Chapter 1
“PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!”
Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya.
“Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita.
Lasing na nga. Manyak na, e.
Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum.
“Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?”
Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya.
“Edi… pwede kitang ikama?”
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi.
Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam Georgia kapag gumawa ka ng eskandalo rito.
Kagaya ng lagi kung ginagawa sa ganitong klaseng sitwasyon, ilang beses akong simpleng humugot ng malalim na hininga at pilit na pinapakalma ang sarili. Kating-kati na ang kamao kong bigwasan siya, pero hindi pwede. Hindi ko pa natatapos ang misyon ko para sa gabing ito.
“Pwede naman… kaso… baka ‘di mo ako afford,” pinanatili ko ang lambing sa boses ko, saka dahan-dahang ginapang ang kamay mula sa kaniyang magaspang na pisngi, pababa sa leeg, dibdib, tiyan, hanggang sa bulsa ng pantalon niya.
“May pera ako. Kaya kitang bilhin… just… name your price.”
“Uh, sir, sorry, pero kailangan ko na pong bumalik sa trabaho. Kung gusto niyo, balikan ko na lang kayo mamaya.” Kininditan ko siya at tumayo na. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Agad na akong umalis at bumalik sa pwesto ko kanina.
Mas lalo pang lumapad ang ngisi ko nang nasa kamay ko na ang wallet ng manyak na lalaking iyon.
Mabibili pala ha? Tingnan natin kung saan ka pupulutin ngayong wala ka nang pera.
Taliwas sa sinabi ko sa manyak na lalaking iyon, hindi ko na siya binalikan. Mukhang wala rin naman siyang alam sa ginawa ko at nagpatuloy lang siya sa pagmamasid sa mga tao sa paligid. Lalo na sa mga sexy na babaeng dumadaan.
“Coreen, ikaw na muna mag-serve do’n sa isang customer sa may gitnang table. Trip yata ako ng lalaking ‘yun. Anong akala niya sa ‘kin? Prosti? Hindi niya ba makitang waitress ang trabaho ko rito? Kainis!” Tinaasan ko ng kilay ang kasamahang si Tina. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
“Ang ganda mo kasi. Kaya ka napapagkamalang prostitute!” Hindi ko na napigilang tumawa nang akma niya akong sasabunutan.
“Alam kong maganda ako, pero hindi ako prostitute. Manigas siya roon! Hinding-hindi niya makukuha ang virginity ko!”
Tumawa na lang ulit ako saka umirap sa kaniya. Ginawa ko rin naman ang sinabi niya. Ngunit hindi pa man ako nakararating sa table ng itinuro ni Tina, natigil ako sa paglalakad nang biglang humarang sa harapan ko ang lalaking manyak kanina.
“Nasaan ang pitaka ko? Kinuha mo, ‘di ba?” pang-aakusa niya.
“Huh? Baka naman nagkakamali ka lang, sir. Wala po akong kinukuha sa inyo,” maang kong sagot at magpapatuloy na sana sa paglalakad, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
“Ibalik mo sa ‘kin ang pitaka ko kung ayaw mong mapasama sa akin,” may bahid na ng galit at pagbabanta sa boses niya.
“Wala nga akong kinuha sa ‘yo. Pwedeng bitiwan niyo ako? May trabaho pa ako--”
“Ah! Ayaw mo talagang ibalik sa ‘kin?” Tinaasan ko siya ng kilay pero agad din namang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hilain palabas ng club. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko dahilan para mabitawan ko ang hawak na bote ng alak.
“Sir! Bitiwan mo ako! Ano ba!” protesta ko ngunit patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan niya na akong mahila palabas ng club. “Sabi nang bitiwan mo ako, e!”
Nang makatyempo ay mabilis akong pumiglas sa pagkakahawak niya, saka sinipa nang malakas ang tuhod niya. Namilipit siya sa sakit kaya ginawa ko iyong pagkakataon para tumakas.
***
Sapo ang aking dibdib, mas lalo pa akong sumiksik sa madilim na eskinita. Pigil ko ang paghinga habang dahan-dahang sumilip sa kalsada na dinaanan.
“Kabanas naman! Ayaw niya ba talaga akong tigilan?” inis kong sambit nang makita sa may hindi kalayuan ang lalaking manyak na kanina pang humahabol sa akin.
Malayo na ang tinakbo ko mula sa club, pero ito pa rin siya at hinahabol ako. Nakakainis! Akala ko ba lasing na siya? Sa bilis niyang tumakbo, bakit parang wala namang epekto sa kaniya ang alak na ininom niya kanina?
Ilang sandali pa akong nanatiling nakatago sa kinaroroonan ko, hanggang sa masigurong nakaalis na ang manyak.
Isang hingang malalim ang pinakawalan ko nang mawala na ito sa paningin ko. Hindi pa rin humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko pero kung ikukumpara kanina, mas mahinanon na ito ngayon.
“Bwisit ha! Pinatakbo niya pa ako nang napakalayo tapos wala naman palang laman itong wallet niya?!” Mas lalo pang uminit ang ulo ko nang paghalungkat ko sa wallet ng lalaki ay isang libong papel lang talaga ang naroon! “Jusko! Akala mo naman kung gaano ka laking halaga ang laman nito! Isang libo lang pala?! Ano? Isang libo lang ang halaga ko kung gano’n? Leche siya!” hindi ko na napigilang sumigaw.
Sa inis ko ay hinagis ko na lang sa kung saan ang walang kwenta niyang wallet. Nang biglang umihip ang pang madaling-araw na hangin ay saka lang ako nakaramdam ng lamig. Bahagya kong itinaas ang tube top na suot para kahit papaano ay hindi gaanong lumuwa ang dibdib ko.
Uuwi na lang ako. Tutal malayo na rin naman ako sa club, hindi na ako babalik doon. Ihahanda ko na lang ang sarili sa sermon ni Madam Georgia bukas. Bahala na!
Habang pauwi sa inuupahang apartment, naisipan kong doon na dumaan sa tabing ilog na siyang shortcut pauwi. Pagod na akong maglakad. Idagdag pa na naka-three inches heels ako ngayon. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, sana ay nag flats na lang ako. Tss!
Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko na ang madilim na parte ng daan. Saktong nasa tabing ilog na ako nang makarinig ako na parang may nag-aaway. Mula sa kinaroroonan ko ay mahina lang ang mga boses kaya huminto ako para mas mapakinggan iyon nang maayos.
“Parang awa niyo na, boss! Kapapanganak lang ng asawa ko. Hindi pa nga nakalalabas sa ospital ang mag-ina ko. Kaunting palugit naman, po. Sa katapusan! Pangako!”
“Ilang beses ka na bang nabigyan ng palugit? Ano bang pakialam namin sa nanganak mong misis? ‘Di ba sabi ko, ang usapan ay usapan?!”
Kumunot ang noo ko sa narinig. Luminga-linga ako para hanapin ang kinaroroonan ng boses. Nang pagtingala ko sa lumang tulay, nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Hindi lang isang beses na sinaksak ng lalaking nakaitim ang lalaking hawak ng dalawang kasamahan niya na puro nakaitim din!
Para akong naistatuwa sa kinatatayuan dahil sa nakita. Nang bumagsak ang duguan at mukhang wala nang buhay na biktima ay pinagtulungan naman itong binuhat ng dalawang lalaki at hinulog sa ilog.
Sa gulat ay hindi ko na napigilan na mapatili. Agad ko naman iyong pinagsisihan nang makuha ko ang atensyon ng tatlong lalaki. “W-Wala akong n-nakita!” Mabilis akong umiling sabay takbo ng napakabilis.
“Hulihin niyo siya!” rinig kong sigaw ng isa sa kanila kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.
Ilang beses na akong natapilok dahil sa suot na heels kaya nagmamadali ko itong hinubad at hinagis na lang sa kung saan.
Kailangan kong makalayo sa kanila! Ayoko pang mamatay!
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nadapa, pero mabilis akong tumatayo at patuloy lang sa pagtakbo.
Wala na akong ideya kung nasaan na ako, ang alam ko, nalagpasan ko na ang daan paliko sa apartment ko, pero wala akong pakialam! Kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo para matakasan ang mga lalaking iyon!
Bahagya akong napanatag nang nasa sementadong kalsada na ako. Hindi na ako nagdalawang isip na tumawid para tuluyan nang maiwala ang mga humahabol sa ‘kin. Pero nang nasa gitna na ako ng daan ay bigla akong nasilaw sa headlight mula sa paparating na sasakyan.
Madalas, inis na inis ako sa mga bida sa teleserye kapag ganitong masasagasaan na sila. Wala silang ibang ginagawa kundi ang tumayo lang at hintayin na masagasaan sila. Pero ngayon na nasa parehong sitwasyon na ako, nakakabwisit man, pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan, habang nakapikit at hinihintay ang katapusan ko.
Alam kong wala akong karapatang tawagin Siya sa ganitong sitwasyon. Pero sana… marinig niya ang panalangin ko.
“God damn it!”
Napatalon ako nang dumagundong ang malakulog na boses na iyon. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at agad sumalubong sa paningin ko ang isang lalaking naka-tuxedo at may suot na maskara na sakop ang buong mukha. Tanging ang kaniyang asul na mata lang ang nakikita ko. Hindi ko man kita ang mukha niya, sapat na ang kaniyang nagngangalit na mga mata para madagdagan ang takot na kanina ko pang nararamdaman.
Ngunit sa kabila ng labis na takot, pilit ko itong iwinaksi at mabilis na lumapit sa kaniya saka pinagdaop ang magkabilang kamay. Hindi ko na napigilan ang mga luha sa pagbuhos.
“P-Parang awa mo na… iligtas mo a-ako. May… may humahabol sa ‘kin… mga k-kriminal…” halos hindi ko na maisatinig nang maayos ang gusto kong sabihin.
Takot ako… takot na takot.
Sanay akong gumawa ng kalokohan, pero ni minsan ay hindi ko inasahan na makakakita ako ng aktwal na pagpatay sa isang walang laban na tao. Parang lalabas na yata ang puso ko sa sobrang takot at kaba.
“Please… iligtas m-mo ako…”
Ang munting pag-asa na tutulungan ako ng estrangherong kaharap ay agad na naglaho nang walang kung ano-ano’y bigla niyang pinalupot ang kanang kamay sa leeg ko. Pahigpit iyon nang pahigpit dahilan ng unti-unting pagkaubos ng hangin sa katawan ko. Hindi ako makahinga!
Mas lalo pa akong nilamon ng takot nang tumama ang tingin ko sa kulay asul niyang mga mata. May kakaiba roon. Kung titigan niya ako ay parang tagos iyon hanggang kaluluwa. Parang isang demonyong ano mang segundo ay handa na akong dalhin sa kadiliman.
“Ka…sama m-mo ba ang mga humahabol s-sa ‘kin? Papatayin mo r-rin ba a…ko?” buong tapang kong tanong. Ilang segundo ang nakalipas ay wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. “S-Sino ka?” dagdag kong tanong, ngunit hindi inaasahang sagot ang siyang nagpatindig ng mga balahibo ko.
“You will die if you find out who I am.”
Hindi ko maintindihan kung bakit ‘yun ang sinagot niya. Pero laking pasalamat ko nang bitiwan niya na ako saka tinalikuran. Bumagsak ako sa sahig habang sinusundan siya ng tingin. Bago pa siya tuluyang makabalik sa kotse niya at natigilan ako nang matamaan ng ilaw mula sa buwan ang batok niya.
A scorpion tattoo…
Napaka pamilyar ng tattoo na iyon. Sigurado akong nakita ko na iyon. Pero… saan?
Mabilis ang pagdapo ng mga kamay ko sa aking ulo nang makaramdam ng matinding sakit doon. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat.
Mariin ang pagpikit ng mga mata ko nang biglang makakita ng mga imahe. Ang scorpion tattoo, mga taong nagtatakbuhan, mga dugo sa sahig, mga patay na katawan, isang baril…
“AHHH!” tanging naisigaw ko bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.
Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng
Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay
Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko
Chapter 5: “IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin. Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince. Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko.
Chapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng

Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam