Chapter 2
“HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.”
Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter.
“Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.”
Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko.
Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib.
Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo nga ang hinala ko. Nung isang araw may napansin akong dalawang lalaki na sumusunod sa akin. Buti na lang at kabisado ko ang pasikot-sikot sa bawat eskinita roon kaya madali ko lang silang naiwala. Natakasan ko sila. Pero hanggang kailan ako magiging ligtas? Kaya nga simula noong isang araw, hindi na ako umuuwi sa apartment. Sa tingin ko ay mas ligtas ako kung dito lang ako sa club. Mas gusto kong napapalibutan ng maraming tao. Ayokong mapag-isa.
Isa pa, simula rin nung gabing iyon, lagi na lang sumasakit ang ulo ko. Kung hindi sa panaginip, may bigla-bigla na lang sumasagi sa isip ko. Mga imahe; dugo, baril, mga walang buhay na katawan… ang mas nakakainis pa, hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Hindi ko alam kung sino-sino sila.
Hindi ko alam kung bakit ang mga imaheng iyon ang paulit-ulit ko na lang nakikita simula nang nakaharap ko ang lalaking nakamaskarang iyon. May kinalaman kaya siya sa lahat ng mga nakikita ko?
“Oh! Tulala ka na naman!”
Nabalik ang atensyon ko kay Tina nang tapikin niya ang braso ko. Siya naman ngayon ang umirap sa akin.
“Kung masakit talaga ang ulo mo, magpahinga ka na lang diyan. Ako nang bahala sa mga customer. Hindi naman sila gaanong marami kaya keri lang.” Kumindat siya sa ‘kin bago siya lumapit sa customer na tumawag sa kaniya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa isang lalaking mag-isang nakaupo sa may bar counter katapat ng kinaroroonan ko. Pinanatili ko ang tingin sa kaniya nang ilang minuto, inoobserbahan ang bawat kilos niya.
Target locked. Ngumisi ako sa naisip.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan at dahan-dahang naglakad palapit sa direksyon ng lalaki. Wala siyang ibang kasama. Sigurado ako roon dahil ni isa ay walang lumalapit sa kaniya. May iilang mga mapang-akit na tingin mula sa mga babaeng halatang naglalaway sa kaniya. Pero ni isa sa kanila ay walang nagtangkang lapitan siya.
Matamis na ngiti ang iginawad ko sa kaniya nang lumingon siya sa gawi ko. Hindi ko na naitago ang pagkagulat nang makita kung gaano ka gwapo sa malapitan. May makapal na kilay at pilik-mata, matangos na ilong, maayos ang pagkaka-depina ng magkabila niyang panga, at ang mga labi niyang mukhang sobrang lambot-- nabalik ang tingin ko sa kaniyang mga mata. May kung anong emosyon ang nagtatago roon. Napaka misteryoso… nakalulula.
“Hi…” Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa uri ng boses na lumabas sa bibig ko.
May kung ano talaga sa mga mata niya… para akong unti-unting hinihigop. Hindi ko maalis ang titig sa kaniya. Nanatili ang matamis na ngiti sa labi ko, ngunit sa halip na batiin niya ako pabalik ay nagsalubong lang ang mga kilay niya saka ako tinalikuran.
Umawang ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Ito ang unang beses na may nagpakita ng kawalan ng interes sa akin. Madalas ang mga customer mismo ang gumagawa ng paraan para lapitan ko sila, tapos itong lalaking ‘to… dedma lang ako?
Muli akong ngumiti. May misyon ako ngayong gabi at siya ang napili kong gawing target kaya hindi uubra sa akin ang pagiging suplado ng gwapong ito. Hindi mo pwedeng sabayan ang kaartehan ng lalaking ‘yan, Coreen. Kailangan mong magka-pera ngayong gabi.
“May kailangan po ba kayo, sir? Baka may gusto po kayong i-order--”
“Leave,” malamig niyang sabi sabay lagok ng kaniyang inumin.
Awtomatikong tumaas ang kilay ko, pero muli akong ngumiti at mas lumapit pa sa kaniya. Saglit niya akong binalingan. Mas pinalawak ko pa ang ngiti ko pero nagsalubong lang ulit ang mga kilay niya.
“I told you to leave. I’m not looking for a whore to fuck tonight.”
Naitikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang unti-unting pagkaputol ng manipis na pasensyang baon ko ngayong gabi.
“Sir, waitress ho ako rito. Trabaho ko pong tanungin kung may kailangan kayo bilang customer namin--”
“I really hate beauty without brain. Didn’t you get what I said? Do you want me to repeat my words?” aniya sa mas iritadong boses. Mas lalo pang nagsalubong ang mga makakapal niyang kilay nang tuluyan na siyang humarap sa akin. “Leave. Or do you want me to call your manager?” banta niya na tuluyang nagpakulo ng dugo ko.
“Sir, para malaman niyo, tangina ka! Kinakausap ka nang maayos tapos ang bastos bastos mo?! Akala mo kung sino ka? Hoy! Para malaman mo, nabu-bwisit din ako sa mga lalaking pogi nga pero wala namang manners sa katawan! Porket waitress lang ako rito, pwede mo na akong bastusin na lang? Leche ka!”
Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko pagkatapos ng litanyang ‘yun. Ramdam ko rin ang mga matang nakatingin na rito sa gawi namin. Bigla tuloy akong nagsisi sa pagsigaw ko. Siguradong mapapagalitan ako ni Madam Georgia nito. Kainis!
Sinundan ko siya ng tingin nang pabagsak niyang binitawan ang hawak na shot glass saka tumayo. Napatingala ako nang matantong sobrang tangkad pala ng bwisit na lalaking ito. Nagtama ang mga mata namin. Pasimple akong napalunok nang mariin niya akong tinitigan sa mga mata.
“You’re such a fucking nuisance,” may diin ang bawat salitang iyon. Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil mabilis pa sa alas kwatro ang pagtalikod niya at naglakad paalis.
Matatalim na titig ang ipinukol ko sa likod niya habang pilit na pinapakalma ang sarili. Napaka-arogante! Nakakagigil!
Nang nawala na siya sa paningin ko ay dumapo ang tingin ko sa high stool na inupuan niya. Tinitigan ko nang mabuti ang bagay na naroon at mabilis akong napangisi nang makita ang isang itim at mukhang mamahalin na wallet doon.
Ang bilis nga naman dumating ng karma!
Agad akong luminga-linga at pasimple kong kinuha ang wallet at itinago iyon sa loob ng bra ko. Bahagya ko pang itinaas ang tube top ko para masiguradong hindi iyon halata. Hindi ko na napigilan ang paglawak ng ngisi ko.
Nakita ko sa ‘di kalayuan si Tina na nakatingin sa direksyon ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Umiling siya at nagpatuloy sa pagse-serve ng mga customer. Hindi siya sang-ayon sa ginagawa ko. Pero dahil wala naman siyang magawa, hinahayaan niya lang ako.
Babalik na sana ako sa pwesto ko kanina nang biglang may hindi lang limang armadong mga lalaki ang pumasok ng club. Sigawan ng mga customer ang sunod kong narinig hanggang sa nagkagulo na ang lahat nang nagpaputok ng baril ang isa sa kanila.
Natataranta kong tinungo ang kinaroroonan ni Tina. Pero agad akong natigilan nang makilala ang isa sa mga armadong lalaki. “Shit!” Isa ang lalaking iyon sa mga humahabol sa akin noong nakaraan!
Sa halip na hanapin si Tina ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng club. “Tabi! Tabi! Padaanin niyo ‘ko! Tabi!” sigaw ko sa bawat taong nakaharang sa daan. Kagaya ko ay takot at natataranta na rin sila. Pero mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko ngayon. Ako ang hinahanap ng mga lalaking iyon. Siguradong ako ang pakay nila!
Nang makalabas na ako ay agad akong nakihalo sa mga taong nagtatakbuhan, ngunit may kung sinong humila sa akin palayo. Hindi na ako nakagalaw nang takpan ng panyo ang ilong at bibig ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
***
“Tumawag na ba si Boss? Ano raw gagawin natin dito?”
“Ang sabi patahimikin. Sayang ‘to, pre. Maganda sana. Ang kinis at ang puti pa.”
Kanina pa akong gising. Kanina pa rin akong nagpapanggap na walang malay. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang, ang mga lalaki kanina sa club ang dumukot sa ‘kin.
Ramdam ko ang lamig ng hinihigaan kong sahig. Kanina pa nga sumasakit ang likod ko dahil sa pagkasalampak ko sa sahig, pero tiniis kong ‘wag gumalaw. Isang maling kilos lang, siguradong malalaman nilang gising na ako.
“Pupunta ba si Boss dito? O tayo na ang magdidispatsa sa babaeng ‘yan?”
Nahigit ko ang paghinga nang marinig iyon. Walang kung anong nakatali sa mga paa at kamay ko. Wala ring nakapiring sa mga mata ko. Siguro iniisip ng mga lalaking ito na wala akong laban sa kanila kaya hindi na sila nag-aksayang igapos ako.
“Eh kung didispatsahin din naman, edi samantalahin na natin ‘to! Jackpot na tayo rito, pre!” sabi ng isa sa kanila na sinundan ng nakaririnding tawa ng mga kasamahan niya.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang paghaplos ng magaspang na kamay sa hita ko. “Baka naman gusto ni Boss na siya ang mauna rito. Ayos lang naman sa ‘kin kahit tira-tira na lang.”
Sa kabila ng labis na kaba at takot ay pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi ako pwedeng gumalaw o gumawa ng ingay. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dito. Pero paano?
“Hoy! Kayo diyan! Lumabas daw muna kayo. Nandito na si Boss.”
Tila sagot sa panalangin ko ang taong tumawag sa mga lalaki rito. Nang silipin ko sila ay nakita kong isa-isa na silang nagsilabasan. Ilang minuto pa muna akong nakiramdam bago ako bumangon at nilibot ng tingin ang paligid.
Isang silid. Magulo. Nagkalat ang mga lumang gamit sa sahig. Mukhang bodega kung titingnan. Isang maliit na bumbilya lang din ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid, hanggang sa makakita ako ng pwede kong madaanan. Isang maliit na butas sa may gilid na natatabunan ng luma at butas-butas nang plywood. Hindi ko alam kung saan patungo ang butas na iyon. Hindi ko rin alam kung gaano kalaki ang butas at kung kakasya ako roon, pero kailangan ko pa ring subukan para makaalis na ako rito. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Kung ano man ang plano ng mga lalaking dumukot sa akin, siguradong ikasasama ko iyon.
Dahan-dahan akong gumapang at tinuklap ang plywood. Pinagkasya ko ang katawan sa maliit na butas hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng silid. Laking pasalamat ko nang tuluyan na nga akong nasa labas ng kung anuman ang lugar na ito. Agad akong luminga-linga sa paligid. Madilim. Walang tao. Siguro ay nagtipon-tipon ang lahat sa pagdating ng boss nila. Hindi na ako nagtagal sa kinaroroonan at kumaripas na ng takbo.
“Nakatakas ang babae!” rinig kong sigaw ng kung sino sa pinanggalingan ko. Dahil doon ay mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.
Hindi ko alam kung saang direksyon tutungo. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Patuloy lang ang takbo ko nang hindi lumilingon sa likuran. Nang makita ko ang kakahuyan sa may hindi kalayuan ay hindi na ako nagdalawang-isip na roon magtago.
Sa kabila ng malamig na simoy ng pang-gabing hangin, tagaktak pa rin ang mga pawis ko. Habol ang hininga at unti-unti nang nauubusan ng lakas, pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo. Tanging mga gangis lang ang naririnig ko sa paligid. Wala nang bakas ng mga paang humahabol sa akin. Bahagya akong napanatag nang paglingon ko ay wala na ang mga nakasunod sa akin.
Dala ng labis na pagod ay hindi ko na magawang tumakbo pa. Mahapdi na ang mga paa ko marahil dahil sa mga sugat na natamo ko sa katatakbo nang naka-paa.
"Ayun siya!” rinig kong sigaw sa hindi kalayuan kasabay ng pag-alingawngaw ng putok ng baril.
Kahit na halos wala nang lakas ay muli akong tumakbo. Naghalo na ang pawis at luha sa mukha ko habang tumatakbo. Pinagsabay na hingal at hagulgol ang lumalabas sa bibig ko habang tinatahak ang kakahuyan.
Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko naman ginusto na makita ang krimen nila. Hindi ko ginustong madamay sa ka-demonyohan nila. Bakit ba ang malas-malas ko?
“Hoy!” muling sigaw ng lalaki pero hindi ako tumigil ni lumingon sa kanila. Napaigtad ako nang muling marinig ang putok ng baril.
“Ahh!” d***g ko nang maramdaman ang matinding sakit sa kaliwang braso ko. Ramdam ko rin ang dahan-dahang pagdaloy ng likido mula roon. Nang hawakan ko ang bandang iyon ay agad na napuno ng sariwang dugo ang palad ko. “Shit!” nasabi ko na lang saka mas binilisan pa ang pagtakbo.
Walang katapusang pagtakbo ang ginawa ko hanggang sa naabot ko na ang dulo ng kakahuyan. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na nasa kalsada na ako gayong wala namang ni isang sasakyan ang naroon. Marahas kong pinunasan ang mukha ko saka tinungo ang direksyon ng kalsada.
Kasabay ng bawat hikbi ko ay ang dalangin ko na sana ay may magligtas sa akin. Pagod na ako. Sobrang sakit na ng mga paa ko. Namamanhid na rin ang sugatan kong braso. Ayoko na dito. Gusto ko nang makalayo sa mga masasamang taong gusto akong patayin.
Nasa gilid na ako ng kalsada nang saktong may isang sasakyan ang paparating. Hindi na ako nagdalawang isip at agad akong tumakbo papunta sa gitna ng kalsada para harangin ang paparating na sasakyan.
Napapikit ako nang nasilaw sa matinding liwanag mula sa headlight ng sasakyan. Rinig ko ang sunod-sunod na pagbusena nito pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Lalo ko pang diniinan ang pagpikit ng makaramdam ng unti-unting pananakit ng sentido ko.
Nangyari na ito sa akin. Nakamaskarang lalaki rin kaya ang sakay ng kotseng ito?
Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay
Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko
Chapter 5: “IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin. Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince. Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko.
Chapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng
Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam

Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng