Share

Chapter 5

Author: Misherukiyo
last update Huling Na-update: 2022-08-24 16:42:31

Chapter 5:

“IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin.

Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince.

Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko. Hindi niya ba makita ang disgusto sa itsura ni Vince?

“Are you done?” tanong niya nang bumaling siya sa akin.

“Oo. Uuwi na ba tayo?”

Tango lang ang isinagot niya. Tinulungan ko siya sa pagkarga ng mga gamit sa kotse niya. Hanggang ngayon ay malagkit pa rin ang titig ni Mr. Kim sa kaniya. Nang napunta naman ang tingin niya sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay saka umirap.

“Bakit ‘di mo na lang pagbigyan ‘yang si Mr. Kim? Mukhang kulang na lang ay lumuhod siya para mapansin mo,” usal ko nang medyo makalayo na kami.

“Jealous?” taas ang isang kilay niyang sabi. Kumunot ang noo ko sabay iling.

“Feeling! Gwapo ka pero ‘di kita gusto, ‘no!” 

“Good.”

“Anong good?”

“I might have to fire you if I find out your simping over me.”

Sanay na ako sa kasupladuhan at sa hangin na dala ni Vince. Pero minsan talaga ay umaabot ako sa punto na gusto ko na lang siyang bigwasan. Ha! Oo gwapo siya. Pero marami rin namang gwapong nagkakagusto sa ‘kin, ‘no! Hindi lang siya ang nag-iisang gwapo sa mundo!

Nanahimik na lang ako imbes na patulan ang kahanginan niya. Pumasok na ako sa sasakyan at pinanood siyang umikot patungo sa driver’s seat. Normal na sa akin na lagi siyang naka-poker face. ‘Yung parang wala siyang pakialam sa mundo. Sa isang tingin pa lang ay agad nang mapapansin na suplado siya. Pero sa kabila ng katangian niyang iyon, hindi ko pa rin maiwasang magduda.

Vince… maliban sa pangalan at trabaho niya ay wala na akong ibang alam tungkol sa pagkatao niya. Ni hindi ko alam kung saan siya nakatira ngayon. Gaya ng sabi niya noon, tinuturing niya lang na studio ang condo unit niya. Dumadating siya sa condo tuwing umaga at umaalis ng hapon. Hindi ko na alam kung saan siya pumupunta pagkatapos. Minsan kapag may photoshoot at inaabot kami ng gabi ay ihahatid niya ako sa condo pero ni minsan ay hindi pa siya nagpalipas ng gabi roon simula nang doon ako tumira.

Wala naman talaga akong pakialam tungkol sa pagkatao ni Vince. Pero simula nang makita ko rito mismo sa loob ng kotse niya ang pendant na may nakaukit na scorpion at initials na MDF, hindi ko na mapigilan ang kuryosidad ko sa kaniya. Malakas kasi ang pakiramdam ko na hindi lang coincidence na kapareho ng emblem ng Mafia De Feo ang pendant na nakita ko rito.

“You’re idling. Don’t think too much. Don’t worry, I was just kidding. I won’t fire you,” sabi niya saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Tahimik ako buong byahe pauwi sa condo niya. Marami ang bumabagabag sa isip ko. Simula nang magtrabaho ako kay Vince, wala na ang mga lalaking humahabol sa akin. Isa pa, noong gabing tumakas ako sa mga dumukot sa ‘kin, sa dinami-rami ng pwedeng dumaan sa kalsada sa mismong oras na iyon, bakit siya pa? Alam niya ba na naroon ako? May koneksyon kaya siya sa mga taong iyon? Pati ang pendant-- bakit may gano’n siyang pendant? Sa kaniya ba talaga ‘yun? Miyembro rin kaya siya ng Mafia De Feo?

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa harap ng condominium building niya. Nang tumikhim siya ay agad akong napalingon sa gawi niya.

“Gabi na. Uuwi ka pa ba?” panimula ko habang tinatantiya ang reaksyon niya. “Dito ka na lang kaya matulog? Tutal maaga ka rin naman pupunta rito bukas, ‘di ba?”

“I still have things to do,” simpleng sagot niya.

“May trabaho ka pa? Saan? Pwede kitang samahan kung gusto--”

“No. Your work as my PA for today is done. Now, get off the car and rest. I need to go.” Hindi ko sinunod ang gusto niya. Nanatili ako sa pwesto ko at tinitigan siya. Hindi na ako nag-abala pang itago ang kuryosidad ko sa kaniya. Nang lumingon siya sa akin ay magkasalubong na ang mga kilay niya. “What are you doing? I said get off.”

“Hindi ko alam kung pa-mysterious type ka lang talaga o ano…” wala sa sarili kong sambit. Huli na nang matanto kong hindi ko dapat iyon sinabi. Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay niya. Halatang naiirita na siya.

“Quit talking nonsense, Coreen. Get out of my car. Now.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago kinalas ang seatbelt. Pero bago ako bumaba ng sasakyan ay muli ko siyang nilingon saka ngumiti. “Salamat sa paghatid. Ingat ka sa lakad mo.”

Mismong pagkababa ko ng sasakyan ay agad itong humarurot paalis. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa unti-unti itong naglaho sa paningin ko.

Naiintindihan kong lahat ng tao ay may itinatagong sekreto. Pero kay Vince, may kung anong tumutulak sa akin para alamin ang mga sekreto niya. Pakiramdam ko, kapag nalaman ko ang kahit isang lihim niya, makakakuha ako ng kasagutan sa maraming tanong na gumugulo sa isip ko.

***

Sa sumunod na araw, hindi nagpakita si Vince. Kung tutuusin ay dapat matuwa ako dahil ibig sabihin no’n ay wala akong trabaho buong araw. Malaya kong magagawa kung ano man ang gusto kong gawin. Kanina lang ay naisipan kong bisitahin si Tina sa club pero natatakot akong baka naroon ang mga lalaking laging nakasunod sa ‘kin.

Buong araw akong nakatunganga lang sa unit niya. Buong araw ko ring ramdam ang labis na pagkabagot. Hapon nang naisipan kong umidlip muna.

Tagaktak ang pawis ko habang walang tigil sa pagtakbo. May humahabol sa ‘kin. Isang lalaking nakaitim, may hawak na baril at gusto akong patayin. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ko, pero patuloy pa rin ako sa mabilis na pagtakbo. Takot na baka maabutan. Natigil ako nang makita ang tatlong taong nakaluhod habang kaharap ang lalaking kanina’y humahabol sa ‘kin. Paanong nandito na siya sa harapan ko?

“’Wag niyo po kaming patayin! Wala po kaming kinalaman sa kanila. Wala po kaming kasalanan sa inyo!” pagmamakaawa ng nakaluhod na lalaki.

“Wala kaming nilabag sa batas ninyo! Bakit kami ang sinisisi niyo?” sigaw naman ng kasama niyang babae habang umiiyak. “Parang awa niyo na! Kahit kami na lang po! ‘Wag na ang anak namin!” dagdag nito saka binalingan ng tingin ang batang babae na walang malay at nakahandusay ilang metro lang ang layo mula sa kanila.

Nabalik ang tingin ko sa kanila nang umalingawngaw ang isang putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting bumagsak sa sahig ang lalaking nagmakaawa kanina. Dilat ang mga mata habang umaagos ang saganang dugo mula sa sentido niya.

“Napakasama niyong tao! Akala niyo ba matatakasan niyo itong ginawa niyo sa amin? Mabubulok kayo sa impyerno sa kasamaan niyo!” muling sigaw ng babae at sinundan iyon ng isa pang putok ng baril kasunod ang pagbagsak niya sa sahig. Hindi pa man ako nakakabawi sa nasaksihan ay muli kong nahigit ang paghinga nang makita na dahan-dahang naglakad palapit sa akin ang lalaki habang hawak pa rin ang kaniyang baril.

“’Wag... parang awa mo na... ayoko pang mamatay... wala akong kinalaman sa kanila...” Gusto kong tumakbo, ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Wala akong  magawa kundi hintayin ang tuluyan niyang paglapit sa akin.

Walang imik niyang ipinalupot ang kamay sa aking leeg. Pahigpit nang pahigpit hanggang sa unti-unti akong nauubusan ng hininga.

“Parang awa mo na...” namamaos kong sambit saka hinawakan ang damit niya. Laking gulat ko nang tumambad sa paningin ko ang pendant ng kwintas niya. MDF... Scorpion...

Mas lalo pa akong nagpumiglas nang itinutok niya sa akin ang hawak niyang baril. Isang kalabit ng gatilyo at sinundan iyon ng nakabibinging putok.

“HINDI!!!” Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Habol ang hininga at halos tumalon na palabas ang puso ko dahil sa sobrang lakas at bilis ng kabog nito. Gamit ang nanginginig na kamay ay inabot ko ang lampshade sa bedside table at binuhay ang ilaw nito.

Isinandal ko ang sarili sa headboard at niyakap ang unan. Tinitigan ko ang pader sa harapan habang pilit na pinapakalma ang panginginig ng buo kong katawan.

Panaginip…

Nanaginip na naman ako. Parehong panaginip ngunit may kakaiba sa panaginip ko ngayon. Para bang naroon ako sa mismong pangyayari at pinapanood ang lalaking walang awang pinatay ang mga taong hindi ko mamukhaan. Habang unti-unting tinatakasan ng buhay ang mga biktima ay naroon ako, nakatayo at nakatulala.

Nang may maalala ay dali-dali kong tinungo ang kabinet at hinanap ang pendant na nakuha ko sa sasakyan ni Vince. “Mafia De Feo…” naisatinig ko habang nakatitig doon. Binalot ng kilabot ang dibdib ko nang kuminang ang initials na MDF dahil sa ilaw mula sa labas ng bintana. Maging ang hugis scorpion sa gitna ng pendant ay kumikinang din. Ito mismo ang nakita ko sa panaginip. Ito ang suot ng lalaking may hawak na baril.

“Ano ba talagang mayroon sa iyo? Bakit ba ayaw mo akong lubayan? Anong kinalaman ko sa inyo?” basag ang boses kong sambit. Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling ganoon hanggang sa may ideyang pumasok sa isip ko.

Dali-dali akong naghanap ng jacket at walang pagdadalawang-isip na lumabas ng condo. Maliban sa pendant, cellphone at pitaka ay wala na akong ibang dala. Pinara ko ang taxi na dumaan at nagpahatid sa nightclub na dating pinagtatrabahuan ko.

Sinalubong ako ng malamig na hangin pagkababa pa lang ng taxi. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi umubra ang jacket na suot ko sa lamig ng simoy ng hangin.

Centerpoint iyon ang nakasulat sa karatula ng nightclub ni Madam Georgia.

Ilang linggo na rin mula nang huli akong nakapunta rito. Simula nang dukutin ako ng mga lalaking palaging nakasunod sa akin, hindi na ako muling nagpunta rito. At ngayon na nasa harapan ko na ang gusaling ito, muling nanumbalik ang takot na naramdaman ko no’ng gabing iyon.

“Ito lang ang tanging paraan, Coreen. Kailangan mo ‘tong gawin para masagot na ang lahat ng katanungan mo…” bulong ko sa sarili sabay hugot ng malalim na hininga. Napatalon ako sa kinatatayuan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang caller ID ay nakita ko ang pangalan ni Vince. Gusto ko mang sagutin iyon, ngunit mas nanaig ang boses sa isip ko at pinatay ang tawag.

Nilibot ko ng tingin ang paligid sa pagbabaka-sakaling makikita ko kahit isa lang sa mga lalaking iyon. Nang wala akong makita ay nagsimula akong maglakad patungo sa lumang tulay sa may tabing ilog kung saan ko nasaksihan ang pagpatay ng mga taong iyon sa walang kaawa-awang lalaki.

Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa mismong lugar na iyon. Dis oras na ng gabi at wala nang mga taong naglalakad rito. Madilim ang lugar. Ilaw mula sa mga kabahayan sa hindi kalayuan lang ang nagsisilbing ilaw rito.

Kaya takot ang mga taong dumaan dito dahil maliban sa walang kailaw-ilaw ang daanan ay sinasabing maraming mga adik ang tumatambay rito. May minsan na ring muntik nang may ginahasa rito.

“Please… magpakita na kayo. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito…” paulit-ulit kong sambit hanggang sa narating ko na ang lumang tulay.

Hindi ko alam kung swerte ba itong matatawag nang makita ko ang hindi lang sampung lalaki ang naroon sa tulay. Nakatayo lang at tila nakaabang sa pagdating ko. Para bang alam nila na pupunta ako.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko at biglang nawala ang tapang sa sistema ko. Lalo na nang nagsimulang naglakad pababa ng tulay ang limang lalaki patungo sa direksyon ko. Mabagal silang naglakad palapit sa akin. Bawat hakbang nila ay isang hakbang naman paatras ang ginagawa ko.

Kinuyom ko ang magkabilang kamay para pigilan ang panginginig no’n. Pero hindi ko napigilang kumawala ang butil ng luha mula sa mata ko kasabay ng sunod-sunod kong pag-iling. Hindi ko kaya… Hindi ko sila kayang harapin… Natatakot ako…

Nang ilang metro na lang ang layo nila sa akin ay kumaripas ako ng takbo palayo sa kanila. Nang lumingon ako ay mas lalo lang akong kinabahan nang makitang hinahabol na nila ako.

Kabilang ba sila sa Mafia De Feo?

Maliban sa nakita ko doon sa lumang tulay, may iba pa kaya silang rason para patayin ako?

May kinalaman kaya iyon sa mga panaginip ko?

Pero anong kasalanan ang nagawa ko sa kanila?

Mariin akong pumikit nang makaramdam ng kirot sa aking ulo. Palala nang palala ang sakit mula roon ngunit patuloy pa rin ako sa pagtakbo para lang makalayo sa kanila.

Sana pala ay hinayaan ko na lang ang kuryusidad ko. Sana ay nanatili na lang ako sa condo ni Vince at hindi na nagpunta rito. Sana makaligtas ako… Sana…

Isang matigas na bagay ang nabangga ko dahilan ng pagbagsak ko sa lupa. Tatayo na sana ako ngunit nang makita ko ang pares ng sapatos sa aking harapan ay bigla akong natigilan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin hanggang sa salubungin ako ng isang pares ng asul na mga mata. Puting maskara ang siyang nagtatago sa mukha ng lalaking kaharap ko. Hindi man kita ang kaniyang mukha ay ramdam ko ang nag-aambang panganib dulot ng presensiya niya.

Ang scorpion tattoo…

Mafia De Feo…

Siya ang taong tinutukoy sa article na nabasa ko. Ang misteryoso at kinatatakutang lider ng Mafia De Feo.

“V-Vinicius De Feo…” huling naisatinig ko bago ako tuluyang tinakasan ng malay.

Kaugnay na kabanata

  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 6

    Chapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng

    Huling Na-update : 2022-12-18
  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 1

    Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam

    Huling Na-update : 2022-08-08
  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 2

    Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 3

    Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 4

    Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko

    Huling Na-update : 2022-08-22

Pinakabagong kabanata

  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 6

    Chapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng

  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 5

    Chapter 5: “IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin. Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince. Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko.

  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 4

    Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko

  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 3

    Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay

  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 2

    Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng

  • Behind the Mafia King's Mask   Chapter 1

    Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam

DMCA.com Protection Status