Millow's POV
Nanlalaki ang mata ko nang sundan ko si Lake Monteverde, ang lalaking magiging dahilan ng pagiging homeless namin. Panay ang tago ko sa katawan ng niyog o kahit anong malagong halaman para hindi ako mahuli sa pagsunod ko sa kanila. Nasa loob na ng isang kubo ang lalake kasama ang isang babae na kasama rin nitong bumaba ng isang malaking bangka kanina. Dinaig ko pa ang bihasang stalker nang mapag-alaman kong pinapaalis na kami ng lalaking ito sa isla kung saan ako ipinanganak. Ang lupang akala ko'y amin pero pag-aari pala ito ng isang Monteverde. Simula noon, nang ituro ito ng kakilala ko na ito ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay namin, hindi ko na ito tinigilan ng kakasunod. "L-Lake, ba't hindi ka makapaghintay, ha? Baka may makakita sa'tin dito? A-ano ba!" "Ssh, shut up, Selene." Salag ng lalake. "Mahuhuli tayo kung mag-iingay ka pa. Mabilis lang 'to, don't worry." Napalunok ako nang makita ko kung ano'ng ginagawa ng dalawa sa loob ng kubo. Unang naghubad si Lake na ikinalaki ng mata ko bago nito mabilisang tinanggalan ng damit ang kasama. Bigla na lang napasubsob sa bandang dibdib ng babae ang ulo ni Lake na ikinasinghap ko. "Lake!" saway ng babae pero ngiting-ngiti naman ito. Isang mabilis na halik ang ginawa nito sa labi ng babae bago ito muling yumuko. "Yeah, S-Selene? Lower your voice." "It's been a long time, L-Lake." Natutop ko ang bibig ko at saglit na umalis sa butas. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Nang makabawi, dahan-dahan ko na namang tinapat ang mata ko sa maliit na butas ng dingding ng kubo na gawa sa pawid. "Holy cow, Lake, what are you doing t-to m-me?" Napasinghap pa ito saglit bago muling tiningnan ang ginagawa ng lalake. Ang sagwa at nakakasuka habang tinitingnan ko sila. Ito ba ang may-ari ng isla na pilit kaming pinapaalis? Nakaramdam ako ng inis nang muli na naman akong tumingkayad para lalo pang silipin ang dalawa sa loob. Pinasok ko pa ang daliri ko sa butas na gawa sa pawid para lalong lakihan ang siwang nito. "Hoy, Milllow!" sigaw ng may-edad na babae sa'kin. "P*****a kang bata ka! Kanina pa hinahanap ng tatay mo para maihatid 'yang balde. Mauubusan kayo ng isda sa aplaya. Kanina pa'ko paikot-ikot kung nasa'n ka. Nandito ka lang pala!" Napatalon ako sa gulat. Si Aling Zenya, isa itong katulong sa malaking resort na pag-aari rin ng mga Monteverde dito sa'min pero part time lang ang ginagawa nito kaya suma-sideline rin ito sa pag-aangkat ng mga isda para maibenta sa palengke. Kapitbahay lang din namin ito at malayong kamag-anak namin ayon kay tatay. Nakapamaywang pa ito sa'kin kasabay ng pandidilat ng mga mata nito. Nataranta ako bigla dahil sa pagsigaw nito. Nilagay ko agad ang daliri ko sa bibig ko para patigilin ito pero huli na. Biglang bumukas ang kawayang pinto ng kubo at iniluwa nito ang hubad-barong si Lake Monteverde pero may suot na itong short. "Aling Zenya?" takang bungad ni Lake nang mapagsino ang matanda. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Biglang nabaling ang tingin nito sa'kin kasabay ng pagsalubong ng makakapal nitong kilay. "Who is she?" "Ay, sir." Wari'y nagulat pa si Aling Zenya nang makita ang amo. "Pasensiya na po. Ito kasing anak ni Eman, may sinisilip diyan sa butas na iyan." "What the fuck!" mahinang bulalas ng lalake. Inisang hakbang lang nito ang kinatatayuan ko bago nito tiningnan ang butas. "Ikaw ba ang may gawa nito, kid?" Sinubukan pa nitong silipin ang loob sa pamamagitan ng butas. "Shi—" Nanlilisik na ang mga mata nito sa'kin nang muli akong harapin pero pinigil nito ang muling pagmura. Halos himatayin na'ko sa nerbyos dahil huling-huli ang pamboboso ko sa kalaswaan nila. Pinanlamigan ako ng katawan nang makita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito. Pa'no kung suntukin niya 'ko? Napalunok ako at agad umiwas ng tingin ko. Kunwari'y inosente ako at nag-akmang nagmamaang-maangan. "What's your name?" Dumagundong ang boses ng lalake kasabay ng paghawak nito sa braso ko. "Kanina ka pa ba rito, ha?" Naumid ang dila ko sa tanong na iyon ng lalake sa'kin. Nasa'n na ang kasama nitong babae sa loob? Bakit hindi ito lumabas? Parang hihimatayin ako sa bangis ng mukha nito kaya isa lang ang alam kong solusyon—bigla akong kumaripas ng takbo. Walang lingon-lingon ang ginawa ko hanggang makarating ako sa aplaya. Parang hihimatayin ako sa sobrang pagkahingal ko. Marami nang nagkakagulong mga tindera na mag-aangkat ng isda ang nakikipagbaratan sa mga mangingisda. Napakaingay! "Millow, halika rito." Isang dalaga na naka-pony tail na may pink ribbon sa ulo ang biglang sumigaw sa'kin, ang aking matalik na kaibigan na kaedaran ko lang din. "Si Tatay mo, hayun, oh! Nakikipag-agawan pa ro'n sa mga isda. Bilis, makiagaw na tayo. Nagkakaubusan na. Sa'n ka ba nagsusuot, ha, Millow? Hindi kita makita kanina pa." "May sasabihin ako sa'yo mamaya," pasigaw kong sagot kay Mae. Hinila ako ng babae sa umpukan ng mga tao. "Hoy, sandali." Biglang nakipagsiksikan ang babae kaya napasunod na lang ako sa kanya at halos masubsob na'ko sa buhanginan nang makabitaw sa kanya. "Tatay!" Si Tatay, nakikipagtulakan na rin ito sa ibang tao para makaunang makakuha ng paninda namin. "Millow, halika nga rito't tulungan mo'ko. Ilagay mo na sa balde mo ang mga isdang 'yan." Nginuso ni Tatay ang mga isdang nakalagay sa maliit na palanggana. "Ba't ngayon ka lang? Kanina pa sa bayan ang nanay mo, ah. Kung sa'n-sa'n ka na naman nagsusuot, naku naman." Nainis ako bigla kay tatay dahil sa pagsermon nito sa'kin sa harap ng maraming tao. "Tatay naman, ang bibig mo." "Puro ka reklamo, Millow. Bilisan mo!" singhal nito. Napalabi ako kay tatay. Ang talas naman ng pandinig nito. Ilang bangka lang ang dumaong ngayon kaya nag-aagawan na ang mamimili. Mura kasi kapag sasalubungin namin ang bangka ng mga mangingisda. Nakukuha pa naming baratin ang mga ito at ititinda naman namin sa palengke ito ng doble ang presyo. "Hey!" Inis na singhal ng isang lalake sa nagkakagulong mga tao. "May hinahanap ako rito! Paraanin niyo ko!" Nagtaka ako nang biglang tumahimik ang lahat. Ano'ng meron? Presidente ba ng Pilipinas ang dumating at wari'y natigilan ang lahat? Napalingon ang lahat sa pinagmulan ng boses na iyon pero ako, busy sa paglagay ng mga isda sa balde ko. Kikiluhin pa ito mamaya. Siguradong mura ang ibibigay ng mga ito sa'min dahil kami-kami lang naman ang magkakakilala rito. "Nasa'n si Millow?" Isang boses na buong-buo ang nagtanong nito. "Iharap niyo sa'kin ang batang iyon." Millow? Tumaas ang kilay ko nang marinig ang pangalan ko. Ang boses nito, napakaganda at lalaking-lalaki sa pandinig ko. Napangiti ako bigla. Tinaas ko bigla ang isang kamay ko nang mapatayo ako. "Ako 'yon!" Pero ang ngiti ko, biglang naglaho nang humawi ang mga tao at tumambad ang madilim na mukha ni Lake Monteverde. "Hoy, Millow, ba't ka kumaripas ng takbo kanina? Nakakahiya kay Sir Lake." Si Aling Zenya ang nagtanong nito sa'kin kasabay ng pandidilat ng mga mata nito. Nahawakan na rin ako nito para ilayo sa mga tao. "Umayos ka, ha!" pabulong na saad nito. "Baka lalong magalit 'yan at paalisin na agad tayong lahat sa lupa nila." Pabuka pa lang ang bibig ko para sagutin si Aling Zenya pero agad nang humawak ang malakas na kamay ni Lake sa braso ko. Napaawang ang labi ko nang kaladkarin ako nito palayo kay Aling Zenya. Sinenyasan nito ang babae na 'wag nang sumunod. Ang mga tao, punong-puno ng pagtataka ang mga mukha nang sundan kami ng tanaw. Nawala bigla ang komusyon at tahimik na bumalik ang mga ito sa ginagawa. "Ano'ng nakita mo kanina, ha?" gigil na tanong nito sa'kin. "Bakit ka naninilip, Millow? Huwag mo'kong tingnan nang ganyan kung ayaw mong mapadali ang pagpapalayas ko rito sa inyo. Speak up!" Napalunok ako nang matutok ang mata ko sa gumagalaw na adams apple ng lalake. Nalipat bigla ang tingin ko sa paa kong walang tsinelas nang panlisikan ako nito ng mata. Napakurap-kurap ako para pigilin ang luha ko. Palalayasin kami? Sa'n kami titira? Buong buhay ko, ito lang ang lugar na itinuring kong amin pero pag-aari pala ito ng kaharap ko. "Are you dumb or what?" inis nitong tanong. "Ba't ayaw mong magsalita? Ano'ng nakita mo sa kubong iyon?" Hindi ko tuloy alam kung ano ang idadahilan ko. "Ah, ano... k-kasi po." "Fuck! I'm running out of patience, kid. Ano ang nakita mo?" hiyaw ng lalake. "Sabihin mo sa'kin kung ano ang nakita mo sa loob ng kubo!" Binitawan nito ang pagkakahawak sa'kin pero gigil na gigil ito nang titigan ako. "Ah, ano p-po... kayong d-dalawa ng babae—wala akong n-nakita. P-promise." Nanginig ang labi ko nang ilapit nito ang mukha sa mukha ko. "Kasi, n-napadaan lang n-naman po a-ako. H-hindi ko s-sinasadya," nautal kong explain. "Really?" Nagsalubong ang makakapal na kilay nito bago napangiti. "What do you think of me? Hindi ako tanga na maniniwala na lang basta-basta sa'yo. Alam kong may nakita ka, Millow, kaya sabihin mo na hangga't hindi pa ako sinasaniban ng demonyo. Nananakal ako ng tao!" Nahintakutan ako bigla. Isa itong demonyo? Kung isa itong demonyo, bakit ang guwapo nito sa paningin ko at malakas ang appeal niya lalo na kung tititigan ako nito sa mata? Iniiwas ko lagi ang tingin ko tuwing titingnan niya ako dahil may kung ano'ng mahika ang humihigop sa'kin kaya nawawala ako sa sarili. Naramdaman ko na naman ang malakas nitong kamay sa braso ko nang pwersahan niya 'kong pinaharap. "Millow... M-Millow. I'm running out of patience, kiddo." "A-ano, n-nakita k-kitang—" Lumuwag ang pagkakahawak ng lalake sa'kin kaya nakahinga ako nang maayos. Nakangiti na ito sa'kin kaya tumalon ang puso ko nang lumabas ang napakaganda nitong ngipin. "May g-ginagawa kayo, eh—t-tsaka, basta!" Nauutal ako pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatitig na sa napakaguwapo nitong mukha. "Basta, parang nag-e-enjoy po 'yong kasama m-mo." "W-what the hell, Millow!" Sumikdo nang malakas ang puso ko sa pagsigaw niya. Sinipa ni Lake ang buhangin nang sunod-sunod. Panay din ang tungayaw nito at mura na lalo kong ikinatakot. Bakit big deal sa lalake ang lahat? Natagpuan ko na naman ang sarili kong tumatakbo palayo sa kanya habang sumisigaw naman ang lalake sa pangalan ko. "Millow, we're not done yet," hiyaw ng lalake. "Come back!"Millow's POV"Naririnig mo ba 'ko?" sita ni Aling Zenya nang puntahan ako nito bandang ala-siyete ng gabi sa bahay. "Pumayag na 'yong tatay mo na mag-part time ka sa mga Monteverde para makadagdag sa allowance mo sa pagkokolehiyo kaya sumama ka na sa'kin ngayon sa mansyon dahil maraming bisita na darating. May engagement party kasing magaganap. Pumayag na rin ang mayordoma ro'n kaya ano pang tinatanga mo riyan, Millow?"Engagement party? Ikakasal na siguro ang Lake Monteverde na 'yon. Nanghinayang ako bigla at kagyat na ninerbyos dahil nang takbuhan ko ito isang linggo na ang nakakalipas, galit na galit ang supladong iyon. Hindi na kami muling nagtagpo. Patamad akong tumayo para magbihis. Maong na kupasin at T-shirt na luma ang suot ko. Kahit ang mga ganitong bagay, hirap akong bilhan ng magulang ko dahil nga sa private school ako nag-aaral. Ultimo underwear nila hindi na sila makabili dahil sa laki ng gastos sa'kin pero nagpapasalamat akong sa kabila ng kahirapan namin, mataas naman
Millow's POVHindi na kami magkandaugaga nang dumami pa lalo ang mga tao. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng Lake na 'yon pero nang tawagin lahat ng mga bisita sa napakalaking bulwagan ng bahay, natutok ang mata ko kay Lake."Everyone, listen." Nakatingin ang matandang Monteverde sa mga trabahante sabay ngiti. "Salamat. Kung 'di dahil sa inyo, this won't be a success and of course," napatingin naman ang matandang lalake sa dalawang taong nakatayo sa gilid nito."My son, Leighton, was supposed to be in seminary before meeting you, Selene, but you changed his mind. We are grateful to have you as a new member of our family and you son." Napatikhim pa ang matanda nang nakangiti nitong titigan ang anak na si Leighton, ito ang panganay. "You make me very happy to think about seeing you with my grandchildren someday. I didn't ask for this, yet I'm excited. No offense to God; perhaps this is His will."Siya iyon! Si Selene, ang kahalikan ni Lake sa kubo. Pero bakit ito hawak sa kamay ni Le
Millow's POV "Millow..." Napatingin ako kay Aling Zenya nang inguso nito ang kinaroroonan ng mga bisita. Halos isang buwan na'kong naninilbihan sa pamilyang ito kaya nakaka-adjust na'ko kahit papa'no maliban na lang sa pag-uugali ng isa kong amo—kay Lake. Hindi na naulit ang pagbisita nito sa bahay namin pero parang sirang plaka ito sa paulit-ulit nitong pananakot sa'kin. Wag ko raw isumbong kay Sir Lambert ang sekreto niya. "Mag-serve ka na sa mga bisita, ano ka ba. Tulala ka na naman diyan." May kasama na itong siko mula sa matanda. "Puntahan mo rin si Sir Lake sa unit na inokupa niya pagkatapos ng paghatid mo ng pagkain sa mesa." "B-bakit daw po?" Pero nakatalikod na ang matanda nang lingunin ko. "Kainis ah," naibulong ko na lang. "Bakit ba palagi na lang kami may session ng Lake na 'yon?" Ano na naman kaya ang kasalanan ko at pinapatawag ako ng lalaking iyon? Nasa resort kami ng mga Monteverde at ngayong araw nga, espesyal ito para sa lahat dahil nagsidatingan na ang dadalo sa
Millow's POV"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako."See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae."Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin
Lake's POV"What a mess," gigil kong anas.Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene..."Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko.
Lake's POV "What the—" pigil ko ang pagmura. Nagulat din ang babae nang pumasok ako bigla, "Sir, hindi pa ho bumubula masyado—" Napasukan ko siyang nilalaro ang tubig habang hawak nito ang isang sabon para pabulain. Agad kong nilubog ang kamay ko para i-check ang tubig. Napakalamig! "Wala ka talagang utak!" singhal ko. "I said the bubble soap powder not that one. Ibubuhos mo lang diyan sa tubig." Hindi automatic ang tubig kaya kailangang timplahin ng babae ang init nito. Inis kong hinagis ang hawak kong roba palabas ng pinto at agad akong humarap sa kanya. "Watch me and learn, Millow." Napamulagat ang babae nang mapatitig ito sa nakitang parte ng katawan ko na humampas pa sa pisngi nito nang tingalain ako. The hell I care! Wala na'kong pakialam kung makita nito ang kahubaran ko. Bigla itong napatayo at ako naman, agad kong pinatay ang gripo para i-drain ang kalahati ng tubig sa bathtub. "Make sure na bubuksan mo itong hot water kasabay ng cold water." Dinemo ko ito sa kanya para
Millow's POVNapabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang hanapin ko ang wall clock—alas onse na ng umaga. Nataranta agad ako kaya mabilis ang ginawa kong pagbangon kahit nahilo ako sa ginawa kong iyon. Hindi pa yata naka-circulate nang maayos ang dugo ko. Si Lake—siguradong magagalit si Lake!"Buti naman at gising ka na." Komento ni Aling Zenya na nagtataka pa nang abutan ko siya sa dining area. "Bilin ni Sir Lake na 'wag ka raw gisingin dahil puyat ka. Nasa bukid sila ngayon at baka nga hindi na makauwi 'yon dahil may itinayong resthouse ro'n. Marami silang gagawin."Magkatulong kami ng babae sa paglagay ng mga pagkain sa hapagkainan na tanging si Selene lang ang kumakain. Nakaalis na raw ang magkakapatid na Monteverde kasama ang ama ng mga ito. Pasimple akong napatingin kay Selene na tahimik lang pero napakislot ako dahil nakatitig pala sa'kin ang bruha. Naniningkit ang mga mata ng babae na puno na naman ng eyeliner ang eyelid. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, baka bu
Millow's POV"Mag-ingat ka sa mansyon, ha? May isa akong kaibigan sa Manila, heto oh." May papel na inabot sa'kin si Aling Zenya kung sa'n nakasulat ang address nito pati na ang numero ng cellphone. Lalo akong kinabahan dahil parang alam ko na ang susunod na sasabihin nito. "Wala na'kong bahay, Millow, kaya sa inyo muna ako makikitulog ng ilang gabi. Pinapaalis na rin ako dahil hindi naman atin 'tong lupa. Ibibigay ko lang 'to para may magamit ka. Nakabili na'ko ng bagong cellphone." Isang lumang cellphone ang binigay ng babae na ikinapagtaka ko. "Pinaglumaan ko na 'yan pero sa'yo na lang dahil kakailanganin mo 'yan sa tamang oras tsaka sim card na lang ang bibilhin mo sa bayan para gumana 'yan. Alam na rin ng tatay mo ito pero ayaw pa niyang umuwi. Nag-iinuman sila ni Pedring sa kabila, pampatanggal daw ng sama ng loob."Malungkot namang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko si Nanay nang mamataan ko. Umiiyak din ito nang tahimik kaya bumulanghit na'ko ng iyak.Ang sama mo naman, Lake!Ak
Millow's POV Parang panaginip lang ang lahat dahil ang akala ko, hindi na muli pang mabubuo ang pamilya ko pero heto kami, kasama si Lake at ang dalawang bata. Hindi pa naman lumalabas ang DNA results namin ni Sadiya pero ako ang tumayong ina niya habang iniimbestigahan ang kasong isinampa kay Selene. "Gusto ko sa baba, Millow." Palag ni Lake nang madala na ito sa taas pero mas pinili nitong manuluyan sa baba kung nasaan ang resort namin. Pina-upgrade ko na rin ang bahay dito sa taas kaya mas lumawak ito. Dito ako naging abala pero syempre, maingat kami sa pag-hire ng manggagawa para walang makapasok na kalaban. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi pa bumabalik ang memorya ko at hindi pa ako okay. Si Emily ang mahal ko." Giit nito na walang kangiti-ngiti. Ito'y matapos ang isang buwan na pamamalagi ni Lake sa ospital para magpagaling ito. Paunti-unting bumabalik ang lakas ng lalaki at hindi na rin ito nagse-seizure kagaya dati. Marami itong iniinum na gamot pero tuwing lalapit
Millow's POV Mabilis ang ginawang entrapment kay Sandra at sa mga kasamahan nito pero ayon kay Lander, nagulat daw ang babae dahil hindi nito inaasahan na ipapahuli ko ito sa mga pulis. Mabilis namang nilagay sa custody ng DSWD si Laura habang iniimbestigahan ang kaso. "Salamat, Lander." Nasa bahay na'ko kasama si Leighton pero hindi ko naabutan sina Sandra at Laura. "Mabuti na lang mabilis ang mga tao natin pati na ang mga pulis." "Galing na'ko sa pulis station, Millow, pero pinakawalan si Sandra at ang tatlong kasamahan niya dahil wala pang complaint na natatanggap ang mga pulis. Kailangan mong mag-file ng kaso laban sa kanila." Ito ang sinabi ni Lander nang maabutan ko sa bahay. "Pero magbibigay ng protection order ang mga police para masigurong ligtas ang pamilya mo habang hindi pa napapatunayan ang motibo ni Sandra same with Selene. Kailangan natin ng katibayan muna." Sumingit si Leighton sa usapan namin, "The DNA, bro. Kailangang ipa-DNA si Sadiya at Selene—" "On vacat
Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw
Millow's POV "Magugulat ka sa ibabalita ko." Di napigil na bulalas ni Lander nang salubungin ko siya at nagulat ako nang bigla niya 'kong yakapin. "Marthy is your son. Siya ang isa sa kambal, Millow." Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Naging maulap ang mga mata ko nang yakapin ko si Lander. Napatawa siya nang malakas at ako nama'y nag-iiyak na. Napakasaya ko! Lumalapit na rin sa'kin si Marthy sa loob ng isang buwang pamamalagi ko rito. "And so as Sadiya..." Dugtong ng lalaki nang titigan ako. Natigilan ako. "Ibig sabihin—" "Yes, Millow, anak nina Selene at Lake si Sadiya. Nag-match ang DNA ng bata kay Lake."Kumirot ang puso ko pero walang kasalanan si Sadiya. Mahal ko pa rin si Lake, 'yon ang nasisiguro ko sa kabila ng pait na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang kataksilan niya. Kasalanan ko naman talaga kung ba't kami naikasal; totoo ang sinabi ni Selene na pinikot ko si Lake dahil sa ambisyon kong mabawi ang lupa namin. Natuwa sina Nanay at Tatay sa balita kaya na
Millow's POV "Ma'am, bilisan mo! Habang hindi pa nakakalabas si Emily..." Sumulpot si Fred sa harap ko na karga ang bata. Apat na araw na akong nagmamanman sa bahay ni Emily. Tinawagan ko kanina si Lander para malaman nito ang plano ko. Kumusta na kaya si Lake? Sinabi nitong hindi pa nagigising si Lake pagkatapos nitong maoperahan. Naiyak nga ako at dinasalan ko nang todo na sana'y sa pagbabalik ko, magising na ito. Hindi rin ako mapakali kung ba't hindi pa nagigising ang asawa ko at si George, parang gusto ko na namang umiyak. Sana'y mapatawad niya 'ko. Hindi ko sinasadyang saktan siya."Tulong! Ang anak ko, may kumuha sa anak ko!" hiyaw ni Emily na nasa loob pa ng bahay nito. Kinakalampag nito ang pinto. "Walanghiya ka, Fred! Kaibigan ka pa naman ni Mario. Ba't hindi ko mabuksan ang mga pinto? Mga kapitbahay, tulungan niyo 'ko!!"Nagulantang ako sa sigaw na iyon!"Ma'am," pukaw ni Fred. "Kailangan na nating umalis, 'yong kaibigan ko ang maghahatid sa'tin sa kabila. Sundan niyo
Millow's POV Napakaraming test ang ginawa kay Lake kaya labis-labis ang pag-aalala namin pero sinamahan ko ito ng dasal. Isa lang ang gusto ko: ang bumalik ang alaala ni Lake para mapatunayan nito sa lahat kung sino ang tunay nitong mahal. Ako iyon, hindi si Selene... hindi rin si Emily. "It's time for DNA," pukaw ni Lander sa'kin dahil nakapikit ako at umuusal ng panalangin. Napasunod lang ang tingin ko kay Lander. Ibang-iba na siya, parang ito na ang matanda sa lahat ng magkakapatid dahil ito na ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Isang linggo na kami rito sa ospital para magamot si Lake. Ngayon babasahin ang mga naiwang test na huling ginawa kay Lake. Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa labas ng tanggapan ng doktor. Kinuhaan ng DNA sample si Lake kung magma-match ito kay Sadiya. Napatayo ako nang makita ko ang paglabas ni Lander, "Lander, ano'ng balita?" Kuno't noo si Lander nang mapabuntong-hininga ito, "Tapos na ang pagkuha for DNA. But it seems like a bad
Millow's POV "Yes, siya nga si Lake. Geez." Nagpalakad-lakad si Lander sa harap namin nang sabihin ito. Kaharap na rin namin ang tatay-tatayan ni Mario at ito mismo ang nagkumpirmang natagpuan lang nito si Mario na palutang-lutang sa dagat kasama ang isang sanggol. Naiyak na'ko nang maisip kong baka nalunod ang babae kong anak dahil isa na lang ang natira at iyon ay posibleng si Marthy. "Nasa'n ang isa ko pang anak?" hysterikal kong tanong. "It's confirmed, that Mario is Lake." Singit ni Leighton. "May malay pa siya nang matagpuan ko sa dagat at nakiusap sa'kin si Mario na tulungan ko ang anak niya." Pagpapatuloy ng matanda nang sariwain nito ang nangyari. "Nangisda ako noon pero lumakas ang ulan at hangin. Nakita kong nakalagay ang bata sa isang lagayan na lumulutang. Duguan 'yang si Mario nang makita ko kaso lang nang madala ko na siya sa bahay, nawalan ulit siya ng malay. Dahil may bagyo noon at wala naman kaming pera, sa health center lang kami humingi ng gamot pero habang tu
Millow's POV Nang makabalik ulit ako ng Boracay... Naiiyak ako nang lapitan ako ng bata, "Hey... cutie. May candy ako, you want?" Atubili ito kung lalapit o hindi pero napangiti rin ito kalaunan nang may ipakita pa akong maraming laruan. Nahihiya itong tumingin pero niyakap ko lang siya nang makalapit na ito. Iba ang pakiramdam ko nang yakapin ko ang batang 'to. "Ano'ng pangalan mo?" pigil ang emosyong tanong ko. "M-Marthy p-po," nahihiyang tugon nito. "Marthy, papasok tayo sa loob ng bahay dahil may ibibigay pa'ko sa'yo, okay?" Nang tumango ito, nasiyahan ako. "Good boy." Inakay ko siya papasok sa bahay-kubo na nirentahan ko matapos kong siguraduhin na walang taong makakakita sa'min. "Fred, magbantay ka rito sa labas." Ito na ang bahala para hindi mabuko ni Mario ang ginagawa namin. Hindi ko napigilang pugpugin ng halik ang bata na ikinaasiwa nito pero wala akong pakialam. Alam kong siya ang nawawala kong kambal lalo na't kamukha ito ni Lake. Napakalakas ng dugo ni Lak
Millow's POV "Ikaw na naman?" pigil ang galit ni Mario nang makita ako matapos ko siyang puntahan sa opisina. "Tigilan mo na ang kakatawag sa cellphone ko dahil hindi kita kilala. Maghanap ka ng ibang instructor sa scuba diving, ayokong mag-away kami ng asawa ko." Nasaktan ako pero inintindi ko na lang ang sinabi niya at muli, inulit ko ang mga nangyari noon. "Makinig ka naman sa'kin L-Lake I mean Mario, papatunayan kong ikaw ang asawa ko kapag nakabalik ako rito." Kahit picture, wala man lang ako kaya pa'no ko ipapakita ang ebidensya ko? Hindi ko kasi inaasahan na buhay pa si Lake pero pa'no 'to? Mukhang may amnesia ang lalaki. "Hayaan mong patunayan ko sa'yo pero kung mali man ako, ngayon pa lang humihingi na'ko ng sorry. Baka nga kamukha mo lang." Kandahaba ang leeg ko sa paghahanap sa anak nito pero wala ang bata rito. Nakita kong akay ito ng lalaki kanina. "Pagbibigyan kita pero 'wag kang panay punta sa bahay dahil nakakagulo ka sa'min. Nagseselos na ang asawa ko, iniisip