Home / All / Behind the Scene / Kabanata 5.2 - Weird

Share

Kabanata 5.2 - Weird

last update Last Updated: 2021-07-09 17:30:05

Nagpunta na sila sa dance floor habang ako ay nagpaiwan dito sa table namin. Habang iniinom ko ang juice na dala ni Adel kanina ay napansin kong naglalakad papunta sa 'kin si Isaiah. Patuloy lang siya sa ginagawa niya at nang makapunta sa table namin ay bigla siyang umupo.

"Can I sit here? May kalat sa table namin," sambit niya kaya napatingin ako sa table nila. Nandoon si Paul and Mateo kasama ang dalawa pang babae, yung isa ay may tinatawagan. Napakunot ang noo ko nang mag-ring ang phone ni Isaiah. I get what he's saying kaya napangisi nalang ako.

"You're already sitting," sagot ko habang pinaglalaruan ang glass ng juice sa kamay ko. Hindi niya sinagot ang tawag at marahang ipinasok sa bulsa ang phone niya.

"Why are you here? I thought you're not coming?" he asked. I don't know why he's asking me right now, mukha siyang naiirita at bothered.

"Sumaglit lang, pinakilala ko kasi sakanila ang boyfr—" he cut me off. Ang bastos ha!

"When will you return my clothes?" pagputol niya sa sasabihin ko. Oo nga pala, di ko na naalala na may damit pa pala akong isasauli sakaniya.

"Kung kailan ka free," sagot ko at inubos na ang juice na nasa baso. Naramdaman ko naman na nakatingin siya sa 'kin ngayon.

"Saturday," sagot niya.

Inalala ko ang mga gagawin ko next week. May family dinner pala kami with Kuya Froi's family, sa bahay naman nila. Siguro ay pagkatapos nalang no'n.

"I'm not sure but I'll try," sagot ko without facing him. Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa 'kin ngayon.

"Message me if you're sure." Doon ko lang siya hinarap, nagulat siya kaya agad ding napaiwas.

"I don't know your—" and again, for the second time, he cut me off.

"Check your phone," sambit niya kaya napatingin ako sa phone kong nag-vibrate.

@inikolaij wants to follow you

In-approve ko yon at finollow back siya para madali ko siyang ma-message. Hindi naka-private ang account niya. Ang dami niya ring followers, sikat yata talaga siya. Konti lang ang pictures niya, wala pa yata sa twenty 'yon.

@inikolaij: done stalking?

Nagulat ako nang mag-message siya kaya agad kong pinatay ang phone ko at itinago 'yon. Rinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya napairap nalang ako.

Maya-maya ay nakita kong papunta sa'min si Davis. Biglang nagbago ang mood ni Isaiah, biglang sumeryoso yung mukha niya nang makita si Davis na palapit sa'min. Weird.

Nagtataka kaming tiningnan ni Davis, pabalik-balik ang tingin niya sa 'kin at kay Isaiah. Boomerang ka beh? Nakailang ulit siyang ganoon bago ngumiti, nakakalokong ngiti. Pagtapos noon ay umupo siya sa tabi ko, so ngayon napag-gigitnaan na nila ako.

"Abala kami sa pag ko-comfort kay Paul tapos ikaw, iba na pala ang inaabala mo rito. Ikaw ha, Nikolai!" pabirong sabi ni Davis sakaniya.

Nakita ko naman ang mukha ni Isaiah, halatang naiinis siya at hindi natutuwa sa presensya ni Davis, gusto kong matawa pero mas pinili kong manahimik.

"Gago," tanging sambit niya. Tawang-tawa naman si Davis sa reaction niya. Habang ako ay nagpipigil ng tawa, ngayon ko lang siya nakitang naiinis.

"Hi, Treia! Naka move-on na pala ako sayo," bati sa 'kin ni Davis, doon na 'ko tumawa. Paano ba naman, ang seryoso ng sabi niya.

"Hi, Davis! Wala akong pake," pambabara ko habang patuloy na tumatawa.

"Seryoso, naka move-on na 'ko sayo. Kaya nga nandito ako para makipag-friends nalang," dugtong pa niya, mukhang seryoso naman siya kaya sumeryoso na rin ako.

"Siguraduhin mo munang naka move-on ka na talaga, Davis. Kasi once na naging kaibigan mo 'yan, wala ka na talagang pag-asa. Pag kaibigan, kaibigan lang talaga sakaniya," singit ni Iris na kakarating lang.

Tama naman siya. Once na kaibigan kita, hanggang doon nalang 'yon. Kaya siguraduhin nilang pakikipag-kaibigan ang habol nila dahil kung may iba pa ay hindi ko na mapagbibigyan 'yon.

"Ganoon ba? E 'di sige, friends!" Nilahad niya ang kamay niya at tiningnan ko lang 'yon bago ngumiti at umiling.

"You have to gain her trust kung gusto mo talaga siya maging kaibigan," paliwanag ni Iris, she really knows me well. Napakamot nalang sa ulo si Davis na mukhang dismayado.

"Ang hirap mo naman kaibiganin," sambit niya at biglang tumayo, aalis na yata. Maglalakad na sana siya palayo nang mapatigil siya at humarap kay Isaiah.

"Dude, kanina ka pa hinihintay ni Tasha sa table. Di ko na alam gagawin ko, hindi raw siya aalis hangga't wala ka. Mukhang lasing na lasing na, pare," sabi niya kay Isaiah, tinanguan lang siya nitong isa kaya nag-pasya na siyang umalis.

Tasha, yun yata yung kalat na sinasabi niya?

"Uuwi na ko," paalam ko naman kay Iris na nakatingin sa'min ni Isaiah, pabalik-balik din sa'min ang tingin niya. Parang yung ginawa ni Davis kanina. Ang weird nila!

"I can give you a ride, pauwi na rin ako," singit ni Isaiah na nakatayo na rin ngayon.

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Iris.

"No need, her boyfriend is waiting for her outside," malokong sabi nito at kinindatan pa 'ko.

Natigil naman si Isaiah, hindi alam ang itutugon. Maya-maya ay tumawag si Ate, buti nalang at pauwi na 'ko.

"Yes, love?" pabebeng sabi ko, 'yun kasi ang endearment nila ni Kuya Froi kaya ginagawa kong pang-asar sakaniya. Inis naman siya lagi kapag ganoon.

"Gago, nasaan ka na ba? Hindi ako makakatulog hangga't di ka pa nakakauwi."

How sweet, gan'yan si Ate kahit mapanakit, bawing-bawi naman sa pagka-sweet.

"Ito na nga palabas na, wait ka lang dyan," natatawang sabi ko habang inaayos ang sarili ko. Binaba ko na ang tawag para magpaalam ulit kay Iris.

"Pakisabi nalang sakanila na umuwi na 'ko ha? Ingat kayo." Humalik ako sa pisngi niya bago naglakad paalis.

Hindi na 'ko nagpaalam kay Isaiah kasi hindi naman kami close kaya binalingan ko nalang ito at ngumiti bago umalis.

Nang makauwi ay naligo agad ako, half bath lang. Nagpalit na rin ako ng damit pang-tulog.

Chineck ko ang social media accounts ko, hindi naman ako masyadong nag-fe-f******k. Twitter at I*******m lang. Nagtingin-tingin ako ng IG stories nila, hanggang sa mapadpad ako sa IG story ni Isaiah. Picture lang 'yon ng kalsada, madilim na at tanging ilaw nalang mula sa poste ang kita.

"I'm lost, what's this weird feeling?"

Ayon lang ang caption niya. He seems like a deep person, hindi ko siya mabasa minsan. A book with hidden content, hidden meaning.

Weird.

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 6.1 - Dinner

    Ngayon ang dinner namin together with the Lozano's, Kuya Froi's family. Ang kwento ni Ate ay tatlo rin daw silang magkakapatid, panganay si Kuya Froi, isang babae na sumunod sakaniya at isang lalake na bunso, ka-edad ko lang daw yung lalake and he's studying in Western University near Roosevelt, walking distance lang siguro 'yon. Famous basketball player daw pero hindi ko kilala, ano kaya 'yon?"Ate, anong oras matatapos yung dinner?" tanong ko sakaniya.Nagre-ready siya ngayon ng isusuot niya para mamaya. Nandito ako ngayon sa kwarto niya para manggulo."Bakit? May date ka?" natatawa niyang tanong, sagot ang kailangan ko hindi isa pang tanong. Ang galing talaga nito!"Parang ganoon na nga." Sinabayan ko lang ang trip niya.Tumigil siya sandali sa ginagawa niya at naka-pamewang na hinarap ako. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay kalmadong nakahiga sa kama niya."MAMAAA!! Si Chan

    Last Updated : 2021-07-10
  • Behind the Scene   Kabanata 6.2 - Awkward

    Nag-usap ulit sila tungkol sa kasal at na-bored na naman ako. Maya-maya ay biglang may sumipa sa 'kin, napatingin ako sa kaharap ko at bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Travis. Napaka-gago naman nito, inirapan ko nalang siya.Napapaangat lang ako ng tingin tuwing hinihingi nila ang opinion ko. Napag-desisyunang beach wedding na ang magaganap at sa Batanes ang napili nilang island. Pinagpipilian nila ngayon kung anong kulay ang magiging theme para sa kasal."It should be boho outfits kasi beach wedding, e." si Ate Laureen.I glance at my sister and she seems not pleased by it. Alam ko ang tipo ni Ate at masasabi kong ayaw niya sa boho na gusto ni Laureen."Gusto ko kasi iisang color lang para magandang tingnan sa picture, gusto ko pa rin ng traditional kahit papaano, naka-gowns and suits ang mga bisita. Formal pa rin," ani Ate Dria.Nakinig lang ako sa usapan nila. Ate wants mint green while Ku

    Last Updated : 2021-07-11
  • Behind the Scene   Kabanata 7.1 - Boyfriend

    Biglang nag-play ang kantang 'Pangarap lang kita' ng PNE. Agad namang napalingon si Isaiah nang tumugtog 'yon kaya napalingon din ako sakaniya sandali."You know this song? Fan ka rin ba ng PNE?" masiglang tanong ko sakaniya."I heard their songs but I'm not a fan," sagot niya, mukhang nag-iba ang mood niya. Nagsisi yata na sinamahan pa 'ko ngayong gabi, dahil dyan ako ang magbabayad ng kakainin namin mamaya! Swerte niya nakalibre siya ngayon.Kung may kasama lang ako, hindi ko na siya aabalahin. Kaso wala akong choice, hindi ko naman kayang ako lang mag-isa ang magtungo sa lugar na 'yon."This song is dedicated for those guys na hindi pa maamin yung feelings nila dun sa mga gusto nila. I remember someone sang it in front of me, God! That's bravery, ang tapang niya kasi kumanta siya even though hindi ganoon kaganda yung boses niya in front of many students! And I admire him for doing that. Such a brave guy," pagkukwento ko, n

    Last Updated : 2021-07-12
  • Behind the Scene   Kabanata 7.2 - I'll be back

    'Di naman masyado hassle ang biyahe lalo na't di naman ako ang nagdadrive. Mabuti nalang din at hindi siya nagtanong ng kung ano-ano, nagpatugtog lang ako para 'di masyado awkward."Psychology student, right?" pambabasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sakaniya saglit bago sumagot."Yeah, ikaw? Ano pala course mo?" tanong ko pabalik, tiningnan ko lang siya. Ang isang kamay ay makahawak sa manibela habang ang isa ay nakapatong sa bintana habang nakahawak sa ulo niya. Kinakabahan ako kasi one hand lang gamit niya sa pagdadrive, yung jowa ko baka mapano!"Architecture," tipid na saad niya, napatango-tango nalang ako at humarap ulit sa bintana."Pwede ko makita plates mo? May picture ka ba dyan? Gusto ko kasing magpatayo ng bahay someday, kung sakaling kilala mo pa 'ko that time, sayo ko na ipapa-design para makamura," sambit ko habang patuloy na nakatingin sa bintana.Maya-maya ay inilahad niya sa 'kin ang phone niya,

    Last Updated : 2021-07-13
  • Behind the Scene   Kabanata 8.1 - Crush

    I woke up early in the morning dahil binulabog ako ng mga bruha. Late na 'ko natulog kagabi dahil may pinanood pa 'kong movie tapos mang bubulabog 'tong mga ito e ang aga-aga, punyeta! "Hell! Just go out and flirt! Inaantok pa 'ko," sambit ko at tinakluban ng kumot ang mukha ko. Hinihila naman nila yon mula sa baba kaya sinisipa ko sila."Right! Baka pinagod kagabi ni Nikolai kaya ganyan, let's not bother her—" what the fuck? Did I heard it right? "Fuck you, Kendall Delleva! Nothing happens, okay?" sigaw ko dahilan para matawa silang lahat. The hell! "Easy girl, masyado kang defensive," sabi ni Adel na kakaupo lang sa side ng kama ko.

    Last Updated : 2021-07-14
  • Behind the Scene   Kabanata 8.2 - Friend

    Ang sabi lang sa 'kin, ako raw ang magpipicture kay Laureen para makita kung may potential ba 'ko. Sleepwear ang i-momodel ni Ate Laureen, may lingerie rin. Madaming palit ang gagawin kaya mukhang matatagalan talaga kami. Nang matapos na siya magbihis at mag-ayos ay pumwesto na rin ako para kuhaan siya ng litrato. Unang sinuot niya ay ang nude collection ng gym wear, fitted ang mga 'yon kaya kita ang hubog ng katawan ni Ate Laureen. Hindi ko na siya kailangang manduhan dahil alam niya na ang gagawin, minsan na lang. Ang pangalawa ay yung silk collection ng pajama set. Comfy ito tingnan at dalang-dala ni Ate Laureen ang mga 'yon kahit napaka-simple lang. Pangatlo naman ay yung lingerie collection. Nilagyan siyang body oil, nakalugay na rin ang buhok niya

    Last Updated : 2021-07-15
  • Behind the Scene   Kabanata 9.1 - Madame

    "I'm home!" sigaw ko nang makapasok kami sa bahay, nasa living room sila Ate at abala sa laptop niya.Kung paano ko sila nadatnan ni Kuya Froi kanina ay ganoon pa rin sila. Kasama nila si Maine na abalang manood ng National Geographic sa iPad niya."Hi hom- oh my God!" Nabitawan niya ang papel na hawak niya at gulat na nakatingin kay Isaiah na nasa likod ko, wala man lang ka rea-reaksyon sa mukha ni Isaiah."Oh, Nikolai! Magkakilala kayo?" bati ni Kuya Froi nang mapatingin sa'min.So magkakilala din sila, I bet it is because of Ate Laureen, ex ni Laureen ang kuya ni Isaiah, e."Uh, kind of," sagot nito.Kinuha ko sakaniya ang paper bag at nilagay 'yon sa table. Sinenyasan ko siyang umupo sa isang sofa, malapit kay Maine.Tumingin ito kay Isaiah bago binalik ang tingin sa iPad niya tapos ay tumingin ulit kay Isaiah at halatang gulat na gulat. Hindi makapaniwalang nakapagdala ako ng

    Last Updated : 2021-07-16
  • Behind the Scene   Kabanata 9.2 - Couple

    "Let's go na, sis. Malapit na matapos yung 30 minutes natin, sapat na siguro pagpapantasya mo sa mga 'yan," sarkasikong sabi ko kay Oly, sinaman niya ko ng tingin kaya natawa ako. Inubos niya ang mango shake niya tapos ay tumayo na rin.Nang tumalikod ako para umalis na sana doon ay nabunggo ako sa chest ni Travis."Punyeta," sambit ko at tinulak siya palayo, natawa naman siya sa ginawa ko. Hinawakan ko nalang si Oly sa braso para higitin paalis doon pero hinawakan ni Travis ang kabilang braso ko dahilan para mapatigil ako."What do you want ba?" iritable kong tanong sakaniya, napunta sa'min ang atensyon ng iba, pati ng mga ka-team niya."Sabay ako sayo pauwi " sambit niya na ikinagulat ko pati na rin ni Oly. I just gave him the 'why-the-fuck' look bago inalis ang kamay niya sa braso ko, tinaas niya ang phone niya kaya nagtaka ako. Mga ilang saglit ay nag vibrate ang phone ko, may text mula kay Ate.From: Ate D

    Last Updated : 2021-07-17

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status