Lake's POV "Sir," untag ng tauhan ko nang bumalik ito sa gawi ko. Nasa loob lamang ako ng owner type jeep ko habang pinagmamasdan sila. "Ayaw pong pumayag no'ng matanda, nagwawala ho."Uminit ang ulo ko sa sinabi niya, "Tinatanong pa ba 'yan?" pagalit kong balik-tanong. "Denver, sirain niyo ang bahay na 'yan kahit magwala pa ang may-ari dahil may papeles akong hawak kung hanggang kelan na lang sila. Nagbigay na'ko ng ultimatum pero nagbingi-bingihan lang ang mga illegal settler dito. Wala tayong lalabagin na batas sa ginagawa natin." "Yes, sir." Tugon nito. Hindi ko alam kung ilang bahay na ang sinira ng mga tao ko pero sa palagay ko nama'y kakaunti na lang ang mga natira. It's so satisfying. Sa wakas, napalayas ko na ang mga nang-aangkin ng lupa ko. Pero isang matanda ang namataan kong umiiyak habang naglalakad palapit sa'kin. Napailing ako. Ayokong ma-delay ang projects na gagawin ko sa lugar na ito. Ito na ang last day ng lahat kaya hindi p'wedeng hindi umalis ang mga ito."K-ka
Lake's POV "Huwag kayong magmakaawa. Jesus!" Kanina pa ito nag-iiyak nang ipatawag ko para kausapin ang pamilya niya. "Look, kid, sa ayaw at sa gusto niyo, ipapagiba ko 'tong bahay niyo. Anytime soon—magsisimula na ang project ko sa lupang ito." Nakayakap ang dalaga sa katawan ko pero nainis lang ako. Pwersahan kong tinanggal ang mga braso niya at tiningnan siya nang masama. Napailing ako dahil nakaluhod na ang mga magulang nito sa harap ko habang sinisimulan nang gibain ang bahay nila. Naalibadbaran ako tuwing sinusulyapan ang mga magulang nitong nakaluhod. Umiiyak ang babae samantalang nakapikit lang ang tatay ni Millow pero magkasiklop ang dalawang kamay nito bilang pagmamakaawa. Pigil na pigil nito ang sariling 'wag mapaiyak sa harapan ko pero sa mata niyang namamasa, napapailing na lang ako. Kung akala ng pamilyang ito na makukuha ako sa kadramahan, nagkakamali sila. "Akin ang lupang ito, Millow. Nandito ka para ipaliwanag sa pamilya mo na kailangan na nilang umalis. Wag niyo '
Millow's POVNapuno man ako ng galit nang palayasin ni Lake ang pamilya ko, hindi naman maatim ng puso kong makita siyang duguan. Salamat sa Diyos dahil hindi naman ganun kalala ang sugat niya sa ulo at si Tay Berto..."Nakakulong na siya, Maria, at salamat nga pala dahil nandiyan ka." Ito ang bungad ni Leighton sa'kin nang makita ako sa loob ng kwarto ni Lake pero ang katabi nito, kay sama ng tingin sa'kin, si Selene. Nasa private room kami ng isang ospital ngayon. "Hindi ako pwedeng mangialam sa kung ano man ang meron si Lake dahil nakapangalan na ang lupa sa kanya."Masakit. Yong makita mo ang mga magulang mo na paalis sa lupang naging saksi sa pagbuo ng pangarap nila pero nawala iyon sa isang iglap dahil nga hindi namin pag-aari. Wala kaming titulo. Kailangan na naming umalis at sinabihan din ako ni Tatay na sundin ko na lang si Lake para hindi ako mapahinto sa pag-aaral. Magbakasyon lamang daw ako ng Maynila kapag walang pasok basta may pera lang. "Leighton, gusto kong makita si
Millow's POVNanginginig ang mga kamay ko habang hinihiwa ang mga gulay na isasahog sa iluluto ko. May manok din at baboy na kailangan kong hiwain pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nang pumasok kami sa bahay ni Sir Lander, tatlong babae ang nadatnan naming nagtatawanan sa sala at napaka-sexy nila. Iba ang mga kasuotan nila kumpara sa'kin. Hindi pa maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Lake na "great time tonight." Iba ang dating no'n sa'kin. Nasaktan ako sobra at nawalan ako ng gana. Bahagya ko silang sinilip mula sa kusina pero mas pumait pa ang pakiramdam ko nang makita sila."Long time no see, Lake." Kagat-labing hinaplos ng isang babaeng balingkinitan ang bandang dibdib ni Lake. "Sana naman nagparamdam ka sa'kin after that night. I tried calling and texting, but got no response."Kampanteng nakaupo si Lake katabi ang babae at ang isang braso nito, nakaakbay na sa babae. Hindi ko sila kayang tingnan pero naku-curious naman ako sa usapan nila. Naunsyami tuloy ang plano kong
Millow's POV"Asawa ko nga pala, Millow."Naawa ako nang matitigan ko ang asawa ni Sir Denver. Agad ko silang binati."May polio kasi ang asawa ko kaya kailangan niyang gumamit ng walking stick. Please help her, Millow, papunta sa table." Nakangiting pakiusap ni Denver.Kaedaran lang ni Sir Leighton ang isang 'to. "Sige po, tara, ma'am.""Salamat, iha." Napahawak ang babae sa isang braso ko habang paika-ika itong naglakad. "Hindi kasi pantay ang mga paa ko kaya kailangan kong gumamit nito. Ongoing pa rin ang treatment ko."Nakunsensya ako dahil alam kong may babae ang asawa nito pero ayoko nang mangialam pa. Birthday ni Sir Lambert ngayon at marami nang nagsidatingan na mga guest. Busy ang lahat lalo na kaming mga katulong pero priority ko pa rin si Lake kapag pinatawag niya lalo na't personal maid niya 'ko."Salamat, Millow," nakangiting pasalamat ng babae nang makaupo na.Iniwan ko na lang ang babae sa mesa para naman puntahan si Lake. Kanina pa niya 'ko inutusang magdala ng inumin.
Lake's POV"Lake!"Ilang ulit ko pa iyong narinig pero sumasakit pa ang ulo ko dahil nasobrahan ako sa inum. Ilang tao ba ang nandito? Ang ingay nila. Bukod sa birthday ni Daddy, double celebration ito dahil tuluyan ko nang napaalis ang mga salot na nanirahan sa pag-aari kong lupa. Uminat ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko; may kung ano'ng bagay ang mabigat na nakadagan sa'kin."Jesus Christ, Lake. What is this?" Boses ni Dad ang narinig ko kaya minulat ko ang mga mata ko pero nasilaw ako sa ilaw kaya muli akong pumikit. "Can you explain this, what's going on, ha? Lake Monteverde!"Kunot-noo akong napadilat sa galit na boses ni Daddy at 'di ako makapaniwala dahil may nakadagan nga sa ibabaw ko. Nagulat din ako at napamura."What the hell, who is this?" Napasigaw ako at akmang babangon pero napansin kong hubo't hubad ang babae sa ibabaw ko. Hanggang kalahati na lang ang pagkakatakip ng kumot sa katawan nito kaya agad ko iyong nahila para takpan ang exposed niyang likod. Nang haw
Millow's POVTakot na takot ako. Papa'no ba ako uurong kung naging magulo na ang lahat? Para akong nahimasmasan nang makita ko kung pa'no nagsigawan ang magkakapatid sa harap ko."What the hell are you on about, Lander and Leighton?" gigil na sigaw ni Lake nang pagalit itong mapatayo. "Over my dead body! Hindi ko papakasalan ang paslit na 'yan!"Paslit? Nasaktan ako nang sobra dahil batang paslit lagi ang tingin niya sa'kin. Napapikit ako nang sumagot bigla si Lander."Bro, inamin mo naman, 'di ba? Na muntikan mo na siyang galawin." Pinanlakihan nito ng mata ang kapatid.Napasigaw na rin si Leighton na ikinapitlag ko, "Tumigil nga kayo! Si Daddy ang magdedesisyon kung ano ang gagawin."Inis na binalingan ni Lake si Leighton, "Oh yeah? Ni isa sa inyo, walang naniniwala sa'kin. Sinet-up ako ni Millow."Napatayo na lang din si Lambert para pigilin ang mga anak, "That's enough!" sigaw ng matanda kasabay ng pagbagsak ng kubyertos na hawak nito. "Millow, papuntahin mo ang mga magulang mo ri
Millow's POVPalayo ako nang palayo sa bahay na iyon para hindi ko na makita si Lake. Nanginginig ako nang huminto ako. Do'n ako nag-iiyak. Hindi ko kasi maintindihan kung ba't sinasabi niyang hindi niya 'ko gusto na kung tutuusin, nasisiyahan naman siyang gawin ang mga bagay na dapat ay sa magkasintahan o mag-asawa lamang. Bata pa'ko. Wala akong masyadong maintindihan dahil nga limitado ang kaalaman ko lalo na't sa probinsya lang ako naglalagi."G-gagawin ko ang lahat para mapakasalan mo'ko," umiiyak kong anas nang maupo sa damuhan. Nasa bandang taniman ako ng mga palay at may ilang kubo akong nakita na magkakalayo. Wala nga lang tao dahil alam kong nagsialisan na ang lahat ng residente rito. "Ngayong m-may nangyari na sa'tin, L-Lake, sisiguraduhin kong mapapanagutan mo ang ginawa mo sa'kin."Masakit lang kasi isiping ako lang ang nagmamahal. Nasa lilim lang ako ng isang puno habang nakatanaw sa mga palayan. Hindi ako nagawi rito dahil balita ko, parte pa ito ng lupa ni Lake. Kahit s
Milllow's POV Sadyang nabago na ang pananaw ko sa aking asawa dahil sa pagbubuntis ko, alagang-alaga niya 'ko. Hindi ko na makita sa kanya ang dating masungit at mapangmata na lalaki. May pagbabago rin pala ang isang tao, magtitiis ka nga lang. Sinukuan niya 'ko pero hindi niya 'ko binitawan lalo na ngayon na buo na ang pagkatao ko sa nalalapit kong panganganak.Parang hindi ko na nga namalayan na isang taon na pala ako rito simula nang dalhin ako ng asawa ko rito. Nasanay na'ko pero pinanghahawakan ko ang ipinangako niya na magkikita rin kami ng pamilya ko pagkatapos kong manganak. Hindi ko rin maalala ang numero ni Kuya o kahit kay Mae kaya wala akong nagawa kahit pa may cellphone ako. Nawawala ang signal minsan kapag may bagyo lalo na ngayon. Malakas ang ihip ng hangin sa labas. Tanghali na pero makulimlim pa rin. Hindi rin nakuha ni Lake ang numero ng pamilya ko dahil nagmamadali ito lagi sa rami ng negosyong pinapatakbo nito kaya minabuti ko na lang mag-hintay dahil pagkatapos
Lake's POV Hindi ko inaasahan ang kahihinatnan ng paggalaw ko kay Millow makalipas ang mga buwan. "L-Lake, dalhin mo na'ko sa ospital, p-please. Ang sakit na ng sikmura ko." Pakiusap nito nang magduduwal na naman ito. Ilang araw nang ganito si Millow kaya ang ginawa ko, pinatawag ko na ang doktor na magche-check up sa babae. Last week ko pa sinabihan ang kilala kong doktor pero ngayong week lamang ito makakapunta. Last week pa walang ganang kumain si Millow at namimili ito ng pagkain pero minsan ay hindi available ang hinahanap nito. Hinagod ko ang likod niya nang daluhan ko siya sa banyo, "Papunta na ang doktor, Millow. Ano'ng gusto mong kainin?" "Manggang hinog." Mabilis nitong sagot. "Hindi matanggap ng sikmura ko ang lasa ng ibang pagkain." Sumingit si Tay Fernan na kanina pa pala nagmamasid sa'min, "Hindi kaya buntis ang asawa mo, Lake? Ganyan din ang kapatid ko no'ng naglilihi siya. Ipagluto mo siya ng oatmeal. Sinusuka niya ang mga kinakain niya." Hindi malabong
Lake's POV Pagkatapos ng nangyari kagabi, muli kong tinudyo ang asawa ko nang magising ako kinaumagahan. Napangisi ako nang lingunin ko siya habang himbing itong natutulog sa tabi ko. Walang magagawa ang babae sa nais ko dahil hindi ako tumatanggap ng pagkatalo. Siyang-siya ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Simple pero cute naman si Millow at sariwang-sariwa pa. Muli ko siyang hinalikan sa leeg para gisingin dahil magtatanghali na, "Wake up, wife." Wala itong kasuot-suot kaya bumaba ang halik ko sa bandang dibdib niya at do'n ako nagtagal. "Hmm, I still can't get over you, wifey. Wake up. Nagugutom na'ko." Umungol lang ang babae pero hindi ako huminto sa pagkubkob sa mayamang dibdib niya. Nagtagal ako roon para paglaruan ang bahaging iyon. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at nang makita ako, nagulat ito. "Ano ba, Lake!" taranta nitong tinakpan ang katawan matapos nitong itulak ang ulo ko pero tinawanan ko lang siya. "Come on," yamot kong anas sa tainga niya bago ko
Millow's POVIlang araw ang lumipas pero walang Lake na sumulpot sa bahay kaya lalo akong na-depress. Kami lamang ng katiwala ang naiwan at kahit ito'y hindi alam kung kailan ang balik ng asawa ko."Huwag kang mag-alala, iha, babalik din 'yon. Alam mo namang may mga negosyo rin 'yon kaya siguro natagalan at paminsan-minsan ding umuulan." Napatingala pa ito sa langit nang sabihin iyon. "Kapag hindi maganda ang panahon, hindi pwedeng gamitin ang chopper niya. Sanay na'ko sa batang iyan."Para akong preso sa lugar na ito. Walang TV at cellphone pero maganda ang paligid dahil ngayon ko lamang naikot ang maliit na islang ito. Man-made ito ayon sa matanda at 20,000 square meters ang lawak. Kita ko ang buong paligid nang dalhin ako ni Tay Fernan sa roof top ng bahay. May natatanaw akong isa pang isla pero malayo ito at animo nakapaikot ito sa man-made island na ito. Kay lawak ng dagat kaya imposibleng makaalis ako sa lugar na ito kung walang bangka o chopper. Napadpad ako sa pinakaibabang b
Millow's POV Ilang buwan na ba 'ko rito? Hindi ko alam... Parang taon na ang binuno ko sa lugar na 'to kasama ang asawang kinamumuhian ko at gusto ko pang hiwalayan ang lalaki pero iba na ang nakikita ko sa kanya. Lagi itong concern lalo na ngayon. "God, Millow! Hindi ka marunong lumangoy pero ba't ka tumalon sa dagat? Damn it!" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito matapos bumalik ang malay ko. "I told you, hindi ka makakaalis sa lugar na ito kung walang chopper! Papunta na ang doktor." Kay bigat ng pakiramdam ko nang titigan ko si Lake. Binalak ko kasing tumakas pero nang mawalan ako ng pag-asa dahil hindi ako makaalis, tumalon na lang ako sa dagat. Tuliro na'ko at pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi karapat-dapat si Lake. Todo asikaso kasi lagi ang lalaki sa'kin at asawang-asawa ang pakiramdam ko dahil napakalambing nito. Ito ang hindi ko matanggap sa bigla niyang pagbabago. Iniisip kong may binabalak na naman siyang masama kaya sinadya kong magpakalunod. "Don't you
Millow's POVLumipas ang isang linggo na lagi kong inaaway si Lake pero labis ang pagtataka ko dahil napakamahinahon nito kapag kaharap ako. Lagi itong nagpapasensiya kapag tinatarayan ko siya."Asawa pa rin kita." Pahabol nitong salita nang talikuran ko siya. Panay ang iwas ko sa lalaki pero lagi naman kaming nagkikita dahil wala na'kong mapuntahan. Napakaliit nitong isla na pinagdalhan niya sa'kin. "Babalik ka rin sa'kin, Millow." Paninigurong sigaw nito nang inis akong lumabas para bumaba. Nasa taas kasi ang bahay kaya kung pupunta ako sa baba para tanawin ang dagat, pwede pa'kong makatampisaw sa tubig pero ang napansin ko, malalim ang area ng dagat kung sa'n kami. Hindi ako marunong lumangoy kaya ilang araw na'kong umiiyak. Sa ngayon, natanggap ko nang nandiyan lang si Lake at siguradong masisira lang ang araw ko. Lagi nga akong naglo-lock ng pinto tuwing matutulog ako. Dalawang kwarto lang ang meron sa bahay habang sa kabila naman natutulog ang lalaki."Millow..."Napalingon ak
Millow's POVSa ilang buwan kong pag-attend sa mga work shops, napabili ako ng isang maliit na abandoned building. Dalawang palapag lamang ito at 'di naman kalawakan ang area pero nang matapos ang renovation, napa-wow ako. Napakaganda nito para sa'kin. Magsisimula nang tumanggap ng guest ang hostel na ito sa abot kayang halaga lamang. Ilang milyon din ang nawala sa'kin pero ito ang gusto ko. Matapos ko ring makabili ng 500 square meter na lupa, pinatayuan ko naman ng apartment na may walong pintuan. "Alam kong kakayanin mo, Millow." Tuwang pahayag ng abogado na dumalo sa imbitasyon ko pero malungkot ako dahil hindi nakarating ang inaasahan ko, si Daddy Lambert. "Anyways, naibigay ko na sa'yo ang contact ng ilang tao na pwedeng makatulong sa'yo para mai-promote ang hostel mo."Sa ground floor ginanap ang party na dinaluhan ng mga bago kong kaibigan kasama na ang pamilya ko. Mga businesswoman din sila kagaya ko pero ang kaibahan ko lang sa kanila, college undergrad ako kaya pursigido
Millow's POV"Congratulations!" Hindi ko napigil ang pagngiti dahil—panalo ako! Panalo ako sa kaso ko laban kay Lake na maangkin ang kalahati ng yaman nito. Napatingala ako sa kisame habang magkasiklop ang mga kamay ko."Thank you, Lord." Bumalik ang tingin ko sa abogado nang pahirin ko ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala! Mayaman na'ko. "Maraming-maraming salamat din, Attorney. Sa lahat ng naitulong mo lalo na kay Daddy Lambert.""Siguradong masaya ang matanda pero—dumadaan siya ngayon sa matinding pagsubok." May lungkot sa boses ng abogado nang ibalita ito. "Ilang linggo na siya sa ospital."At kahit gustuhin ko mang puntahan ito, limited lamang ang taong pwedeng makapasok. Gusto ko sanang pasalamatan ang matanda dahil ito ang naging susi para makuha ko ang nararapat para sa'kin. Ito rin ang parusa ko kay Lake kaya nilaban ko ang lahat. Sa rami ng naranasan kong pasakit sa asawa kong iyon, ito ang ganti ko sa kanya. Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin na
Lakes's POVNapabuga ako ng hangin nang bigla ko siyang hawakan. Ang babaeng ito ang magpapabagsak sa'kin kaya hindi ako papayag na maungusan niya 'ko. What a fucking gold digger! Kailangan kong paamuin ang isang 'to para hindi siya magtagumpay sa pagkamkam ng yaman ko. "Ibibigay ko ang nais mo, my dear wife at kahit ang annulment or divorce, pipirma ako in just one condition, pumirma ka sa papel na'to para matapos na tayo."Nanlaki ang mata ni Millow nang makita nito ang dokumento na inabot ko, "Ano yan?" kabadong tanong nito. "Pwede bang tawagan ko si Attorney para mapa-check 'yan?"Pigil ko ang nang-uuyam kong ngiti nang paningkitan ko siya ng mga mata. Akala ko walang binatbat ang babaeng 'to pero mukhang natututo na ito. "Hindi na natin kailangang magkorte dahil ako na ang kusang magbibigay ng pera sa'yo." Isang mungkahi ito para wala nang hearing sa pagitan namin about sa hatian na ipinamana sa'kin. Sa ganitong paraan, hindi mapapasakamay ng babae ang kalahati ng yaman ko. Ni