Millow's POV
"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."
Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako.
"See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."
Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae.
"Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin si Lake."
Nanlaki ang mga mata ni Mae. "What!?"
Tinakpan ko agad ang bibig niya. Napalingon pa'ko sa paligid para masigurong walang tao. Nakahinga ako nang maluwag nang pakawalan ko si Mae dahil walang nagmamasid. Bantay-sarado ako ni Lake kaya kailangan kong dalhin sa isang ligtas na lugar si Mae para maisiwalat sa kanya ang lahat.
"Crush ko talaga—" Sabay buntonghininga. "Nang unang kita ko pa lang sa kanya, ang lakas na ng dating niya. Ngayon ko lang talaga na-realize na may g-gusto ako sa kanya." Sa kabila ng pagsusungit ng lalaking iyon, kay lakas pa rin ng epekto nito sa'kin. Unang lalaking nagpatibok sa puso ko.
Panay ang iling ni Mae habang nakatanaw ito sa dagat dapatwa't bumuhos na ang malakas na ulan, hindi namin ito inalintana. Sumilong lang kami sa isang puno para ipagpatuloy ang usapan.
"Naakainis din ang lalaking iyon, eh." Inis na umismid ang kaibigan ko nang mapatingin sa'kin. "Alam mo bang balak niya tayong paalisin lahat dito dahil pag-aari pala ni Sir Lambert ang mga lupa rito?" Lumalim ang paghinga ni Mae na sinabayan ng paniningkit ng mga mata nito. "Kahit ga'no pa kagwapo 'yang Lake na 'yan, wala siyang puso. Papa'no na tayo, Millow, kung mapalayas na tayo rito?"
Alam ko 'yon kaya nga ito lang ang naisip kong paraan. Mahigpit kong hinawakan ang isang kamay si Mae para isiwalat ang sekreto nina Lake at Selene pati na ang lahat ng plano ko para hindi na kami mapalayas sa lugar na ito.
"Basta mangako ka, Mae, walang makakaalam nito kundi tayo lang." Nang tumango ang kaibigan, napangiti at lumuwag kahit papa'no ang pakiramdam ko. "Kailangan ko ng tulong mo para mapagtagumpayan natin ang plano kong ito."
Puno ng kuryosidad ang mukha ng babae nang muling mapatitig sa'kin. Isang hingang malalim ang ginawa ko bago ko sinimulang ikwento ang unang engkwentro ko kay Lake.
Ganito 'yon: Nang malaman kong palalayasin na pala ang lahat ng tao sa lugar namin dahil gagamitin daw ito ng isang anak ni Sir Lambert Monteverde, naging stalker na'ko ni Lake dahil sa lalake pala ipapasa ng matanda ang kalupaan dito sa Batangas. Hindi ko kilala ang matanda pero kilala ito nina Tatay at Nanay. Umiyak pa nga ako nang malaman ko sa mga magulang ko na wala pala kaming titulo at tinayuan lang pala nila ng bahay namin ang lupa dahil nakatiwangwang ito. Nasa Manila na raw ang tunay na may-ari ng lupa kaya pansamantalang tumira ang magulang ko sa lugar na ito hanggang ipanganak na kaming magkakapatid. Nasa Manila naman ang panganay kong kapatid pero kapag tumatawag ito sa'min, siya pa nga ang nanghihingi ng pera minsan dahil hirap ito sa lungsod.
"Ano ba 'yan, deretsahin mo nga ako, Millow." Inis na untag ng kaibigan ko. "Lahat tayo'y hindi pag-aari ang lupang ito. Maswete ngang nakakuha ka ng scholarship sa bayan eh ako? Bagsak! Kaya heto, tumutulong na lang muna kay Nanay sa pag-aangkat ng mga isda."
"Ssh." Pigil ko sa kanya.
Ang pagpapatuloy ng kwento ko: Isang mangingisda ang nagturo sa'kin kung sino ang isa sa anak ng matandang Monteverde at iyon ay si Lander, ang pangalawang anak ng Monteverde. Nang makita ko siyang pababa ng isang malaking bangka, sinundan ko siya at kinausap kung palalayasin ba kaming lahat dito pero ang sagot niya, si Lake ang magmamay-ari ng lupa rito sa probinsya. Usap-usapan ang pagpapagawa ng malaking mansyon ng mga Monteverde at si Lander na isang architect ang laging bumibisita rito para i-manage ang pinapatayong bahay kasama rin ang resort na katabi lng ng magiging ancestral house ng mga ito para sa amang biyudo na. So heto na—dahil nga bata pa'ko hindi ko masyadong pinansin ang usap-usapan dito sa lugar namin hanggang nga marinig ko ang usapan nina Tatay at Nanay na baka sa Manila na lang kami lilipat kapag pinaalis na kami. Labis akong nalungkot at nakabuo ng plano na baka pwedeng pakiusapan si Lake Monteverde na gawin na lang hulugan ang pagbabayad ng mga lupa ritong natayuan na ng mga bahay.
"Ang plano ko, Mae, ay paibigin si Lake." Napailing ang kaibigan ko sabay simangot. "Alam kong galit ka kay Lake pero hindi mo naisip na kapag kami na—" Napatikhim ako sabay ngiti. "Posible niyang 'di na paalisin ang mga tao rito dahil ako na ang asawa niya."
Sumabay ang halakhak ni Mae sa ingay ng alon na humahampas na ng malakas sa dalampasigan. Mukhang sumasama na ang panahon. Basang-basa na kaming dalawa pero mukhang walang balak umuwi si Mae. May isang kubo akong tinuro sa kanya para do'n kami magpalipas ng oras. Sumalampak kami ng upo sa kawayang sahig kahit pa medyo umuuga na ang kubo dahil sa lakas ng hangin pero ito lang ang chance ko. Isiniwalat ko na kay Mae ang lahat pati na ang pagkakahuli ko kay Lake sa kubong iyon kasama si Selene na magiging asawa ng panganay nitong kapatid.
Buo ang loob ko nang sabihin ang mga katagang ito, "Kailangan kong akitin si Lake habang may panahon pa."
"Oh, tapos?" Walang bilib na tanong ni Mae matapos hubarin ang damit nito. Piniga ito ng kaibigan ko bago muling sinuot. "Magugustuhan ka kaya niya? "
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha na sinabayan ko ng isang matamis na ngiti, "Obvious ba? Hinalikan niya 'ko, noh." Nanginginig ang boses ko't katawan sanhi ng malamig na hanging pumapasok sa loob ng kubo.
Napaawang ang labi nito, "Oo nga, noh! May pag-asa ka pero kung may relasyon siya ro'n kay Selene, mahihirapan ka, Millow."
"Kaya nga sinasabi ko ang lahat ng ito para magtagumpay tayong dalawa. Kailangan kita, Mae."
"OK!" Napa-buntonghininga ito. "Tutulungan kita pero ang bata mo pa para mag-asawa. Pa'nong pag-aaral mo?"
Nagkibit-balikat lamang ako," Magagawa ko lahat iyon kahit may asawa na'ko. Magiging instant milyonaryo ako, Mae. Tutulungan ko kayong lahat kapag kasal na kami ni Lake."
Kay lakas ng loob kong sabihin iyon pero deep inside, kabado talaga ako pero ito lang ang solusyon na alam ko. Hindi ko namalayang nakahawak na'ko sa labi ko sabay pikit. Ang labing iyon. Ang unang halik na pinaranas niya. Parang gusto ko uling maranasan ang halik na iyon. Bahala na pero gagawin ko ang lahat para mahulog ang loob ni Lake sa'kin. Sa pagtila ng ulan, paunahan na kami ng takbo ni Mae pauwi ng mga bahay namin. Nangako itong pupunta kami ng bayan bukas para mamili ng mumurahing make-up para sa pagsisimula ng plano ko. Para lang kaming mga bata nang maghabulan pa kami sa daan at naghiwalay na kami nang mas naunang nadaanan namin ang bahay niya.
"Nay?" masaya kong tawag nang makarating naman ng bahay namin.
Bigla na lang bumukas ang pinto kaya muntikan nang matamaan ang mukha ko. Nag-aalalang mukha ni Nanay ang bumungad nang lumabas ito.
"Sa'n ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap ng tatay mo."
Napangisi ako sabay turo sa palikuran namin. "Dalhan mo nga ako ng tuyong damit, Nay, sa likod. Maliligo lang ako."
Tumakbo na'ko sa likod ng bahay kung nasaan ang maliit naming banyo. Gawa lang ito sa kawayan pero sementado naman ang sahig nito kaya sa loob na'ko maliligo. Si Lake ang nasa isip ko nang tanggalin ko ang lahat ng damit ko sa katawan pero napapiksi ako nang sumigaw sa labas si Nanay.
"Bilisan mo riyan, M-Millow!" hiyaw nito.
Binukas ko nang bahagya ang pintong kawayan para makuha ang tuwalya at tuyong damit na binigay nito. Nakaalis na ito bago ko pa man siya pasalamatan. Ba't kaya mukhang natataranta si Nanay? Agad akong pumasok sa kusina nang matapos at agad pinagbubuksan ang mga kaldero.
"Nay, gutom ako. Wala bang kanin at ulam?" Napalingon agad ako sa kanya nang hangos itong sumulpot sa likod ko.
"Nilagang saging na saba at kanin lang ang hapunan natin, M-Millow." Walang kangiti-ngiti nitong saad habang 'di ito magkandaugaga sa pagtimpla ng kape. Sinimot pa niya ang natitirang kape sa lagayan. "Mamaya k-ka na kumain—"
"Wag na ho kayong mag-abala sa pagtimpla ng kape." Sumingit ang buong-buo na boses ng lalake sa kusina kaya agad akong napalingon sa bisita namin. "Kakausapin ko lang si Millow."
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang magtama ang mga mata namin. Nangangasul ang mata ni Lake dahil ayon sa tsismis, pure Spanish daw ito. Sandali—ano'ng ginagawa ng lalaking ito rito sa bahay namin? Kaya pala ninerbyos bigla si Nanay.
"Ehem—" Napatikhim si Tatay na nakasunod pala kay Lake. "Sa kwarto muna kami ng asawa ko Sir Lake. Sige, mag-usap muna kayo ng anak ko." Hinila na lang nito bigla si Nanay na nagulat at kikibot-kibot ang bibig.
Hindi ako makapaniwala! "Ano hong atin?" seryoso kong tanong sabay hinga nang malalim. Bigla akong kinabahan kahit pa nagtapang-tapangan ako sa harap niya.
"I told you na stay-in ka na," inis nitong pakli na sinundan ng pagsalubong ng makakapal nitong mga kilay. "Ang tagal kong naghintay dito, Millow. Sa'n ka ba nagpunta? Damn it!"
Kahit ang sagwa ng ugali ng amo kong ito, bakit ako kinikilig? Galit ako pero nang titigan ko siyang lalo sa mga mata, para nitong hinihigop ang lakas ko. Nawawala ang inis ko sa kanya.
"Sa dagat po, pasensya na, Sir Lake. Tapos na kasi ang trabaho ko sa mansyon. Day off ko kasi bukas at wala na ring pasok sa school kaya tumambay ako—"
"Akala ko ba malinaw na ang usapan natin at alam mo na ang gagawin? Bakit hindi ka pa nakapag-empake ng mga gamit mo? Nasabi ko na sa magulang mo na stay-in ka sa bahay." Nang hindi ako kumibo— "What?!" Asik nito bigla dahil nakanganga lang ako habang nakatitig sa kanya. "Ako ang magdedesisyon kung kelan ang off mo, it will depend sa schedule mo sa school. Kumilos ka na, Millow. God! Wag kang tatanga-tanga! Hihintayin kita sa sasakyan ko sa labas." Tumalikod na ito nang masabi iyon.
Lake's POV"What a mess," gigil kong anas.Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene..."Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko.
Lake's POV "What the—" pigil ko ang pagmura. Nagulat din ang babae nang pumasok ako bigla, "Sir, hindi pa ho bumubula masyado—" Napasukan ko siyang nilalaro ang tubig habang hawak nito ang isang sabon para pabulain. Agad kong nilubog ang kamay ko para i-check ang tubig. Napakalamig! "Wala ka talagang utak!" singhal ko. "I said the bubble soap powder not that one. Ibubuhos mo lang diyan sa tubig." Hindi automatic ang tubig kaya kailangang timplahin ng babae ang init nito. Inis kong hinagis ang hawak kong roba palabas ng pinto at agad akong humarap sa kanya. "Watch me and learn, Millow." Napamulagat ang babae nang mapatitig ito sa nakitang parte ng katawan ko na humampas pa sa pisngi nito nang tingalain ako. The hell I care! Wala na'kong pakialam kung makita nito ang kahubaran ko. Bigla itong napatayo at ako naman, agad kong pinatay ang gripo para i-drain ang kalahati ng tubig sa bathtub. "Make sure na bubuksan mo itong hot water kasabay ng cold water." Dinemo ko ito sa kanya para
Millow's POVNapabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang hanapin ko ang wall clock—alas onse na ng umaga. Nataranta agad ako kaya mabilis ang ginawa kong pagbangon kahit nahilo ako sa ginawa kong iyon. Hindi pa yata naka-circulate nang maayos ang dugo ko. Si Lake—siguradong magagalit si Lake!"Buti naman at gising ka na." Komento ni Aling Zenya na nagtataka pa nang abutan ko siya sa dining area. "Bilin ni Sir Lake na 'wag ka raw gisingin dahil puyat ka. Nasa bukid sila ngayon at baka nga hindi na makauwi 'yon dahil may itinayong resthouse ro'n. Marami silang gagawin."Magkatulong kami ng babae sa paglagay ng mga pagkain sa hapagkainan na tanging si Selene lang ang kumakain. Nakaalis na raw ang magkakapatid na Monteverde kasama ang ama ng mga ito. Pasimple akong napatingin kay Selene na tahimik lang pero napakislot ako dahil nakatitig pala sa'kin ang bruha. Naniningkit ang mga mata ng babae na puno na naman ng eyeliner ang eyelid. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, baka bu
Millow's POV"Mag-ingat ka sa mansyon, ha? May isa akong kaibigan sa Manila, heto oh." May papel na inabot sa'kin si Aling Zenya kung sa'n nakasulat ang address nito pati na ang numero ng cellphone. Lalo akong kinabahan dahil parang alam ko na ang susunod na sasabihin nito. "Wala na'kong bahay, Millow, kaya sa inyo muna ako makikitulog ng ilang gabi. Pinapaalis na rin ako dahil hindi naman atin 'tong lupa. Ibibigay ko lang 'to para may magamit ka. Nakabili na'ko ng bagong cellphone." Isang lumang cellphone ang binigay ng babae na ikinapagtaka ko. "Pinaglumaan ko na 'yan pero sa'yo na lang dahil kakailanganin mo 'yan sa tamang oras tsaka sim card na lang ang bibilhin mo sa bayan para gumana 'yan. Alam na rin ng tatay mo ito pero ayaw pa niyang umuwi. Nag-iinuman sila ni Pedring sa kabila, pampatanggal daw ng sama ng loob."Malungkot namang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko si Nanay nang mamataan ko. Umiiyak din ito nang tahimik kaya bumulanghit na'ko ng iyak.Ang sama mo naman, Lake!Ak
Lake's POV "Sir," untag ng tauhan ko nang bumalik ito sa gawi ko. Nasa loob lamang ako ng owner type jeep ko habang pinagmamasdan sila. "Ayaw pong pumayag no'ng matanda, nagwawala ho."Uminit ang ulo ko sa sinabi niya, "Tinatanong pa ba 'yan?" pagalit kong balik-tanong. "Denver, sirain niyo ang bahay na 'yan kahit magwala pa ang may-ari dahil may papeles akong hawak kung hanggang kelan na lang sila. Nagbigay na'ko ng ultimatum pero nagbingi-bingihan lang ang mga illegal settler dito. Wala tayong lalabagin na batas sa ginagawa natin." "Yes, sir." Tugon nito. Hindi ko alam kung ilang bahay na ang sinira ng mga tao ko pero sa palagay ko nama'y kakaunti na lang ang mga natira. It's so satisfying. Sa wakas, napalayas ko na ang mga nang-aangkin ng lupa ko. Pero isang matanda ang namataan kong umiiyak habang naglalakad palapit sa'kin. Napailing ako. Ayokong ma-delay ang projects na gagawin ko sa lugar na ito. Ito na ang last day ng lahat kaya hindi p'wedeng hindi umalis ang mga ito."K-ka
Lake's POV "Huwag kayong magmakaawa. Jesus!" Kanina pa ito nag-iiyak nang ipatawag ko para kausapin ang pamilya niya. "Look, kid, sa ayaw at sa gusto niyo, ipapagiba ko 'tong bahay niyo. Anytime soon—magsisimula na ang project ko sa lupang ito." Nakayakap ang dalaga sa katawan ko pero nainis lang ako. Pwersahan kong tinanggal ang mga braso niya at tiningnan siya nang masama. Napailing ako dahil nakaluhod na ang mga magulang nito sa harap ko habang sinisimulan nang gibain ang bahay nila. Naalibadbaran ako tuwing sinusulyapan ang mga magulang nitong nakaluhod. Umiiyak ang babae samantalang nakapikit lang ang tatay ni Millow pero magkasiklop ang dalawang kamay nito bilang pagmamakaawa. Pigil na pigil nito ang sariling 'wag mapaiyak sa harapan ko pero sa mata niyang namamasa, napapailing na lang ako. Kung akala ng pamilyang ito na makukuha ako sa kadramahan, nagkakamali sila. "Akin ang lupang ito, Millow. Nandito ka para ipaliwanag sa pamilya mo na kailangan na nilang umalis. Wag niyo '
Millow's POVNapuno man ako ng galit nang palayasin ni Lake ang pamilya ko, hindi naman maatim ng puso kong makita siyang duguan. Salamat sa Diyos dahil hindi naman ganun kalala ang sugat niya sa ulo at si Tay Berto..."Nakakulong na siya, Maria, at salamat nga pala dahil nandiyan ka." Ito ang bungad ni Leighton sa'kin nang makita ako sa loob ng kwarto ni Lake pero ang katabi nito, kay sama ng tingin sa'kin, si Selene. Nasa private room kami ng isang ospital ngayon. "Hindi ako pwedeng mangialam sa kung ano man ang meron si Lake dahil nakapangalan na ang lupa sa kanya."Masakit. Yong makita mo ang mga magulang mo na paalis sa lupang naging saksi sa pagbuo ng pangarap nila pero nawala iyon sa isang iglap dahil nga hindi namin pag-aari. Wala kaming titulo. Kailangan na naming umalis at sinabihan din ako ni Tatay na sundin ko na lang si Lake para hindi ako mapahinto sa pag-aaral. Magbakasyon lamang daw ako ng Maynila kapag walang pasok basta may pera lang. "Leighton, gusto kong makita si
Millow's POVNanginginig ang mga kamay ko habang hinihiwa ang mga gulay na isasahog sa iluluto ko. May manok din at baboy na kailangan kong hiwain pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nang pumasok kami sa bahay ni Sir Lander, tatlong babae ang nadatnan naming nagtatawanan sa sala at napaka-sexy nila. Iba ang mga kasuotan nila kumpara sa'kin. Hindi pa maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Lake na "great time tonight." Iba ang dating no'n sa'kin. Nasaktan ako sobra at nawalan ako ng gana. Bahagya ko silang sinilip mula sa kusina pero mas pumait pa ang pakiramdam ko nang makita sila."Long time no see, Lake." Kagat-labing hinaplos ng isang babaeng balingkinitan ang bandang dibdib ni Lake. "Sana naman nagparamdam ka sa'kin after that night. I tried calling and texting, but got no response."Kampanteng nakaupo si Lake katabi ang babae at ang isang braso nito, nakaakbay na sa babae. Hindi ko sila kayang tingnan pero naku-curious naman ako sa usapan nila. Naunsyami tuloy ang plano kong
Millow's POVNapuno ako ng takot habang sakay ng sasakyan na maghahatid sa'kin sa mansyon. Oo. Nandito na ulit ako sa lugar kung sa'n ako ipinanganak para muling makita ang asawa kong si Lake. Nilakasan ko ang loob ko para may mukha akong ihaharap sa kanya. Hindi ako dapat matakot!"Nandito na tayo, Millow," untag ng abogadong kasama ko, ito ang kasama kong haharap kay Lake para mapag-usapan ang divorce namin sa tulong na rin ni Daddy Lambert. Napatango ako, "Attorney...""May laban ka, Millow, kaya 'wag kang matakot. May mga pulis na rin akong tinawagan sakali mang hindi tayo harapin ni Lake." Pinalakas lalo ng abogado ang loob ko sa sinabi niya. "Let's go, iha. Bumaba ka na."Naiiyak ako nang makababa na. Nanariwa ang alaalang pinagsaluhan namin ni Lake sa mansyong ito pero lamang ang mga pasakit na binigay niya sa'kin. Hindi na sumama ang mga magulang ko dahil ayoko na ng gulo. Naitawag na rin naman ni Daddy Lambert kay Lake ang lahat kaya alam kong handa na rin si Lake na harapin
Millow's POV"Ano?" hindi makapaniwalang saad ng matanda. "Why naman, iha? Bakit walang nababanggit sa'kin si Lake nang maglagi siya rito?"Hindi ako naglihim nang sabihin ang lahat ng mga kalokohan ni Lake kaya nag-iba bigla ang anyo ng matanda. Ikinabahala ko ito. "Daddy Lambert, kalma lang po." Nasa dining area pa rin ang mga magulang ko pero ayoko silang istorbohin. Minsan lang sila makakain ng masarap, ba't ko pa ipagkakait?"Kalmado ako, Millow. Ang batang 'yon!" frustrated na dagdag nito. "Anyway, tuturuan natin ng leksyon ang lalaking iyon. Kung 'yan ang gusto mo, gagastusan ko ang divorce niyo dahil kapag hindi ka niya pinakawalan, babawiin ko ang lahat ng namana niya sa'kin."Kaybilis ng pintig ng puso ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Talagang hindi sasantuhin ng matandang Monteverde ang kagaguhan na ginawa ng asawa ko. Sinabi ko lang na dalawa ang ibinabahay ng asawa ko pero hindi ako nagbanggit kung sinong mga babae. Naiiyak ako nang hawakan ko sa kamay ang lalaki. Det
Millow's POVIyak ako nang iyak nang nasa bahay na. Galit din si Kuya nang malaman ang lahat pero nang balikan nito ang pinangyarihan ng snatching, wala rin itong nahita. Reaksyon ni Tatay, "Dapat hindi mo nilabas, anak, alam mo namang maraming nakawan sa lugar na ito."Wala pa naman akong kakayahan na bumili pa ng cellphone tapos nanakawin lang din? Mabuti na lang naisulat ko sa isang maliit na notebook ang mga numero sa cellphone ko pero dismayado pa rin ako. Ba't kasi hindi ako nag-iingat?Sumingit sa usapan ang kapatid ko, para itong maiiyak, "Problema pa kung sa'n tayo titira, Nay, Tay. Kanina ko nga lang din nalaman nang umuwi kami ng asawa ko. Ibinalita sa'kin ng isang kaibigan ko na taga-rito rin.""Bakit ba hindi matapos-tapos ang mga problema natin dito?" Namamasa na ang mga mata ni Tatay nang sumalampak ito ng upo. "Lahat ng tao rito, pinapaalis na ng may-ari dahil ito'y naibenta na raw sa iba. Dalawang araw lang ang ibinigay sa mga tao rito para makapag-empake ng gamit. S
Millow's POV Tuwang-tuwa ako dahil sa pangatlong apply ko sa isang 'di kalakihang karinderya na walking distance lang mula main road, natanggap ako. Nasa 500 kada araw ang sahod pero reliever lang muna ako kapag maraming tao o may magbabakasyon. "Ang swerte mo ah, Millow," tuwang saad ni Ate Luna nang ibalita ko ito sa kanya. "Pwede na 'yan dahil malapit lang. Ngayon, sa isang pampublikong paaralan naman tayo pumunta. Sana matanggap ka rin do'n para maderetso mo na 'yang kolehiyo mo." Sa isang public college lang ako mag-e-enroll pero may matatanggap akong scholarship na every school year ang bigayan ng 10 thousand pesos. Hindi na masama. Mas okay pa nga ito kumpara sa probinsya. Bago raw itong programa sa gobyerno para makatulong sa mga estudyanteng magkokolehiyo na. May benefits pa'kong makukuha kung i-a-apply ko rin ang pamilya ko sa isa pang programa na nagbibigay ng allowance sa mga maralitang pamilya pero kailangan ko pa itong i-confirm sa munisipyo. Magpapalista kami. "
Millow's POV "Millow!" Agad kong hinanap ang boses na iyon at laking tuwa ko nang makita ko ang kapatid ko. Nakontak ko siya kanina nang nasa barko ako. Galit ito nang malaman ang lahat at kahit ang mga magulang ko'y 'di rin mapigilan ang magmura nang gawin iyon sa'kin ni Lake. Tama raw ang ginawa ko; ang layasan ang babaero kong asawa. "Kuya!" balik sigaw ko sabay kaway ng kamay ko. Umiiyak ako sa byahe kanina pero alam kong ito ang makakabuti para sa'kin kaysa naman magtiis ako sa mansyon na iyon na puro lang pasakit ang ibibigay sa'kin. "Walanghiyang Lake na 'yon, kung makikita ko lang ang lalaking 'yon, makakatikim talaga siya sa'kin." Agad kinuha ng kapatid ko ang maliit kong travelling bag. Naawa ako kay kuya nang makita ko kung ga'no siya kapayat. "Ang payat mo naman, Kuya." "Makakaahon din tayo sa hirap," tanging nasabi nito sabay hila sa kamay ko. Isang bus naman ang sinakyan namin papunta sa Quezon City. Nang makababa na sa destinasyon namin, sumakay ulit
Millow's POVPinili kong sa maid's quarter matulog pero panay ang punta ni Sophia sa kwarto ko para utusan ako. Hindi ko rin sinunod ang utos ng asawa kong sa kwarto nila ako mamalagi dahil may oras talagang hindi ko na masikmura ang harap-harapan niyang panloloko."Ano ba, Millow, nagpapahatid ng meryenda si Lake." Inis na pumasok si Sophia sa kwarto ko para mag-request ng kakainin ng mga ito. Alas diyes na ng gabi pero may pahabol pang midnight snack ang dalawa. "Pakibilisan lang dahil naiinip na ang nobyo ko."Parang tumalon ang puso ko nang isara ng babae ang pinto sa maid's quarter. Malakas ang pagkakabagsak niya kaya parang natulig din ako. Inis akong tumayo. Kayang-kaya naman ni Sophia na maghanda ng meryrenda nila pero nagfe-feeling amo ito at ako na legal ang nagsisilbi sa kanila. Gusto ko nang sumuko.Akala ko kakayanin ko pero hindi pala. Ito ang pinakamahirap na napagdaanan ko nang pasukin ko ang kwarto ni Lake. Bitbit ko ang isang tray na naglalaman ng cake at ilang canne
Millow's POVKahit sa kwarto ako ni Lake natutulog, sa sahig pa rin ako nakapwesto. Kagaya ng dati, sinasapinan ko lang ito para hindi sumakit ang likod ko. Ni hindi man lang nito pinagamit sa'kin ang kama. At ngayong araw nga, pagkatapos ng isang linggo, muling sumulpot si Sophia. Ngising-ngisi ang babae nang makita akong nagma-mop ng sahig sa sala, "Hey, Millow, I told you babalik ako. Kumusta ka na?"Nagulat ako nang makita ko ang babae. Mag-isa lang ito at may bitbit na itong malaking maleta nang pumasok ng bahay. Para kaming mga estranghero nina Selene at Lake dahil bibihira kaming mag-usap. Panay din ang sunod ni Selene kay Lake kahit pa binubulyawan ito ng lalake pero hindi ito huminto. Ngayon naman, isa pang kabit ang dumating para lalong guluhin ang mundo ko. "Pakilagay sa kwarto ni Lake ang maleta ko," utos ni Sophia nang pasalampak itong maupo sa sofa. "Pakidalhan din ako ng meryenda, Millow, at malamig na coke. Grabe, uhaw na uhaw ako."Pagkatapos ng bagyo, nag-iba na na
Millow's POV Napakasaya ko nang makisalo na rin ako sa mga bisita. Nagmukhang disente si Selene sa suot nitong pantalon at plain shirt. Puro lang kasi pa-sexy ang alam nitong isuot. Hindi ko alam kung ba't wala si Sophia pero hindi na 'yon mahalaga, masaya ako sa pagbabago ng mood ni Lake. Bumait ito bigla at naging malambing pa. Pinakilala niya 'kong asawa sa harap ng mga pulitiko. Napakasarap sa pakiramdam no'n. "This is Selene, fiancée of my brother Leighton. The wedding was postponed due to our dad's illness." Pakilala ni Lake sa babae na kiming ngumiti sa mga bisita. Tahimik lang ito. "I appreciate your help in ensuring that all documentation and procedures are in order. My soon-to-be staff will receive the necessary training and background checks to ensure a successful and safe workplace." "Lake, you're always welcome, and in addition to that," napangiti ang mayor nang ito na ang magsalita. "Kami ang dapat magpasalamat dahil mabibigyan mo ng trabaho ang maraming residente r
Millow's POVPumunta ako sa mansyon nang magising ako nang maaga pero agad akong hinarang ng hardinero. Nasa labas lang ako ng gate para abangan sana ang asawa ko. "Millow, baka makita ka ni Sir." Nag-aalala itong napalingon sa bahay bago ako binalingang muli. "Paalis siya ngayon kaya please, 'wag ka munang magpakita."Hindi ako natatakot. Gusto ko lang kausapin ang lalake para humingi ng tawad. Sabi ko nga kagabi, magpapakabait muna ako habang iniisip ko pa ang gagawin ko. Kailangan ko na ring mag-enroll at balak kong kausapin si Lake para masustentuhan nito kahit pang-allowance ko man lang. Scholar naman ako pero poproblemahin ko ang pamasahe at ilang miscellaneous na gastusin sa paaralan."Wag kang mag-alala, si Lake talaga ang sadya ko rito." Tumila na ang ulan pero makulimlim pa rin ang kalangitan nang tumingala ako. Sakto namang lumabas ang asawa ko kaya nagtama ang mga mata namin. "L-Lake, pwede ba tayong mag-usap?""What are you doing here?" Kasing-lamig ng panahon ang pakiki