Three days na ang nakalipas, wala akong ginawa kundi um-attend sa rehearsal at mamalagi rito sa bahay. Nakarating kay Papa yung ginawa kong paghiram ng kotse ni Ate. Wala na kasi silang tiwala sa'kin pagdating sa pagdadrive.
Nagalit siya noong una kasi di daw ako nagpaalam sakaniya, pero konting lambing lang naman kay Papa ay okay na siya. Mabuti nalang daw at walang nangyaring masama. I won't repeat the same mistake twice, hinding-hindi na mauulit 'yon.
"Hey, anak.." rinig kong sabi ni Papa at kumatok pa sa pinto bago pumasok. Magdamag lang kasi ako sa kwarto, lalabas lang ako kapag may rehearsal at kakain, minsan kapag nabo-bored sa kwarto. Ibinaba ko ang hawak kong libro para harapin siya.
"Yo, Papa," I chuckled.
He kissed me on my forehead. Papa's girl kasi ako, lagi akong ini-spoiled ng tatay ko. Damit, sapatos, bag, pagkain, kahit ano. Kaya nga kapag may gala, sakanya ako nagpapaalam kasi alam kong di ako papayagan ni Mama. Lagi kaming magkaaway ni Mama, hindi yung seryosong away ha? Yung biruan lang, hindi kami nagkakasundo minsan, e. Ganon daw talaga kapag magkaugali sabi nila.
"Maligo ka na at mag ayos, may pupuntahan tayo," sambit niya, napakunot ang noo ko. Ginulo niya nalang ang buhok ko, tumawa, bago lumabas ng kwarto. Dahil na-excite ako, minadali ko ang pagligo.
I'm wearing white tube partnered with creme flare pants. Black stilettos at white handbag. I'm fixing my hair when suddenly, my phone beep. Nagtext si Adel.
From: Adeline Cosme
Thumbs later, 7pm!
Napakunot ang noo ko, iinom na naman sila? Hindi ba sila nagsasawa, mygosh! Sinusulit talaga nila ang sembreak, ah!
To: Adeline Cosme
Can't, busy with fam.
Hindi na siya nagreply kaya bumalik na 'ko sa ginagawa ko. Nag-blower ako, pagtapos ay hinati ko sa gitna ang buhok ko. Nilagyan kong black hairpin para mag-stay siya sa ganong pwesto at hindi magulo. Pagtapos ay kinulot ko nang kaunti yung baba para wavy. Nagugustuhan ko na yung kulot ngayon. Naglagay din ako ng kaunting make up except for eye shadows. Lip and cheek tint lang, I also curled my lashes.
Pagbaba ko ay ready na sila, akala ko kami lang ni Papa pero kasama pala lahat. 6 pm na, panigurado ay sa labas na kami magdi-dinner nito.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Wala akong sense of direction. Nagulat nalang ako at nagtaka nang i-park ni Papa ang sasakyan sa isang car shop. So, anong gagawin namin dito? May balak ba silang bumili ng bagong sasakyan? O baka naman si Ate, balak niya yatang bumili? Sumunod nalang ako nang bumaba sila.
Nagtingin-tingin ako ng mga sasakyan, hinanap ko yung gusto ko at nakita ko yon sa may bandang gilid. Nagulat nalang ako nang puntahan din yon nila Papa. Para kaming tangang nakatunganga at tinitingnan yung sasakyan na 'yon, maya maya ay may nilabas siyang susi at ibinalandra 'yon sa mukha ko. Don't tell me—
"It's yours," nakangiting sabi niya. Tiningnan ko sila mama at ate, ganoon din ang mga mukha nila.
"Oh my God, no way. How did you—" Ate cut me off.
"I saw your tweets, you really want this car," sambit niya, naalala ko yung tweet ko na 'yon. Sabi ko, I can't wait to earn money para mabili ko 'to. Nakita niya pala yon. I'm teary eyed.
"Why? You don't like the color?" Papa asked, nag-aalala siguro kasi malapit na 'ko maiyak.
"This is perfect! I love this!" sagot ko at yumakap sakanila bago kinuha ang susi at sumakay sa kotse na yon. My baby, Audi RS7 Grey color. I badly want this car, dream car ko 'to, e. And of course, grey ang napili nila kasi alam nilang favorite color ko 'yon.
Pinaandar ko yon para i-test drive. Ang dami pang tanong at mga papel na pinapirmahan bago sabihing pwede na namin dalhin. Pagkatapos doon ay kumain na kami sa isang restaurant. Syempre, minaneho ko na ang sasakyan ko, si Ate ang nakaupo sa front seat. Kabado pa siya dahil ako daw ang nagdadrive.
Habang nakain, panay ang kwento nila sa'kin kung paano nila napag-desisyunang bilhan ako ng sasakyan. Panay din ang paalala nila na mag-ingat daw ako. Tango lang ako ng tango, I keep on thanking them dahil dito. Nang matapos ako kumain ay nagpaalam ako para mag restroom saglit. Chineck ko yung phone ko at tiningnan ang mga messages. Karamihan doon ay galing sa mga gaga kong kaibigan, pinapasunod ako sa Thumbs, short for Thumbayan.
Mukhang nandoon pa sila, napangisi ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Nag-retouch muna ako bago lumabas. Ako nalang pala ang hinihintay nila para makaalis na. Nang makita nila ako ay tumayo na din sila para lumabas na.
"Uh, Pa?" yun palang ang sinasabi ko nang bumuntong hininga siya at tumango, ha? Wala pa nga 'kong sinasabi pumayag na agad siya? Wow!
"I saw Madison's IG story, sinabi ko na kila Papa. I told you Ma, tama yung hinala kong magpapaalam yan tonight," natatawang sabi ni Ate. Hay nako! Basag trip talaga. Bumusangot lang si Mama, wala na siyang magagawa dahil pumayag na si Papa.
"Thank you Pa, mag iingat ako! Promise," itinaas ko pa ang kamay ko. Niyakap at hinalikan ko sila sa pisngi bago ako nagdrive paalis. Omg, I'm so excited.
Mga ilang minuto lang ay nasa thumbs na 'ko. Pinark ko ang kotse ko, pinicturan muna 'yon bago pumasok sa loob. Hinanap ko sila, natanaw ko sila doon sa usual seat namin. I can't wait to tell them!
"TREIA! Oh my God! You're here!" sigaw ni Mads at yumakap pa sa'kin. Ganon din ang ginawa nung iba habang si Kendall ay nakita kong naglalakad papunta samin at mukhang nakikipagtalo kay Paul na nakasunod sakaniya. Nagsisigawan kasi sila, napupunta tuloy sakanila ang atensyon ng ibang narito
"You know me, Paul. I'm into flings lang, I never settled for a serious relationship. Hindi ako ganoon," naiiritang sabi ni Ken, siguro ay tinamaan sakanya 'tong si Paul. Can't blame him, kakaiba talaga si Kendall.
"Yes, I get your point, Kendall. Pero kasi, I thought you're treating me special, never knew you're treating everyone like that," sagot naman ni Paul na halatang lasing na. Gusto kong matawa pero nawala yon nang makita ko ang seryosong tingin ni Isaiah sa'kin na nasa likuran ni Paul. Hindi ko pa pala naisasauli ang mga damit niya.
"Duh? Why would I treat you special? Swerte mo naman kung ganon," medyo tipsy na rin 'tong si Ken kaya 'di na niya na fifilter yung words na sasabihin niya. Mabait naman yan, pwera nalang pag nalalasing kasi straight to the point at harsh siya magsalita kapag lasing unlike me na kahit di lasing ay harsh na.
Mangiyak-ngiyak na si Paul bago siya umalis sa harap namin. Si Isaiah ay nanatiling nakatayo at nakatingin samin. Si Ken naman ay stress na naupo at tinungga yung black label na nakalagay sa glass bago ako napansin.
"Holy shit! The walking heart breaker is here!" She is referring to me. Yun ang bansag nila sakin mula pa noong highschool kami. Natawa nalang ako. Agad kong nilabas ang phone ko at ipinakita sakanila ang picture ng kotse ko
"I have a new boyfriend!" masayang sabi ko sakanila. Nagulat sila at agad na kinuha ang phone ko sakin para tignan yon. Once na sinabi kong may boyfriend ako, alam nilang kotse yon.
"What's his name?" masiglang tanong ni Adel habang patuloy na sinusuri ang picture ng sasakyan ko.
"Grey," sambit ko. Ngayon ko lang naisip yon, ngayon ko lang din kasi naalala. Sobrang na-excite kasi ako kanina.
"Dude, what the fuck? Bakit umiiyak si Paul?" napalingon ako sa nagsalita, si Davis na kakarating lang. Napatingin din ako kay Isaiah, hindi pa rin pala siya naalis. Nagtama ang mga mata namin bago siya humarap kay Davis na nakatingin sa'kin, mukhang nahihiya pa.
"I don't know, ask him," walang emosyong sagot nito bago umalis. Di ko nalang sila pinansin at umupo na 'ko para makipag-chikahan sa mga kaibigan ko. Agad kong sinabunutan si Ken para maagaw ko ang atensyon niya. Mahina lang yon pero napa-aray si gaga.
"Ano yung eksena kanina?" tanong ko, kita nanaman ang pagka-irita sa mukha niya.
"I don't know, he's weird. We are making out then suddenly, he said something like gusto niya daw ako and he wants to court me daw. Bitch! I'm not into that thing," pagkukwento nya.
Man hater kasi yang si Ken, simula noong nasaktan siya noong highschool kami ay sinumpa na niyang hindi siya magboboyfriend. Sakit lang daw sa ulo yon, 'di ko rin naman siya masisisi kasi nasaktan na nga. Lahat kami may past relationship na except kay Mads, ayaw niya talaga mag boyfriend, e. Di ko nga malaman kung na-a-attract pa ba siya sa guy. Si Adel naman ay fling-fling lang pero sineryoso niya kaya in the end, nasaktan si gaga. Si Iris naman nagka-boyfriend noong senior high kami, ang nice naman nung guy noong una hanggang sa naging possessive siya kay Iris, obsessed na rin yata 'yon. And si Grace naman, oh God! The most painful and tragic one, namatay yung long-term boyfriend niya. Three years din naging sila, grade 9 kami no'n and last year lang nangyari yung unwanted happening na 'yon. Luckily, she manage to move forward. Alam kong di pa siya totally healed pero we are here naman to guide and to help her.
Nagpunta na sila sa dance floor habang ako ay nagpaiwan dito sa table namin. Habang iniinom ko ang juice na dala ni Adel kanina ay napansin kong naglalakad papunta sa 'kin si Isaiah. Patuloy lang siya sa ginagawa niya at nang makapunta sa table namin ay bigla siyang umupo. "Can I sit here? May kalat sa table namin," sambit niya kaya napatingin ako sa table nila. Nandoon si Paul and Mateo kasama ang dalawa pang babae, yung isa ay may tinatawagan. Napakunot ang noo ko nang mag-ring ang phone ni Isaiah. I get what he's saying kaya napangisi nalang ako. "You're already sitting," sagot ko habang pinaglalaruan ang glass ng juice sa kamay ko. Hindi niya sinagot ang tawag at marahang ipinasok sa bulsa ang phone niya. "Why are you here? I thought you're not coming?" he asked. I don't know why he's asking me right now, mukha siyang naiirita at bothered. "Sumaglit lang, pinakilala ko kasi sakanila ang boyfr—" he
Ngayon ang dinner namin together with the Lozano's, Kuya Froi's family. Ang kwento ni Ate ay tatlo rin daw silang magkakapatid, panganay si Kuya Froi, isang babae na sumunod sakaniya at isang lalake na bunso, ka-edad ko lang daw yung lalake and he's studying in Western University near Roosevelt, walking distance lang siguro 'yon. Famous basketball player daw pero hindi ko kilala, ano kaya 'yon?"Ate, anong oras matatapos yung dinner?" tanong ko sakaniya.Nagre-ready siya ngayon ng isusuot niya para mamaya. Nandito ako ngayon sa kwarto niya para manggulo."Bakit? May date ka?" natatawa niyang tanong, sagot ang kailangan ko hindi isa pang tanong. Ang galing talaga nito!"Parang ganoon na nga." Sinabayan ko lang ang trip niya.Tumigil siya sandali sa ginagawa niya at naka-pamewang na hinarap ako. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay kalmadong nakahiga sa kama niya."MAMAAA!! Si Chan
Nag-usap ulit sila tungkol sa kasal at na-bored na naman ako. Maya-maya ay biglang may sumipa sa 'kin, napatingin ako sa kaharap ko at bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Travis. Napaka-gago naman nito, inirapan ko nalang siya.Napapaangat lang ako ng tingin tuwing hinihingi nila ang opinion ko. Napag-desisyunang beach wedding na ang magaganap at sa Batanes ang napili nilang island. Pinagpipilian nila ngayon kung anong kulay ang magiging theme para sa kasal."It should be boho outfits kasi beach wedding, e." si Ate Laureen.I glance at my sister and she seems not pleased by it. Alam ko ang tipo ni Ate at masasabi kong ayaw niya sa boho na gusto ni Laureen."Gusto ko kasi iisang color lang para magandang tingnan sa picture, gusto ko pa rin ng traditional kahit papaano, naka-gowns and suits ang mga bisita. Formal pa rin," ani Ate Dria.Nakinig lang ako sa usapan nila. Ate wants mint green while Ku
Biglang nag-play ang kantang 'Pangarap lang kita' ng PNE. Agad namang napalingon si Isaiah nang tumugtog 'yon kaya napalingon din ako sakaniya sandali."You know this song? Fan ka rin ba ng PNE?" masiglang tanong ko sakaniya."I heard their songs but I'm not a fan," sagot niya, mukhang nag-iba ang mood niya. Nagsisi yata na sinamahan pa 'ko ngayong gabi, dahil dyan ako ang magbabayad ng kakainin namin mamaya! Swerte niya nakalibre siya ngayon.Kung may kasama lang ako, hindi ko na siya aabalahin. Kaso wala akong choice, hindi ko naman kayang ako lang mag-isa ang magtungo sa lugar na 'yon."This song is dedicated for those guys na hindi pa maamin yung feelings nila dun sa mga gusto nila. I remember someone sang it in front of me, God! That's bravery, ang tapang niya kasi kumanta siya even though hindi ganoon kaganda yung boses niya in front of many students! And I admire him for doing that. Such a brave guy," pagkukwento ko, n
'Di naman masyado hassle ang biyahe lalo na't di naman ako ang nagdadrive. Mabuti nalang din at hindi siya nagtanong ng kung ano-ano, nagpatugtog lang ako para 'di masyado awkward."Psychology student, right?" pambabasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sakaniya saglit bago sumagot."Yeah, ikaw? Ano pala course mo?" tanong ko pabalik, tiningnan ko lang siya. Ang isang kamay ay makahawak sa manibela habang ang isa ay nakapatong sa bintana habang nakahawak sa ulo niya. Kinakabahan ako kasi one hand lang gamit niya sa pagdadrive, yung jowa ko baka mapano!"Architecture," tipid na saad niya, napatango-tango nalang ako at humarap ulit sa bintana."Pwede ko makita plates mo? May picture ka ba dyan? Gusto ko kasing magpatayo ng bahay someday, kung sakaling kilala mo pa 'ko that time, sayo ko na ipapa-design para makamura," sambit ko habang patuloy na nakatingin sa bintana.Maya-maya ay inilahad niya sa 'kin ang phone niya,
I woke up early in the morning dahil binulabog ako ng mga bruha. Late na 'ko natulog kagabi dahil may pinanood pa 'kong movie tapos mang bubulabog 'tong mga ito e ang aga-aga, punyeta! "Hell! Just go out and flirt! Inaantok pa 'ko," sambit ko at tinakluban ng kumot ang mukha ko. Hinihila naman nila yon mula sa baba kaya sinisipa ko sila."Right! Baka pinagod kagabi ni Nikolai kaya ganyan, let's not bother her—" what the fuck? Did I heard it right? "Fuck you, Kendall Delleva! Nothing happens, okay?" sigaw ko dahilan para matawa silang lahat. The hell! "Easy girl, masyado kang defensive," sabi ni Adel na kakaupo lang sa side ng kama ko.
Ang sabi lang sa 'kin, ako raw ang magpipicture kay Laureen para makita kung may potential ba 'ko. Sleepwear ang i-momodel ni Ate Laureen, may lingerie rin. Madaming palit ang gagawin kaya mukhang matatagalan talaga kami. Nang matapos na siya magbihis at mag-ayos ay pumwesto na rin ako para kuhaan siya ng litrato. Unang sinuot niya ay ang nude collection ng gym wear, fitted ang mga 'yon kaya kita ang hubog ng katawan ni Ate Laureen. Hindi ko na siya kailangang manduhan dahil alam niya na ang gagawin, minsan na lang. Ang pangalawa ay yung silk collection ng pajama set. Comfy ito tingnan at dalang-dala ni Ate Laureen ang mga 'yon kahit napaka-simple lang. Pangatlo naman ay yung lingerie collection. Nilagyan siyang body oil, nakalugay na rin ang buhok niya
"I'm home!" sigaw ko nang makapasok kami sa bahay, nasa living room sila Ate at abala sa laptop niya.Kung paano ko sila nadatnan ni Kuya Froi kanina ay ganoon pa rin sila. Kasama nila si Maine na abalang manood ng National Geographic sa iPad niya."Hi hom- oh my God!" Nabitawan niya ang papel na hawak niya at gulat na nakatingin kay Isaiah na nasa likod ko, wala man lang ka rea-reaksyon sa mukha ni Isaiah."Oh, Nikolai! Magkakilala kayo?" bati ni Kuya Froi nang mapatingin sa'min.So magkakilala din sila, I bet it is because of Ate Laureen, ex ni Laureen ang kuya ni Isaiah, e."Uh, kind of," sagot nito.Kinuha ko sakaniya ang paper bag at nilagay 'yon sa table. Sinenyasan ko siyang umupo sa isang sofa, malapit kay Maine.Tumingin ito kay Isaiah bago binalik ang tingin sa iPad niya tapos ay tumingin ulit kay Isaiah at halatang gulat na gulat. Hindi makapaniwalang nakapagdala ako ng
Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f
Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n
Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l
Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil
"Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.
Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri
I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako
Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi
Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.