Share

Episode 12: When Love Is Blind

Millow's POV

Napuno man ako ng galit nang palayasin ni Lake ang pamilya ko, hindi naman maatim ng puso kong makita siyang duguan. Salamat sa Diyos dahil hindi naman ganun kalala ang sugat niya sa ulo at si Tay Berto...

"Nakakulong na siya, Maria, at salamat nga pala dahil nandiyan ka." Ito ang bungad ni Leighton sa'kin nang makita ako sa loob ng kwarto ni Lake pero ang katabi nito, kay sama ng tingin sa'kin, si Selene. Nasa private room kami ng isang ospital ngayon. "Hindi ako pwedeng mangialam sa kung ano man ang meron si Lake dahil nakapangalan na ang lupa sa kanya."

Masakit. Yong makita mo ang mga magulang mo na paalis sa lupang naging saksi sa pagbuo ng pangarap nila pero nawala iyon sa isang iglap dahil nga hindi namin pag-aari. Wala kaming titulo. Kailangan na naming umalis at sinabihan din ako ni Tatay na sundin ko na lang si Lake para hindi ako mapahinto sa pag-aaral. Magbakasyon lamang daw ako ng Maynila kapag walang pasok basta may pera lang.

"Leighton, gusto kong makita si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status