Home / All / Behind the Scene / Kabanata 30.2 - Betrayed

Share

Kabanata 30.2 - Betrayed

last update Last Updated: 2022-03-30 01:00:00

Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!

Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.

My baby's sick.

Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pisngi niya. He weakly smiled at me.

"You're here.." he whispered.

Ngumiti ako at tumango sakaniya. Mukhang nilalamig talaga siya, sobrang init niya rin. Don't tell me pumasok pa rin siya kahit may sakit siya? This man is really stubborn! I lean closer to kiss him on his forehead.

"Yes, I'm here," I uttered.

Pinaupo ko ito at inalalayan papunta sa kwarto niya. Nagpakulo rin ako ng tubig, hinanda ko rin yung mga kakainin namin at nagluto rin akong mushroom soup para sakaniya, hindi ko nga lang alam kung masarap ba 'yon, bahala na. Nang kumulo ang tubig ay pumasok na 'ko sa kwarto dala ang maliit na bowl na may lamang maligamgam na tubig pati na rin towel.

He's half awake, tinanggal ko ang suot niyang white polo pati ang pantalon nito. Tanging boxer short lang ang natira sakaniya. Marahan kong pinunasan ang mukha niya pati ang katawan nito to make him feel better. Nakadilat ng kaunti ang mata nito, tila ayaw pa yatang matulog.

"You should rest, I'm here so I'll take care of you.." marahang sambit ko.

Ngumiti siya at umiling ng marahan, ramdam ko ang panghihina niya. Ano ba kasing ginawa niya at nagkasakit siya bigla?

"I want to see how you take care of me," he weakly said.

Napangiti nalang ako. Tumayo ako para kumuha ng damit niya at sinuotan siya. Plain white shirt at grey pajama ang sinuot ko rito. Pagtapos ay naligo na rin ako at nang matapos ay inihanda ko na ang pagkain namin. Dito na kami sa kwarto kakain kaya dito ko na dinala ang mga pagkain. I move the small table beside his bed, gusto niya pa 'kong tulungan pero nagawa ko na, ayoko rin namang mapagod pa siya.

Umupo siya sa kama habang ako ay nakaupo sa harap nito. We peacefully eat together, sa sandaling 'to nakalimutan ko yung mga problema ko. Nakakagaan sa pakiramdam.

"Did you cooked this?" tanong niya sabay turo doon sa mushroom soup.

Ngumiti ako at masiglang tumango. He chuckled at my reaction bago tinikman yung mushroom soup na niluto ko. I don't know if it taste good, sinunod ko lang yung instructions na nakalagay sa likod kung paano lutuin. I'm not really good at cooking, ang sabi pa naman ni Iris, 'a way to a man's heart is through his stomach'. Olats na raw ako, doon palang.

Nanatili lang akong tahimik habang inaabangan ang reaction niya. Hindi ko siya mabasa, hindi ko alam kung nasarapan ba siya o hindi kaya ako na mismo ang tumikim nung gawa ko. Hindi ko masyado malasahan kaya tumikim ulit ako, hindi ko ba malasahan o talagang walang lasa ang gawa ko? Padabog kong nilapag ang kutsara at kinuha ang bowl ng mushroom soup sa tapat niya, agad niya namang kinuha ito at inilayo sakin.

"Hindi masarap, akin na Isaiah," seryosong utos ko pero mukhang hindi siya nakikinig.

Nagulat nalang ako nang higupin niya 'yon mula sa mangkok hanggang sa maubos na yung niluto ko. Hindi ko alam  kung matutuwa ba 'ko o hindi dahil sa ginawa niya. Nakatulala lang ako sakaniya, hindi makapaniwalang naubos niya 'yon mag-isa!

"It's not that good but it doesn't mean that it's  bad.. and it doesn't also mean I won't eat it," aniya na parang hindi big deal 'yon.

Well, sa akin big deal ' yon! Alam niya namang hindi masarap 'yon, kinain niya pa rin para lang gumaan ang loob ko. I crossed my arms and stare at him sharply.

"You're lying, sabihin mo nalang na napilitan ka lang kainin yang niluto ko kasi girlfriend mo 'ko at ayaw mong magtampo ako. Look Isaiah, hindi naman ako magagalit—"

"No, I'm not lying. Did I mention that it is delicious? No. I ate it because I want to and it's not that bad. Come on, baby, there's always a room for improvement and you have the lifetime to learn. I'll support you with it, kahit pa sumakit tiyan ko kakatikim ng mga luto mo," he said and smiled mockingly, inirapan ko nalang ito at natawa na rin.

Pagtapos kumain ay pinainom ko na siya ng gamot. I wash the dishes, nagpumilit pa siya kaya sa huli, pinanood niya nalang ako habang naghuhugas. Ang kulit kasi, sinabing may lagnat siya kaya dapat magpahinga na siya, gusto pang sumama at manood, ano 'to show?

"How's your work? My sister told me you turned down projects, masyado mo yatang pinapagod ang sarili mo kakabantay sa'kin noong nakaraan, 'yan tuloy nagkakasakit ka.." panimula ko, naalala ko yung mga sinabi ni ate. Pati si Isaiah naapektuhan dahil sa'kin, maybe I'm bringing bad luck to the people around me.

"I turned down projects because I can't handle it anymore and I don't regret everything, I will never regret taking care of you. Kahit pa hindi mo 'ko pinapansin no'n," aniya. I can sense the pain on his words, pati tuloy ako nasasaktan na rin.

Nanatili pa kami roon para pag-usapan ang kung ano ano before we both decided to sleep, mabuti nalang at bumaba na ang lagnat niya.

Another day came, wala na si Isaiah sa tabi ko nang magising ako but he wrote a letter, pumasok na raw siya at may nakahanda na raw na breakfast. Naligo na 'ko at kumain dahil kailangan ko pang umuwi sa'min, kailangan ko rin pumunta sa studio dahil naging missing in action ako nitong nakaraan dahil sa mga nangyari. I know Ate Dria already told Berty about this but I want to apologize personally.

Nagtungo agad ako sa studio at sumalubong sa'kin si Almario. Ang aga aga, mukha niya agad ang makikita ko. He looks worried at the same time happy to see me.

"Long time no see, babe!" bati niya kaya napatingin din sa'min ang mga empleyadong nakarinig. Siniko ko ito ngunit parang wala lang sakaniya 'yon, ni hindi niya ininda, natawa pa siya!

"Ang aga aga, Almario!" inis na sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Naramdaman kong nakabuntot siya sa'kin hanggang sa makaupo ako doon sa cubicle ko na, unfortunately, katabi lang nung kanya.

"My sister, Berty, isn't here. Kung balak mo siyang kausapin, huwag mo na balakin dahil nakausap na siya ng ate mo!" aniya.

Hindi ko ito nilingon at may kung anong tiningnan doon sa magazine, kasali ako sa mga photographers na kumuha ng mga litratong naroon. Nakaka-proud!

"Still, I want to apologize personally," sambit ko habang sinusuri ang bawat litrato.

"Bahala ka sa buhay mo. Anyway, nakapag-submit ka ba ng requirements doon sa film school na sinasabi ko sayo? Nakatanggap na 'ko ng letter mula sakanila, babe I made it!" he proudly said at may pinakitang envelope sa'kin.

Kinuha ko 'yon at tiningnan ang nasa loob, nakalagay doon na tanggap na siya roon sa school na 'yon. Next month na ang umpisa ng klase sakanila. Malapit na rin pala, two weeks nalang at matatapos na ang buwan na 'to.

"Hala congrats! Kahit hindi mo deserve 'to, congrats pa rin! Teka, kailan ang lipad mo?" tanong ko bigla.

"Sunday, ready na nga yung pakpak ko, e. May condo na rin ako doon, dalawa pa! Naghahanap nga 'ko ng pwedeng umupa, pwede ka ba?" pagbibiro niya. He's joking, I know. As if makakapasa ako sa school na 'yon, and I never told anyone about it. Hindi alam ni Rio na nag-submit din ako doon. Mas okay na 'yon para kapag hindi ako natanggap, hindi masyadong masakit.

Ang bilis pala matapos ng summer, hindi na natuloy yung summer trip naming magkakaibigan dahil sa nangyari. Ang sabi ko sakanila ituloy nila kahit hindi ako kasama, ang mga gaga ayaw naman. Kaya sa huli, nagkanya kanyang outing nalang sila habang ako, nanatiling nagbabantay kay Papa. Next month na rin ang start ng classes, hindi pa 'ko nakakapag enrol. Siguro sasabay nalang ako kay Mads.

Dumaldal pa si Almario doon hanggang sa nagpasya akong dumaan sa supermarket dahil nautusan ako ni Mama na bumili ng prutas, gising na raw si Papa kaya naman nagmadali talaga ako. I'm in the pizza restaurant, sitting alone while waiting for my order, nag suggest kasi si bunso na bumili rin daw ng pizza kaya bumili ako.

I was browsing on my social media accounts when a girl suddenly sat in front of me. Sisitahin ko sana kaso natigilan ako nang makitang si Tasha 'yon at ang nakakainis niyang smile.

Mabuti at kalmado ako, I smiled at her too before turning my gaze on my phone. Hindi na 'ko makapag focus, her presence is disturbing.

"Hi there, adopted bitch!" she mockingly said. Nakangiti ito nang pagkalawak lawak nang balingan ko siya.

Gulat man ay hindi ko 'yon ipinahalata sakaniya. Napalunok ako at muling binalingan ang phone. Hindi ko siya pinansin but there's too many thoughts running in my mind now. How did she know? Sa pagkakaalam ko, family lang ang nakakaalam no'n. I never even told my friends about it. Isaiah, he knew it too but it's just too impossible, bakit niya naman sasabihin kay Tasha ang tungkol doon? And why is she here?

"Oh my God, you already know? Don't worry, wala naman akong balak ipagkalat ang pinakatatago mong sikreto," malokong sambit nito, ni hindi maalis ang nakakainis na ngiti sa labi niya. It's as if she won a pageant.

This time, hindi ko na inalis ang tingin sakaniya. Nanatili akong kalmado kahit gustong gusto nang magwala ng loob ko.

"How did you know?" tanong ko. I sounded calm, thank goodness!

Umayos siya ng upo at may kinuhang envelope sa bag niya. Inilapag niya ito sa mesa at pasimpleng binigay sa'kin.

"I saw this on my father's office, you may not know but my father is part of an NBI before together with Niko's father but they already retired so.. to make this long story short, Niko asked my father to investigate the history of your family and he found out that you're an adopted child. Both of your parents died in a car accident—"

"Kailan niya pa pina-imbestigahan 'to?" I asked which stops her from speaking.

"I don't know, why don't you ask him? I thought you doesn't know about it but it seems like you already know that you're an adopted. But.. what do you think is the reason why Niko asked my father to investigate it?" ngumisi siyang muli bago tumayo at umalis sa harap ko. Naiwan akong mag-isa, hawak ang envelope na binigay niya.

I don't know why she's telling me about it, maybe she's bluffing? Baka gawa-gawa niya lang ang lahat ng ito. Pero may pruweba siya, ayoko mang maniwala sakaniya, hindi ko magawa!

Nang makarting ang order ko, dali dali na kong nagtungo sa pinagtatrabahuhan ni Isaiah. I know where his office is located kaya doon na agad ako nagpunta. I can't think clearly now, gusto kong marinig mula sakaniya. Gusto kong malaman mula sakaniya. An idea formed in my head but I chose to ignore it.

I shamelessly opened the door of his office, napapatingin pa sa'kin ang mga empleyado nila ngunit wala ni isa akong nilingon doon. Nagulat siya sa presensya ko at agad na tumayo sa swivel chair na inuupuan niya, mukhang marami siyang ginagawa but I know it can wait, nakita ko pa kung paano niya sinara ang binigay kong sketch pad at itinago ito sa drawer.

"Did you missed—" I cut him off.

Padabog kong ibinagsak ang envelope sa mesa niya. Gulat man ay nagawa niya pa rin tingnan 'yon, hindi na siya nag-abalang buksan 'yon dahil sigurado akong alam niya kung anong nasa loob no'n.

"Kailan pa 'to?" I calmly asked.

Bilib din naman talaga ako sa sarili ko, nagagawa ko pa rin maging kalmado kahit kanina pa nagwawala ang loob ko. What happened weeks ago is just too much for me to handle, tapos dadagdag pa 'to? God, I'm so tired of this shit!

Nakatayo na si Isaiah at nakatingin sa'kin na para bang tinitimbang niya ang emosyon ko. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa mesa, napabuntong hininga ito at napayuko na lamang para iwasan ang mga mata ko.

"The day after you told me about how your relatives treat you.."

Bullshit.

I felt like I was betrayed. 

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

    Last Updated : 2022-04-13
  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

    Last Updated : 2022-04-13
  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

    Last Updated : 2022-04-13
  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

    Last Updated : 2022-04-13
  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

    Last Updated : 2022-04-13
  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

    Last Updated : 2022-04-13
  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

    Last Updated : 2022-04-13
  • Behind the Scene   Simula

    DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.-"How does it feel?" he asked out of nowhere while staring at the view, without facing the girl who gave him both pain and love. The girl suddenly stare at him, she didn't know what to say. A thought formed into her mind but she manage to keep quiet while staring at the beautiful scenery that once lead her to tragedy."How does it feel when you hurt someone you claimed you love," he added, you can feel the pain by the w

    Last Updated : 2021-05-11

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status