Millow's POVNapuno man ako ng galit nang palayasin ni Lake ang pamilya ko, hindi naman maatim ng puso kong makita siyang duguan. Salamat sa Diyos dahil hindi naman ganun kalala ang sugat niya sa ulo at si Tay Berto..."Nakakulong na siya, Maria, at salamat nga pala dahil nandiyan ka." Ito ang bungad ni Leighton sa'kin nang makita ako sa loob ng kwarto ni Lake pero ang katabi nito, kay sama ng tingin sa'kin, si Selene. Nasa private room kami ng isang ospital ngayon. "Hindi ako pwedeng mangialam sa kung ano man ang meron si Lake dahil nakapangalan na ang lupa sa kanya."Masakit. Yong makita mo ang mga magulang mo na paalis sa lupang naging saksi sa pagbuo ng pangarap nila pero nawala iyon sa isang iglap dahil nga hindi namin pag-aari. Wala kaming titulo. Kailangan na naming umalis at sinabihan din ako ni Tatay na sundin ko na lang si Lake para hindi ako mapahinto sa pag-aaral. Magbakasyon lamang daw ako ng Maynila kapag walang pasok basta may pera lang. "Leighton, gusto kong makita si
Millow's POVNanginginig ang mga kamay ko habang hinihiwa ang mga gulay na isasahog sa iluluto ko. May manok din at baboy na kailangan kong hiwain pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nang pumasok kami sa bahay ni Sir Lander, tatlong babae ang nadatnan naming nagtatawanan sa sala at napaka-sexy nila. Iba ang mga kasuotan nila kumpara sa'kin. Hindi pa maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Lake na "great time tonight." Iba ang dating no'n sa'kin. Nasaktan ako sobra at nawalan ako ng gana. Bahagya ko silang sinilip mula sa kusina pero mas pumait pa ang pakiramdam ko nang makita sila."Long time no see, Lake." Kagat-labing hinaplos ng isang babaeng balingkinitan ang bandang dibdib ni Lake. "Sana naman nagparamdam ka sa'kin after that night. I tried calling and texting, but got no response."Kampanteng nakaupo si Lake katabi ang babae at ang isang braso nito, nakaakbay na sa babae. Hindi ko sila kayang tingnan pero naku-curious naman ako sa usapan nila. Naunsyami tuloy ang plano kong
Millow's POV"Asawa ko nga pala, Millow."Naawa ako nang matitigan ko ang asawa ni Sir Denver. Agad ko silang binati."May polio kasi ang asawa ko kaya kailangan niyang gumamit ng walking stick. Please help her, Millow, papunta sa table." Nakangiting pakiusap ni Denver.Kaedaran lang ni Sir Leighton ang isang 'to. "Sige po, tara, ma'am.""Salamat, iha." Napahawak ang babae sa isang braso ko habang paika-ika itong naglakad. "Hindi kasi pantay ang mga paa ko kaya kailangan kong gumamit nito. Ongoing pa rin ang treatment ko."Nakunsensya ako dahil alam kong may babae ang asawa nito pero ayoko nang mangialam pa. Birthday ni Sir Lambert ngayon at marami nang nagsidatingan na mga guest. Busy ang lahat lalo na kaming mga katulong pero priority ko pa rin si Lake kapag pinatawag niya lalo na't personal maid niya 'ko."Salamat, Millow," nakangiting pasalamat ng babae nang makaupo na.Iniwan ko na lang ang babae sa mesa para naman puntahan si Lake. Kanina pa niya 'ko inutusang magdala ng inumin.
Lake's POV"Lake!"Ilang ulit ko pa iyong narinig pero sumasakit pa ang ulo ko dahil nasobrahan ako sa inum. Ilang tao ba ang nandito? Ang ingay nila. Bukod sa birthday ni Daddy, double celebration ito dahil tuluyan ko nang napaalis ang mga salot na nanirahan sa pag-aari kong lupa. Uminat ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko; may kung ano'ng bagay ang mabigat na nakadagan sa'kin."Jesus Christ, Lake. What is this?" Boses ni Dad ang narinig ko kaya minulat ko ang mga mata ko pero nasilaw ako sa ilaw kaya muli akong pumikit. "Can you explain this, what's going on, ha? Lake Monteverde!"Kunot-noo akong napadilat sa galit na boses ni Daddy at 'di ako makapaniwala dahil may nakadagan nga sa ibabaw ko. Nagulat din ako at napamura."What the hell, who is this?" Napasigaw ako at akmang babangon pero napansin kong hubo't hubad ang babae sa ibabaw ko. Hanggang kalahati na lang ang pagkakatakip ng kumot sa katawan nito kaya agad ko iyong nahila para takpan ang exposed niyang likod. Nang haw
Millow's POVTakot na takot ako. Papa'no ba ako uurong kung naging magulo na ang lahat? Para akong nahimasmasan nang makita ko kung pa'no nagsigawan ang magkakapatid sa harap ko."What the hell are you on about, Lander and Leighton?" gigil na sigaw ni Lake nang pagalit itong mapatayo. "Over my dead body! Hindi ko papakasalan ang paslit na 'yan!"Paslit? Nasaktan ako nang sobra dahil batang paslit lagi ang tingin niya sa'kin. Napapikit ako nang sumagot bigla si Lander."Bro, inamin mo naman, 'di ba? Na muntikan mo na siyang galawin." Pinanlakihan nito ng mata ang kapatid.Napasigaw na rin si Leighton na ikinapitlag ko, "Tumigil nga kayo! Si Daddy ang magdedesisyon kung ano ang gagawin."Inis na binalingan ni Lake si Leighton, "Oh yeah? Ni isa sa inyo, walang naniniwala sa'kin. Sinet-up ako ni Millow."Napatayo na lang din si Lambert para pigilin ang mga anak, "That's enough!" sigaw ng matanda kasabay ng pagbagsak ng kubyertos na hawak nito. "Millow, papuntahin mo ang mga magulang mo ri
Millow's POVPalayo ako nang palayo sa bahay na iyon para hindi ko na makita si Lake. Nanginginig ako nang huminto ako. Do'n ako nag-iiyak. Hindi ko kasi maintindihan kung ba't sinasabi niyang hindi niya 'ko gusto na kung tutuusin, nasisiyahan naman siyang gawin ang mga bagay na dapat ay sa magkasintahan o mag-asawa lamang. Bata pa'ko. Wala akong masyadong maintindihan dahil nga limitado ang kaalaman ko lalo na't sa probinsya lang ako naglalagi."G-gagawin ko ang lahat para mapakasalan mo'ko," umiiyak kong anas nang maupo sa damuhan. Nasa bandang taniman ako ng mga palay at may ilang kubo akong nakita na magkakalayo. Wala nga lang tao dahil alam kong nagsialisan na ang lahat ng residente rito. "Ngayong m-may nangyari na sa'tin, L-Lake, sisiguraduhin kong mapapanagutan mo ang ginawa mo sa'kin."Masakit lang kasi isiping ako lang ang nagmamahal. Nasa lilim lang ako ng isang puno habang nakatanaw sa mga palayan. Hindi ako nagawi rito dahil balita ko, parte pa ito ng lupa ni Lake. Kahit s
Lake's POV"Lake?" takang reaction ni Selene nang bigla ko siyang bitawan."Not here, Selene." Habol ko ng tanaw si Millow nang iwasan ko na si Selene. Napangisi lang ako sa naging reaction ni Millow kanina. "Alam kong titigil na ang babaeng 'yon, ipagpilitan ba naman ang sarili sa'kin?" Yamot kong tinanggal ang kamay ng katabi ko nang makipag-holding hands pa ito. "At ikaw, kung sa tingin mong seseryosohin kita, you're very wrong.""I know that." Wala itong nagawa nang umagapay na lang sa'kin pero ramdam ko ang inis niya. "Baka gusto mong pumunta tayo somewhere, lover boy, I really miss you." Napalitan ng lambing ang boses nito at akmang hahawak pang muli sa kamay ko pero agad akong umiwas.Wala na'kong ka-amor amor kay Selene kaya kahit ano pang pangse-seduce ang gawin niya, hindi na ito eepekto. Sadyang ginawa ko lamang sa harap ni Millow ang eksenang ganun para tigilan na rin ako ng babae. Wala nga itong pinagkaiba kay Selene at hindi ako makakapayag na kakaya-kayanin lang nila ak
Lake's POV"Damn it!" gigil kong anas nang ipatawag na naman ako ni Dad sa sala. Nasa kwarto lang ako para pag-aralan ang itatayo kong pabrika pero makulit talaga ang katulong. "Ano ba!""S-sir, nagagalit na r-rin po kasi si Sir Lambert. Lumabas na po kayo." Pakiusap ng maid sa pang-apat na balik nito sa kwarto ko.Hindi na nagseserbisyo si Millow sa'kin dahil nga sa issue naming dalawa pero patuloy ito sa pagtatrabaho sa mansyon kasama ang iba pang katulong. Sa maid's quarter pansamantalang nakikitulog ang babae hangga't hindi dumadating ang mga magulang nito."Kakausapin ka ng pamilya ni Millow at ni Sir Lambert."Umangat ang mukha ko nang marinig iyon. So nandito na pala ang angkan ni Millow na mga mukhang pera rin? Kaya pala...May pagmamakaawa sa mukha ng katulong nang muling magsalita. "May mga kasama silang pulis, sir, pero kinakausap sila ni Sir Leighton dahil nga balak ka nilang hulihin. Magulo po sa labas eh, kailangan niyong lumabas para h-harapin silang lahat."Napabuga ak
Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw
Millow's POV "Magugulat ka sa ibabalita ko." Di napigil na bulalas ni Lander nang salubungin ko siya at nagulat ako nang bigla niya 'kong yakapin. "Marthy is your son. Siya ang isa sa kambal, Millow." Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Naging maulap ang mga mata ko nang yakapin ko si Lander. Napatawa siya nang malakas at ako nama'y nag-iiyak na. Napakasaya ko! Lumalapit na rin sa'kin si Marthy sa loob ng isang buwang pamamalagi ko rito. "And so as Sadiya..." Dugtong ng lalaki nang titigan ako. Natigilan ako. "Ibig sabihin—" "Yes, Millow, anak nina Selene at Lake si Sadiya. Nag-match ang DNA ng bata kay Lake."Kumirot ang puso ko pero walang kasalanan si Sadiya. Mahal ko pa rin si Lake, 'yon ang nasisiguro ko sa kabila ng pait na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang kataksilan niya. Kasalanan ko naman talaga kung ba't kami naikasal; totoo ang sinabi ni Selene na pinikot ko si Lake dahil sa ambisyon kong mabawi ang lupa namin. Natuwa sina Nanay at Tatay sa balita kaya na
Millow's POV "Ma'am, bilisan mo! Habang hindi pa nakakalabas si Emily..." Sumulpot si Fred sa harap ko na karga ang bata. Apat na araw na akong nagmamanman sa bahay ni Emily. Tinawagan ko kanina si Lander para malaman nito ang plano ko. Kumusta na kaya si Lake? Sinabi nitong hindi pa nagigising si Lake pagkatapos nitong maoperahan. Naiyak nga ako at dinasalan ko nang todo na sana'y sa pagbabalik ko, magising na ito. Hindi rin ako mapakali kung ba't hindi pa nagigising ang asawa ko at si George, parang gusto ko na namang umiyak. Sana'y mapatawad niya 'ko. Hindi ko sinasadyang saktan siya."Tulong! Ang anak ko, may kumuha sa anak ko!" hiyaw ni Emily na nasa loob pa ng bahay nito. Kinakalampag nito ang pinto. "Walanghiya ka, Fred! Kaibigan ka pa naman ni Mario. Ba't hindi ko mabuksan ang mga pinto? Mga kapitbahay, tulungan niyo 'ko!!"Nagulantang ako sa sigaw na iyon!"Ma'am," pukaw ni Fred. "Kailangan na nating umalis, 'yong kaibigan ko ang maghahatid sa'tin sa kabila. Sundan niyo
Millow's POV Napakaraming test ang ginawa kay Lake kaya labis-labis ang pag-aalala namin pero sinamahan ko ito ng dasal. Isa lang ang gusto ko: ang bumalik ang alaala ni Lake para mapatunayan nito sa lahat kung sino ang tunay nitong mahal. Ako iyon, hindi si Selene... hindi rin si Emily. "It's time for DNA," pukaw ni Lander sa'kin dahil nakapikit ako at umuusal ng panalangin. Napasunod lang ang tingin ko kay Lander. Ibang-iba na siya, parang ito na ang matanda sa lahat ng magkakapatid dahil ito na ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Isang linggo na kami rito sa ospital para magamot si Lake. Ngayon babasahin ang mga naiwang test na huling ginawa kay Lake. Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa labas ng tanggapan ng doktor. Kinuhaan ng DNA sample si Lake kung magma-match ito kay Sadiya. Napatayo ako nang makita ko ang paglabas ni Lander, "Lander, ano'ng balita?" Kuno't noo si Lander nang mapabuntong-hininga ito, "Tapos na ang pagkuha for DNA. But it seems like a bad
Millow's POV "Yes, siya nga si Lake. Geez." Nagpalakad-lakad si Lander sa harap namin nang sabihin ito. Kaharap na rin namin ang tatay-tatayan ni Mario at ito mismo ang nagkumpirmang natagpuan lang nito si Mario na palutang-lutang sa dagat kasama ang isang sanggol. Naiyak na'ko nang maisip kong baka nalunod ang babae kong anak dahil isa na lang ang natira at iyon ay posibleng si Marthy. "Nasa'n ang isa ko pang anak?" hysterikal kong tanong. "It's confirmed, that Mario is Lake." Singit ni Leighton. "May malay pa siya nang matagpuan ko sa dagat at nakiusap sa'kin si Mario na tulungan ko ang anak niya." Pagpapatuloy ng matanda nang sariwain nito ang nangyari. "Nangisda ako noon pero lumakas ang ulan at hangin. Nakita kong nakalagay ang bata sa isang lagayan na lumulutang. Duguan 'yang si Mario nang makita ko kaso lang nang madala ko na siya sa bahay, nawalan ulit siya ng malay. Dahil may bagyo noon at wala naman kaming pera, sa health center lang kami humingi ng gamot pero habang tu
Millow's POV Nang makabalik ulit ako ng Boracay... Naiiyak ako nang lapitan ako ng bata, "Hey... cutie. May candy ako, you want?" Atubili ito kung lalapit o hindi pero napangiti rin ito kalaunan nang may ipakita pa akong maraming laruan. Nahihiya itong tumingin pero niyakap ko lang siya nang makalapit na ito. Iba ang pakiramdam ko nang yakapin ko ang batang 'to. "Ano'ng pangalan mo?" pigil ang emosyong tanong ko. "M-Marthy p-po," nahihiyang tugon nito. "Marthy, papasok tayo sa loob ng bahay dahil may ibibigay pa'ko sa'yo, okay?" Nang tumango ito, nasiyahan ako. "Good boy." Inakay ko siya papasok sa bahay-kubo na nirentahan ko matapos kong siguraduhin na walang taong makakakita sa'min. "Fred, magbantay ka rito sa labas." Ito na ang bahala para hindi mabuko ni Mario ang ginagawa namin. Hindi ko napigilang pugpugin ng halik ang bata na ikinaasiwa nito pero wala akong pakialam. Alam kong siya ang nawawala kong kambal lalo na't kamukha ito ni Lake. Napakalakas ng dugo ni Lak
Millow's POV "Ikaw na naman?" pigil ang galit ni Mario nang makita ako matapos ko siyang puntahan sa opisina. "Tigilan mo na ang kakatawag sa cellphone ko dahil hindi kita kilala. Maghanap ka ng ibang instructor sa scuba diving, ayokong mag-away kami ng asawa ko." Nasaktan ako pero inintindi ko na lang ang sinabi niya at muli, inulit ko ang mga nangyari noon. "Makinig ka naman sa'kin L-Lake I mean Mario, papatunayan kong ikaw ang asawa ko kapag nakabalik ako rito." Kahit picture, wala man lang ako kaya pa'no ko ipapakita ang ebidensya ko? Hindi ko kasi inaasahan na buhay pa si Lake pero pa'no 'to? Mukhang may amnesia ang lalaki. "Hayaan mong patunayan ko sa'yo pero kung mali man ako, ngayon pa lang humihingi na'ko ng sorry. Baka nga kamukha mo lang." Kandahaba ang leeg ko sa paghahanap sa anak nito pero wala ang bata rito. Nakita kong akay ito ng lalaki kanina. "Pagbibigyan kita pero 'wag kang panay punta sa bahay dahil nakakagulo ka sa'min. Nagseselos na ang asawa ko, iniisip
Millow's POV "Magtago ka nga, Kuya." Inis kong bulong dahil parang susugurin nito ang bahay ni Mario nang sundan namin ang lalaki. Nakatago kami sa likod ng isang bahay-kubo na katabi lang ng bahay ni Mario. Sinalubong ng isang babae si Mario na sinundan ng isang bata. Nang makita ko ang bata, binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi maipagkakailang hawig ito ni Mario. Siya na kaya ang isa sa kambal? "Millow!" Pigil ang boses ni Kuya nang makita akong lumabas sa pinagtataguan namin. Dere-deretso akong lumabas nang makita ko ang bata. Napatingin na rin sina Mario at ang asawa kuno nito sa'kin. Nagkatitigan kami ng batang lalaki at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bigla ko na lang niyakap ang bata na tantya ko'y apat na taong gulang na; na ipinagtaka ng mag-asawa. Naguluhan naman ang bata nang titigan ako pero tahimik lang ako. "Ma'am Millow?" gulat si Mario nang makita ako lalo na nang yakapin ko ang anak niya. Hindi ko maintindihan pero iyak ako nang iyak. Ilang ta
Millow's POVHindi ko alam na may binook palang island hopping activity si George para sa'ming dalawa lang. Mas piniling mag-swimming ng pamilya ko sa pool nang umalis kami. "I'd want to try these activities if they're worth including in my tour packages. Either way, we'll try it first and then let me know, darling, whether you like it. I already spoke with someone; he'll take us to their office." Hawak ako ng lalaki nang may tawagan ito sa phone. "Yeah, we're already here."Naka-proper swimming attire kami ni George para sa activities na gagawin namin. Bukas naman namin ito ipapasubok sa pamilya ko. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang may isang lalaking lumapit sa'min. "Sir George?" nakangiting tanong nito na tinanguan agad ni George. "Hi, ma'am." Sa'kin na ito nakatingin ngayon. "I will be the tour guide. Deretso na po tayo sa bangka, kanina pa namin naayos sa office ang package na kinuha ni Sir George." Tumingin ito kay George nang magpatiuna itong maglakad. "Sir, follow