Millow's POV
"Naririnig mo ba 'ko?" sita ni Aling Zenya nang puntahan ako nito bandang ala-siyete ng gabi sa bahay. "Pumayag na 'yong tatay mo na mag-part time ka sa mga Monteverde para makadagdag sa allowance mo sa pagkokolehiyo kaya sumama ka na sa'kin ngayon sa mansyon dahil maraming bisita na darating. May engagement party kasing magaganap. Pumayag na rin ang mayordoma ro'n kaya ano pang tinatanga mo riyan, Millow?"
Engagement party? Ikakasal na siguro ang Lake Monteverde na 'yon. Nanghinayang ako bigla at kagyat na ninerbyos dahil nang takbuhan ko ito isang linggo na ang nakakalipas, galit na galit ang supladong iyon. Hindi na kami muling nagtagpo. Patamad akong tumayo para magbihis. Maong na kupasin at T-shirt na luma ang suot ko. Kahit ang mga ganitong bagay, hirap akong bilhan ng magulang ko dahil nga sa private school ako nag-aaral. Ultimo underwear nila hindi na sila makabili dahil sa laki ng gastos sa'kin pero nagpapasalamat akong sa kabila ng kahirapan namin, mataas naman ang pangarap nila para sa'kin.
Ilang sandali pa, binabaybay na namin ang daan papunta sa bahay ng mga Monteverde. Halos isang taon pa lang naitatayo ang malaking mansyon ng mga Monteverde pero walang sinuman ang pwedeng makalapit dahil bantay-sarado ito. Kaya hindi ko masyadong nakikita ang mga Monteverde dahil kalimitang nasa Manila ang pamilyang iyon.
"A-Aling Zenya, baka magalit 'yong Lake dahil do'n sa ginawa ko no'ng nakaraang linggo." Nagmamadali na kaming naglakad ng matanda nang may dumaang sunod-sunod na sasakyan naman. Kinabog nang malakas ang puso ko nang magtama ang mata namin ng lalake na sakay ng owner type jeep. "N-naku po!" Si Lake Monteverde ba 'yon?"
Kay talim ng titig niya nang magtama ang mga mata namin pero ang sinasakyan nito, nag-iwan pa ng alikabok sa gawi namin kasunod ang iba pang sasakyan.
"Hayop na ' yon," inis kong anas nang mapaubo nang sunod-sunod. "Kupal lang talaga. Mukhang nananadya ah." Napalakas kong bigkas.
"Millow, sila ang amo natin. Umayos kang bata ka!" Nakasunod ang mata ni Aling Zenya sa mga sasakyan sa unahan. "Mukhang kakasundo lang ni Lake sa mga kapatid niya." Sunod-sunod ang poste ng ilaw sa kalsada kaya napakaliwanag ng daan papunta sa bahay ng mga Monteverde. "Ikaw, Millow, umayos ka kapag nasa harap nila lalo na kay Sir Lake. Baka mapaaga ang pagpapalayas sa inyo kapag sinuway mo 'yon."
Napalabi ako. Wala akong pakialam! Sabi ni Tatay, kay Lake Monteverde pala napunta ang kalupaan dito mula sa sakitin nitong ama. Ewan kung totoo ang tsismis. Dinig ko sa mahadera naming kapitbahay na hindi raw ito tunay na anak pero kadugong tunay ang turing ng mga Monteverde rito. Si Lake pa nga raw ang nag-request na ang lupa sa area na ito ang mapunta sa lalake dahil balak nitong tutukan ang farming. Bukambibig lagi ito ng mga tao pero never ko pa ngang nakita ang lalake hanggang nga mangyari ang paninilip kong iyon.
"Nandito na tayo" untag ni Aling Zenya nang mapahinto na sa malaking gate. "Lumilipad na naman 'yang utak mo. Ano na naman 'yang iniisip mo?"
Hindi ako nakahuma nang buksan ng matanda ang gate at tumambad ang mansyon. Wow! Napakaganda nga talaga ng mansyon. Puti ang kulay ng napakalaking bahay na moderno ang pagkakadisenyo at mukhang may second floor pa. Ang liwanag sa loob kahit gabi na dahil sa napakaraming poste ng ilaw sa loob. May security guard sa likod ng gate na agad tinanguan si Aling Zenya nang makapasok na kami. Halos 20 minuto ang nilakad namin pero dahil sa mayayabong na mga puno, hindi ko ito masyadong nakikita mula sa bahay.
"Zenya." Isa pang babae na may edad na ang sumalubong sa'min. "Alam mo na ang gagawin mo riyan sa pamangkin mo. Bilisan mo't nandito na ang lahat."
Agad na ring tumalikod ang babae nang masabi iyon at ako nama'y agad napasunod kay Aling Zenya. Kusina ang napadparan ko na puno ng mga naka-uniform na trabahante ng mga Monteverde. Isa-isa akong ipinakilala sa mga ito.
"Bilisan mo riyan, Millow." Yamot na katok ni Aling Zenya matapos ako nitong maihatid sa maid's quarter na katabi lang din ng kusina.
Nakabihis na'ko nang lumabas ng pinto. Isang maroon na uniform na may apron sa harap ang suot-suot ko nang lumabas.
"Tulungan mo sila sa pag-serve ng pagkain sa dining area, ha? Ako nama'y tutulong pa sa pagluluto ng dessert kasama ng mga kusinera. Hala, kumilos ka na, Millow."
Natagpuan ko na lang ang sarili kong may tulak na cart na naglalaman ng iba pang putahe na ise-serve sa mesa habang nakasunod sa dalawang maid sa harap ko. Part time lang 'to kasi sayang din ang kita. Wag ko lang sanang makita ang lalaking iyon pero nagkamali ako. Parang gusto kong magpalamon sa lupa nang magtama ang mga mata naming dalawa kasabay ng pagsikdo ng dibdib ko.
"Ilapag mo na lahat, Millow, sa hapag habang nasa sala pa ang mga bisita." Utos ng isang katulong din.
Agad naman akong tumalima pero buwisit! Sa pag-angat ko ng malaking tray para ilapag sa pahabang mesa kung san nakaupo banda ang lalaking ayokong makita, para namang sinadya nitong iunat ang mahaba nitong hita kaya saktong sa paghakbang ko, napa-ay ako nang malakas.
"Ay ano ba!" Nagulat kong hiyaw. May tumapong sauce mula sa hawak ko na saktong dumikit sa white T-shirt nito.
Napaasik ito nang wala sa oras, "Damn, watch your step. Look what you've done to my shirt."
"Naku, Sir Lake," singit ng isang kasamahan ko. "Pasensya na p-po, first day pa lang kasi ni Millow dito."
"I don't care!" inis na buwelta ni Lake sa katulong sabay baling sa'kin. Nanlisik ang mata ng lalake nang tumayo ito sabay talikod. "Follow me to my room, Millow, faster!"
Parang lumundag ang puso ko sa boses nito. Ano ang gagawin ng lalake sa'kin? Natatandaan pa kaya niya ako?
"Hoy, Millow," pukaw ng dalagang kasama ko. "Sundan mo na si Sir Lake. Ikaw kasi 'di nag-iingat eh, baka huling araw mo na ngayon." Makahulugang dugtong nito na nginuso pa ang among paakyat na ng hagdan.
Hindi ko alam kung susundan ko si Lake pero naramdaman ko ang pagtulak ng kasama ko sa'kin.
"Go na!" mariing sambit nito sabay pandidilat ng mata. "Baka mainip si Sir Lake."
Napasunod ako sa lalake na mukhang binagalan ang paglalakad para antayin ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakasunod sa kanya at atubili pa'ko nang bigla itong pumasok sa isang malaking pinto pagkarating namin ng second floor. Alumpihit ako nang dahan-dahan kong pihitin ang seradura ng pinto pero napasigaw ako nang haklitin ang braso ko ng malabakal nitong kamay.
"Ang kupad mo!" gigil nitong singhal sabay hawak sa mukha ko gamit lang ang isang kamay nito. Napasinghap ako at napahawak agad sa braso niya nang isandig niya 'ko sa dahon ng pintong nakasara na. "Now tell me kung bakit ka naninilip sa kubong iyon. Answer me!" Mahina pero mariing sambit nito.
Biglang nangatog ang tuhod ko. Para akong hihimatayin sa nerbyos. Diyos ko! Tandang-tanda pa pala niya ang paninilip ko? Natutok ang mata ko sa namumulang labi ng lalake na kagat-kagat pa nito. Napalunok ako dahil para akong nalulunod sa kagwapuhan niya. Bakit ganito? Natatakot ako pero nagugustuhan ko ang presensiya niya lalo na't ang lapit-lapit ng mga katawan namin.
"Millow, 'wag mong sagarin ang pasensiya ko kung ayaw mong palayasin ko kayo ng pamilya mo mismo sa gabing ito." Dugtong ng lalake.
Palalayasin? Sa'n kami titira? Namasa ang mga mata ko nang may pagmamakaawa habang nakatitig sa guwapong mukha niya.
"Huwag po, Sir Lake," pumiyok ang boses ko na ikinataas ng kilay niya. "Wala na kaming mapupuntahan na iba."
"Then you will follow my rules—only my rules, Millow—not other people's or my family's rules in this house kung ayaw mong malasin sa buhay. I'll let you stay on my land if you just behave and keep your mouth shut. Nakuha mo?"
Lalo lang inilapit ng lalake ang mukha nito sa mukha ko habang hinihintay ang sasabihin ko. Napapikit ako nang malanghap ko ang hininga niya. Lord! Naghahabulan na talaga ang mga daga sa dibdib ko at kinakapos na'ko ng hininga.
"Speak, young lady!" Inis na utos ng binata.
Hindi naman ako boba para hindi siya maintindihan. First year college na'ko ngayon pero na-late lang ng dalawang taon sa pag-enroll dahil nga hindi sapat ang kita minsan nina Tatay at Nanay. Nang maipon ko na ang lakas ng loob ko, tumitig ako sa mga mata niya.
"K-kasi nga po, natakot lang ako—" Tumaas ang kilay nito nang marinig ito sa'kin at lumuwag na rin ang pagkakahawak niya.
Nagsalubong ang kilay nito nang mabitin sa ere ang sasabihin ko.
"What do you mean, Millow?" inip nitong anas.
Diyos ko naman! Kailangan ko pa bang idetalye? Kasi ganito 'yon, gusto ko lang naman siyang pakiusapan na 'wag na kaming paaalisin sa lupa namin. Na kung pwede'y ibenta na lang ito sa'min kahit hulugan lang muna.
"Gusto k-ko lang makipag-usap sana sa'yo na w-wag na kaming palayasin sa lupa namin." Nakapikit ako nang sabihin ito. "Kaso lang na-curious lang p-po ako, uhm..." Nautal ako bigla nang animo may bumara sa lalamunan ko. "H-hindi ko sinasadya." Ang paninilip ko, gusto kong idugtong.
Napahalakhak ang lalake na ikinapanlaki ng mga mata ko. Ano'ng nakakatawa? Tuluyan na'kong binitawan nito kaya napahawak ako agad sa pader. Para akong pinanghinaan ng tuhod.
"Ang nakita mo ay normal lang na ginagawa ng magkarelasyon, Millow." Nang suyurin ako ng tingin ni Lake, hindi ako mapakali. "My land, Millow, correction. Hindi niyo pag-aari ang kinatatayuan ng bahay niyo. How old are you by the way?"
Naging napakalambing na ng boses nito kaya unti-unting nawala ang pagkaasiwa ko. "19 po."
"Are you dating someone?" pahabol na tanong nito.
Napailing ako na ikinalawak ng ngiti nito. Ang weird ng lalaking ito.
"Never ever had?" amuse na tanong muli ni Lake. Nakakrus na ang mga braso nito sa dibdib habang tinititigan ako.
"N-never." Nautal pa'ko.
"Kung ano man ang nakita mo, keep it as a secret. Walang makakaalam. Tanging ikaw lang, ako at si Selene."
Selene? Siya siguro ang karelasyon nito. Hindi ko maintindihan kung ba't parang piniga ang puso ko. Ang lalake na rin ang kusang nagbukas ng pinto para makalabas ako.
"I'm watching you, Millow, make sure na tikom ang bibig mo sa kung ano man ang nakita mo sa'min ni Selene. From now on, magiging anino mo na'ko. Be careful of getting involved with my business."
Millow's POVHindi na kami magkandaugaga nang dumami pa lalo ang mga tao. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng Lake na 'yon pero nang tawagin lahat ng mga bisita sa napakalaking bulwagan ng bahay, natutok ang mata ko kay Lake."Everyone, listen." Nakatingin ang matandang Monteverde sa mga trabahante sabay ngiti. "Salamat. Kung 'di dahil sa inyo, this won't be a success and of course," napatingin naman ang matandang lalake sa dalawang taong nakatayo sa gilid nito."My son, Leighton, was supposed to be in seminary before meeting you, Selene, but you changed his mind. We are grateful to have you as a new member of our family and you son." Napatikhim pa ang matanda nang nakangiti nitong titigan ang anak na si Leighton, ito ang panganay. "You make me very happy to think about seeing you with my grandchildren someday. I didn't ask for this, yet I'm excited. No offense to God; perhaps this is His will."Siya iyon! Si Selene, ang kahalikan ni Lake sa kubo. Pero bakit ito hawak sa kamay ni Le
Millow's POV "Millow..." Napatingin ako kay Aling Zenya nang inguso nito ang kinaroroonan ng mga bisita. Halos isang buwan na'kong naninilbihan sa pamilyang ito kaya nakaka-adjust na'ko kahit papa'no maliban na lang sa pag-uugali ng isa kong amo—kay Lake. Hindi na naulit ang pagbisita nito sa bahay namin pero parang sirang plaka ito sa paulit-ulit nitong pananakot sa'kin. Wag ko raw isumbong kay Sir Lambert ang sekreto niya. "Mag-serve ka na sa mga bisita, ano ka ba. Tulala ka na naman diyan." May kasama na itong siko mula sa matanda. "Puntahan mo rin si Sir Lake sa unit na inokupa niya pagkatapos ng paghatid mo ng pagkain sa mesa." "B-bakit daw po?" Pero nakatalikod na ang matanda nang lingunin ko. "Kainis ah," naibulong ko na lang. "Bakit ba palagi na lang kami may session ng Lake na 'yon?" Ano na naman kaya ang kasalanan ko at pinapatawag ako ng lalaking iyon? Nasa resort kami ng mga Monteverde at ngayong araw nga, espesyal ito para sa lahat dahil nagsidatingan na ang dadalo sa
Millow's POV"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako."See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae."Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin
Lake's POV"What a mess," gigil kong anas.Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene..."Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko.
Lake's POV "What the—" pigil ko ang pagmura. Nagulat din ang babae nang pumasok ako bigla, "Sir, hindi pa ho bumubula masyado—" Napasukan ko siyang nilalaro ang tubig habang hawak nito ang isang sabon para pabulain. Agad kong nilubog ang kamay ko para i-check ang tubig. Napakalamig! "Wala ka talagang utak!" singhal ko. "I said the bubble soap powder not that one. Ibubuhos mo lang diyan sa tubig." Hindi automatic ang tubig kaya kailangang timplahin ng babae ang init nito. Inis kong hinagis ang hawak kong roba palabas ng pinto at agad akong humarap sa kanya. "Watch me and learn, Millow." Napamulagat ang babae nang mapatitig ito sa nakitang parte ng katawan ko na humampas pa sa pisngi nito nang tingalain ako. The hell I care! Wala na'kong pakialam kung makita nito ang kahubaran ko. Bigla itong napatayo at ako naman, agad kong pinatay ang gripo para i-drain ang kalahati ng tubig sa bathtub. "Make sure na bubuksan mo itong hot water kasabay ng cold water." Dinemo ko ito sa kanya para
Millow's POVNapabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang hanapin ko ang wall clock—alas onse na ng umaga. Nataranta agad ako kaya mabilis ang ginawa kong pagbangon kahit nahilo ako sa ginawa kong iyon. Hindi pa yata naka-circulate nang maayos ang dugo ko. Si Lake—siguradong magagalit si Lake!"Buti naman at gising ka na." Komento ni Aling Zenya na nagtataka pa nang abutan ko siya sa dining area. "Bilin ni Sir Lake na 'wag ka raw gisingin dahil puyat ka. Nasa bukid sila ngayon at baka nga hindi na makauwi 'yon dahil may itinayong resthouse ro'n. Marami silang gagawin."Magkatulong kami ng babae sa paglagay ng mga pagkain sa hapagkainan na tanging si Selene lang ang kumakain. Nakaalis na raw ang magkakapatid na Monteverde kasama ang ama ng mga ito. Pasimple akong napatingin kay Selene na tahimik lang pero napakislot ako dahil nakatitig pala sa'kin ang bruha. Naniningkit ang mga mata ng babae na puno na naman ng eyeliner ang eyelid. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, baka bu
Millow's POV"Mag-ingat ka sa mansyon, ha? May isa akong kaibigan sa Manila, heto oh." May papel na inabot sa'kin si Aling Zenya kung sa'n nakasulat ang address nito pati na ang numero ng cellphone. Lalo akong kinabahan dahil parang alam ko na ang susunod na sasabihin nito. "Wala na'kong bahay, Millow, kaya sa inyo muna ako makikitulog ng ilang gabi. Pinapaalis na rin ako dahil hindi naman atin 'tong lupa. Ibibigay ko lang 'to para may magamit ka. Nakabili na'ko ng bagong cellphone." Isang lumang cellphone ang binigay ng babae na ikinapagtaka ko. "Pinaglumaan ko na 'yan pero sa'yo na lang dahil kakailanganin mo 'yan sa tamang oras tsaka sim card na lang ang bibilhin mo sa bayan para gumana 'yan. Alam na rin ng tatay mo ito pero ayaw pa niyang umuwi. Nag-iinuman sila ni Pedring sa kabila, pampatanggal daw ng sama ng loob."Malungkot namang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko si Nanay nang mamataan ko. Umiiyak din ito nang tahimik kaya bumulanghit na'ko ng iyak.Ang sama mo naman, Lake!Ak
Lake's POV "Sir," untag ng tauhan ko nang bumalik ito sa gawi ko. Nasa loob lamang ako ng owner type jeep ko habang pinagmamasdan sila. "Ayaw pong pumayag no'ng matanda, nagwawala ho."Uminit ang ulo ko sa sinabi niya, "Tinatanong pa ba 'yan?" pagalit kong balik-tanong. "Denver, sirain niyo ang bahay na 'yan kahit magwala pa ang may-ari dahil may papeles akong hawak kung hanggang kelan na lang sila. Nagbigay na'ko ng ultimatum pero nagbingi-bingihan lang ang mga illegal settler dito. Wala tayong lalabagin na batas sa ginagawa natin." "Yes, sir." Tugon nito. Hindi ko alam kung ilang bahay na ang sinira ng mga tao ko pero sa palagay ko nama'y kakaunti na lang ang mga natira. It's so satisfying. Sa wakas, napalayas ko na ang mga nang-aangkin ng lupa ko. Pero isang matanda ang namataan kong umiiyak habang naglalakad palapit sa'kin. Napailing ako. Ayokong ma-delay ang projects na gagawin ko sa lugar na ito. Ito na ang last day ng lahat kaya hindi p'wedeng hindi umalis ang mga ito."K-ka