Chapter 6:
“BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?”
“We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?”
“When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.”
“Soon, Coreen. Soon. We promise.”
Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...?
“Coreen, do you get me? Are you listening?”
“Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng upo at mas itinuon sa kaniya ang atensyon. Dismayadong tingin ang natanggap ko mula sa kaniya nang muli niyang ibinalik ang tingin sa ‘kin. “Uh, pasensya na. May iniisip lang ako. Ano nga ulit ‘yun?”
“You shouldn’t space out while working. You’re just wasting my time,” iritado niyang sabi. Nagpatuloy siya sa pagse-setup ng mga gamit niya para sa gagawing product photoshoot ng isang baguhang cosmetic brand. Maaga pa lang pero mukhang bad shot na sa akin si Vince. Hindi naman na bago sa ‘kin na ganito siya. Himala na nga siguro na sa isang linggo ay hindi siya maba-bad trip sa ‘kin. “Hold this.” Inabot niya sa akin ang tripod nang hindi lumilingon sa gawi ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at pinanood siya. Kapag ganitong nagse-setup siya, mas gusto niyang nasa tabi lang ako naghihintay sa iuutos niya. Masyado siyang maarte pagdating sa mga gamit niya. Hindi ko naman siya masisi. Mamahalin lahat ang mga gamit niya kaya takot din akong makialam.
Habang pinapanood siya, hindi ko magawang isantabi ang unti-unting pagkirot ng ulo ko dahil sa biglang pagsulpot ng mga imahe sa isipan ko. Ngayon, sigurado na akong sa akin ang alaalang iyon. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit wala naman akong maalalang nangyari iyon sa akin noon? Bakit pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko?
“Next time, you better tell me your whereabouts. Your safety is my responsibility now that you’re working under me. That’s what I am saying,” sermon ni Vince patungkol sa pag-uwi ko rito kanina ng madaling-araw. Nagulat na lang ako nang madatnan ko siya rito na nagkakape at hindi maipinta ang mukha.
Napalunok ako nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa club ni Madam Georgia. Wala akong ideya kung sino ang nagdala sa akin doon. Pero sigurado akong nakaharap iyong Vinicius De Feo. Siya iyon. Ang asul na mga matang nakita ko ang siyang patunay na siya nga iyon.
Nang magising ako sa mismong kwarto ko doon sa Centerpoint, naisip ko na maaaring si Vinicius ang nagdala sa akin doon. Pero kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili na tama ang iniisip ko, sadyang napaka imposible na gagawin iyon ng taong katulad niya.
Sinubukan kong isantabi ang iniisip at ibalik ang atensyon kay Vince, pero agad akong napaigtad nang makitang mukhang anong oras ay sasabog na siya habang nakalahad ang kamay sa akin. Nagmamadali akong lumapit at inabot sa kaniya ang tripod. “Pasensya na. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Pasensya na talaga.”
“Tss.” Kinuha niya ang tripod at hindi na na nagsalita.
Tahimik lang kami habang patuloy siya sa ginagawang pagse-setup. Wala pang trenta minutos ay dumating na rin ang kliyente niya at agad na silang nagsimula.
Habang abala si Vince sa pagkuha ng mga larawan sa produkto kasama ang babaeng modelo ay kinakausap naman siya ng kliyente niya. Tahimik naman akong nakaabang sa kung anong iuutos ni Vince. Mabuti na lang at pumayag ang kliyente niyang dito na lang sa studio gawin ang photoshoot kaya hindi na kami nahirapang magdala ng mga gamit niya.
Ang kliyente, modelo kasama ang dalawang baklang makeup artist na mismo ang pumunta rito para sa photoshoot. Para sa isang baguhang brand, napaka metikuloso ng kliyente ni Vince. Pati sa pagpili ng model ay maarte siya. Dalawang oras lang mahigit at tapos na ang photoshoot. Gano’n kagaling ang model ng produkto nila. Hindi rin naman sila nagtagal at nagpaalam na.
Alas dos ng hapon nang umalis si Vince. Normal na sa kaniyang bigla-bigla na lang umaalis nang hindi nagpapaalam kaya hinayaan ko na. Halata rin kasing bad mood talaga siya sa ‘kin kaya hindi ko na siya kinulit.
Kinaumagahan, maaga akong naghanda ng almusal sa pagbabakasaling maagang dadating si Vince, pero inabot na ako ng tanghali sa kahihintay at hindi pa rin siya nagpapakita.
Bigla tuloy akong nakonsensya. Alam ko naman na bilang boss niya, concern lang talaga siya sa ‘kin kaya siya nagalit. Hindi pa ako nakakapag-sorry kaya mas lalo lang akong nakonsensya.
Nangangati na ang kamay kong tawagan siya, pero mahigpit niyang bilin na ‘wag na ‘wag ko siyang tatawagan. Hindi ko alam kung bakit, pero bilang PA niya, kailangan ko iyong sundin kung ayaw kong mawalan ng trabaho.
Alas tres ng hapon nang naisipan kong manood na lang ng palabas sa TV rito sa sala. Pabagsak na sana ang talukap ng mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha at agad na sinagot ang tawag.
“Vince--”
“Coreen! Day off ko ngayon!” Agad kong inilayo ang telepono mula sa tenga nang marinig ang sigaw ni Tina. “Kinulit ko si Madam. Buti pumayag! Wala akong gagawin mamayang gabi, ikaw ba?”
“Gaga! Kailangan mo ba talagang sumigaw?” reklamo ko na tinawanan niya lang.
“Gala tayo mamaya! Sagot ko lahat. Hindi ako tatanggap ng hindi, Coreen, sinasabi ko sa ‘yo! Send mo sa ‘kin address mo, ako na susundo sa ‘yo. Mga alas sais dapat nakabihis ka na, ha? Sige na baba ko na ‘to. May gagawin muna ako. Bye!” Hindi niya na ako binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita at binaba niya na nga ang tawag.
Naghintay pa ako ng dalawang oras sa pagbabakasakaling dadating si Vince, pero sa huli ay naghanda na lang ako para sa lakad namin ni Tina. Saktong alas sais nang tumawag ulit si Tina at sinabing nasa baba na siya. Pagkababa ko ay nakita ko siya sa may couch sa lobby na mukhang manghang-mangha sa mga nakikita. Nang nakita niya ako ay tumayo siya saka lumapit sa ‘kin.
“Grabe! ‘Di mo naman sinabi na sobrang ganda naman pala ng tinutuluyan mo ngayon. Pangmayaman! Akala ko pa naman puchu-puchu na condo lang.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nag-aya muna siyang kumain ng hapunan bago kami dumiretso sa dapat daw naming puntahan. Hanggang sa makarating kami sa bar na sinasabi niya ay hindi pa rin matapos-tapos ang papuri at pagkamangha niya sa condominium building ni Vince. Tss! Paano pa kaya kapag nakita niya ang boss ko?
“Bakit ba sa lahat ng pwede nating puntahan, dito pa talaga?” hindi ko na napigilang itanong nang makaupo kami sa high stool kaharap ng bar counter.
“Bakit? Ayaw mo ba rito?”
“Hindi naman sa ayaw. Pero hindi ka ba nagsasawa? Sa club ka na nga nagtatrabaho, tapos ngayon na day-off mo, sa ganitong lugar mo pa talaga naisipang pumunta.”
“Oo nga. Pero hayaan mo na! Ngayon lang naman, eh. Tsaka, may titingnan lang ako rito. ‘Di rin naman tayo magtatagal. Mga three hours max.”
Makalipas ang mahigit isang oras, dalawang bucket na ng beer ang naubos namin. Tahimik lang si Tina habang kanina pang nakatitig sa babaeng nasa kabilang table. Dito yata iyon nagtatrabaho at costumer niya ‘yung lalaking kausap niya.
Hinayaan ko muna si Tina na patayin ng tingin ‘yung babae. Nagpaalam ako sa kaniya na pupunta muna sa banyo. Sa totoo lang ay kanina pa akong naiinip. Gusto ko nang umuwi. Wala naman kasi kaming ginagawa rito kundi uminom habang sinusundan ni Tina ng tingin ang bawat kilos nung babae. Wala naman siyang sinasabi sa ‘kin kung anong problema niya ro’n.
“Hi, miss.”
Nilagpasan ko lang ang lalaking nakatayo sa gilid ng mismong pinto ng women’s comfort room. Wala akong balak na pansinin siya. Hindi ko naman siya kilala. Paglabas ko ay napataas ang kilay ko nang makitang nandoon pa rin ang lalaki sa pwesto niya. Ngumisi siya sa ‘kin pero hindi ko siya pinansin.
“Hindi mo ba ako papansinin?”
Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik kay Tina.
“Tatlong oras. Magkano ka ba?”
Kunot noo ko siyang nilingon. Ano bang akala ng lalaking ‘to?
“Excuse me?”
Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Mula sa pagkakasandal sa pader ay tumayo siya at lumapit sa ‘kin. Mula sa mukha ko ay dahan-dahang naglakbay ang tingin niya pababa sa dibdib ko. Bigla tuloy akong na conscious sa suot ko. Fitted halter top lang naman iyon. Hindi naman kita ang kaluluwa ko, pero kung makatitig siya ay parang hinuhubaran niya na ako. “Five thousand for three hours, call?”
Mabilis lumapat ang kamay ko sa mukha niya. Sinigurado kong babakat iyon sa mukha niya. Napakabastos! Bakit ba palagi na lang akong napapagkamalang gano’ng klase ng babae? Kahit anong damit ang suotin ko, kabastos-bastos ba talaga ako?
“What the fuck?!” galit niyang sabi pero sinipa ko ang tuhod niya kaya napadaing siya.
“Tangina ka! Dapat putulan ng kaligayahan ang mga lalaking kagaya mo!”
Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad pabalik sana kay Tina pero ako naman ang napadaing nang may humila ng buhok ko.
“Quit playing hard to get, bitch. Don’t piss me off,” sabi nung lalaki, hila-hila pa rin ang buhok. Sinubukan kong kalmutin ang braso niya pero mas nilakasan niya lang ang paghila sa buhok ko na pakiramdam ko ay matutuklap na ang anit ko.
Naglakad siya pabalik sa comfort room. Doon na ako na-alarma. Anong gagawin niya sa ‘kin?
“Bitiwan mo ako! Ano ba?!” Hindi niya ako pinansin. Nang makakita ng tyempo ay agad kong kinagat ang isang kamay niya. Sumigaw siya at binitawan ako. Tumalikod agad ako. Aalis na ako rito. Kung ayaw pa ni Tina na umuwi, bahala siya. Ayaw ko na rito!
Sinamahan ko lang naman sana si Tina. Gusto ko lang naman magbanyo. Bakit ba kahit saan ako magpunta sinusundan ako ng malas?
Wala na talaga akong balak na lumingon sa manyak na lalaking iyon. Pero nang bigla siyang natahimik saka may narinig akong kumalabog, hindi ko na napigilang lingunin siya.
Kumunot ang noo ko nang makitang hindi na lang siya ang naroon. Nasa limang lalaki ang nakapalibot sa kaniya. Lahat sila ay nakaitim. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sila ba iyong mga lalaking-- napasinghap ako ng biglang bumukas ang pinto doon sa pinakadulo ng hallway saka lumabas ang lalaking nakamaskara.
Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya. Ilang beses ko na siyang nakita. Kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Bakit siya nandito?
Gusto kong umalis pero hindi ako makagalaw. Nakatingin siya sa akin. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Nabuhay ‘yung takot na matagal ko nang gustong kalimutan.
Huminto siya sa mismong tapat ng lalaking nambastos sa ‘kin. Walang imik niyang pinalupot ang mga daliri niya sa leeg nito. Nagpumiglas ang lalaki nang unti-unting umangat ang mga paa niya mula sa sahig. Ang ibang mga lalaki ay tahimik lang na nanonood sa ginagawa ng lalaking nakamaskara.
Mas lalo akong kinabahan ng makitang lumabas ang dugo mula sa bibig ng manyak na lalaki. Papatayin ba siya?
“A-Anong ginawa mo?” takot kong tanong nang bumagsak ang lalaki sa sahig. Bukas ang mga mata niya at diretsong nakatitig sa ‘kin. Patay na ba siya?
“Clean this mess,” utos ng lalaking nakamaskara sa mga lalaking kasamahan niya. “And you,” Napatalon naman ako sa kinatatayuan nang bumalik ang atensyon niya sa akin. “Come with me.”
Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam
Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng
Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay
Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko
Chapter 5: “IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin. Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince. Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko.
Chapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng