Lake's POV
"What the—" pigil ko ang pagmura. Nagulat din ang babae nang pumasok ako bigla, "Sir, hindi pa ho bumubula masyado—" Napasukan ko siyang nilalaro ang tubig habang hawak nito ang isang sabon para pabulain. Agad kong nilubog ang kamay ko para i-check ang tubig. Napakalamig! "Wala ka talagang utak!" singhal ko. "I said the bubble soap powder not that one. Ibubuhos mo lang diyan sa tubig." Hindi automatic ang tubig kaya kailangang timplahin ng babae ang init nito. Inis kong hinagis ang hawak kong roba palabas ng pinto at agad akong humarap sa kanya. "Watch me and learn, Millow." Napamulagat ang babae nang mapatitig ito sa nakitang parte ng katawan ko na humampas pa sa pisngi nito nang tingalain ako. The hell I care! Wala na'kong pakialam kung makita nito ang kahubaran ko. Bigla itong napatayo at ako naman, agad kong pinatay ang gripo para i-drain ang kalahati ng tubig sa bathtub. "Make sure na bubuksan mo itong hot water kasabay ng cold water." Dinemo ko ito sa kanya para matuto. "Ayoko ng masyadong mainit and this one—" Tumingkayad ako nang buksan ang isang cabinet para ipakita kung ano ang bubble soap. "This is the bubble soap. Kusa itong bubula kapag nasa tubig." Nakayuko lang ang babae na panay tango. Hindi ito halos makatingin kaya tinaas ko bigla ang baba niya nang balingan siya para magkatitigan kami. Namumula pa ang mukha nito sobra. Pinigil ko ang pagngisi at hindi rin ito makatingin nang deretso dahil sa kahubaran kong lantad na lantad sa mga mata niya. "What's wrong, Millow?" Bigla nitong iniwas ang mukha, "May i-ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" Imbes na sagutin siya, naging pilyo ang utak ko. "Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking hubad, Millow?" Nang tumango ito, nagsalubong ang mga kilay ko. "I know you like me, so why not stare at me? You can watch or join me if you like." Nabulol ito bigla, "S-sir?" "Na-try mo na bang mag-bubble bath?" seryoso kong tanong. Nang umiling ito, napangiti ako. "Then you can join me. Magsando ka lang at short, that's fine. Bumalik ka rito kung gusto mo'kong samahan or kung ayaw mo naman, pwede ka nang matulog." Nakayukong lumabas ang babae pero alam kong hindi na ito babalik. She's 19, tinutulungan ko lang siyang mamulat sa katotohanan. Curious ito sa ginagawa ko kay Selene kaya for sure hindi na ito bago sa mata ng dalaga. Gusto kong siya na mismo ang sumuko at lumayas pero dahil nga may nalalaman ito sa pinaggagawa ko, kailangan ko muna siyang i-hold. Ipaparanas ko sa kanya ang hirap para malaman nito ang epekto sakali mang ito ang maging dahilan ng galit ng dad ko one day. Nang masiguro kong ayos na ang tubig na tinimpla ko, nag-hot shower muna ako. Gusto kong alisin ang naiwang bakas ni Selene kaya pagkatapos mag-hot shower, kusa na'kong pumasok sa bathtub na napuno na ng bula. Ninamnam ko ang ginhawang hatid ng maaligamgam na tubig bago dumausdos ang katawan ko. Nakalitaw lang ang ulo ko habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa magkabilaang panig ng bathtub. Napapikit ako pagkalipas ng ilang minuto. "S-sir?" Boses ba iyon ni Millow? Imposibleng mag-join ang babaeng iyon sa pagligo ko. Nakapikit lang ako pero gising ang diwa ko. "P-pwede na po b-ba akong pumasok, sir?" Tumahimik ang paligid kaya winalang bahala ko na lang iyon. Naramdaman ko na lang bigla ang pag-flash ng tubig nang may pumasok sa bathtub. Sumagi rin ang paa nito sa hita ko kaya napamulat ako. Hindi ako makapaniwala! "Millow?" Taka kong tanong. "What are you doing here?" Mahigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa tuwalyang nakabalot sa katawan nito. "Sir Lake, sabi niyo kanina na mag-join ako. Sorry po kasi medyo natagalan ako." Napailing ako sa katangahan niya. Hindi ako seryoso sa sinabi ko dahil isa lang iyon pang-aalaska. Alam kong may gusto siya sa'kin pero kung gusto talaga niya, I don't care. Umayos ako ng pwesto at umupo na lang para magkasya kaming dalawa although malaki naman ang bathtub pero malaking tao rin ako. Nainis ako nang umupo itong nakatuwalya, "Tanggalin mo 'yang towel mo, Millow, kapag nasa bathtub ka. Dapat nga wala kang suot, eh." "Ho? Sorry po." Napatayo ito bigla para tanggalin ang nakapulupot sa katawan nito. "Pero hindi ko kaya 'yong walang suot, sir." Napailing ako sa kainosentihan niya pero bigla akong napatitig sa katawan niya nang maalis na ang tuwalya. Nakasuot ito ng bikini na mukhang mumurahin lang pero sa edad nitong 19 years old, may kurba na ang katawan nito. Tinatago pala ng babaeng ito ang kaseksihan dahil halos maluluwag na damit ang laging suot nito. Nakalugay pa ang mahabang buhok nito na abot hanggang baywang. Napalunok ako. "Itaas mo 'yang buhok mo, Millow, para hindi mabasa. Mainit ang tubig." May isang goma sa sulok ng bathtub kaya iyon ang inabot ko sa kanya. Galing ito sa bubble soap na binuksan ko kanina. "Come closer," dagdag kong utos nang magkatitigan kami. Nakita ko ang pag-aalinlangan niya pero hinila ko na lang siya bigla. Napasinghap ang babae nang halos buhatin ko siya at iupo paharap sa'kin sabay hawak ng mukha niya. Napangisi ako nang makita ang pamumutla niya. "Nagseselos ka ba kay Selene?" nananantiya kong tanong. Matagal itong hindi kumibo pero namasa ang mga mata nito kalaunan kasabay ng pagtango nito. Nahuhuli ko siyang laging nakatitig sa'kin kapag sa bahay ito. Alam ko ang kinikilos ng isang babae kapag nagkakagusto na sa'kin. Pumulupot ang braso ko sa slim niyang pangangatawan na sinabayan ng pagsinghap ng babae. Matiim ko siyang tinitigan para arukin ang nilalaman ng isip niya. "Sinabi ko na sa'yo na hindi ako seryoso kay Selene. Ayokong maging parte ng pamilya ko ang babaeng iyon. Gusto mong malaman?" Lumalim ang paghinga ko sa pagdidikit ng mga katawan namin. Biglang nabuhay ang katawang lupa ko dahil sa posisyon naming dalawa at ang babae, ni hindi man lang nagprotesta. "Bakla si Leighton, Millow, at ayokong maging asawa niya si Selene dahil kakamkamin lang ng babaeng iyon ang yaman ng pamilya ko." "Bakla si Sir L-Leighton?" ulit nitong naguguluhan. "Ilang lalake na ang dumaan sa buhay ni Selene at may kapalit iyon. Alam mo kung ano?" Hindi ko napigilang halikan si Millow na napasinghap na naman sa pagdidikit ng mga labi namin. Lumalim ang halik hanggang sa hindi na ito makahinga kaya pinakawalan ko ang labi niya. "Pera lang ang gusto ni Selene. Napakaluho niya." Dagdag ko na sinabayan ng himas sa braso niya, "Marami na siyang nahuthot kay Leighton pero dahil nga gustong mapasaya ng kapatid ko si Daddy, kailangan niyang patunayan sa harap ng ama namin na lalake siya. Walang kaalam-alam si Daddy sa tunay na katauhan ni Leighton at hindi rin siya pabor sa pagpapari ni Leighton noon." Napa-buntonghininga na lang ako dahil para kay dad, isang kahihiyan daw sa pamilya ang bakla. "Galit ang matanda sa mga bakla." Madalas kasing nahuhuthutan ang isang bakla kapag umibig na ito na hindi naman sineseryoso ng karamihan sa mga lalake. Isang pari si Leighton noon pero na-inlove ito sa isang lalaking nakilala nito sa simbahan, si Clark na isang bakla rin. In-open up ni Leighton ang lahat sa'kin bago ito lumabas ng simbahan. Hindi nito makayanan ang bigat ng dibdib dahil hindi ito naging tapat sa sinumpaan nitong debosyon. Mas maige na raw lumabas kaysa malunod sa makasalanan nitong pagpapanggap sa mata ng Diyos. Naintindihan ko siya pero never siyang maiintindihan ni Dad kapag nalaman nito ang lahat. "S-sir," hirap na saad ni Millow. "A-ano'ng ginagawa m-mo?" Nakapasok na pala ang kamay ko sa pang-ibaba niyang panloob kaya bagong experience iyon sa dalaga. Nakita ko ang pagpikit niya at kusa pang yumakap ang mga braso nito sa batok ko. "Just tell me kung ayaw mo, kusa akong hihinto, Millow." Banayad na gumalaw ang kamay ko sa bahaging iyon ng babae. Napakagat labi ito bigla kaya ipinagpatuloy ko lamang iyon. "I hate Selene kung alam mo lang." "S-sir Lake." Hindi alam ni Millow kung ano ang gagawin nang dumapo ang labi ko sa leeg niya. A willing victim! Young and fresh. So innocent. Nagtagis ang bagang ko dahil unti-unti akong nawawala sa katinuan. My body reacts as my hand touches her down there. "See, Millow, ito ang ginagawa ko kay Selene. Ni hindi mo man lang pinigil ang kamay ko." I even moved her head closer to my face so I could kiss her, but she tried to push me away. May kaunting pwersa ang ginawa kong paghawak sa ulo niya para hindi na siya makawala. "What's wrong? Kiss me back, Millow." Utos iyon na kailangan nitong sundin dahil nadadarang na'ko. She then let out a soft moan while tasting my lips nang muling magdikit ang mga labi namin. "Good right?" Nakapikit kong tanong nang tumigil ako saglit sa paghalik. Hindi ko maintindihan kung ba't na lang nag-init ang buong katawan ko. Panunudyo lamang ito sa babae pero may binuhay ito bigla sa ibabang bahagi ng katawan ko. Dinagdagan pa ng kamay kong ayaw huminto sa paggalugad ng yaman niya. "S-sir Lake," hirap nitong tawag sa pangalan ko. "Feels good, right?" Napapangiti ako sa reaction niya. Muli ko siyang hinalikan—and I could feel her body tensing up as I continued to explore her mouth. Nakapikit ito at ninamnam ang sayang dulot ng ginagawa namin. Sino bang babae ang makakahindi sa kamandag ko? "Hmm... Millow?' "S-sir?" Kay bigat ng boses nito nang sumagot. "Are you okay?" tanong ko nang pakawalan ang labi niya. Napatango ito. "You're enjoying it." Saka ko binilisan ang kamay kong makasalanan sa pagitan ng hita niya na sinabayan ng malakas niyang pag-ungol. I can feel her heart racing beneath my touch. Isang love bite ang ginawa ko sa leeg niya dahil buhay na buhay na'ko. Her breath was quickening. Kahit ako, hiningal bigla. We undeniably lost ourselves in the heat of the moment, and then I realized I needed to stop. "Shit!" gigil kong anas. Para akong napaso kaya binitawan ko agad siya na sinundan ko ng pagtayo. "Maliligo na'ko. Kapag tapos ka na rito, i-drain mo ang bathtub. Nakita mo naman kanina 'di ba kung pa'no ko ginawa?" Tango lang ang naging kasagutan nito bago ako umahon sa bathtub. "Damn it." Naibulalas ko dahil hindi ako makapaniwala. Habang nasa ilalim ako ng lumalagaslas na tubig sa shower, nakatingin naman ako kay Millow na nakaupo patalikod sa'kin na nasa loob naman ng bathtub. Glass wall ang nakapagitan sa'ming dalawa. Hinayaan ko na lang siya pero hindi ko inasahan na ganito ang magiging epekto ng panunudyo ko sa kanya. Ako ang nadarang! Nang matapos sa shower, agad kong hinila ang bagong towel sa storage rack. "Matulog ka na, Millow, pagkatapos mo riyan." Habilin ko bago lumabas ng malaking banyo na times 5 ang laki sa bahay nila Millow. Agad akong nagbihis habang napapailing. "Not her, she's not my type." Naibulalas ko matapos kong sumalampak ng higa sa kama para alisin ang init sa katawan ko. Hindi ganito ang naramdaman ko kay Selene. Ibang-iba. Sumakit bigla ang puson ko. "No, Lake, she's a damn kid." Gigil kong anas.Millow's POVNapabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang hanapin ko ang wall clock—alas onse na ng umaga. Nataranta agad ako kaya mabilis ang ginawa kong pagbangon kahit nahilo ako sa ginawa kong iyon. Hindi pa yata naka-circulate nang maayos ang dugo ko. Si Lake—siguradong magagalit si Lake!"Buti naman at gising ka na." Komento ni Aling Zenya na nagtataka pa nang abutan ko siya sa dining area. "Bilin ni Sir Lake na 'wag ka raw gisingin dahil puyat ka. Nasa bukid sila ngayon at baka nga hindi na makauwi 'yon dahil may itinayong resthouse ro'n. Marami silang gagawin."Magkatulong kami ng babae sa paglagay ng mga pagkain sa hapagkainan na tanging si Selene lang ang kumakain. Nakaalis na raw ang magkakapatid na Monteverde kasama ang ama ng mga ito. Pasimple akong napatingin kay Selene na tahimik lang pero napakislot ako dahil nakatitig pala sa'kin ang bruha. Naniningkit ang mga mata ng babae na puno na naman ng eyeliner ang eyelid. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, baka bu
Millow's POV"Mag-ingat ka sa mansyon, ha? May isa akong kaibigan sa Manila, heto oh." May papel na inabot sa'kin si Aling Zenya kung sa'n nakasulat ang address nito pati na ang numero ng cellphone. Lalo akong kinabahan dahil parang alam ko na ang susunod na sasabihin nito. "Wala na'kong bahay, Millow, kaya sa inyo muna ako makikitulog ng ilang gabi. Pinapaalis na rin ako dahil hindi naman atin 'tong lupa. Ibibigay ko lang 'to para may magamit ka. Nakabili na'ko ng bagong cellphone." Isang lumang cellphone ang binigay ng babae na ikinapagtaka ko. "Pinaglumaan ko na 'yan pero sa'yo na lang dahil kakailanganin mo 'yan sa tamang oras tsaka sim card na lang ang bibilhin mo sa bayan para gumana 'yan. Alam na rin ng tatay mo ito pero ayaw pa niyang umuwi. Nag-iinuman sila ni Pedring sa kabila, pampatanggal daw ng sama ng loob."Malungkot namang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko si Nanay nang mamataan ko. Umiiyak din ito nang tahimik kaya bumulanghit na'ko ng iyak.Ang sama mo naman, Lake!Ak
Lake's POV "Sir," untag ng tauhan ko nang bumalik ito sa gawi ko. Nasa loob lamang ako ng owner type jeep ko habang pinagmamasdan sila. "Ayaw pong pumayag no'ng matanda, nagwawala ho."Uminit ang ulo ko sa sinabi niya, "Tinatanong pa ba 'yan?" pagalit kong balik-tanong. "Denver, sirain niyo ang bahay na 'yan kahit magwala pa ang may-ari dahil may papeles akong hawak kung hanggang kelan na lang sila. Nagbigay na'ko ng ultimatum pero nagbingi-bingihan lang ang mga illegal settler dito. Wala tayong lalabagin na batas sa ginagawa natin." "Yes, sir." Tugon nito. Hindi ko alam kung ilang bahay na ang sinira ng mga tao ko pero sa palagay ko nama'y kakaunti na lang ang mga natira. It's so satisfying. Sa wakas, napalayas ko na ang mga nang-aangkin ng lupa ko. Pero isang matanda ang namataan kong umiiyak habang naglalakad palapit sa'kin. Napailing ako. Ayokong ma-delay ang projects na gagawin ko sa lugar na ito. Ito na ang last day ng lahat kaya hindi p'wedeng hindi umalis ang mga ito."K-ka
Lake's POV "Huwag kayong magmakaawa. Jesus!" Kanina pa ito nag-iiyak nang ipatawag ko para kausapin ang pamilya niya. "Look, kid, sa ayaw at sa gusto niyo, ipapagiba ko 'tong bahay niyo. Anytime soon—magsisimula na ang project ko sa lupang ito." Nakayakap ang dalaga sa katawan ko pero nainis lang ako. Pwersahan kong tinanggal ang mga braso niya at tiningnan siya nang masama. Napailing ako dahil nakaluhod na ang mga magulang nito sa harap ko habang sinisimulan nang gibain ang bahay nila. Naalibadbaran ako tuwing sinusulyapan ang mga magulang nitong nakaluhod. Umiiyak ang babae samantalang nakapikit lang ang tatay ni Millow pero magkasiklop ang dalawang kamay nito bilang pagmamakaawa. Pigil na pigil nito ang sariling 'wag mapaiyak sa harapan ko pero sa mata niyang namamasa, napapailing na lang ako. Kung akala ng pamilyang ito na makukuha ako sa kadramahan, nagkakamali sila. "Akin ang lupang ito, Millow. Nandito ka para ipaliwanag sa pamilya mo na kailangan na nilang umalis. Wag niyo '
Millow's POVNapuno man ako ng galit nang palayasin ni Lake ang pamilya ko, hindi naman maatim ng puso kong makita siyang duguan. Salamat sa Diyos dahil hindi naman ganun kalala ang sugat niya sa ulo at si Tay Berto..."Nakakulong na siya, Maria, at salamat nga pala dahil nandiyan ka." Ito ang bungad ni Leighton sa'kin nang makita ako sa loob ng kwarto ni Lake pero ang katabi nito, kay sama ng tingin sa'kin, si Selene. Nasa private room kami ng isang ospital ngayon. "Hindi ako pwedeng mangialam sa kung ano man ang meron si Lake dahil nakapangalan na ang lupa sa kanya."Masakit. Yong makita mo ang mga magulang mo na paalis sa lupang naging saksi sa pagbuo ng pangarap nila pero nawala iyon sa isang iglap dahil nga hindi namin pag-aari. Wala kaming titulo. Kailangan na naming umalis at sinabihan din ako ni Tatay na sundin ko na lang si Lake para hindi ako mapahinto sa pag-aaral. Magbakasyon lamang daw ako ng Maynila kapag walang pasok basta may pera lang. "Leighton, gusto kong makita si
Millow's POVNanginginig ang mga kamay ko habang hinihiwa ang mga gulay na isasahog sa iluluto ko. May manok din at baboy na kailangan kong hiwain pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nang pumasok kami sa bahay ni Sir Lander, tatlong babae ang nadatnan naming nagtatawanan sa sala at napaka-sexy nila. Iba ang mga kasuotan nila kumpara sa'kin. Hindi pa maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Lake na "great time tonight." Iba ang dating no'n sa'kin. Nasaktan ako sobra at nawalan ako ng gana. Bahagya ko silang sinilip mula sa kusina pero mas pumait pa ang pakiramdam ko nang makita sila."Long time no see, Lake." Kagat-labing hinaplos ng isang babaeng balingkinitan ang bandang dibdib ni Lake. "Sana naman nagparamdam ka sa'kin after that night. I tried calling and texting, but got no response."Kampanteng nakaupo si Lake katabi ang babae at ang isang braso nito, nakaakbay na sa babae. Hindi ko sila kayang tingnan pero naku-curious naman ako sa usapan nila. Naunsyami tuloy ang plano kong
Millow's POV"Asawa ko nga pala, Millow."Naawa ako nang matitigan ko ang asawa ni Sir Denver. Agad ko silang binati."May polio kasi ang asawa ko kaya kailangan niyang gumamit ng walking stick. Please help her, Millow, papunta sa table." Nakangiting pakiusap ni Denver.Kaedaran lang ni Sir Leighton ang isang 'to. "Sige po, tara, ma'am.""Salamat, iha." Napahawak ang babae sa isang braso ko habang paika-ika itong naglakad. "Hindi kasi pantay ang mga paa ko kaya kailangan kong gumamit nito. Ongoing pa rin ang treatment ko."Nakunsensya ako dahil alam kong may babae ang asawa nito pero ayoko nang mangialam pa. Birthday ni Sir Lambert ngayon at marami nang nagsidatingan na mga guest. Busy ang lahat lalo na kaming mga katulong pero priority ko pa rin si Lake kapag pinatawag niya lalo na't personal maid niya 'ko."Salamat, Millow," nakangiting pasalamat ng babae nang makaupo na.Iniwan ko na lang ang babae sa mesa para naman puntahan si Lake. Kanina pa niya 'ko inutusang magdala ng inumin.
Lake's POV"Lake!"Ilang ulit ko pa iyong narinig pero sumasakit pa ang ulo ko dahil nasobrahan ako sa inum. Ilang tao ba ang nandito? Ang ingay nila. Bukod sa birthday ni Daddy, double celebration ito dahil tuluyan ko nang napaalis ang mga salot na nanirahan sa pag-aari kong lupa. Uminat ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko; may kung ano'ng bagay ang mabigat na nakadagan sa'kin."Jesus Christ, Lake. What is this?" Boses ni Dad ang narinig ko kaya minulat ko ang mga mata ko pero nasilaw ako sa ilaw kaya muli akong pumikit. "Can you explain this, what's going on, ha? Lake Monteverde!"Kunot-noo akong napadilat sa galit na boses ni Daddy at 'di ako makapaniwala dahil may nakadagan nga sa ibabaw ko. Nagulat din ako at napamura."What the hell, who is this?" Napasigaw ako at akmang babangon pero napansin kong hubo't hubad ang babae sa ibabaw ko. Hanggang kalahati na lang ang pagkakatakip ng kumot sa katawan nito kaya agad ko iyong nahila para takpan ang exposed niyang likod. Nang haw