Home / Romance / Can't Be Tamed / Episode 59: The Truth

Share

Episode 59: The Truth

Author: monteevs
last update Last Updated: 2025-03-06 23:45:05

Millow's POV

Magdadalawang taon na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago kay Lake. Napakailap pa rin nito sa'kin.

"Pwede ba? Nakairita ka na!" singhal nito nang.bigla akong yumakap habang nakatalikod siya. Natulog sa kabilang kwarto ang lalaki kaya sinundan ko siya. "Sinabi ko na sa'yo ang gusto ko pero pinipilit mo'kong makisama pa sa'yo."

Nasaktan ako kaya napakalas ako ng yakap. Kalayaan ang hinihiling ng lalaki pero ayokong pumayag dahil buo na ulit ang pamilya namin.

"Anak natin sina Sadiya at Marthy, kailangan nila ng buong pamilya." Emosyonal kong saad nang titigan ko ang likod niya.

Lumabas din sa DNA result na ako ang ina ni Sadiya. Naging buo na ang pagkatao ko kaya lumalaban akong maibalik ang dating pagmamahal ni Lake. Ang problema lang, sadyang magaling magtago si Selene kaya hindi pa siya nahuhuli.

"Tigilan mo na'ko, Millow," yamot na pakiusap ng lalaki nang makita akong akmang maghuhubad na. "Ilang beses mo nang sinusubukan na may mangyari sa'tin, 'di ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Can't Be Tamed   Episode 60: Reflection And Thought

    Lake's POV "Ba't ba ang suplado mo kay Millow, bro?" napapailing na tanong ni Lander. Nagtagis ang bagang ko. Ang kulit kasi ng babaeng iyon kahit pa tinutulak ko na siya palayo. Ngayong bumalik na ang alaala ko, itutuloy ko ang plano ko. Muli kong kukunin ang lahat ng nawala sa'kin. Hayop na Selene 'yon! Magbabayad ang babaeng iyon. Dahil sa kanya kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko. "Kung hindi lang kita napigilan, baka nabaril mo na si Selene." Napasandig sa railings ng yate si Lander nang sabihin ito. "Hey, may anak na kayo ni Millow, ba't ba inaayos mo pa 'yang divorce? Your wife is a good woman, saksi ako na naging mabuti siyang tao nang mawala ka. Ayaw ko rin sa kanya no'ng una pero kalaunan, boto na'ko same with Leighton, he loves Millow." Tama si Lander, muntikan ko nang mapatay si Selene sa entrapment operation na ginawa namin kasama ang mga kapulisan. Namataan na ang ginamit na mga bangka ng grupo nito kaya naging alerto kami. May balak talaga akong bumalik ng Manila

    Last Updated : 2025-03-07
  • Can't Be Tamed   Episode 61: Their Fates: The Ending

    Lake's POV Nagtakbuhan ang mga bata papunta kay Millow na abala na sa kusina. Napa-buntonghininga ako. Ito ang pinakamahirap na katangian ko; ang magpakumbaba ng totoo para masubukan ko kung ano ang buhay na sinasabi ng mga kapatid ko pati na ni Fernando. Lalo na ang doktor na humahawak sa'kin para sa isang councelling. "I realize I was harsh in earlier years, but my childhood has turned me into a monster, Millow. I couldn't be a normal person, and I struggle with trust throughout my life." Hindi kumibo ang babae nang magpaliwanag ako. "Pinuntahan ko si Emily para matapos na ang lahat sa'min. Siya ang nag-aruga sa'kin at kay Marthy, malaki rin ang utang na loob—" "Shut up!" hiyaw ni Millow nang bigla itong humarap. "Mommy?" naiiyak na tawag ni Sadiya kaya bigla na lang nag-iba ang expression ng babae nang umupo ito para magpantay ang mukha nila ng bata. "I'm sorry, Sadiya, not feeling well lang si Mommy. Nay!" Tawag nito sa ina na agad namang sumulpot para kunin ang mga bata kaya

    Last Updated : 2025-03-08
  • Can't Be Tamed   Episode 1: Stalker

    Millow's POVNanlalaki ang mata ko nang sundan ko si Lake Monteverde, ang lalaking magiging dahilan ng pagiging homeless namin. Panay ang tago ko sa katawan ng niyog o kahit anong malagong halaman para hindi ako mahuli sa pagsunod ko sa kanila. Nasa loob na ng isang kubo ang lalake kasama ang isang babae na kasama rin nitong bumaba ng isang malaking bangka kanina. Dinaig ko pa ang bihasang stalker nang mapag-alaman kong pinapaalis na kami ng lalaking ito sa isla kung saan ako ipinanganak. Ang lupang akala ko'y amin pero pag-aari pala ito ng isang Monteverde. Simula noon, nang ituro ito ng kakilala ko na ito ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay namin, hindi ko na ito tinigilan ng kakasunod."L-Lake, ba't hindi ka makapaghintay, ha? Baka may makakita sa'tin dito? A-ano ba!""Ssh, shut up, Selene." Salag ng lalake. "Mahuhuli tayo kung mag-iingay ka pa. Mabilis lang 'to, don't worry."Napalunok ako nang makita ko kung ano'ng ginagawa ng dalawa sa loob ng kubo. Unang naghubad si La

    Last Updated : 2024-05-16
  • Can't Be Tamed   Episode 2: Getting To Know Him

    Millow's POV"Naririnig mo ba 'ko?" sita ni Aling Zenya nang puntahan ako nito bandang ala-siyete ng gabi sa bahay. "Pumayag na 'yong tatay mo na mag-part time ka sa mga Monteverde para makadagdag sa allowance mo sa pagkokolehiyo kaya sumama ka na sa'kin ngayon sa mansyon dahil maraming bisita na darating. May engagement party kasing magaganap. Pumayag na rin ang mayordoma ro'n kaya ano pang tinatanga mo riyan, Millow?"Engagement party? Ikakasal na siguro ang Lake Monteverde na 'yon. Nanghinayang ako bigla at kagyat na ninerbyos dahil nang takbuhan ko ito isang linggo na ang nakakalipas, galit na galit ang supladong iyon. Hindi na kami muling nagtagpo. Patamad akong tumayo para magbihis. Maong na kupasin at T-shirt na luma ang suot ko. Kahit ang mga ganitong bagay, hirap akong bilhan ng magulang ko dahil nga sa private school ako nag-aaral. Ultimo underwear nila hindi na sila makabili dahil sa laki ng gastos sa'kin pero nagpapasalamat akong sa kabila ng kahirapan namin, mataas naman

    Last Updated : 2024-05-16
  • Can't Be Tamed   Episode 3: His Charm

    Millow's POVHindi na kami magkandaugaga nang dumami pa lalo ang mga tao. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng Lake na 'yon pero nang tawagin lahat ng mga bisita sa napakalaking bulwagan ng bahay, natutok ang mata ko kay Lake."Everyone, listen." Nakatingin ang matandang Monteverde sa mga trabahante sabay ngiti. "Salamat. Kung 'di dahil sa inyo, this won't be a success and of course," napatingin naman ang matandang lalake sa dalawang taong nakatayo sa gilid nito."My son, Leighton, was supposed to be in seminary before meeting you, Selene, but you changed his mind. We are grateful to have you as a new member of our family and you son." Napatikhim pa ang matanda nang nakangiti nitong titigan ang anak na si Leighton, ito ang panganay. "You make me very happy to think about seeing you with my grandchildren someday. I didn't ask for this, yet I'm excited. No offense to God; perhaps this is His will."Siya iyon! Si Selene, ang kahalikan ni Lake sa kubo. Pero bakit ito hawak sa kamay ni Le

    Last Updated : 2024-05-16
  • Can't Be Tamed   Episode 4: Charm And Deceit

    Millow's POV "Millow..." Napatingin ako kay Aling Zenya nang inguso nito ang kinaroroonan ng mga bisita. Halos isang buwan na'kong naninilbihan sa pamilyang ito kaya nakaka-adjust na'ko kahit papa'no maliban na lang sa pag-uugali ng isa kong amo—kay Lake. Hindi na naulit ang pagbisita nito sa bahay namin pero parang sirang plaka ito sa paulit-ulit nitong pananakot sa'kin. Wag ko raw isumbong kay Sir Lambert ang sekreto niya. "Mag-serve ka na sa mga bisita, ano ka ba. Tulala ka na naman diyan." May kasama na itong siko mula sa matanda. "Puntahan mo rin si Sir Lake sa unit na inokupa niya pagkatapos ng paghatid mo ng pagkain sa mesa." "B-bakit daw po?" Pero nakatalikod na ang matanda nang lingunin ko. "Kainis ah," naibulong ko na lang. "Bakit ba palagi na lang kami may session ng Lake na 'yon?" Ano na naman kaya ang kasalanan ko at pinapatawag ako ng lalaking iyon? Nasa resort kami ng mga Monteverde at ngayong araw nga, espesyal ito para sa lahat dahil nagsidatingan na ang dada

    Last Updated : 2024-07-25
  • Can't Be Tamed   Episode 5: Her Revelations

    Millow's POV"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako."See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae."Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin

    Last Updated : 2024-07-30
  • Can't Be Tamed   Episode 6: His Forbidden Affair

    Lake's POV"What a mess," gigil kong anas.Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene..."Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko.

    Last Updated : 2024-07-31

Latest chapter

  • Can't Be Tamed   Episode 61: Their Fates: The Ending

    Lake's POV Nagtakbuhan ang mga bata papunta kay Millow na abala na sa kusina. Napa-buntonghininga ako. Ito ang pinakamahirap na katangian ko; ang magpakumbaba ng totoo para masubukan ko kung ano ang buhay na sinasabi ng mga kapatid ko pati na ni Fernando. Lalo na ang doktor na humahawak sa'kin para sa isang councelling. "I realize I was harsh in earlier years, but my childhood has turned me into a monster, Millow. I couldn't be a normal person, and I struggle with trust throughout my life." Hindi kumibo ang babae nang magpaliwanag ako. "Pinuntahan ko si Emily para matapos na ang lahat sa'min. Siya ang nag-aruga sa'kin at kay Marthy, malaki rin ang utang na loob—" "Shut up!" hiyaw ni Millow nang bigla itong humarap. "Mommy?" naiiyak na tawag ni Sadiya kaya bigla na lang nag-iba ang expression ng babae nang umupo ito para magpantay ang mukha nila ng bata. "I'm sorry, Sadiya, not feeling well lang si Mommy. Nay!" Tawag nito sa ina na agad namang sumulpot para kunin ang mga bata kaya

  • Can't Be Tamed   Episode 60: Reflection And Thought

    Lake's POV "Ba't ba ang suplado mo kay Millow, bro?" napapailing na tanong ni Lander. Nagtagis ang bagang ko. Ang kulit kasi ng babaeng iyon kahit pa tinutulak ko na siya palayo. Ngayong bumalik na ang alaala ko, itutuloy ko ang plano ko. Muli kong kukunin ang lahat ng nawala sa'kin. Hayop na Selene 'yon! Magbabayad ang babaeng iyon. Dahil sa kanya kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko. "Kung hindi lang kita napigilan, baka nabaril mo na si Selene." Napasandig sa railings ng yate si Lander nang sabihin ito. "Hey, may anak na kayo ni Millow, ba't ba inaayos mo pa 'yang divorce? Your wife is a good woman, saksi ako na naging mabuti siyang tao nang mawala ka. Ayaw ko rin sa kanya no'ng una pero kalaunan, boto na'ko same with Leighton, he loves Millow." Tama si Lander, muntikan ko nang mapatay si Selene sa entrapment operation na ginawa namin kasama ang mga kapulisan. Namataan na ang ginamit na mga bangka ng grupo nito kaya naging alerto kami. May balak talaga akong bumalik ng Manila

  • Can't Be Tamed   Episode 59: The Truth

    Millow's POV Magdadalawang taon na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago kay Lake. Napakailap pa rin nito sa'kin. "Pwede ba? Nakairita ka na!" singhal nito nang.bigla akong yumakap habang nakatalikod siya. Natulog sa kabilang kwarto ang lalaki kaya sinundan ko siya. "Sinabi ko na sa'yo ang gusto ko pero pinipilit mo'kong makisama pa sa'yo." Nasaktan ako kaya napakalas ako ng yakap. Kalayaan ang hinihiling ng lalaki pero ayokong pumayag dahil buo na ulit ang pamilya namin. "Anak natin sina Sadiya at Marthy, kailangan nila ng buong pamilya." Emosyonal kong saad nang titigan ko ang likod niya. Lumabas din sa DNA result na ako ang ina ni Sadiya. Naging buo na ang pagkatao ko kaya lumalaban akong maibalik ang dating pagmamahal ni Lake. Ang problema lang, sadyang magaling magtago si Selene kaya hindi pa siya nahuhuli. "Tigilan mo na'ko, Millow," yamot na pakiusap ng lalaki nang makita akong akmang maghuhubad na. "Ilang beses mo nang sinusubukan na may mangyari sa'tin, 'di ka

  • Can't Be Tamed   Episode 58: Together Again

    Millow's POV Parang panaginip lang ang lahat dahil ang akala ko, hindi na muli pang mabubuo ang pamilya ko pero heto kami, kasama si Lake at ang dalawang bata. Hindi pa naman lumalabas ang DNA results namin ni Sadiya pero ako ang tumayong ina niya habang iniimbestigahan ang kasong isinampa kay Selene. "Gusto ko sa baba, Millow." Palag ni Lake nang madala na ito sa taas pero mas pinili nitong manuluyan sa baba kung nasaan ang resort namin. Pina-upgrade ko na rin ang bahay dito sa taas kaya mas lumawak ito. Dito ako naging abala pero syempre, maingat kami sa pag-hire ng manggagawa para walang makapasok na kalaban. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi pa bumabalik ang memorya ko at hindi pa ako okay. Si Emily ang mahal ko." Giit nito na walang kangiti-ngiti. Ito'y matapos ang isang buwan na pamamalagi ni Lake sa ospital para magpagaling ito. Paunti-unting bumabalik ang lakas ng lalaki at hindi na rin ito nagse-seizure kagaya dati. Marami itong iniinum na gamot pero tuwing lalapit

  • Can't Be Tamed   Episode 57: Enemies

    Millow's POV Mabilis ang ginawang entrapment kay Sandra at sa mga kasamahan nito pero ayon kay Lander, nagulat daw ang babae dahil hindi nito inaasahan na ipapahuli ko ito sa mga pulis. Mabilis namang nilagay sa custody ng DSWD si Laura habang iniimbestigahan ang kaso. "Salamat, Lander." Nasa bahay na'ko kasama si Leighton pero hindi ko naabutan sina Sandra at Laura. "Mabuti na lang mabilis ang mga tao natin pati na ang mga pulis." "Galing na'ko sa pulis station, Millow, pero pinakawalan si Sandra at ang tatlong kasamahan niya dahil wala pang complaint na natatanggap ang mga pulis. Kailangan mong mag-file ng kaso laban sa kanila." Ito ang sinabi ni Lander nang maabutan ko sa bahay. "Pero magbibigay ng protection order ang mga police para masigurong ligtas ang pamilya mo habang hindi pa napapatunayan ang motibo ni Sandra same with Selene. Kailangan natin ng katibayan muna." Sumingit si Leighton sa usapan namin, "The DNA, bro. Kailangang ipa-DNA si Sadiya at Selene—" "On vacat

  • Can't Be Tamed   Episode 56: The Truth

    Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw

  • Can't Be Tamed   Episode 55: Confusion

    Millow's POV "Magugulat ka sa ibabalita ko." Di napigil na bulalas ni Lander nang salubungin ko siya at nagulat ako nang bigla niya 'kong yakapin. "Marthy is your son. Siya ang isa sa kambal, Millow." Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Naging maulap ang mga mata ko nang yakapin ko si Lander. Napatawa siya nang malakas at ako nama'y nag-iiyak na. Napakasaya ko! Lumalapit na rin sa'kin si Marthy sa loob ng isang buwang pamamalagi ko rito. "And so as Sadiya..." Dugtong ng lalaki nang titigan ako. Natigilan ako. "Ibig sabihin—" "Yes, Millow, anak nina Selene at Lake si Sadiya. Nag-match ang DNA ng bata kay Lake."Kumirot ang puso ko pero walang kasalanan si Sadiya. Mahal ko pa rin si Lake, 'yon ang nasisiguro ko sa kabila ng pait na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang kataksilan niya. Kasalanan ko naman talaga kung ba't kami naikasal; totoo ang sinabi ni Selene na pinikot ko si Lake dahil sa ambisyon kong mabawi ang lupa namin. Natuwa sina Nanay at Tatay sa balita kaya na

  • Can't Be Tamed   Episode 54: Worried

    Millow's POV "Ma'am, bilisan mo! Habang hindi pa nakakalabas si Emily..." Sumulpot si Fred sa harap ko na karga ang bata. Apat na araw na akong nagmamanman sa bahay ni Emily. Tinawagan ko kanina si Lander para malaman nito ang plano ko. Kumusta na kaya si Lake? Sinabi nitong hindi pa nagigising si Lake pagkatapos nitong maoperahan. Naiyak nga ako at dinasalan ko nang todo na sana'y sa pagbabalik ko, magising na ito. Hindi rin ako mapakali kung ba't hindi pa nagigising ang asawa ko at si George, parang gusto ko na namang umiyak. Sana'y mapatawad niya 'ko. Hindi ko sinasadyang saktan siya."Tulong! Ang anak ko, may kumuha sa anak ko!" hiyaw ni Emily na nasa loob pa ng bahay nito. Kinakalampag nito ang pinto. "Walanghiya ka, Fred! Kaibigan ka pa naman ni Mario. Ba't hindi ko mabuksan ang mga pinto? Mga kapitbahay, tulungan niyo 'ko!!"Nagulantang ako sa sigaw na iyon!"Ma'am," pukaw ni Fred. "Kailangan na nating umalis, 'yong kaibigan ko ang maghahatid sa'tin sa kabila. Sundan niyo

  • Can't Be Tamed   Episode 53: Bothered

    Millow's POV Napakaraming test ang ginawa kay Lake kaya labis-labis ang pag-aalala namin pero sinamahan ko ito ng dasal. Isa lang ang gusto ko: ang bumalik ang alaala ni Lake para mapatunayan nito sa lahat kung sino ang tunay nitong mahal. Ako iyon, hindi si Selene... hindi rin si Emily. "It's time for DNA," pukaw ni Lander sa'kin dahil nakapikit ako at umuusal ng panalangin. Napasunod lang ang tingin ko kay Lander. Ibang-iba na siya, parang ito na ang matanda sa lahat ng magkakapatid dahil ito na ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Isang linggo na kami rito sa ospital para magamot si Lake. Ngayon babasahin ang mga naiwang test na huling ginawa kay Lake. Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa labas ng tanggapan ng doktor. Kinuhaan ng DNA sample si Lake kung magma-match ito kay Sadiya. Napatayo ako nang makita ko ang paglabas ni Lander, "Lander, ano'ng balita?" Kuno't noo si Lander nang mapabuntong-hininga ito, "Tapos na ang pagkuha for DNA. But it seems like a bad

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status