng kamay sa dibdib nito.
"Opo," kinakabahan kong sagot. "Don't worry, sir, makakaasa ka sa napag-usapan natin." Mahina kong saad sa kanya dahil baka natutulog na sila Tatay.
"I'm waiting," iritadong sagot nito nang inguso ang pinto namin.
Papasok pa ba ito sa bahay namin? Ano bang sadya nito sa pamilya ko? Kinakabahan talaga ako nang simulang katukin ang pinto kasabay ng pagtawag ko kay nanay.
"Anak, ikaw ba 'yan?" mabilis namang sigaw ni Nanay nang maulinagan ang pagkatok ko.
"Opo, Nay."
Ba't ba ayaw pa umalis ng Lake na ito? Gabing-gabi na ah.
"Anak, buti nakauwi ka na," masayang bungad ng nanay ko nang mapagbuksan ako. "Oh, ano, may pagkain ka bang dala? Sabi ni Zenya mag-uuwi ka raw ng pagkain, 'nak. Di pa kami kumakain ng tatay mo." Sinundan ito ng paghilab ng tiyan ng nanay ko kaya hiyang-hiya ako.
Hindi ko halos malingon ang lalake sa likuran ko dahil sa sinabi ng nanay. Bumalik tuloy ang inis ko sa lalake dahil malaking bagay na sana ang pagkain na 'yon sa pamilya ko.
"Hoy, Millow!" untag ng aking ina. "Para kang natuod diyan. Si Tatay mo ando'n na sa kusina sinabihan kong ayusin na sa mesa ang mga pinggan para mapagsaluhan natin 'yang dala mo na pagkain galing sa mansyon ng Monteverde."
Pinanlakihan ko ng mata si Nanay, "Nahulog ko, Nay, marumi na 'yon."
"Ay, ano ka ba? Balikan natin, baka pwede pa 'yon." Sagot ng babae.
Napatikhim ako nang malakas sabay pigil kay Nanay nang akmang lalabas ito ng pinto, "Si Sir Lake ho ang nakaapak kaya marumi na 'yon, Nay. Kasama ko siya." Malabo kasi ang mata ni Nanay dahil sa katarata nito kaya kahit ano'ng laki ni Lake, hindi ito napansin ng matanda dahil madilim sa labas na 'di na naaabot ng ilaw mula sa poste.
Dito na'ko lumingon sa likuran ko at sinalubong ako ng matalim na titig ni Lake. Ang sarap lang tusukin ng mata nito. Nakakahiya na mismong sa harap nito narinig ang pagiging kapuspalad namin. Sarap na sana ng pagkain namin eh, naunsyami pa dahil sa kanya.
"Tsk. Ganito ba kahirap ang buhay niyo, Millow, na kahit ang marumi na'y kaya pang kainin ng pamilya mo?" Nangalit ang bagang ng lalake nang pumasok ito bigla sa bahay namin kasabay ng pandidilat ng mga mata ng nanay ko nang makilala nito ang kaharap. "Lahat kayong nandito sa lupa ng ama ko ay puro mga isang kahig, isang tuka!"
Millow's POV "Millow..." Napatingin ako kay Aling Zenya nang inguso nito ang kinaroroonan ng mga bisita. Halos isang buwan na'kong naninilbihan sa pamilyang ito kaya nakaka-adjust na'ko kahit papa'no maliban na lang sa pag-uugali ng isa kong amo—kay Lake. Hindi na naulit ang pagbisita nito sa bahay namin pero parang sirang plaka ito sa paulit-ulit nitong pananakot sa'kin. Wag ko raw isumbong kay Sir Lambert ang sekreto niya. "Mag-serve ka na sa mga bisita, ano ka ba. Tulala ka na naman diyan." May kasama na itong siko mula sa matanda. "Puntahan mo rin si Sir Lake sa unit na inokupa niya pagkatapos ng paghatid mo ng pagkain sa mesa." "B-bakit daw po?" Pero nakatalikod na ang matanda nang lingunin ko. "Kainis ah," naibulong ko na lang. "Bakit ba palagi na lang kami may session ng Lake na 'yon?" Ano na naman kaya ang kasalanan ko at pinapatawag ako ng lalaking iyon? Nasa resort kami ng mga Monteverde at ngayong araw nga, espesyal ito para sa lahat dahil nagsidatingan na ang dadalo sa
Millow's POV"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako."See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae."Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin
Lake's POV"What a mess," gigil kong anas.Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene..."Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko.
Lake's POV "What the—" pigil ko ang pagmura. Nagulat din ang babae nang pumasok ako bigla, "Sir, hindi pa ho bumubula masyado—" Napasukan ko siyang nilalaro ang tubig habang hawak nito ang isang sabon para pabulain. Agad kong nilubog ang kamay ko para i-check ang tubig. Napakalamig! "Wala ka talagang utak!" singhal ko. "I said the bubble soap powder not that one. Ibubuhos mo lang diyan sa tubig." Hindi automatic ang tubig kaya kailangang timplahin ng babae ang init nito. Inis kong hinagis ang hawak kong roba palabas ng pinto at agad akong humarap sa kanya. "Watch me and learn, Millow." Napamulagat ang babae nang mapatitig ito sa nakitang parte ng katawan ko na humampas pa sa pisngi nito nang tingalain ako. The hell I care! Wala na'kong pakialam kung makita nito ang kahubaran ko. Bigla itong napatayo at ako naman, agad kong pinatay ang gripo para i-drain ang kalahati ng tubig sa bathtub. "Make sure na bubuksan mo itong hot water kasabay ng cold water." Dinemo ko ito sa kanya para
Millow's POVNapabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang hanapin ko ang wall clock—alas onse na ng umaga. Nataranta agad ako kaya mabilis ang ginawa kong pagbangon kahit nahilo ako sa ginawa kong iyon. Hindi pa yata naka-circulate nang maayos ang dugo ko. Si Lake—siguradong magagalit si Lake!"Buti naman at gising ka na." Komento ni Aling Zenya na nagtataka pa nang abutan ko siya sa dining area. "Bilin ni Sir Lake na 'wag ka raw gisingin dahil puyat ka. Nasa bukid sila ngayon at baka nga hindi na makauwi 'yon dahil may itinayong resthouse ro'n. Marami silang gagawin."Magkatulong kami ng babae sa paglagay ng mga pagkain sa hapagkainan na tanging si Selene lang ang kumakain. Nakaalis na raw ang magkakapatid na Monteverde kasama ang ama ng mga ito. Pasimple akong napatingin kay Selene na tahimik lang pero napakislot ako dahil nakatitig pala sa'kin ang bruha. Naniningkit ang mga mata ng babae na puno na naman ng eyeliner ang eyelid. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, baka bu
Millow's POV"Mag-ingat ka sa mansyon, ha? May isa akong kaibigan sa Manila, heto oh." May papel na inabot sa'kin si Aling Zenya kung sa'n nakasulat ang address nito pati na ang numero ng cellphone. Lalo akong kinabahan dahil parang alam ko na ang susunod na sasabihin nito. "Wala na'kong bahay, Millow, kaya sa inyo muna ako makikitulog ng ilang gabi. Pinapaalis na rin ako dahil hindi naman atin 'tong lupa. Ibibigay ko lang 'to para may magamit ka. Nakabili na'ko ng bagong cellphone." Isang lumang cellphone ang binigay ng babae na ikinapagtaka ko. "Pinaglumaan ko na 'yan pero sa'yo na lang dahil kakailanganin mo 'yan sa tamang oras tsaka sim card na lang ang bibilhin mo sa bayan para gumana 'yan. Alam na rin ng tatay mo ito pero ayaw pa niyang umuwi. Nag-iinuman sila ni Pedring sa kabila, pampatanggal daw ng sama ng loob."Malungkot namang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko si Nanay nang mamataan ko. Umiiyak din ito nang tahimik kaya bumulanghit na'ko ng iyak.Ang sama mo naman, Lake!Ak
Lake's POV "Sir," untag ng tauhan ko nang bumalik ito sa gawi ko. Nasa loob lamang ako ng owner type jeep ko habang pinagmamasdan sila. "Ayaw pong pumayag no'ng matanda, nagwawala ho."Uminit ang ulo ko sa sinabi niya, "Tinatanong pa ba 'yan?" pagalit kong balik-tanong. "Denver, sirain niyo ang bahay na 'yan kahit magwala pa ang may-ari dahil may papeles akong hawak kung hanggang kelan na lang sila. Nagbigay na'ko ng ultimatum pero nagbingi-bingihan lang ang mga illegal settler dito. Wala tayong lalabagin na batas sa ginagawa natin." "Yes, sir." Tugon nito. Hindi ko alam kung ilang bahay na ang sinira ng mga tao ko pero sa palagay ko nama'y kakaunti na lang ang mga natira. It's so satisfying. Sa wakas, napalayas ko na ang mga nang-aangkin ng lupa ko. Pero isang matanda ang namataan kong umiiyak habang naglalakad palapit sa'kin. Napailing ako. Ayokong ma-delay ang projects na gagawin ko sa lugar na ito. Ito na ang last day ng lahat kaya hindi p'wedeng hindi umalis ang mga ito."K-ka
Lake's POV "Huwag kayong magmakaawa. Jesus!" Kanina pa ito nag-iiyak nang ipatawag ko para kausapin ang pamilya niya. "Look, kid, sa ayaw at sa gusto niyo, ipapagiba ko 'tong bahay niyo. Anytime soon—magsisimula na ang project ko sa lupang ito." Nakayakap ang dalaga sa katawan ko pero nainis lang ako. Pwersahan kong tinanggal ang mga braso niya at tiningnan siya nang masama. Napailing ako dahil nakaluhod na ang mga magulang nito sa harap ko habang sinisimulan nang gibain ang bahay nila. Naalibadbaran ako tuwing sinusulyapan ang mga magulang nitong nakaluhod. Umiiyak ang babae samantalang nakapikit lang ang tatay ni Millow pero magkasiklop ang dalawang kamay nito bilang pagmamakaawa. Pigil na pigil nito ang sariling 'wag mapaiyak sa harapan ko pero sa mata niyang namamasa, napapailing na lang ako. Kung akala ng pamilyang ito na makukuha ako sa kadramahan, nagkakamali sila. "Akin ang lupang ito, Millow. Nandito ka para ipaliwanag sa pamilya mo na kailangan na nilang umalis. Wag niyo '
Millow's POV Ilang buwan na ba 'ko rito? Hindi ko alam... Parang taon na ang binuno ko sa lugar na 'to kasama ang asawang kinamumuhian ko at gusto ko pang hiwalayan ang lalaki pero iba na ang nakikita ko sa kanya. Lagi itong concern lalo na ngayon. "God, Millow! Hindi ka marunong lumangoy pero ba't ka tumalon sa dagat? Damn it!" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito matapos bumalik ang malay ko. "I told you, hindi ka makakaalis sa lugar na ito kung walang chopper! Papunta na ang doktor." Kay bigat ng pakiramdam ko nang titigan ko si Lake. Binalak ko kasing tumakas pero nang mawalan ako ng pag-asa dahil hindi ako makaalis, tumalon na lang ako sa dagat. Tuliro na'ko at pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi karapat-dapat si Lake. Todo asikaso kasi lagi ang lalaki sa'kin at asawang-asawa ang pakiramdam ko dahil napakalambing nito. Ito ang hindi ko matanggap sa bigla niyang pagbabago. Iniisip kong may binabalak na naman siyang masama kaya sinadya kong magpakalunod. "Don't you
Millow's POVLumipas ang isang linggo na lagi kong inaaway si Lake pero labis ang pagtataka ko dahil napakamahinahon nito kapag kaharap ako. Lagi itong nagpapasensiya kapag tinatarayan ko siya."Asawa pa rin kita." Pahabol nitong salita nang talikuran ko siya. Panay ang iwas ko sa lalaki pero lagi naman kaming nagkikita dahil wala na'kong mapuntahan. Napakaliit nitong isla na pinagdalhan niya sa'kin. "Babalik ka rin sa'kin, Millow." Paninigurong sigaw nito nang inis akong lumabas para bumaba. Nasa taas kasi ang bahay kaya kung pupunta ako sa baba para tanawin ang dagat, pwede pa'kong makatampisaw sa tubig pero ang napansin ko, malalim ang area ng dagat kung sa'n kami. Hindi ako marunong lumangoy kaya ilang araw na'kong umiiyak. Sa ngayon, natanggap ko nang nandiyan lang si Lake at siguradong masisira lang ang araw ko. Lagi nga akong naglo-lock ng pinto tuwing matutulog ako. Dalawang kwarto lang ang meron sa bahay habang sa kabila naman natutulog ang lalaki."Millow..."Napalingon ak
Millow's POVSa ilang buwan kong pag-attend sa mga work shops, napabili ako ng isang maliit na abandoned building. Dalawang palapag lamang ito at 'di naman kalawakan ang area pero nang matapos ang renovation, napa-wow ako. Napakaganda nito para sa'kin. Magsisimula nang tumanggap ng guest ang hostel na ito sa abot kayang halaga lamang. Ilang milyon din ang nawala sa'kin pero ito ang gusto ko. Matapos ko ring makabili ng 500 square meter na lupa, pinatayuan ko naman ng apartment na may walong pintuan. "Alam kong kakayanin mo, Millow." Tuwang pahayag ng abogado na dumalo sa imbitasyon ko pero malungkot ako dahil hindi nakarating ang inaasahan ko, si Daddy Lambert. "Anyways, naibigay ko na sa'yo ang contact ng ilang tao na pwedeng makatulong sa'yo para mai-promote ang hostel mo."Sa ground floor ginanap ang party na dinaluhan ng mga bago kong kaibigan kasama na ang pamilya ko. Mga businesswoman din sila kagaya ko pero ang kaibahan ko lang sa kanila, college undergrad ako kaya pursigido
Millow's POV"Congratulations!" Hindi ko napigil ang pagngiti dahil—panalo ako! Panalo ako sa kaso ko laban kay Lake na maangkin ang kalahati ng yaman nito. Napatingala ako sa kisame habang magkasiklop ang mga kamay ko."Thank you, Lord." Bumalik ang tingin ko sa abogado nang pahirin ko ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala! Mayaman na'ko. "Maraming-maraming salamat din, Attorney. Sa lahat ng naitulong mo lalo na kay Daddy Lambert.""Siguradong masaya ang matanda pero—dumadaan siya ngayon sa matinding pagsubok." May lungkot sa boses ng abogado nang ibalita ito. "Ilang linggo na siya sa ospital."At kahit gustuhin ko mang puntahan ito, limited lamang ang taong pwedeng makapasok. Gusto ko sanang pasalamatan ang matanda dahil ito ang naging susi para makuha ko ang nararapat para sa'kin. Ito rin ang parusa ko kay Lake kaya nilaban ko ang lahat. Sa rami ng naranasan kong pasakit sa asawa kong iyon, ito ang ganti ko sa kanya. Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin na
Lakes's POVNapabuga ako ng hangin nang bigla ko siyang hawakan. Ang babaeng ito ang magpapabagsak sa'kin kaya hindi ako papayag na maungusan niya 'ko. What a fucking gold digger! Kailangan kong paamuin ang isang 'to para hindi siya magtagumpay sa pagkamkam ng yaman ko. "Ibibigay ko ang nais mo, my dear wife at kahit ang annulment or divorce, pipirma ako in just one condition, pumirma ka sa papel na'to para matapos na tayo."Nanlaki ang mata ni Millow nang makita nito ang dokumento na inabot ko, "Ano yan?" kabadong tanong nito. "Pwede bang tawagan ko si Attorney para mapa-check 'yan?"Pigil ko ang nang-uuyam kong ngiti nang paningkitan ko siya ng mga mata. Akala ko walang binatbat ang babaeng 'to pero mukhang natututo na ito. "Hindi na natin kailangang magkorte dahil ako na ang kusang magbibigay ng pera sa'yo." Isang mungkahi ito para wala nang hearing sa pagitan namin about sa hatian na ipinamana sa'kin. Sa ganitong paraan, hindi mapapasakamay ng babae ang kalahati ng yaman ko. Ni
Millow's POVNapuno ako ng takot habang sakay ng sasakyan na maghahatid sa'kin sa mansyon. Oo. Nandito na ulit ako sa lugar kung sa'n ako ipinanganak para muling makita ang asawa kong si Lake. Nilakasan ko ang loob ko para may mukha akong ihaharap sa kanya. Hindi ako dapat matakot!"Nandito na tayo, Millow," untag ng abogadong kasama ko, ito ang kasama kong haharap kay Lake para mapag-usapan ang divorce namin sa tulong na rin ni Daddy Lambert. Napatango ako, "Attorney...""May laban ka, Millow, kaya 'wag kang matakot. May mga pulis na rin akong tinawagan sakali mang hindi tayo harapin ni Lake." Pinalakas lalo ng abogado ang loob ko sa sinabi niya. "Let's go, iha. Bumaba ka na."Naiiyak ako nang makababa na. Nanariwa ang alaalang pinagsaluhan namin ni Lake sa mansyong ito pero lamang ang mga pasakit na binigay niya sa'kin. Hindi na sumama ang mga magulang ko dahil ayoko na ng gulo. Naitawag na rin naman ni Daddy Lambert kay Lake ang lahat kaya alam kong handa na rin si Lake na harapin
Millow's POV"Ano?" hindi makapaniwalang saad ng matanda. "Why naman, iha? Bakit walang nababanggit sa'kin si Lake nang maglagi siya rito?"Hindi ako naglihim nang sabihin ang lahat ng mga kalokohan ni Lake kaya nag-iba bigla ang anyo ng matanda. Ikinabahala ko ito. "Daddy Lambert, kalma lang po." Nasa dining area pa rin ang mga magulang ko pero ayoko silang istorbohin. Minsan lang sila makakain ng masarap, ba't ko pa ipagkakait?"Kalmado ako, Millow. Ang batang 'yon!" frustrated na dagdag nito. "Anyway, tuturuan natin ng leksyon ang lalaking iyon. Kung 'yan ang gusto mo, gagastusan ko ang divorce niyo dahil kapag hindi ka niya pinakawalan, babawiin ko ang lahat ng namana niya sa'kin."Kaybilis ng pintig ng puso ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Talagang hindi sasantuhin ng matandang Monteverde ang kagaguhan na ginawa ng asawa ko. Sinabi ko lang na dalawa ang ibinabahay ng asawa ko pero hindi ako nagbanggit kung sinong mga babae. Naiiyak ako nang hawakan ko sa kamay ang lalaki. Det
Millow's POVIyak ako nang iyak nang nasa bahay na. Galit din si Kuya nang malaman ang lahat pero nang balikan nito ang pinangyarihan ng snatching, wala rin itong nahita. Reaksyon ni Tatay, "Dapat hindi mo nilabas, anak, alam mo namang maraming nakawan sa lugar na ito."Wala pa naman akong kakayahan na bumili pa ng cellphone tapos nanakawin lang din? Mabuti na lang naisulat ko sa isang maliit na notebook ang mga numero sa cellphone ko pero dismayado pa rin ako. Ba't kasi hindi ako nag-iingat?Sumingit sa usapan ang kapatid ko, para itong maiiyak, "Problema pa kung sa'n tayo titira, Nay, Tay. Kanina ko nga lang din nalaman nang umuwi kami ng asawa ko. Ibinalita sa'kin ng isang kaibigan ko na taga-rito rin.""Bakit ba hindi matapos-tapos ang mga problema natin dito?" Namamasa na ang mga mata ni Tatay nang sumalampak ito ng upo. "Lahat ng tao rito, pinapaalis na ng may-ari dahil ito'y naibenta na raw sa iba. Dalawang araw lang ang ibinigay sa mga tao rito para makapag-empake ng gamit. S
Millow's POV Tuwang-tuwa ako dahil sa pangatlong apply ko sa isang 'di kalakihang karinderya na walking distance lang mula main road, natanggap ako. Nasa 500 kada araw ang sahod pero reliever lang muna ako kapag maraming tao o may magbabakasyon. "Ang swerte mo ah, Millow," tuwang saad ni Ate Luna nang ibalita ko ito sa kanya. "Pwede na 'yan dahil malapit lang. Ngayon, sa isang pampublikong paaralan naman tayo pumunta. Sana matanggap ka rin do'n para maderetso mo na 'yang kolehiyo mo." Sa isang public college lang ako mag-e-enroll pero may matatanggap akong scholarship na every school year ang bigayan ng 10 thousand pesos. Hindi na masama. Mas okay pa nga ito kumpara sa probinsya. Bago raw itong programa sa gobyerno para makatulong sa mga estudyanteng magkokolehiyo na. May benefits pa'kong makukuha kung i-a-apply ko rin ang pamilya ko sa isa pang programa na nagbibigay ng allowance sa mga maralitang pamilya pero kailangan ko pa itong i-confirm sa munisipyo. Magpapalista kami. "