Home / All / Behind the Scene / Kabanata 2.2 - I break hearts

Share

Kabanata 2.2 - I break hearts

last update Last Updated: 2021-05-13 00:01:11

Matapos naming kumain ay nag-picture naman kami para may remembrance. Nagtagal pa kami roon bago nagpasyang bumaba sa cloud nine na sinasabi nila.

"Wala ba silang anniversary promo? Ang dami natin tapos ako talaga ang sinabi n'yong may birthday? Mga gaga na 'to!" si Madison.

Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na naisahan namin siya. Labag sa loob nito ang mga nangyari kanina kaya kahit ang pagtikim sa cake na yon ay hindi niya nagawa, wine nalang ang nilantakan niya.

"Si Treia nga sana, e. Tutal makapal naman ang mukha niya kaso ikaw ang naka red ngayon, mas mukhang ikaw ang may birthday kaya ikaw nalang," sambit ni Adeline na sinundan ng tawanan.

Nasa elevator na kami at napaka-ingay nila. Mabuti nalang at wala kaming kasabay.

"Kung ako ang sinabi niyo, baka mag-request pa kong isa pang wine," biro ko.

Patuloy lang kaming nag-tawanan sa elevator hanggang sa makarating sa sinasabi nilang cloud nine. Si Mads naman ay hanggang ngayon inaalala ang litrato niya. Kesyo ang panget niya raw doon, ang awkward daw kasi ng ngiti niya.

"Target locked," bulong ni Kendall nang makapasok kami.

Bumungad sa amin ang napaka-ingay na crowd. Madaming gwapo, madami na namang target 'tong si Ken. Bored namang tiningnan ni Madison ang dance floor. Si Adeline at Grace ay napangisi lang habang si Iris ay panay ang tingin sa phone niya.

Kendall lead the way, doon kami sa taas pumwesto dahil puno na sa baba. Mabuti nalang at maraming kakilala tong si Ken kaya madali kaming nakakuha ng pwesto, pangalawang table sa pinakadulo kami naupo.

"Gwapo.." bulong ni Iris sa akin na may kasamang pagkurot pa.

Ngayon ay nagsisisi na 'ko na katabi ko 'to! Tuwing makakakita kasi siya ng gwapo ay napapakurot o sabunot siya. Si Ken ang nasa pinakadulo, malapit doon sa mga lalaki dahil gusto niya roon. Si Adel naman ang katabi nito, si Grace, ako, si Iris at nasa kabilang dulo si Mads na hindi pa rin natutuwa sa mga nangyayari.

Nagsimula na silang mag-inom, nakaka-tatlong shot palang ako nang tumawag si ate. Tumayo agad ako at humanap ng lugar kung saan walang ingay, dinala ako ng mga paa ko patungo sa balcony na tingin ko'y smoking area, hindi na masyadong rinig ang tugtog mula rito kaya sinagot ko na ang tawag ni ate.

"Hinahanap ka na ni Mama! Akala ko ba dinner lang? Nasaan ka na?" sunod-sunod na tanong nito, napairap naman ako.

Akala ko rin dinner lang, e.

Bahagyang bumukas ang glass door kaya napatingin ako roon. Pumasok ang isang lalaking may hawak na sigarilyo at nag-umpisa na siyang manigarilyo sa isang tabi. Medyo malawak naman ang balcony pero amoy ko pa rin ang usok nito. Lumayo ako ng bahagya rito hanggang sa makalapit na 'ko sa isa pang lalaki na nakaupo sa bakal na upuan, mahaba ito kaya naupo na rin ako. Nakapikit ang mga mata nito habang nakasandal hawak pa ang phone niya, tulog na yata siya.

"Nagkayayaan mag bar sila Ken, ihahatid naman ako ni Mads pauwi don't worry," sagot ko.

Naramdaman kong gumalaw ang lalaki sa gilid ko. May space pa naman sa pagitan namin ngunit lumayo pa rin ako ng bahagya para hindi kami magkadikit.

"Anong oras na, Chantreia Sage!" sigaw nito mula sa kabilang linya. Halos mabingi ako sa sigaw niya kaya nilayo ko ang phone sa aking tenga.

Medyo nakaka-suffocate na ang amoy ng sigarilyo kaya napapa-paypay na ko ng kamay.

"10 pm na, wala ka bang orasan dyan?" sarkastikong sambit ko. Ramdam ko ang galit ni ate kaya nagpaalam na ko rito.

Hindi muna ako pumasok sa loob dahil medyo nakaka-stress ang ingay roon. Sumandal ako at hindi sinasadyang nahagip ang lalaki kanina, ganoon pa rin ang ayos niya. Inobserbahan ko lang ito. Gwapo siya, tan ang balat, may mahahabang pilik-mata at makakapal na kilay, mapupulang labi at matangos na ilong. Well-defined ang panga nito at kita ko rin ang paggalaw nito tuwing mapapalunok siya, ganoon din ang adam's apple niya. Ibinaba ko ang tingin sa suot niya, hindi pa man nasusuri ang lahat ay napairap na ko. Latest model ng iPhone ang hawak niya sa isang kamay, naka apple watch din.

Madatung si afam

Ang isang lalaki naman ang binalingan ko ng tingin, naninigarilyo pa rin ito habang may nilalaro sa phone niya. Gwapo siya kaso nga lang tuwing ibubuga niya ang usok ay sa'min ang punta, ayos lang sana kung pagkahigop niya ay deretso lunok, e. Kaso hindi kaya ang ending, ako ang nasusuffocate. Napaubo ako ng malakas, nilakasan ko talaga para naman matauhan siya.

Successful naman ang ginawa ko dahil nang binalingan niya 'ko ng tingin ay bigla n'yang itinapon ang sigarilyo, inapakan ito bago lumabas ng smoking area.

"Ang baho, amoy usok, nakakainis!"

Tumayo ako at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay, nangamoy usok na tuloy ako. Aalis na sana ako nang magsalita ang lalaking nakaupo kanina pa. Hindi ito nag abalang dumilat at deretsahang nagsalita nang hindi ako tinitingnan.

"This is a smoking area, miss. Kung ayaw mong maka-amoy ng usok, then this place isn't yours. You shouldn't be here," aniya.

Inis ko s'yang inirapan kahit alam kong hindi niya rin naman makikita 'yon bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa table namin. Wala na si Iris at Grace sa table nang makabaik ako, nagliligalig na raw sila sa dance floor sabi ni Mads na tahimik lang na nakaupo sa isang gilid. Tumayo naman si Ken at Adel para mag-order pa raw ng alak, naubos na pala nila ang alak na nakalatag kanina, ni hindi man lang ako nalasing doon.

Nagpaalam si Madison na pupunta s'yang restroom sandali kaya ako lang ang naiwan sa table namin. Panay naman ang tingin nung mga lalaki sa dulo, hindi ko nalang pinansin. Maya-maya pa ay dumaan ang lalaking nakita ko sa smoking area kanina, patungo siya roon sa mga lalaking nakaupo sa gilid namin. Napairap nalang ako at napainom ng alak sa harap ko. Mabuti nalang at isa-isa nang nagdatingan ang mga kaibigan ko.

"Bet game, one of those guy will come here and talk to me. If I won, you will treat me a spa, if not then I'll be the one to treat you. Fair enough, Adel?" ani Kendall.

'Yan na naman sila sa bet game bet game na 'yan, tuwing may party lagi nilang ginagawa 'yan, e. Paano, alam ni Ken na mananalo siya. Wala na ring choice si Adel kundi pumayag sa gusto nito, competitive din, e.

"G, basta kapag hindi ikaw ang kinausap, talo ka," si Adel.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa may chinito na lalaking lumapit sa'min. Nagkatinginan si Adel at Ken dahil doon. Napatingin din ako sa lalaking nasa harap, may hawak itong dalawang glass na may lamang alak. Unti-unti n'yang inangat ang isang glass at itinapat sa gawi ko.

"Bottoms up?" aniya.

Ngumiti ang lalaki, lalong naningkit ang mata niya dahil doon. Bahagyang itinulak ako ni Iris na parang sinasabing tanggapin ko na ang offer nung lalaki. Nag-cheer pa ang mga gaga.

Napatingin ako sa kabilang table at lahat sila ay inaabangan ang gagawin ko pwera nalang doon sa lalaking nasa smoking area kanina, hindi siya tumitingin sa gawi namin. Tiningnan ko rin ang table nila at napag-alamang cuervo ang alak na iniinom nila, not bad.

Kinuha ko ang alak mula sa kamay niya, nakipag-cheers pa siya bago namin sabay na ininom 'yon. Pagkatapos ay inabot ko agad sakaniya ang glass.

"Thank you.. miss?"

"Treia," sagot ko.

Inilahad niya ang isang kamay sa harap ko, hanggang ngayon ay panay ang asar sa'min ng mga kaibigan ko.

"Davis, nice to meet you Treia," aniya.

Tinanguan ko na lamang ito, hindi nagtagal ay bumalik na siya sa table nila at panay rin ang asar sakan'ya ng mga kaibigan niya. Nagawi ang tingin ko doon sa isa nilang kasama, yung nasa smoking area kanina. Nang magtama ang mga mata namin ay nagtaas lang ito ng kilay bago umiwas ng tingin.

Attitude.

"Si Treia pala ang gusto, paano ba 'yan Kendall? Libre mo 'kong spa session, doon sa pinakamahal ha," pang aasar ni Adel kay Ken.

Napairap si gaga bago ako ginawaran ng nakakalokong ngisi.

"Mabenta tayo ngayon, ah! Tinalo mo yung pa-cleavage ko!" pagbibiro niya.

Natawa nalang ako, ilang sandali ay naramdaman ko ang kamay ni Grace sa likod ko, napangiwi ako sa sakit ng pagpalo niya rito kaya binawian ko siya.

"Likod ang labanan ngayon, teh!" aniya.

Nagpaalam akong pupunta lang ako sa restroom sandali. Nag-retouch lang ako at sandaling chineck ang phone ko, panay text lang galing kay ate ang natanggap ko kaya nang matapos ay bumalik na 'ko sa table namin. 'Di pa man ako nakakarating sa table ay rinig ko na ang hiyawan. Huli na nang mapagtanto kong may kahalikan si Ken, isa sa mga lalaking nakapwesto doon sa may dulo. Nakatayo ang lalaki habang hawak niya ang kwelyo nito at patuloy na hinahalikan. Take note, nakaupo si Kendall habang ginagawa niya 'yon. Maging ang nasa ibang table malapit samin ay nakihiyaw na rin. Napairap nalang ako at pabagsak na naupo sa tabi ni Iris, kung saan ang pwesto ko kanina.

Ilang minuto rin ang tinagal ng paghahalikan nila, paano ba naman mukhang gustong-gusto ni Kendall. Nang matapos sila ay bumalik na yung lalaki sa upuan nila, si Ken naman ay inayos ang damit niya. Halata pa rin ang ngisi sa mga labi nito.

"Collections," she wink at us.

Same old Kendall, sanay na kami sakan'ya. Ni hindi ko nga alam kung ilang lalaki na ang naging parte ng collections niya. Basta marami 'yon.

Alas-dos nang magpasya kaming umuwi, kasabay pa namin palabas ang mga lalaki kanina. Paano ba naman, naging close na sila doon. Naki-share na ng table. Ngayon, nandito kami lahat sa labas ng hotel para hintayin ang mga sasakyan. Nakwento nilang schoolmate pala sila ni Kendall, kilala raw nila ito pero 'di sila kilala ni Ken. Hindi ko alam kung totoong hindi niya kilala 'yon dahil madaming kakilala ang babaeng 'yon.

The guy named Davis stood beside me, napaurong tuloy ako kay Mads dahil doon. He looks wasted na, may nilabas pa s'yang sigarilyo at lighter mula sa bulsa niya pero hindi pa niya sinisindihan ito.

"May I.. ask you out on a date?" aniya.

Medyo nagulat ako, gayon din si Madison kaya napaubo ito. I faced him with arms crossed, aktong sisindihan nito ang sigarilyo nang kuhain ito mula sakan'ya nung lalaking nasa smoking area kanina.

"The heck is your problem, Nikolai?" galit na sambit nito at nang humarap sa akin ay biglang umamo.

"I don't do dates," sagot ko at iniwas na ang tingin.

Kita sa peripheral view ko na halatang nagulat siya sa sinabi ko, ganon din ang mga kaibigan niya at ang mga kaibigan ko naman ay natatawa lang. They know I don't do dates, I don't waste time dating strangers.

"Then, what do you usually do?" he asked.

Slowly, I faced him again. Matalim ko itong tinignan, I saw him smirking.

"I break hearts," tugon ko.

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 3.1 - Nice

    Clearance day kaya narito kami ni Madison sa US short for University of the South o mas kilala sa tawag na Silangan. Nandito ako sa isang bench sa tapat ng Engineering Department, hinihintay si Madison dahil may isang subject pa s'yang papipirmahan sa professor nila. White tank top at high-waisted maong short ang suot ko, pinatungan ko rin ng gray cardigan dahil masakit sa balat ang araw ngayon. Tanging black slingbag lang ang dala ko at ang sunglasses ko. Motor kasi ang dala ni Mads ngayon at since nasa iisang subdivision lang kami, palagi niya 'kong sinasabay pagpasok at pauwi.I have a car before but because of one incident, my parents did not allow me to have one again. I understand them naman and I don't think I can drive again after everything that happened in the past. It caused me trauma.&nb

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 3.2 - Tired

    "Busy yan si Chantreia sa theater nila kaya hindi yan makakapunta," sambit ni Adeline.Dahil nabanggit ang pangalan ko, napaangat ako ng tingin at bahagyang napakunot ang noo. Makakapunta saan?"Anong meron?" curious kong tanong.Inirapan lang ako ni Madison na parang sinasabing 'ayan, hindi ka kasi nakikinig, tanga'. Hindi ko na kasi narinig ang mga sinasabi nila, wala rin akong pake sa kung ano 'yon pero dahil nabanggit ang pangalan ko, naisipan kong itanong."Birthday ni Mateo sa Saturday, punta ka," masiglang sambit ni Davis, ibang iba sa energy niya noong nakaraan. Siguro nagbabago ang energy niya tuwing nakakainom, bakit parang mas matino siya tuwing nakainom? Ang daldal niya kapag di nakakainom."Ikaw ba si Mateo? Bat ikaw nag-iimbita," masungit kong sabi sak

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 4.1 - Thought

    Saturday ngayon at birthday ni bunso. Maaga kaming umalis sa bahay para pumunta sa zoo, 'yon kasi ang gusto ni Charmaine, bunso kong kapatid. Mahilig siya sa mga hayop, no wonder mukha siyang hayop. Syempre biro lang, magaganda kaya ang lahi namin!"Ate, look! Monkey oh!" pabebe niyang sabi, hinihila pa laylayan ng damit ko. Kay Kendall yata nagmana to, e.I'm wearing gray halter top and white shorts, white sneakers and gray sling bag. Kinulot ko din yung dulo ng buhok ko para maiba naman, medyo mahaba ito kaya natagalan pa 'ko kanina. "I know, nakikita ko Maine. Tinitingnan ko nga ngayon," sagot ko habang nakatingin sakaniya, napatingin naman siya sa'kin at biglang bumusangot ang mukha. Maya-maya ay binatukan ako ni Ate Chandria, nasa likuran lang pala namin siya. "Baliw ka talaga! Pati bata pinagtitripan mo," sambit niya habang natatawa, si Maine naman ay

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 4.2 - Thank You

    Mga ilang minuto ay biglang dumating si Davis at tumabi sa'kin, sobrang lapit niya kaya umusod ako palayo."Hi, bakit hindi ka nagreply sa message ko?" tanong niya kaagad na parang boyfriend ko. Seriously? What's with him? "Why would I?" sagot ko naman, nanlumo yung mukha niya habang si Nikolai ay hindi mapigilan ang pag-ngisi. "Isaiah Nikolai, wag ka nga ngumisi dyan! Kita mong binabusted na 'ko rito," nakangusong sabi ni Davis, para talaga siyang bata. Siguro ay hindi pa siya lasing.Hindi naman umimik si Isaiah Nikolai, that's his full name? Ang ganda pala ng pangalan niya, tunog mabait. I should call him Isaiah, mas prefer ko yon kaysa sa Nikolai. "Seryoso ako, Treia. Gusto kita!" sabi nito.What the hell? Ganito ba siya talaga? Bakit parang ang bata niya kung umasta?

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 5.1 - Grey

    Three days na ang nakalipas, wala akong ginawa kundi um-attend sa rehearsal at mamalagi rito sa bahay. Nakarating kay Papa yung ginawa kong paghiram ng kotse ni Ate. Wala na kasi silang tiwala sa'kin pagdating sa pagdadrive.Nagalit siya noong una kasi di daw ako nagpaalam sakaniya, pero konting lambing lang naman kay Papa ay okay na siya. Mabuti nalang daw at walang nangyaring masama. I won't repeat the same mistake twice, hinding-hindi na mauulit 'yon."Hey, anak.." rinig kong sabi ni Papa at kumatok pa sa pinto bago pumasok. Magdamag lang kasi ako sa kwarto, lalabas lang ako kapag may rehearsal at kakain, minsan kapag nabo-bored sa kwarto. Ibinaba ko ang hawak kong libro para harapin siya."Yo, Papa," I chuckled.He kissed me on my forehead. Papa's girl kasi ako, lagi akong ini-spoiled ng tatay ko. Damit, sap

    Last Updated : 2021-06-26
  • Behind the Scene   Kabanata 5.2 - Weird

    Nagpunta na sila sa dance floor habang ako ay nagpaiwan dito sa table namin. Habang iniinom ko ang juice na dala ni Adel kanina ay napansin kong naglalakad papunta sa 'kin si Isaiah. Patuloy lang siya sa ginagawa niya at nang makapunta sa table namin ay bigla siyang umupo. "Can I sit here? May kalat sa table namin," sambit niya kaya napatingin ako sa table nila. Nandoon si Paul and Mateo kasama ang dalawa pang babae, yung isa ay may tinatawagan. Napakunot ang noo ko nang mag-ring ang phone ni Isaiah. I get what he's saying kaya napangisi nalang ako. "You're already sitting," sagot ko habang pinaglalaruan ang glass ng juice sa kamay ko. Hindi niya sinagot ang tawag at marahang ipinasok sa bulsa ang phone niya. "Why are you here? I thought you're not coming?" he asked. I don't know why he's asking me right now, mukha siyang naiirita at bothered. "Sumaglit lang, pinakilala ko kasi sakanila ang boyfr—" he

    Last Updated : 2021-07-09
  • Behind the Scene   Kabanata 6.1 - Dinner

    Ngayon ang dinner namin together with the Lozano's, Kuya Froi's family. Ang kwento ni Ate ay tatlo rin daw silang magkakapatid, panganay si Kuya Froi, isang babae na sumunod sakaniya at isang lalake na bunso, ka-edad ko lang daw yung lalake and he's studying in Western University near Roosevelt, walking distance lang siguro 'yon. Famous basketball player daw pero hindi ko kilala, ano kaya 'yon?"Ate, anong oras matatapos yung dinner?" tanong ko sakaniya.Nagre-ready siya ngayon ng isusuot niya para mamaya. Nandito ako ngayon sa kwarto niya para manggulo."Bakit? May date ka?" natatawa niyang tanong, sagot ang kailangan ko hindi isa pang tanong. Ang galing talaga nito!"Parang ganoon na nga." Sinabayan ko lang ang trip niya.Tumigil siya sandali sa ginagawa niya at naka-pamewang na hinarap ako. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay kalmadong nakahiga sa kama niya."MAMAAA!! Si Chan

    Last Updated : 2021-07-10
  • Behind the Scene   Kabanata 6.2 - Awkward

    Nag-usap ulit sila tungkol sa kasal at na-bored na naman ako. Maya-maya ay biglang may sumipa sa 'kin, napatingin ako sa kaharap ko at bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Travis. Napaka-gago naman nito, inirapan ko nalang siya.Napapaangat lang ako ng tingin tuwing hinihingi nila ang opinion ko. Napag-desisyunang beach wedding na ang magaganap at sa Batanes ang napili nilang island. Pinagpipilian nila ngayon kung anong kulay ang magiging theme para sa kasal."It should be boho outfits kasi beach wedding, e." si Ate Laureen.I glance at my sister and she seems not pleased by it. Alam ko ang tipo ni Ate at masasabi kong ayaw niya sa boho na gusto ni Laureen."Gusto ko kasi iisang color lang para magandang tingnan sa picture, gusto ko pa rin ng traditional kahit papaano, naka-gowns and suits ang mga bisita. Formal pa rin," ani Ate Dria.Nakinig lang ako sa usapan nila. Ate wants mint green while Ku

    Last Updated : 2021-07-11

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status