Vinicius De Feo is the enigmatic and feared Capo dei capi of Mafia De Feo. No one has ever seen his face. No one tried, either. Infamous for being cold and ruthless, he always leaves people begging for their lives. For the lust of killing him, enemies started looking for his weakness. After witnessing a crime, Coreen was being chased by armed men. Struggling to save her life, she was forced to work as the personal assistant of a conceited and arrogant freelance photographer, Vince Figueroa. Being the curious cat that she is, Coreen accidentally discovered her boss’ darkest secret, which made her life messier than ever.
View MoreChapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng
Chapter 5: “IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin. Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince. Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko.
Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko
Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay
Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng
Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam
Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments