Home / All / Behind the Scene / Kabanata 4.2 - Thank You

Share

Kabanata 4.2 - Thank You

last update Last Updated: 2021-06-26 22:27:35

Mga ilang minuto ay biglang dumating si Davis at tumabi sa'kin, sobrang lapit niya kaya umusod ako palayo.

"Hi, bakit hindi ka nagreply sa message ko?" tanong niya kaagad na parang boyfriend ko. Seriously? What's with him?

"Why would I?" sagot ko naman, nanlumo yung mukha niya habang si Nikolai ay hindi mapigilan ang pag-ngisi.

"Isaiah Nikolai, wag ka nga ngumisi dyan! Kita mong binabusted na 'ko rito," nakangusong sabi ni Davis, para talaga siyang bata. Siguro ay hindi pa siya lasing.

Hindi naman umimik si Isaiah Nikolai, that's his full name? Ang ganda pala ng pangalan niya, tunog mabait. I should call him Isaiah, mas prefer ko yon kaysa sa Nikolai.

"Seryoso ako, Treia. Gusto kita!" sabi nito.

What the hell? Ganito ba siya talaga? Bakit parang ang bata niya kung umasta?

"I don't like you," straight to the point kong sabi. Lalong nanlumo ang mata niya. Si Isaiah naman ay nakikinig kahit hindi nakatingin, isa pang chismoso, e.

"Bakit? Ayaw mo ba sa'kin?" malungkot na sambit nito.

Hala gago, baka umiyak to dito.

"Ang kulit, kakasabi ko lang diba, I don't like you?" iritable kong sabi. Ano bang di niya maintindihan sa sinabi ko? Hindi ba siya makaintindi ng English? Kailangan ko bang tagalugin para sakaniya?

"May iba ka bang gusto?" aba ang tigas ng mukha magtanong, tiningnan ko siya sa mata. Mukhang paiyak na to, noong nakaraang linggo ko lang 'to nakilala, ah? Gusto niya na agad ako? Weird.

"Oo, si natoy na mahal na mahal ako," pagbibiro ko pero seryoso ang pagkakasabi. Lalo siyang naguluhan, bahala siya sa buhay niya.

"Who the hell is Natoy? Ang swerte nya naman." Napairap nalang ako, hindi niya ba alam yon? Ang outdated niya naman. Pati ang kaibigan niyang pangisi-ngisi sa tabi ay kumunot ang noo. Hindi ba nila kilala si Natoy?

Maya maya ay tumayo na 'ko, ininom muna ang isang cocktail na nakapatong dun bago naglakad kaso hinawakan ako ni Davis sa braso para pigilan, the hell?

"Saan ka pupunta?" tanong niya

"Tatae, sasama ka?" sarkastiko kong sabi.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali dali na 'kong lumabas, pumunta sa may pool area para magpahangin. Madaming nagsuswimming, some of them are making out na. Wala ba silang pambayad ng motel o hotel? Kakadiri.

Umupo ako sa pool side, tinaas ang pajama ko para di mabasa, tinanggal ko din yung tsinelas ko bago inilubog ang paa ko sa tubig. Gusto ko na talagang mag-beach, ang tagal naman mag-summer. Maya maya ay may lumapit na guy sa'kin, he looks.. hot. He's wearing black button down shirt, hindi nakabutones ang tatlo kaya reveal ang chest niya. He's looks nice, bakit sa'kin tumabi 'to?

"Here, Rio by the way." he offered me a drink and then his hand para makipag shake hands, tinanggap ko naman 'yon. He looks like heartthrob sa mga highschool movies na napapanood ko.

"Treia," sambit ko, napatango lang siya.

Humarap siya sa'kin, ipinatong ang isang kamay niya sa ground bilang suporta. Ibinaling niya pagilid ng kaunti ang ulo niya na parang sinusuri ang mukha ko. I find it weird kaya hindi ko na ito tiningnan.

"Damn," bulong niya, weird kaya napalingon ako sakaniya. He's staring at my eyes at bumaba iyon papunta sa labi ko. He bit his lower lip nang mag landing ang mata niya sa labi ko bago pumikit ng marahan. Is he drunk? He looks tipsy, namumula na ang mga pisngi niya.

"I wanna kiss you," dugtong niya, napakunot ang noo ko.

Bastos! Manyak! Akala ko pa naman nice siya!

"I don't wanna kiss you," seryosong sabi ko, tatayo na sana ako para umalis nang higitin niya ang kamay ko. Na-out balance ako kaya pareho kaming nahulog sa pool dahil napakapit ako sakaniya.

Fuck!

"What the fuck did you do?!" inis na sambit ko habang nakatingin sa sarili kong basang basa na ngayon.

Tiningnan ko siya ng masama at mukhang natatawa pa siya habang sinusuklay ang buhok nya gamit ang kamay.

Natigil yung iba at napunta ang atensyon sa'min, maya maya ay lumapit si Isaiah, nilahad ang kamay para iahon ako sa tubig. Hindi na 'ko nagdalawang isip na abutin 'yon. Napatingin siya saglit sa'kin na tila sinusuri ako bago hinubad ang kaniyang jacket at isinuot sa'kin 'yon.

"No need, kunin ko nalang yung hoodie ko sa loob," pagpigil ko.

"Wear that," mariing sabi niya bago ako inakbayan at dinala sa kung saan.

Wala na 'kong nagawa kundi sumunod sakaniya. Lumabas kami sa bar at pinunta niya 'ko sa may parking lot. Binuksan ang likuran ng kotse niya at pinaupo ako doon kahit basang-basa ako.

"I'll get your things," sambit niya, hindi na hinintay ang sasabihin ko at naglakad na ulit papasok sa bar.

Napairap nalang ako, nag-landing ang mata ko sa suot ko.

"Fuck!"

Bakat yung bra ko!

Kaya siguro ilang siya kanina. Mygosh, I'll sue that guy who ruined my night! Napakamalas ng gabing to!

Mga ilang saglit ay bumalik na si Isaiah dala ang hoodie ko, nandoon sa bulsa non ang susi at phone ko. Kinuha ko agad sakaniya yon para itext sila Mads na uuwi na 'ko. Mukhang kaya pa naman nila at si Ken lang naman ang mukhang wasted kaya for sure kaya nila 'yon.

"Uuwi na 'ko," paalam ko sakaniya, seryoso lang siyang nakatingin sa'kin, nakapamulsa at nakatayo sa harap ko. Napatingin tuloy ako sa damit ko bago takpan 'yon.

"Manyak!" sigaw ko sakaniya.

Napairap lang siya at naglakad palapit sa'kin. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap, no! Para lang siyang nakayakap sa'kin dahil may kinuha siya sa likod ko. Bakit kailangan ganito pa ang posisyon namin? Pwede niya naman akong paalisin bago kunin 'yon, napalunok nalang ako. Awkward.

Nang matapos siya ay inabot niya sa'kin ang isang white shirt at gray pajama. Mukhang alam ko na ang gusto niya ipahiwatig.

"Hindi ka pwedeng umuwi nang basa, baka magkasakit ka pa," sabi niya at tinalikuran ako. Balak ko sana magpalit sa loob ng kotseng dala ko kaso malayo ang pinag parkingan ko no'n kaya dito nalang ako sa loob ng kotse niya.

Binuksan ko 'yon, akala ko puro dumi o kalat ang bubungad sa'kin pero malinis yon at maayos. Halata sakaniya ang pagiging organize. Hindi ko na pinatagal pa at nagbihis na, na a-adjust naman yung pajama niya kasi garter yon kaya nagkasya rin sa'kin. Masyadong malaki 'yon kasi matangkad si Isaiah. Lagpas na sa paa ko yung haba kaya tiniklop ko ito. Yung shirt naman ay maluwag pero wala na 'kong magagawa doon, pauwi na rin naman ako.

Paglabas na paglabas ko ay napalingon kaagad siya, sinuri yung suot ko mula ulo hanggang paa. Ang awkward kaya pag ganoon.

"Not bad," simpleng sambit niya. Piniga ko yung basang damit ko at binalot yon sa hoodie ko para di mabasa yung sasakyan mamaya. Tinali ko rin yung basang buhok ko into bun kasi naiirita ako kapag nababasa yung likuran ko.

"Balik ko nalang to next time, uuwi na ko," paalam ko, di na hinintay ang sasabihin niya. Napatigil ako sa paglalakad nang may bigla akong naalala, buti nalang at nandoon pa rin siya sa pwesto niya kanina.

"Thank you." Nginitian ko siya, nag wave din ako bago naglakad paalis. Nang makapunta sa harap ng kotse ay dali dali ko yon binuksan at pinaandar.

Bakit ba napakamalas ko ngayong araw?

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 5.1 - Grey

    Three days na ang nakalipas, wala akong ginawa kundi um-attend sa rehearsal at mamalagi rito sa bahay. Nakarating kay Papa yung ginawa kong paghiram ng kotse ni Ate. Wala na kasi silang tiwala sa'kin pagdating sa pagdadrive.Nagalit siya noong una kasi di daw ako nagpaalam sakaniya, pero konting lambing lang naman kay Papa ay okay na siya. Mabuti nalang daw at walang nangyaring masama. I won't repeat the same mistake twice, hinding-hindi na mauulit 'yon."Hey, anak.." rinig kong sabi ni Papa at kumatok pa sa pinto bago pumasok. Magdamag lang kasi ako sa kwarto, lalabas lang ako kapag may rehearsal at kakain, minsan kapag nabo-bored sa kwarto. Ibinaba ko ang hawak kong libro para harapin siya."Yo, Papa," I chuckled.He kissed me on my forehead. Papa's girl kasi ako, lagi akong ini-spoiled ng tatay ko. Damit, sap

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 5.2 - Weird

    Nagpunta na sila sa dance floor habang ako ay nagpaiwan dito sa table namin. Habang iniinom ko ang juice na dala ni Adel kanina ay napansin kong naglalakad papunta sa 'kin si Isaiah. Patuloy lang siya sa ginagawa niya at nang makapunta sa table namin ay bigla siyang umupo. "Can I sit here? May kalat sa table namin," sambit niya kaya napatingin ako sa table nila. Nandoon si Paul and Mateo kasama ang dalawa pang babae, yung isa ay may tinatawagan. Napakunot ang noo ko nang mag-ring ang phone ni Isaiah. I get what he's saying kaya napangisi nalang ako. "You're already sitting," sagot ko habang pinaglalaruan ang glass ng juice sa kamay ko. Hindi niya sinagot ang tawag at marahang ipinasok sa bulsa ang phone niya. "Why are you here? I thought you're not coming?" he asked. I don't know why he's asking me right now, mukha siyang naiirita at bothered. "Sumaglit lang, pinakilala ko kasi sakanila ang boyfr—" he

    Last Updated : 2021-07-09
  • Behind the Scene   Kabanata 6.1 - Dinner

    Ngayon ang dinner namin together with the Lozano's, Kuya Froi's family. Ang kwento ni Ate ay tatlo rin daw silang magkakapatid, panganay si Kuya Froi, isang babae na sumunod sakaniya at isang lalake na bunso, ka-edad ko lang daw yung lalake and he's studying in Western University near Roosevelt, walking distance lang siguro 'yon. Famous basketball player daw pero hindi ko kilala, ano kaya 'yon?"Ate, anong oras matatapos yung dinner?" tanong ko sakaniya.Nagre-ready siya ngayon ng isusuot niya para mamaya. Nandito ako ngayon sa kwarto niya para manggulo."Bakit? May date ka?" natatawa niyang tanong, sagot ang kailangan ko hindi isa pang tanong. Ang galing talaga nito!"Parang ganoon na nga." Sinabayan ko lang ang trip niya.Tumigil siya sandali sa ginagawa niya at naka-pamewang na hinarap ako. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay kalmadong nakahiga sa kama niya."MAMAAA!! Si Chan

    Last Updated : 2021-07-10
  • Behind the Scene   Kabanata 6.2 - Awkward

    Nag-usap ulit sila tungkol sa kasal at na-bored na naman ako. Maya-maya ay biglang may sumipa sa 'kin, napatingin ako sa kaharap ko at bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Travis. Napaka-gago naman nito, inirapan ko nalang siya.Napapaangat lang ako ng tingin tuwing hinihingi nila ang opinion ko. Napag-desisyunang beach wedding na ang magaganap at sa Batanes ang napili nilang island. Pinagpipilian nila ngayon kung anong kulay ang magiging theme para sa kasal."It should be boho outfits kasi beach wedding, e." si Ate Laureen.I glance at my sister and she seems not pleased by it. Alam ko ang tipo ni Ate at masasabi kong ayaw niya sa boho na gusto ni Laureen."Gusto ko kasi iisang color lang para magandang tingnan sa picture, gusto ko pa rin ng traditional kahit papaano, naka-gowns and suits ang mga bisita. Formal pa rin," ani Ate Dria.Nakinig lang ako sa usapan nila. Ate wants mint green while Ku

    Last Updated : 2021-07-11
  • Behind the Scene   Kabanata 7.1 - Boyfriend

    Biglang nag-play ang kantang 'Pangarap lang kita' ng PNE. Agad namang napalingon si Isaiah nang tumugtog 'yon kaya napalingon din ako sakaniya sandali."You know this song? Fan ka rin ba ng PNE?" masiglang tanong ko sakaniya."I heard their songs but I'm not a fan," sagot niya, mukhang nag-iba ang mood niya. Nagsisi yata na sinamahan pa 'ko ngayong gabi, dahil dyan ako ang magbabayad ng kakainin namin mamaya! Swerte niya nakalibre siya ngayon.Kung may kasama lang ako, hindi ko na siya aabalahin. Kaso wala akong choice, hindi ko naman kayang ako lang mag-isa ang magtungo sa lugar na 'yon."This song is dedicated for those guys na hindi pa maamin yung feelings nila dun sa mga gusto nila. I remember someone sang it in front of me, God! That's bravery, ang tapang niya kasi kumanta siya even though hindi ganoon kaganda yung boses niya in front of many students! And I admire him for doing that. Such a brave guy," pagkukwento ko, n

    Last Updated : 2021-07-12
  • Behind the Scene   Kabanata 7.2 - I'll be back

    'Di naman masyado hassle ang biyahe lalo na't di naman ako ang nagdadrive. Mabuti nalang din at hindi siya nagtanong ng kung ano-ano, nagpatugtog lang ako para 'di masyado awkward."Psychology student, right?" pambabasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sakaniya saglit bago sumagot."Yeah, ikaw? Ano pala course mo?" tanong ko pabalik, tiningnan ko lang siya. Ang isang kamay ay makahawak sa manibela habang ang isa ay nakapatong sa bintana habang nakahawak sa ulo niya. Kinakabahan ako kasi one hand lang gamit niya sa pagdadrive, yung jowa ko baka mapano!"Architecture," tipid na saad niya, napatango-tango nalang ako at humarap ulit sa bintana."Pwede ko makita plates mo? May picture ka ba dyan? Gusto ko kasing magpatayo ng bahay someday, kung sakaling kilala mo pa 'ko that time, sayo ko na ipapa-design para makamura," sambit ko habang patuloy na nakatingin sa bintana.Maya-maya ay inilahad niya sa 'kin ang phone niya,

    Last Updated : 2021-07-13
  • Behind the Scene   Kabanata 8.1 - Crush

    I woke up early in the morning dahil binulabog ako ng mga bruha. Late na 'ko natulog kagabi dahil may pinanood pa 'kong movie tapos mang bubulabog 'tong mga ito e ang aga-aga, punyeta! "Hell! Just go out and flirt! Inaantok pa 'ko," sambit ko at tinakluban ng kumot ang mukha ko. Hinihila naman nila yon mula sa baba kaya sinisipa ko sila."Right! Baka pinagod kagabi ni Nikolai kaya ganyan, let's not bother her—" what the fuck? Did I heard it right? "Fuck you, Kendall Delleva! Nothing happens, okay?" sigaw ko dahilan para matawa silang lahat. The hell! "Easy girl, masyado kang defensive," sabi ni Adel na kakaupo lang sa side ng kama ko.

    Last Updated : 2021-07-14
  • Behind the Scene   Kabanata 8.2 - Friend

    Ang sabi lang sa 'kin, ako raw ang magpipicture kay Laureen para makita kung may potential ba 'ko. Sleepwear ang i-momodel ni Ate Laureen, may lingerie rin. Madaming palit ang gagawin kaya mukhang matatagalan talaga kami. Nang matapos na siya magbihis at mag-ayos ay pumwesto na rin ako para kuhaan siya ng litrato. Unang sinuot niya ay ang nude collection ng gym wear, fitted ang mga 'yon kaya kita ang hubog ng katawan ni Ate Laureen. Hindi ko na siya kailangang manduhan dahil alam niya na ang gagawin, minsan na lang. Ang pangalawa ay yung silk collection ng pajama set. Comfy ito tingnan at dalang-dala ni Ate Laureen ang mga 'yon kahit napaka-simple lang. Pangatlo naman ay yung lingerie collection. Nilagyan siyang body oil, nakalugay na rin ang buhok niya

    Last Updated : 2021-07-15

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status