Home / All / Behind the Scene / Kabanata 2.1 - Birthday

Share

Kabanata 2.1 - Birthday

last update Last Updated: 2021-05-12 23:58:16

Hapon na nang matapos ang exam, walang minuto na hindi sumakit ang ulo ko ngayong araw. Dagdagan pa nitong mga kaklase kong nagbabangayan sa kung anong tamang sagot sa exam kanina. Nagmamadali man ay nagawa ko pa rin silang pakinggan.

"B is the right answer, yun ang sinagot ko," sambit nung isa sa top student na sinundan niya ng mga paliwanag kung paanong naging B ang sagot.

Agad namang umapela ang President namin na s'yang nangunguna sa ranking.

"D ang sagot! Hindi ako pwedeng magkamali," aniya na dinugtungan din ng paliwanag.

Nakinig pa 'ko sakanila habang inaayos ko ang mga gamit, inaalala ko rin ang letrang isinagot ko doon sa pinakamahirap na tanong na s'yang pinagtataluhan nila ngayon. Nakisali pa sakanila ang ibang matatalino naming kaklase at A raw ang tamang sagot. Hindi na 'ko nakisali dahil masyado nang sumasakit ang ulo ko sa exam na 'yan, kailangan ko na nga yata talagang mag-relax.

Saktong isasara ko na ang zipper ng bag ko nang mag-ring ang phone ko. Nagpaalam na 'ko sa aking mga kaklase bago sagutin ang tawag ni Madison.

"Sup, Mads," bored na sambit ko. Isinukbit ko ang bag sa balikat bago lumabas ng room.

"What's with that face, you look like a mess, girl!" aniya sa nakakairitang tono. Kahit kailan talaga ang isang 'to, napaka-judgemental!

Nilibot ko ang aking paningin sa labas ng building at nang makita s'yang nakaupo sa isang bench ay agad kong ibinaba ang tawag para mapuntahan ito. Hindi na niya 'ko hinintay at sinalubong na 'ko nito para sabay kaming maglakad patungo sa parking lot.

"I'm a gorgeous mess," sagot ko sa sinabi niya kanina at kinindatan pa ito.

Napairap nalang siya sa ginawa ko bago naunang maglakad sa akin, may kung ano s'yang ginagawa sa phone niya kaya hindi ko na pinansin.

Patungo kami sa parking lot nang lingunin niya 'ko. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin parin sa phone at abala sa kung ano.

"Ken texted me, nandoon na raw sila. Bilisan na daw natin," wika niya.

Napakunot din ang noo ko dahil doon. What's with the rush? Ni hindi pa nga napapalitan ng dilim ang kalangitan tapos nandoon na agad sila? Sana all maagang natatapos ang exam, sana all hindi haggard.

As soon as she opened her car, we went in. Siya ang driver at nasa front seat lang ako. Habang nagdadrive siya ay nag-aayos naman ako, hindi naman kasi pwedeng naka-uniform akong pupunta roon. Mabuti pa 'tong si Mads, nakapagpalit na kanina.

Sa sasakyan na 'ko nagpalit ng damit, I'm wearing black glittery bodycon dress ended inch above my knee, backless ito at hugis U ang makikita mo sa likod, pinaresan ko naman ito ng silver stilettos. I tied my long wavy hair in a low ponytail, naglagay na rin ako ng konting makeup sa mukha para naman hindi haggard kung tingnan, hindi mukhang kagagaling lang sa stressful exam. Inilabas ko mula sa aking bag ang isang maliit na clutch bag. Phone, wallet at lipstick lang ang kasya rito kaya yun nalang ang mga nilagay ko.

Wala pang twenty minutes ay nakarating na kami sa isang hotel na napili namin para pagdausan ng anniversary naming magkakaibigan. Oh, 'di ba! Bongga! Kahit exam day o ano pa 'yan, hinding-hindi namin palalampasin ang araw na 'to!

Madison handed her key to the vallet, sabay naming tinahak ang engrandeng lobby ng hotel. It screams so much class. Mads is in her red sleeveless dress, fitted din ito gaya nitong sa'kin. She is the one who talked to the woman at the front desk, may tinawag itong isang lalaki na s'yang maghahatid samin paakyat sa roofdeck.

Kilala ang hotel na ito dahil sa restaurant nilang nakapwesto mismo sa kanilang roofdeck. Disenyo palang, halatang sosyal na. No wonder why Kendall chose this place, she likes classy shits.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa pinakatuktok, hindi naman masyadong marami ang tao kaya natanaw ko agad ang mga kaibigan ko.

"You're so mabagal!" ani Adel.

Inirapan ko ito bago kami maupo. Umalis na rin ang lalaking naghatid sa'min patungo rito. May wine na agad sa mesa, ito talagang mga bitchesang 'to, hindi pa nakakakain ay wine agad.

"Mabuti nalang at naka-red ka, Mads! Sabi ko kasi sa waiter, birthday ng isa sa atin," panimula ni Ken habang itinataas ang kamay para makuha ang atensyon nung isang waiter.

"And so? Ano ngayon kung naka-red ako?" inosenteng tanong nito.

Ilang saglit pa ay nasa harap na namin ang waiter, nakangiti ito nang salubungin kami.

"Kuya, kindly serve our orders na and.. she is the celebrant I'm talking about," sambit ni Kendall.

Tumango-tango ang waiter, binanggit isa-isa ang orders bago umalis sa harap namin.

"Gaga ka, anong celebrant?" nagtatakang tanong ni Mads.

"You'll see later," natatawang tugon ni Grace sakan'ya.

Natawa nalang ako pati na rin sila, kahit kailan ay napaka-slow talaga nitong si Madison. Napaka-inosente!

Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagdatingan ang mga order namin, itsura palang ng mga ito ay natatakam na 'ko kaya hindi na namin pinatagal at sinunggaban na agad ang mga 'yon.

"May bar daw sa 9th floor, they call it cloud nine. Maybe we should check it later, maganda raw ang ambiance," si Ken.

Kapag usapang bar, club o party, si Ken ang nangunguna sa mga 'yan. Party girl, e. Siya ang nag-impluwensya sa'min na pumarty, maraming kakilala at halos lahat ay hinahangaan siya. Sino ba namang hindi? Maganda siya, mayaman, matalino at friendly! Halos lahat yata ng lalaking nagkakagusto sakan'ya, hindi na nakaka-move on. Matinik si gaga, e.

"Okay, basta 11 pm ako uuwi. By the way, the food is nice," sambit naman ni Iris. Paniguradong scam 'yan!

Panay ang nguya nito na tila ninanamnam talaga ang bawat putaheng inihanda sa amin. Culinary student ito at may food blog siya kaya grabe nalang ang pagsuri niya sa mga pagkaing kakainin namin. Siya ang una kong naging kaibigan sakanilang lima, sunod ay si Madison. Who would believe that we were enemies back then? They were already classmates before but they're not so close and then I came, I'm the outsider. Late kasi ako ng one month pumasok noon, wala e, tinamad akong mag-aral that time so na-late ako. And when I came, Iris is the first person who approach me. Napag-alaman ko lang noon na president pala siya ng section namin. Lalo kaming naging malapit noong napasama ako sakanila ni Madison.

Si Mads ang secretary ng section noon, napasama ako sakanila at naging parte na rin ng officers kalaunan dahil sa madalas kong pagsama sa mga ito papunta sa office nung adviser namin, ginawa niya na rin tuloy akong officer. Akala ko magtutuloy-tuloy na doon ang friendship namin, kaso nag-away kami ni Iris dahil sa napakababaw na rason. Basta nagalit siya sakin noon, e. Dahil napasama ako sa grupo nila Kendall.

Kendall and Adeline are both best of friends even before, it was Ken's birthday when one of the guys invited me to join them attend Kendall's party. Invited naman daw lahat ng classmates namin so I expected Iris and Madison to be there, too. But then, they didn't come. Hindi raw sila kasi close at ayaw ni Iris sa ugali ni Ken. Masyado raw pabebe, aminado naman ako noon na pabebe talaga magsalita 'tong si Kendall, sweet girl pa bansag sakan'ya. Mahinhin at di mo aakalaing magiging ganito siya kabulgaran ngayon.

Nang hindi ako pinansin ni Iris, napasama ako kila Kendall at Adeline. Si Mads naman ay nakakausap ko pa rin kaso ayaw n'yang maipit sa'min dalawa ni Iris kaya hinayaan ko nalang siya. Si Iris naman ay napalapit sa isang grupo ng kababaihan sa section namin, yung mga babaeng panay chismis ang alam. Noong panahon din na 'yon, kagalit din ni Grace ang mga babaeng yon, kaibigan niya kasi ang mga 'yon tapos bina-backstab daw siya kaya napasama sa'min nila Ken si Grasya.

Akala ko ganoon nalang ang magiging eksena palagi pero pinagbati kami ni Madison kaya mula noong naging okay kami ni Iris, doon na nabuo ang pagsasamahan naming anim. Ang childish nung reason kung bakit kami nag-away but it leads us altogether so I guess, it's destined?

"Happy birthday to you, happy birthday to you.."

Napabalik ako sa wisyo nang may biglang tumugtog. May dalang isang cake ang waiter, ang isa naman ay may wine bottle na hawak. Patungo sila samin kaya nasa amin ang atensyon ng lahat. Natatawa nalang ako habang palapit ang mga ito kay Madison na naka-kunot ang noo ngayon.

"Happy birthday, Miss Madison!" sigaw ng mga waiter nang matapos silang kumanta.

Iniharap nila ang frame na may design na pang-birthday at ang cake kay Mads, naghihintay na i-blow nito ang candle. Gulong gulo man ay nagawa niya paring hipan ang kandila. Inilapag nila ito sa table namin at ibinigay kay Madison ang wine bottle, birthday promo raw kasi yon. Tuwing merong may birthday ay palaging may ganon, free daw nila. Kinuhaan ng litrato si Madison, ilalagay daw nila 'yon sa birthday celebrant wall nila. Mas lalo akong natawa sa reaction ni Madison. Hindi naman siya makapalag dahil baka mabuko kami.

Actually, hindi naman talaga niya birthday. Si Ken lang ang may sabi no'n para makalibre kaming cake at wine, si Mads ay litong lito ngayon. Natatawa ako sakanila.

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 2.2 - I break hearts

    Matapos naming kumain ay nag-picture naman kami para may remembrance. Nagtagal pa kami roon bago nagpasyang bumaba sa cloud nine na sinasabi nila."Wala ba silang anniversary promo? Ang dami natin tapos ako talaga ang sinabi n'yong may birthday? Mga gaga na 'to!" si Madison. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na naisahan namin siya. Labag sa loob nito ang mga nangyari kanina kaya kahit ang pagtikim sa cake na yon ay hindi niya nagawa, wine nalang ang nilantakan niya. "Si Treia nga sana, e. Tutal makapal naman ang mukha niya kaso ikaw ang naka red ngayon, mas mukhang ikaw ang may birthday kaya ikaw nalang," sambit ni Adeline na sinundan ng tawanan. Nasa elevator na kami at napaka-inga

    Last Updated : 2021-05-13
  • Behind the Scene   Kabanata 3.1 - Nice

    Clearance day kaya narito kami ni Madison sa US short for University of the South o mas kilala sa tawag na Silangan. Nandito ako sa isang bench sa tapat ng Engineering Department, hinihintay si Madison dahil may isang subject pa s'yang papipirmahan sa professor nila. White tank top at high-waisted maong short ang suot ko, pinatungan ko rin ng gray cardigan dahil masakit sa balat ang araw ngayon. Tanging black slingbag lang ang dala ko at ang sunglasses ko. Motor kasi ang dala ni Mads ngayon at since nasa iisang subdivision lang kami, palagi niya 'kong sinasabay pagpasok at pauwi.I have a car before but because of one incident, my parents did not allow me to have one again. I understand them naman and I don't think I can drive again after everything that happened in the past. It caused me trauma.&nb

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 3.2 - Tired

    "Busy yan si Chantreia sa theater nila kaya hindi yan makakapunta," sambit ni Adeline.Dahil nabanggit ang pangalan ko, napaangat ako ng tingin at bahagyang napakunot ang noo. Makakapunta saan?"Anong meron?" curious kong tanong.Inirapan lang ako ni Madison na parang sinasabing 'ayan, hindi ka kasi nakikinig, tanga'. Hindi ko na kasi narinig ang mga sinasabi nila, wala rin akong pake sa kung ano 'yon pero dahil nabanggit ang pangalan ko, naisipan kong itanong."Birthday ni Mateo sa Saturday, punta ka," masiglang sambit ni Davis, ibang iba sa energy niya noong nakaraan. Siguro nagbabago ang energy niya tuwing nakakainom, bakit parang mas matino siya tuwing nakainom? Ang daldal niya kapag di nakakainom."Ikaw ba si Mateo? Bat ikaw nag-iimbita," masungit kong sabi sak

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 4.1 - Thought

    Saturday ngayon at birthday ni bunso. Maaga kaming umalis sa bahay para pumunta sa zoo, 'yon kasi ang gusto ni Charmaine, bunso kong kapatid. Mahilig siya sa mga hayop, no wonder mukha siyang hayop. Syempre biro lang, magaganda kaya ang lahi namin!"Ate, look! Monkey oh!" pabebe niyang sabi, hinihila pa laylayan ng damit ko. Kay Kendall yata nagmana to, e.I'm wearing gray halter top and white shorts, white sneakers and gray sling bag. Kinulot ko din yung dulo ng buhok ko para maiba naman, medyo mahaba ito kaya natagalan pa 'ko kanina. "I know, nakikita ko Maine. Tinitingnan ko nga ngayon," sagot ko habang nakatingin sakaniya, napatingin naman siya sa'kin at biglang bumusangot ang mukha. Maya-maya ay binatukan ako ni Ate Chandria, nasa likuran lang pala namin siya. "Baliw ka talaga! Pati bata pinagtitripan mo," sambit niya habang natatawa, si Maine naman ay

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 4.2 - Thank You

    Mga ilang minuto ay biglang dumating si Davis at tumabi sa'kin, sobrang lapit niya kaya umusod ako palayo."Hi, bakit hindi ka nagreply sa message ko?" tanong niya kaagad na parang boyfriend ko. Seriously? What's with him? "Why would I?" sagot ko naman, nanlumo yung mukha niya habang si Nikolai ay hindi mapigilan ang pag-ngisi. "Isaiah Nikolai, wag ka nga ngumisi dyan! Kita mong binabusted na 'ko rito," nakangusong sabi ni Davis, para talaga siyang bata. Siguro ay hindi pa siya lasing.Hindi naman umimik si Isaiah Nikolai, that's his full name? Ang ganda pala ng pangalan niya, tunog mabait. I should call him Isaiah, mas prefer ko yon kaysa sa Nikolai. "Seryoso ako, Treia. Gusto kita!" sabi nito.What the hell? Ganito ba siya talaga? Bakit parang ang bata niya kung umasta?

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 5.1 - Grey

    Three days na ang nakalipas, wala akong ginawa kundi um-attend sa rehearsal at mamalagi rito sa bahay. Nakarating kay Papa yung ginawa kong paghiram ng kotse ni Ate. Wala na kasi silang tiwala sa'kin pagdating sa pagdadrive.Nagalit siya noong una kasi di daw ako nagpaalam sakaniya, pero konting lambing lang naman kay Papa ay okay na siya. Mabuti nalang daw at walang nangyaring masama. I won't repeat the same mistake twice, hinding-hindi na mauulit 'yon."Hey, anak.." rinig kong sabi ni Papa at kumatok pa sa pinto bago pumasok. Magdamag lang kasi ako sa kwarto, lalabas lang ako kapag may rehearsal at kakain, minsan kapag nabo-bored sa kwarto. Ibinaba ko ang hawak kong libro para harapin siya."Yo, Papa," I chuckled.He kissed me on my forehead. Papa's girl kasi ako, lagi akong ini-spoiled ng tatay ko. Damit, sap

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 5.2 - Weird

    Nagpunta na sila sa dance floor habang ako ay nagpaiwan dito sa table namin. Habang iniinom ko ang juice na dala ni Adel kanina ay napansin kong naglalakad papunta sa 'kin si Isaiah. Patuloy lang siya sa ginagawa niya at nang makapunta sa table namin ay bigla siyang umupo. "Can I sit here? May kalat sa table namin," sambit niya kaya napatingin ako sa table nila. Nandoon si Paul and Mateo kasama ang dalawa pang babae, yung isa ay may tinatawagan. Napakunot ang noo ko nang mag-ring ang phone ni Isaiah. I get what he's saying kaya napangisi nalang ako. "You're already sitting," sagot ko habang pinaglalaruan ang glass ng juice sa kamay ko. Hindi niya sinagot ang tawag at marahang ipinasok sa bulsa ang phone niya. "Why are you here? I thought you're not coming?" he asked. I don't know why he's asking me right now, mukha siyang naiirita at bothered. "Sumaglit lang, pinakilala ko kasi sakanila ang boyfr—" he

    Last Updated : 2021-07-09
  • Behind the Scene   Kabanata 6.1 - Dinner

    Ngayon ang dinner namin together with the Lozano's, Kuya Froi's family. Ang kwento ni Ate ay tatlo rin daw silang magkakapatid, panganay si Kuya Froi, isang babae na sumunod sakaniya at isang lalake na bunso, ka-edad ko lang daw yung lalake and he's studying in Western University near Roosevelt, walking distance lang siguro 'yon. Famous basketball player daw pero hindi ko kilala, ano kaya 'yon?"Ate, anong oras matatapos yung dinner?" tanong ko sakaniya.Nagre-ready siya ngayon ng isusuot niya para mamaya. Nandito ako ngayon sa kwarto niya para manggulo."Bakit? May date ka?" natatawa niyang tanong, sagot ang kailangan ko hindi isa pang tanong. Ang galing talaga nito!"Parang ganoon na nga." Sinabayan ko lang ang trip niya.Tumigil siya sandali sa ginagawa niya at naka-pamewang na hinarap ako. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay kalmadong nakahiga sa kama niya."MAMAAA!! Si Chan

    Last Updated : 2021-07-10

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status