Lake's POV"Lake?" takang reaction ni Selene nang bigla ko siyang bitawan."Not here, Selene." Habol ko ng tanaw si Millow nang iwasan ko na si Selene. Napangisi lang ako sa naging reaction ni Millow kanina. "Alam kong titigil na ang babaeng 'yon, ipagpilitan ba naman ang sarili sa'kin?" Yamot kong tinanggal ang kamay ng katabi ko nang makipag-holding hands pa ito. "At ikaw, kung sa tingin mong seseryosohin kita, you're very wrong.""I know that." Wala itong nagawa nang umagapay na lang sa'kin pero ramdam ko ang inis niya. "Baka gusto mong pumunta tayo somewhere, lover boy, I really miss you." Napalitan ng lambing ang boses nito at akmang hahawak pang muli sa kamay ko pero agad akong umiwas.Wala na'kong ka-amor amor kay Selene kaya kahit ano pang pangse-seduce ang gawin niya, hindi na ito eepekto. Sadyang ginawa ko lamang sa harap ni Millow ang eksenang ganun para tigilan na rin ako ng babae. Wala nga itong pinagkaiba kay Selene at hindi ako makakapayag na kakaya-kayanin lang nila ak
Lake's POV"Damn it!" gigil kong anas nang ipatawag na naman ako ni Dad sa sala. Nasa kwarto lang ako para pag-aralan ang itatayo kong pabrika pero makulit talaga ang katulong. "Ano ba!""S-sir, nagagalit na r-rin po kasi si Sir Lambert. Lumabas na po kayo." Pakiusap ng maid sa pang-apat na balik nito sa kwarto ko.Hindi na nagseserbisyo si Millow sa'kin dahil nga sa issue naming dalawa pero patuloy ito sa pagtatrabaho sa mansyon kasama ang iba pang katulong. Sa maid's quarter pansamantalang nakikitulog ang babae hangga't hindi dumadating ang mga magulang nito."Kakausapin ka ng pamilya ni Millow at ni Sir Lambert."Umangat ang mukha ko nang marinig iyon. So nandito na pala ang angkan ni Millow na mga mukhang pera rin? Kaya pala...May pagmamakaawa sa mukha ng katulong nang muling magsalita. "May mga kasama silang pulis, sir, pero kinakausap sila ni Sir Leighton dahil nga balak ka nilang hulihin. Magulo po sa labas eh, kailangan niyong lumabas para h-harapin silang lahat."Napabuga ak
Millow's POV Hindi ko maipaliwanag kung ano ang tamang nararamdaman ko. Masaya ako na ikakasal na kami ni Lake ngayong araw pero napakalayo niya. Inabot halos ng isang linggo ang pag-aayos ng mga dokumento sa kasal pero sa mga panahong nakikitira kami sa mansyon, ni hindi man lang ako kinausap ng lalake. "Anak," nakangiting untag ni Tatay. "Ngumiti ka naman. Ikaw lang ang ikakasal na malungkot." Totoo namang malungkot ako dahil laging aburido si Lake kapag sinusubukan kong lapitan siya. Gusto kong humingi ng tawad at mangakong magiging mabuting asawa sa kanya pero halos isuka niya ako. Sa munisipyo ang kasalan dahil nga mabilisan ang gusto ni Lake. Marami itong aayusin sa negosyo kaya ayaw na nitong maglaan ng mahabang oras sa preparasyon. Kami-kami lang din ang um-attend. Walang kamag-anak na inimbita ang pamilya dahil ito'y wala sa plano. Pilit ang ngiti ko nang tingnan ko si Tatay. Hindi ko makita ang saya sa mukha ng magiging kabiyak ko habang kinakasal kami. Pinapalakas lang
Millow's POV"L-Lake?" Nakadapa sa kama ang lalake nang pumasok ako sa kwarto niya. Hubad-baro ito at mukhang tulog na. Mabilis akong pumasok sa banyo para palitan ang white dress na suot ko; simple lang itong bestida na ginamit ko sa kasal namin. Tumabi na lang ako sa asawa ko nang matapos na'kong maglinis ng katawan. Saglit ko pa siyang sinulyapan pero mukhang tulog na ito. Napa-buntonghininga ako nang 'di ko maiwasang titigan ang likod niyang expose. Napaka-macho talaga niya. Napangiti ako dahil legal ko na siyang asawa. Umusog pa'ko palapit sa kanya at iniyakap ang isang braso ko sa katawan niya. Nasa ganoong ayos kami nang biglang kumilos ang lalake. Malat ang boses nito nang magising bigla."Millow?" kunot ang noo nito nang makita ako. "Bumaba ka sa kama, sa sahig ka matulog." Umayos ng pagkakahiga ang lalake kaya mas lalong nalantad sa mata ko ang matipuno nitong pangangatawan pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Huwag na huwag kang tatabi sa'kin dahil kahit ano'ng gawin
Millow's POVHangos akong bumaba ng tricycle nang makarating ako sa dating pinuntahan ko na palayan. Wala akong nakitang tao nang igala ko ang paningin ko kaya muli kong inutusan ang driver na magmaneho pa. Kung sa'n kami padparin, bahala na. Napakalawak ng bukirin ng mga Monteverde. Nabuhayan lamang ako ng loob nang may isang sasakyan ang dumaan. Agad ko itong pinasundan at laking tuwa ko nang makakita ako ng tao sa malawak na palayan kung sa'n ito huminto. May mga gazebong nakatayo sa gitna kaya sigurado akong nando'n si Lake."Eh, ma'am, hanggang dito na lang po ako. Kailangan mong lakarin pababa ito papunta sa kanila." Nakatingin din ang driver sa kumpulan ng mga tao sa gitna ng palayan. Sa ibaba ito ng kalsada kaya kailangan kong maglakad pababa papunta sa mga gazeebo. Sinadyang may daanan ang tao sa gawing 'to dahil may nakita akong sementadong hagdan.Pero ang problema, wala akong pambayad. Ni wala nga akong kapera-pera. "Pwede po bang utang muna?"Napakamot sa ulo ang driver.
Millow's POV Hindi ako makapaniwala nang pihitin ko ang pinto ng kwarto ni Lake. Sarado ito. Pagod na'ko sa maghapong pagtatrabaho sa loob ng bahay. Dahil nga iilan na lang ang katulong dito, obligado akong tumulong pero ang problema, wala akong sweldo dahil asawa na'ko ng lalake. "L-Lake?" tawag ko kasabay ng pagkatok. Nakailang ulit pa'ko ng katok bago tuluyang bumukas ang pinto. Napaawang ang labi ko sa babaeng nagbukas nito, si Sophia. Nang umalis kami ni Selene sa bukid, hindi umuwi ng dalawang araw si Lake. Hindi ko rin alam kung sa'n ito natulog. "Ano'ng ginagawa mo rito?" pagalit kong sita sa babae pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Kandahaba ang leeg ko sa pagsilip sa loob ng kwarto at sakto namang nakita ko ang hinahanap ko. "Lake!" Hindi ako makapaniwala dahil kalalabas lang nito sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya mula bewang pababa. "Paalisin mo ang babaeng ito, sa'n ka ba nanggaling? Dalawang araw kang hindi umuwi." Tinabig ko si Sophia nang pumasok ako sa loob.
Millow's POVPumunta ako sa mansyon nang magising ako nang maaga pero agad akong hinarang ng hardinero. Nasa labas lang ako ng gate para abangan sana ang asawa ko. "Millow, baka makita ka ni Sir." Nag-aalala itong napalingon sa bahay bago ako binalingang muli. "Paalis siya ngayon kaya please, 'wag ka munang magpakita."Hindi ako natatakot. Gusto ko lang kausapin ang lalake para humingi ng tawad. Sabi ko nga kagabi, magpapakabait muna ako habang iniisip ko pa ang gagawin ko. Kailangan ko na ring mag-enroll at balak kong kausapin si Lake para masustentuhan nito kahit pang-allowance ko man lang. Scholar naman ako pero poproblemahin ko ang pamasahe at ilang miscellaneous na gastusin sa paaralan."Wag kang mag-alala, si Lake talaga ang sadya ko rito." Tumila na ang ulan pero makulimlim pa rin ang kalangitan nang tumingala ako. Sakto namang lumabas ang asawa ko kaya nagtama ang mga mata namin. "L-Lake, pwede ba tayong mag-usap?""What are you doing here?" Kasing-lamig ng panahon ang pakiki
Millow's POV Napakasaya ko nang makisalo na rin ako sa mga bisita. Nagmukhang disente si Selene sa suot nitong pantalon at plain shirt. Puro lang kasi pa-sexy ang alam nitong isuot. Hindi ko alam kung ba't wala si Sophia pero hindi na 'yon mahalaga, masaya ako sa pagbabago ng mood ni Lake. Bumait ito bigla at naging malambing pa. Pinakilala niya 'kong asawa sa harap ng mga pulitiko. Napakasarap sa pakiramdam no'n. "This is Selene, fiancée of my brother Leighton. The wedding was postponed due to our dad's illness." Pakilala ni Lake sa babae na kiming ngumiti sa mga bisita. Tahimik lang ito. "I appreciate your help in ensuring that all documentation and procedures are in order. My soon-to-be staff will receive the necessary training and background checks to ensure a successful and safe workplace." "Lake, you're always welcome, and in addition to that," napangiti ang mayor nang ito na ang magsalita. "Kami ang dapat magpasalamat dahil mabibigyan mo ng trabaho ang maraming residente r
Millow's POV Mabilis ang ginawang entrapment kay Sandra at sa mga kasamahan nito pero ayon kay Lander, nagulat daw ang babae dahil hindi nito inaasahan na ipapahuli ko ito sa mga pulis. Mabilis namang nilagay sa custody ng DSWD si Laura habang iniimbestigahan ang kaso. "Salamat, Lander." Nasa bahay na'ko kasama si Leighton pero hindi ko naabutan sina Sandra at Laura. "Mabuti na lang mabilis ang mga tao natin pati na ang mga pulis." "Galing na'ko sa pulis station, Millow, pero pinakawalan si Sandra at ang tatlong kasamahan niya dahil wala pang complaint na natatanggap ang mga pulis. Kailangan mong mag-file ng kaso laban sa kanila." Ito ang sinabi ni Lander nang maabutan ko sa bahay. "Pero magbibigay ng protection order ang mga police para masigurong ligtas ang pamilya mo habang hindi pa napapatunayan ang motibo ni Sandra same with Selene. Kailangan natin ng katibayan muna." Sumingit si Leighton sa usapan namin, "The DNA, bro. Kailangang ipa-DNA si Sadiya at Selene—" "On vacat
Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw
Millow's POV "Magugulat ka sa ibabalita ko." Di napigil na bulalas ni Lander nang salubungin ko siya at nagulat ako nang bigla niya 'kong yakapin. "Marthy is your son. Siya ang isa sa kambal, Millow." Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Naging maulap ang mga mata ko nang yakapin ko si Lander. Napatawa siya nang malakas at ako nama'y nag-iiyak na. Napakasaya ko! Lumalapit na rin sa'kin si Marthy sa loob ng isang buwang pamamalagi ko rito. "And so as Sadiya..." Dugtong ng lalaki nang titigan ako. Natigilan ako. "Ibig sabihin—" "Yes, Millow, anak nina Selene at Lake si Sadiya. Nag-match ang DNA ng bata kay Lake."Kumirot ang puso ko pero walang kasalanan si Sadiya. Mahal ko pa rin si Lake, 'yon ang nasisiguro ko sa kabila ng pait na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang kataksilan niya. Kasalanan ko naman talaga kung ba't kami naikasal; totoo ang sinabi ni Selene na pinikot ko si Lake dahil sa ambisyon kong mabawi ang lupa namin. Natuwa sina Nanay at Tatay sa balita kaya na
Millow's POV "Ma'am, bilisan mo! Habang hindi pa nakakalabas si Emily..." Sumulpot si Fred sa harap ko na karga ang bata. Apat na araw na akong nagmamanman sa bahay ni Emily. Tinawagan ko kanina si Lander para malaman nito ang plano ko. Kumusta na kaya si Lake? Sinabi nitong hindi pa nagigising si Lake pagkatapos nitong maoperahan. Naiyak nga ako at dinasalan ko nang todo na sana'y sa pagbabalik ko, magising na ito. Hindi rin ako mapakali kung ba't hindi pa nagigising ang asawa ko at si George, parang gusto ko na namang umiyak. Sana'y mapatawad niya 'ko. Hindi ko sinasadyang saktan siya."Tulong! Ang anak ko, may kumuha sa anak ko!" hiyaw ni Emily na nasa loob pa ng bahay nito. Kinakalampag nito ang pinto. "Walanghiya ka, Fred! Kaibigan ka pa naman ni Mario. Ba't hindi ko mabuksan ang mga pinto? Mga kapitbahay, tulungan niyo 'ko!!"Nagulantang ako sa sigaw na iyon!"Ma'am," pukaw ni Fred. "Kailangan na nating umalis, 'yong kaibigan ko ang maghahatid sa'tin sa kabila. Sundan niyo
Millow's POV Napakaraming test ang ginawa kay Lake kaya labis-labis ang pag-aalala namin pero sinamahan ko ito ng dasal. Isa lang ang gusto ko: ang bumalik ang alaala ni Lake para mapatunayan nito sa lahat kung sino ang tunay nitong mahal. Ako iyon, hindi si Selene... hindi rin si Emily. "It's time for DNA," pukaw ni Lander sa'kin dahil nakapikit ako at umuusal ng panalangin. Napasunod lang ang tingin ko kay Lander. Ibang-iba na siya, parang ito na ang matanda sa lahat ng magkakapatid dahil ito na ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Isang linggo na kami rito sa ospital para magamot si Lake. Ngayon babasahin ang mga naiwang test na huling ginawa kay Lake. Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa labas ng tanggapan ng doktor. Kinuhaan ng DNA sample si Lake kung magma-match ito kay Sadiya. Napatayo ako nang makita ko ang paglabas ni Lander, "Lander, ano'ng balita?" Kuno't noo si Lander nang mapabuntong-hininga ito, "Tapos na ang pagkuha for DNA. But it seems like a bad
Millow's POV "Yes, siya nga si Lake. Geez." Nagpalakad-lakad si Lander sa harap namin nang sabihin ito. Kaharap na rin namin ang tatay-tatayan ni Mario at ito mismo ang nagkumpirmang natagpuan lang nito si Mario na palutang-lutang sa dagat kasama ang isang sanggol. Naiyak na'ko nang maisip kong baka nalunod ang babae kong anak dahil isa na lang ang natira at iyon ay posibleng si Marthy. "Nasa'n ang isa ko pang anak?" hysterikal kong tanong. "It's confirmed, that Mario is Lake." Singit ni Leighton. "May malay pa siya nang matagpuan ko sa dagat at nakiusap sa'kin si Mario na tulungan ko ang anak niya." Pagpapatuloy ng matanda nang sariwain nito ang nangyari. "Nangisda ako noon pero lumakas ang ulan at hangin. Nakita kong nakalagay ang bata sa isang lagayan na lumulutang. Duguan 'yang si Mario nang makita ko kaso lang nang madala ko na siya sa bahay, nawalan ulit siya ng malay. Dahil may bagyo noon at wala naman kaming pera, sa health center lang kami humingi ng gamot pero habang tu
Millow's POV Nang makabalik ulit ako ng Boracay... Naiiyak ako nang lapitan ako ng bata, "Hey... cutie. May candy ako, you want?" Atubili ito kung lalapit o hindi pero napangiti rin ito kalaunan nang may ipakita pa akong maraming laruan. Nahihiya itong tumingin pero niyakap ko lang siya nang makalapit na ito. Iba ang pakiramdam ko nang yakapin ko ang batang 'to. "Ano'ng pangalan mo?" pigil ang emosyong tanong ko. "M-Marthy p-po," nahihiyang tugon nito. "Marthy, papasok tayo sa loob ng bahay dahil may ibibigay pa'ko sa'yo, okay?" Nang tumango ito, nasiyahan ako. "Good boy." Inakay ko siya papasok sa bahay-kubo na nirentahan ko matapos kong siguraduhin na walang taong makakakita sa'min. "Fred, magbantay ka rito sa labas." Ito na ang bahala para hindi mabuko ni Mario ang ginagawa namin. Hindi ko napigilang pugpugin ng halik ang bata na ikinaasiwa nito pero wala akong pakialam. Alam kong siya ang nawawala kong kambal lalo na't kamukha ito ni Lake. Napakalakas ng dugo ni Lak
Millow's POV "Ikaw na naman?" pigil ang galit ni Mario nang makita ako matapos ko siyang puntahan sa opisina. "Tigilan mo na ang kakatawag sa cellphone ko dahil hindi kita kilala. Maghanap ka ng ibang instructor sa scuba diving, ayokong mag-away kami ng asawa ko." Nasaktan ako pero inintindi ko na lang ang sinabi niya at muli, inulit ko ang mga nangyari noon. "Makinig ka naman sa'kin L-Lake I mean Mario, papatunayan kong ikaw ang asawa ko kapag nakabalik ako rito." Kahit picture, wala man lang ako kaya pa'no ko ipapakita ang ebidensya ko? Hindi ko kasi inaasahan na buhay pa si Lake pero pa'no 'to? Mukhang may amnesia ang lalaki. "Hayaan mong patunayan ko sa'yo pero kung mali man ako, ngayon pa lang humihingi na'ko ng sorry. Baka nga kamukha mo lang." Kandahaba ang leeg ko sa paghahanap sa anak nito pero wala ang bata rito. Nakita kong akay ito ng lalaki kanina. "Pagbibigyan kita pero 'wag kang panay punta sa bahay dahil nakakagulo ka sa'min. Nagseselos na ang asawa ko, iniisip
Millow's POV "Magtago ka nga, Kuya." Inis kong bulong dahil parang susugurin nito ang bahay ni Mario nang sundan namin ang lalaki. Nakatago kami sa likod ng isang bahay-kubo na katabi lang ng bahay ni Mario. Sinalubong ng isang babae si Mario na sinundan ng isang bata. Nang makita ko ang bata, binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi maipagkakailang hawig ito ni Mario. Siya na kaya ang isa sa kambal? "Millow!" Pigil ang boses ni Kuya nang makita akong lumabas sa pinagtataguan namin. Dere-deretso akong lumabas nang makita ko ang bata. Napatingin na rin sina Mario at ang asawa kuno nito sa'kin. Nagkatitigan kami ng batang lalaki at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bigla ko na lang niyakap ang bata na tantya ko'y apat na taong gulang na; na ipinagtaka ng mag-asawa. Naguluhan naman ang bata nang titigan ako pero tahimik lang ako. "Ma'am Millow?" gulat si Mario nang makita ako lalo na nang yakapin ko ang anak niya. Hindi ko maintindihan pero iyak ako nang iyak. Ilang ta