Home / Romance / Can't Be Tamed / Episode 4: Charm And Deceit

Share

Episode 4: Charm And Deceit

Author: monteevs
last update Huling Na-update: 2024-07-25 22:11:40

Millow's POV

"Millow..."

Napatingin ako kay Aling Zenya nang inguso nito ang kinaroroonan ng mga bisita. Halos isang buwan na'kong naninilbihan sa pamilyang ito kaya nakaka-adjust na'ko kahit papa'no maliban na lang sa pag-uugali ng isa kong amo—kay Lake. Hindi na naulit ang pagbisita nito sa bahay namin pero parang sirang plaka ito sa paulit-ulit nitong pananakot sa'kin. Wag ko raw isumbong kay Sir Lambert ang sekreto niya.

"Mag-serve ka na sa mga bisita, ano ka ba. Tulala ka na naman diyan." May kasama na itong siko mula sa matanda. "Puntahan mo rin si Sir Lake sa unit na inokupa niya pagkatapos ng paghatid mo ng pagkain sa mesa."

"B-bakit daw po?" Pero nakatalikod na ang matanda nang lingunin ko. "Kainis ah," naibulong ko na lang. "Bakit ba palagi na lang kami may session ng Lake na 'yon?"

Ano na naman kaya ang kasalanan ko at pinapatawag ako ng lalaking iyon? Nasa resort kami ng mga Monteverde at ngayong araw nga, espesyal ito para sa lahat dahil nagsidatingan na ang dadalo sa kaarawan ni Sir Lambert, ang ama ni Lake. Sa lahat ng mga Monteverde, ang matanda ang pinakaborito ko dahil napakabait nito sa lahat. Sana lang minana ng Lake na iyon ang ugali ng ama pero hindi eh, parang dinosaur sa kasungitan ang lalaking iyon.

"Ehem, Sir Lake?" Nilakasan ko ang pagkatok ko sa pinto nang makarinig ako ng tawanan sa loob. Nang walang sumagot, kusa ko nang tinulak ang 'di naka-lock na pinto. "Sir Lake, pinapatawag niyo raw po ako?"

Para akong natulos sa kinatatayuan ko nang salubungin ako ng matalim na titig nito, "Millow, fuck! Kusa ka na lang pumapasok rito!"

Napalunok ako ng laway nang matuon sa'kin ang tingin ng lahat. Mga kapatid ni Lake ang nandito kasama na si Selene na masama rin ang tingin sa'kin. Ang bruha, nakahilig pa sa dibdib ni Sir Leighton. Akala mo naman ang tino-tino. Biglang naningkit ang mata ko nang mapatingin ako kay Lake bago kay Selene. Ang mga manloloko! Naawa ako kay Sir Leighton.

"Sabi ni Aling Zenya, sir, pinapatawag mo raw ako?" Bumalik ang tingin ko kay Lake na lalo yatang dumilim ang mukha.

"Oh, yeah." Biglang saad nito," But not here, Millow, may mahalaga tayong pag-uusapan ukol sa trabaho mo."

Napaayos ng upo si Selene nang marinig ito sabay sabi, "Lake, 'di ba dapat wala na ang babaeng iyan dito?"

Kinabahan ako. Tatanggalin na ba ako ni Lake sa trabaho ko? Hindi pwede!

Napatikhim naman si Leighton sabay kabig kay Selene, "What do you mean, honey? Walang ginagawang masama 'yang bata, eh. Ba't ba ang init ng ulo mo kay Millow?"

"Basta, ayoko sa kanya!" Pinal na saad ng babae.

"What?" Nangunot ang noo ni Leighton nang mapatingin sa fiancee. "Ano'ng kasalanan ni Millow sa'yo, Selene? Lahat ng katulong dito sa bahay inaaway mo 'pag 'di mo feel."

Baka dahil siguro alam ko na may relasyon itong patago kay Lake kaya ako lagi ang pinagbubuntunan nito ng galit? Nitong mga nakaraangg linggo kasi, bantay sarado na ako ni Lake. Laging nakasunod sa'kin ang lalake dahil sa kawalan nito ng tiwala kahit pa nag-promise akong mananahimik na lang; na baka magsumbong ako bigla at mabuking ang bawal na relasyon ng mga ito. Iyon lang ang nasa isip ko ngayon.

"D-dahil ba 'yon sa sekreto mo, Selene?" Pamisteryoso na may kasamang nang inis na tanong ko at nakita ko kung pa'no nandilat ang mga mata nitong napuno na yata ng eyeliner ang paligid.

"Sekreto?" Saka naman pumasok si Lambert nang nakangiti kasabay si Lander, ang bunsong anak nito. "What's going on?" takang tanong ng matanda. "Ano'ng sekreto, iha?"

Napaawang na lang ang labi ko sa pagsulpot ng matandang Monteverde. Tumahimik na lang bigla sa loob nang tingnan ako nito.

"Ikaw ang bagong hired na katulong, 'di ba? Ahm—Mi?" nakangiti nitong tanong.

"Millow po," nahihiya kong sagot. Napapitlag ako nang hawakan ako ni Lake bigla sa braso. Wari'y may banta ang mahigpit nitong pagpisil sa braso ko kaya napatikhim ako. "S-Sir Lake, labas po muna ako."

Kinakabahan ako nang ngumiti lang ang lalaking napakaguwapo sa paningin ko. Sa pagtitig ko sa mga mata niya, parang nawala ang inis ko kay Selene. Sana akin ka na lang—hiyaw ng isip ko.

"Siya ang sinasabi ko sa'yo, Dad." Seryoso nang saad ni Lake sabay tingin sa'kin. "Mag-uusap muna kami dahil hindi na siya magiging katulong sa bahay na'to."

Natakot ako sa pagtanggal niya sa'kin ng trabaho kaya bumwelta agad ako. "Eh, Sir Lake, mahina ang isda ngayon kaya walang masyadong kita sina Tatay at Nanay. Kailangan ko po ng trabahong ito." Napayuko ako sabay pinanlamigan ng mga kamay ng walang ano-ano'y nakatayo na sa harap ko si Selene. "Ma'am?" Tumabingi bigla ang ngiti ko nang makita ko ang pandidilat ng mga mata niya.

"Millow!" mariing bigkas nito ng pangalan ko. Hinawakan pa ng babae ang baba ko para itaas ang mukha ko at saktong nagsukatan kami ng tingin nang hawiin naman ni Lake ang kamay nito. "How dare you barge without knocking on the door? You should respect people's privacy and please knock or ask for permission before entering someone's space." Malumanay na nitong saad sabay tingin nang malagkit kay Lake pero kitang-kita ko kung pa'no tumaas ang isang kilay niya bago ito tumalikod pabalik kay Leighton.

Pabuka na sana ang bibig ko para sabihing kumatok naman ako pero nahawakan na ni Lake ang isang braso ko para ilabas ako.

"Excuse us." Paalam ni Lake sa lahat habang hawak pa rin ako nito sa braso.

Napakatalim ng titig ni Selene sa'kin nang mapalingon pa'ko sa loob ng unit. Ano kaya kung akitin ko rin si Lake total ikakasal naman na ito kay Leighton? Grabe! Ano ba itong pumapasok sa utak ko? Sa lounge area nakaupo ang lahat nang mapasukan ko kanina habang nagtatawanan. Wala talagang kaalam-alam si Sir Leighton sa pinaggagawa ng kapatid at mapapangasawa nito.

"This is not good, Millow." Pagalit na sita ni Lake nang wala nang tao sa hallway na nilalakaran namin. "Muntikan ka nang madulas kanina, damn it! I thought everything was settled on that issue between us." Halos kaladkarin na'ko ng lalake papunta sa pinakadulong unit ng resort.

Nang makarating kami roon, bigla niya 'kong pinasok sa loob ng isang unit. May maliit na sala at isang bedroom ang unit ng pinasukan namin. Napasinghap ako nang bigla na lang niya 'kong isandal sa pader. Naka-lock na rin ang pinto nang pabalya itong isara ng lalake. Bigla akong kinabahan nang mapatitig ako sa mga mata niya at 'di ko talaga inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Dumampi ang mainit nitong labi sa bibig ko at talagang natulos ako sa kinatatayuan ko. Napapikit ako nang gumalaw ang labi niya pero napasinghap naman ako nang pakawalan niya ang bibig ko. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero hinalikan niya 'ko, ito lang ang rumehistro sa utak ko. Hindi ako halos makapagsalita habang nakatitig sa mukha niya.

"You know, Millow," pumungay ang mga mata ni Lake nang titigan ako sabay ngiti. "I know I'm your first kiss, right?"

Napatango ako kasabay ng pag-ulap ng mga mata ko. Wala akong naririnig na iba pang tunog bukod sa malakas na tibok ng puso ko at boses niya.

"One more time na madulas ka pa sa harap ng pamilya ko, hindi lang ganito ang matitikman mo."

"A-ano po?" naguguluhan ako sa kanya.

"Gusto mo bang ikaw na lang ang gawin kong patagong nobya?" Nakangisi na ito nang hawiin ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha. "Akala mo hindi ko napapansin—" Binitin pa nito ang sasabihin nang padaanan ng daliri nito ang labi ko. "Alam kong may gusto ka sa'kin and I am willing to do so, but there are no conditions."

Diyos ko! Bakit ganito? Naramdaman ko ang pagdidikit ng mga katawan namin at ang init na umuusbong sa katawan ko ay 'di ko ma-explain.

"S-sandali lang po, sir." Naitulak ko siya pero sadyang ayaw magpatalo ng lalake lalo na't mas malakas ang pwersa niya. "Si Selene, sir, 'di ba karelasyon ka niya?"

Napabitaw bigla ang binata sa kanya nang marinig ito. Nayamot ito bigla nang mabanggit niya ang pangalan ni Selene.

"That woman." Napapailing ito nang itukod ang isang kamay sa pader kasabay ng pagsinghap ko dahil guminhawa ang pakiramdam ko bigla. "Millow, don't worry about her. Alam mo ba kung ba't ko siya pinatulan?"

Na-curious ako. "B-bakit po?"

"Because I hate gold diggers. Ginagamit lang ni Selene ang kapatid ko!" Inayos ni Lake ang damit nito bago ito ngumiti nang nakakaloko. "I hope you enjoyed that quick kiss. There's more to come basta sundin mo lang ako dahil simula ngayon, you're my personal maid."

Ang ibig sabihin nito, si Lake lang ang pagsisilbihan ko? "Ano'ng ibig mong—"

"Ako lang ang pagsisilbihan mo simula ngayon, Millow. Nag-usap na kami ni Dad na mag-hire ng ibang kapalit mo. I need you as my personal maid and secretary."

Level up! Nawala ang kaba ko dahil akala ko tatanggalin na'ko ni Lake sa trabaho. Kailangan ko ang pera para tuloy-tuloy ang pag-aaral ko ng Associate in Computer Secretarial course sa private school sa bayan. Discounted naman ako kahit papa'no dahil may scholarship akong natanggap sa gobyerno pero hindi iyon sapat para matustusan ang lahat.

"Para hindi ka mawala sa paningin ko," dugtong ng binata kasabay ng paniningkit ng mga mata nito. "I don't trust you, Millow, but I still need you."

Napanganga na lang ako. Kay lalim ng hugot niya at ang puso ko, bakit ganito? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagkakagusto na yata ako sa amo ko at hindi ko mapigil ang damdaming iyon na kahit isang buwan pa lang ako rito, crush ko na siya. Kahit pa suplado ito, konting lambing lang nito'y bumibigay ang mahina kong puso.

Aniya. "There's a spare bed in my room and a cabinet for your things. Ilipat mo ang mga gamit mo sa kwarto ko dahil magiging stay-in ka na."

"Sir, hindi pa'ko handa. Ang bata ko pa." Nalilito ang isipan ko sa sinasabi niya. One day lang, kami na agad?

Dagdag pa nito, "My life, my own rules! Sa kwarto na kita patutulugin para masiguro kong mabantayan ang bawat kilos mo laban sa'kin. Ikaw ha." Nakaduro na ang ang hintuturo ng lalake sa mukha ko pero wala akong maatrasan. "I don't trust you! Kapag nalaman ni Daddy ang relasyon ko kay Selene, mawawalan ako ng mamanahin. I will drag you to hell once my secret is exposed. You can never destroy me, kid." Pabalibag na isinarang muli ni Lake ang pinto nang makalabas na ito.

Kid? Matapos niya 'kong halikan? "Bwisit ka, L-Lake." Napahawak ako sa labi kong nalawayan niya. "Mai-inlove ka rin sa'kin, pilyo ka. Watch me! Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo'ko. Mapapasunod kita sa nais ko, Lake Monteverde, by hook or by crook. Whatsoever!"

Kaugnay na kabanata

  • Can't Be Tamed   Episode 5: Her Revelations

    Millow's POV"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako."See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae."Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin

    Huling Na-update : 2024-07-30
  • Can't Be Tamed   Episode 6: His Forbidden Affair

    Lake's POV"What a mess," gigil kong anas.Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene..."Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko.

    Huling Na-update : 2024-07-31
  • Can't Be Tamed   Episode 7: Tempted

    Lake's POV "What the—" pigil ko ang pagmura. Nagulat din ang babae nang pumasok ako bigla, "Sir, hindi pa ho bumubula masyado—" Napasukan ko siyang nilalaro ang tubig habang hawak nito ang isang sabon para pabulain. Agad kong nilubog ang kamay ko para i-check ang tubig. Napakalamig! "Wala ka talagang utak!" singhal ko. "I said the bubble soap powder not that one. Ibubuhos mo lang diyan sa tubig." Hindi automatic ang tubig kaya kailangang timplahin ng babae ang init nito. Inis kong hinagis ang hawak kong roba palabas ng pinto at agad akong humarap sa kanya. "Watch me and learn, Millow." Napamulagat ang babae nang mapatitig ito sa nakitang parte ng katawan ko na humampas pa sa pisngi nito nang tingalain ako. The hell I care! Wala na'kong pakialam kung makita nito ang kahubaran ko. Bigla itong napatayo at ako naman, agad kong pinatay ang gripo para i-drain ang kalahati ng tubig sa bathtub. "Make sure na bubuksan mo itong hot water kasabay ng cold water." Dinemo ko ito sa kanya para

    Huling Na-update : 2024-08-02
  • Can't Be Tamed   Episode 8: Her Fear

    Millow's POVNapabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang hanapin ko ang wall clock—alas onse na ng umaga. Nataranta agad ako kaya mabilis ang ginawa kong pagbangon kahit nahilo ako sa ginawa kong iyon. Hindi pa yata naka-circulate nang maayos ang dugo ko. Si Lake—siguradong magagalit si Lake!"Buti naman at gising ka na." Komento ni Aling Zenya na nagtataka pa nang abutan ko siya sa dining area. "Bilin ni Sir Lake na 'wag ka raw gisingin dahil puyat ka. Nasa bukid sila ngayon at baka nga hindi na makauwi 'yon dahil may itinayong resthouse ro'n. Marami silang gagawin."Magkatulong kami ng babae sa paglagay ng mga pagkain sa hapagkainan na tanging si Selene lang ang kumakain. Nakaalis na raw ang magkakapatid na Monteverde kasama ang ama ng mga ito. Pasimple akong napatingin kay Selene na tahimik lang pero napakislot ako dahil nakatitig pala sa'kin ang bruha. Naniningkit ang mga mata ng babae na puno na naman ng eyeliner ang eyelid. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, baka bu

    Huling Na-update : 2024-08-04
  • Can't Be Tamed   Episode 9: His Overbearing Pride

    Millow's POV"Mag-ingat ka sa mansyon, ha? May isa akong kaibigan sa Manila, heto oh." May papel na inabot sa'kin si Aling Zenya kung sa'n nakasulat ang address nito pati na ang numero ng cellphone. Lalo akong kinabahan dahil parang alam ko na ang susunod na sasabihin nito. "Wala na'kong bahay, Millow, kaya sa inyo muna ako makikitulog ng ilang gabi. Pinapaalis na rin ako dahil hindi naman atin 'tong lupa. Ibibigay ko lang 'to para may magamit ka. Nakabili na'ko ng bagong cellphone." Isang lumang cellphone ang binigay ng babae na ikinapagtaka ko. "Pinaglumaan ko na 'yan pero sa'yo na lang dahil kakailanganin mo 'yan sa tamang oras tsaka sim card na lang ang bibilhin mo sa bayan para gumana 'yan. Alam na rin ng tatay mo ito pero ayaw pa niyang umuwi. Nag-iinuman sila ni Pedring sa kabila, pampatanggal daw ng sama ng loob."Malungkot namang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko si Nanay nang mamataan ko. Umiiyak din ito nang tahimik kaya bumulanghit na'ko ng iyak.Ang sama mo naman, Lake!Ak

    Huling Na-update : 2024-08-07
  • Can't Be Tamed   Episode 10: Demolitions

    Lake's POV "Sir," untag ng tauhan ko nang bumalik ito sa gawi ko. Nasa loob lamang ako ng owner type jeep ko habang pinagmamasdan sila. "Ayaw pong pumayag no'ng matanda, nagwawala ho."Uminit ang ulo ko sa sinabi niya, "Tinatanong pa ba 'yan?" pagalit kong balik-tanong. "Denver, sirain niyo ang bahay na 'yan kahit magwala pa ang may-ari dahil may papeles akong hawak kung hanggang kelan na lang sila. Nagbigay na'ko ng ultimatum pero nagbingi-bingihan lang ang mga illegal settler dito. Wala tayong lalabagin na batas sa ginagawa natin." "Yes, sir." Tugon nito. Hindi ko alam kung ilang bahay na ang sinira ng mga tao ko pero sa palagay ko nama'y kakaunti na lang ang mga natira. It's so satisfying. Sa wakas, napalayas ko na ang mga nang-aangkin ng lupa ko. Pero isang matanda ang namataan kong umiiyak habang naglalakad palapit sa'kin. Napailing ako. Ayokong ma-delay ang projects na gagawin ko sa lugar na ito. Ito na ang last day ng lahat kaya hindi p'wedeng hindi umalis ang mga ito."K-ka

    Huling Na-update : 2024-08-10
  • Can't Be Tamed   Episode 11: Merciless

    Lake's POV "Huwag kayong magmakaawa. Jesus!" Kanina pa ito nag-iiyak nang ipatawag ko para kausapin ang pamilya niya. "Look, kid, sa ayaw at sa gusto niyo, ipapagiba ko 'tong bahay niyo. Anytime soon—magsisimula na ang project ko sa lupang ito." Nakayakap ang dalaga sa katawan ko pero nainis lang ako. Pwersahan kong tinanggal ang mga braso niya at tiningnan siya nang masama. Napailing ako dahil nakaluhod na ang mga magulang nito sa harap ko habang sinisimulan nang gibain ang bahay nila. Naalibadbaran ako tuwing sinusulyapan ang mga magulang nitong nakaluhod. Umiiyak ang babae samantalang nakapikit lang ang tatay ni Millow pero magkasiklop ang dalawang kamay nito bilang pagmamakaawa. Pigil na pigil nito ang sariling 'wag mapaiyak sa harapan ko pero sa mata niyang namamasa, napapailing na lang ako. Kung akala ng pamilyang ito na makukuha ako sa kadramahan, nagkakamali sila. "Akin ang lupang ito, Millow. Nandito ka para ipaliwanag sa pamilya mo na kailangan na nilang umalis. Wag niyo '

    Huling Na-update : 2024-08-15
  • Can't Be Tamed   Episode 12: When Love Is Blind

    Millow's POVNapuno man ako ng galit nang palayasin ni Lake ang pamilya ko, hindi naman maatim ng puso kong makita siyang duguan. Salamat sa Diyos dahil hindi naman ganun kalala ang sugat niya sa ulo at si Tay Berto..."Nakakulong na siya, Maria, at salamat nga pala dahil nandiyan ka." Ito ang bungad ni Leighton sa'kin nang makita ako sa loob ng kwarto ni Lake pero ang katabi nito, kay sama ng tingin sa'kin, si Selene. Nasa private room kami ng isang ospital ngayon. "Hindi ako pwedeng mangialam sa kung ano man ang meron si Lake dahil nakapangalan na ang lupa sa kanya."Masakit. Yong makita mo ang mga magulang mo na paalis sa lupang naging saksi sa pagbuo ng pangarap nila pero nawala iyon sa isang iglap dahil nga hindi namin pag-aari. Wala kaming titulo. Kailangan na naming umalis at sinabihan din ako ni Tatay na sundin ko na lang si Lake para hindi ako mapahinto sa pag-aaral. Magbakasyon lamang daw ako ng Maynila kapag walang pasok basta may pera lang. "Leighton, gusto kong makita si

    Huling Na-update : 2024-08-15

Pinakabagong kabanata

  • Can't Be Tamed   Episode 57: Enemies

    Millow's POV Mabilis ang ginawang entrapment kay Sandra at sa mga kasamahan nito pero ayon kay Lander, nagulat daw ang babae dahil hindi nito inaasahan na ipapahuli ko ito sa mga pulis. Mabilis namang nilagay sa custody ng DSWD si Laura habang iniimbestigahan ang kaso. "Salamat, Lander." Nasa bahay na'ko kasama si Leighton pero hindi ko naabutan sina Sandra at Laura. "Mabuti na lang mabilis ang mga tao natin pati na ang mga pulis." "Galing na'ko sa pulis station, Millow, pero pinakawalan si Sandra at ang tatlong kasamahan niya dahil wala pang complaint na natatanggap ang mga pulis. Kailangan mong mag-file ng kaso laban sa kanila." Ito ang sinabi ni Lander nang maabutan ko sa bahay. "Pero magbibigay ng protection order ang mga police para masigurong ligtas ang pamilya mo habang hindi pa napapatunayan ang motibo ni Sandra same with Selene. Kailangan natin ng katibayan muna." Sumingit si Leighton sa usapan namin, "The DNA, bro. Kailangang ipa-DNA si Sadiya at Selene—" "On vacat

  • Can't Be Tamed   Episode 56: The Truth

    Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw

  • Can't Be Tamed   Episode 55: Confusion

    Millow's POV "Magugulat ka sa ibabalita ko." Di napigil na bulalas ni Lander nang salubungin ko siya at nagulat ako nang bigla niya 'kong yakapin. "Marthy is your son. Siya ang isa sa kambal, Millow." Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Naging maulap ang mga mata ko nang yakapin ko si Lander. Napatawa siya nang malakas at ako nama'y nag-iiyak na. Napakasaya ko! Lumalapit na rin sa'kin si Marthy sa loob ng isang buwang pamamalagi ko rito. "And so as Sadiya..." Dugtong ng lalaki nang titigan ako. Natigilan ako. "Ibig sabihin—" "Yes, Millow, anak nina Selene at Lake si Sadiya. Nag-match ang DNA ng bata kay Lake."Kumirot ang puso ko pero walang kasalanan si Sadiya. Mahal ko pa rin si Lake, 'yon ang nasisiguro ko sa kabila ng pait na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang kataksilan niya. Kasalanan ko naman talaga kung ba't kami naikasal; totoo ang sinabi ni Selene na pinikot ko si Lake dahil sa ambisyon kong mabawi ang lupa namin. Natuwa sina Nanay at Tatay sa balita kaya na

  • Can't Be Tamed   Episode 54: Worried

    Millow's POV "Ma'am, bilisan mo! Habang hindi pa nakakalabas si Emily..." Sumulpot si Fred sa harap ko na karga ang bata. Apat na araw na akong nagmamanman sa bahay ni Emily. Tinawagan ko kanina si Lander para malaman nito ang plano ko. Kumusta na kaya si Lake? Sinabi nitong hindi pa nagigising si Lake pagkatapos nitong maoperahan. Naiyak nga ako at dinasalan ko nang todo na sana'y sa pagbabalik ko, magising na ito. Hindi rin ako mapakali kung ba't hindi pa nagigising ang asawa ko at si George, parang gusto ko na namang umiyak. Sana'y mapatawad niya 'ko. Hindi ko sinasadyang saktan siya."Tulong! Ang anak ko, may kumuha sa anak ko!" hiyaw ni Emily na nasa loob pa ng bahay nito. Kinakalampag nito ang pinto. "Walanghiya ka, Fred! Kaibigan ka pa naman ni Mario. Ba't hindi ko mabuksan ang mga pinto? Mga kapitbahay, tulungan niyo 'ko!!"Nagulantang ako sa sigaw na iyon!"Ma'am," pukaw ni Fred. "Kailangan na nating umalis, 'yong kaibigan ko ang maghahatid sa'tin sa kabila. Sundan niyo

  • Can't Be Tamed   Episode 53: Bothered

    Millow's POV Napakaraming test ang ginawa kay Lake kaya labis-labis ang pag-aalala namin pero sinamahan ko ito ng dasal. Isa lang ang gusto ko: ang bumalik ang alaala ni Lake para mapatunayan nito sa lahat kung sino ang tunay nitong mahal. Ako iyon, hindi si Selene... hindi rin si Emily. "It's time for DNA," pukaw ni Lander sa'kin dahil nakapikit ako at umuusal ng panalangin. Napasunod lang ang tingin ko kay Lander. Ibang-iba na siya, parang ito na ang matanda sa lahat ng magkakapatid dahil ito na ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Isang linggo na kami rito sa ospital para magamot si Lake. Ngayon babasahin ang mga naiwang test na huling ginawa kay Lake. Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa labas ng tanggapan ng doktor. Kinuhaan ng DNA sample si Lake kung magma-match ito kay Sadiya. Napatayo ako nang makita ko ang paglabas ni Lander, "Lander, ano'ng balita?" Kuno't noo si Lander nang mapabuntong-hininga ito, "Tapos na ang pagkuha for DNA. But it seems like a bad

  • Can't Be Tamed   Episode 52: Chaos

    Millow's POV "Yes, siya nga si Lake. Geez." Nagpalakad-lakad si Lander sa harap namin nang sabihin ito. Kaharap na rin namin ang tatay-tatayan ni Mario at ito mismo ang nagkumpirmang natagpuan lang nito si Mario na palutang-lutang sa dagat kasama ang isang sanggol. Naiyak na'ko nang maisip kong baka nalunod ang babae kong anak dahil isa na lang ang natira at iyon ay posibleng si Marthy. "Nasa'n ang isa ko pang anak?" hysterikal kong tanong. "It's confirmed, that Mario is Lake." Singit ni Leighton. "May malay pa siya nang matagpuan ko sa dagat at nakiusap sa'kin si Mario na tulungan ko ang anak niya." Pagpapatuloy ng matanda nang sariwain nito ang nangyari. "Nangisda ako noon pero lumakas ang ulan at hangin. Nakita kong nakalagay ang bata sa isang lagayan na lumulutang. Duguan 'yang si Mario nang makita ko kaso lang nang madala ko na siya sa bahay, nawalan ulit siya ng malay. Dahil may bagyo noon at wala naman kaming pera, sa health center lang kami humingi ng gamot pero habang tu

  • Can't Be Tamed   Episode 51: Her Pain

    Millow's POV Nang makabalik ulit ako ng Boracay... Naiiyak ako nang lapitan ako ng bata, "Hey... cutie. May candy ako, you want?" Atubili ito kung lalapit o hindi pero napangiti rin ito kalaunan nang may ipakita pa akong maraming laruan. Nahihiya itong tumingin pero niyakap ko lang siya nang makalapit na ito. Iba ang pakiramdam ko nang yakapin ko ang batang 'to. "Ano'ng pangalan mo?" pigil ang emosyong tanong ko. "M-Marthy p-po," nahihiyang tugon nito. "Marthy, papasok tayo sa loob ng bahay dahil may ibibigay pa'ko sa'yo, okay?" Nang tumango ito, nasiyahan ako. "Good boy." Inakay ko siya papasok sa bahay-kubo na nirentahan ko matapos kong siguraduhin na walang taong makakakita sa'min. "Fred, magbantay ka rito sa labas." Ito na ang bahala para hindi mabuko ni Mario ang ginagawa namin. Hindi ko napigilang pugpugin ng halik ang bata na ikinaasiwa nito pero wala akong pakialam. Alam kong siya ang nawawala kong kambal lalo na't kamukha ito ni Lake. Napakalakas ng dugo ni Lak

  • Can't Be Tamed   Episode 50: Intuition

    Millow's POV "Ikaw na naman?" pigil ang galit ni Mario nang makita ako matapos ko siyang puntahan sa opisina. "Tigilan mo na ang kakatawag sa cellphone ko dahil hindi kita kilala. Maghanap ka ng ibang instructor sa scuba diving, ayokong mag-away kami ng asawa ko." Nasaktan ako pero inintindi ko na lang ang sinabi niya at muli, inulit ko ang mga nangyari noon. "Makinig ka naman sa'kin L-Lake I mean Mario, papatunayan kong ikaw ang asawa ko kapag nakabalik ako rito." Kahit picture, wala man lang ako kaya pa'no ko ipapakita ang ebidensya ko? Hindi ko kasi inaasahan na buhay pa si Lake pero pa'no 'to? Mukhang may amnesia ang lalaki. "Hayaan mong patunayan ko sa'yo pero kung mali man ako, ngayon pa lang humihingi na'ko ng sorry. Baka nga kamukha mo lang." Kandahaba ang leeg ko sa paghahanap sa anak nito pero wala ang bata rito. Nakita kong akay ito ng lalaki kanina. "Pagbibigyan kita pero 'wag kang panay punta sa bahay dahil nakakagulo ka sa'min. Nagseselos na ang asawa ko, iniisip

  • Can't Be Tamed   Episode 49: Stalking

    Millow's POV "Magtago ka nga, Kuya." Inis kong bulong dahil parang susugurin nito ang bahay ni Mario nang sundan namin ang lalaki. Nakatago kami sa likod ng isang bahay-kubo na katabi lang ng bahay ni Mario. Sinalubong ng isang babae si Mario na sinundan ng isang bata. Nang makita ko ang bata, binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi maipagkakailang hawig ito ni Mario. Siya na kaya ang isa sa kambal? "Millow!" Pigil ang boses ni Kuya nang makita akong lumabas sa pinagtataguan namin. Dere-deretso akong lumabas nang makita ko ang bata. Napatingin na rin sina Mario at ang asawa kuno nito sa'kin. Nagkatitigan kami ng batang lalaki at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bigla ko na lang niyakap ang bata na tantya ko'y apat na taong gulang na; na ipinagtaka ng mag-asawa. Naguluhan naman ang bata nang titigan ako pero tahimik lang ako. "Ma'am Millow?" gulat si Mario nang makita ako lalo na nang yakapin ko ang anak niya. Hindi ko maintindihan pero iyak ako nang iyak. Ilang ta

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status