Chapter 3:
AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon.
“What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-”
Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako.
“S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya.
Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong.
Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay muling umalingawngaw ang putok ng baril mula sa kakahuyan.
Hindi na ako nag-atubiling lumapit sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya. “Please, parang awa mo na. Ilayo mo ako rito. Malapit na sila. Papatayin nila ako. Please…”
Lumingon siya sa may kakahuyan. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura bago niya ako hinila papasok sa loob ng sasakyan niya.
Para akong nabunutan ng tinik nang sumirado ang pinto sa gilid ko. Pinanood ko siyang mabilis na naglakad papuntang driver’s seat saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan na kaming nakalayo sa lugar na iyon. Walang imik siyang nagmamaneho habang ako naman ay hindi maalis ang tingin sa labas. Takot na baka nasundan kami ng mga lalaking humahabol sa akin.
“Salamat…” sabi ko sa mahinang boses. Hindi ko inaasahang sa lahat ng pupwedeng magligtas sa akin ay itong lalaking nakasagutan ko pa talaga ang dumating. Pero kahit na ganoon, malaki pa rin ang pasasalamat ko na niligtas niya ako.
“You’re being chased.” Hindi iyon tanong, pero marahan akong tumango bilang sagot.
“Nilusob nila ang club. May dala silang mga baril. Nagkagulo ang lahat ng mga tao roon. Tumakbo naman ako palabas kasama ng mga customer. Pero nakuha nila ako…” Muling kumawala ang luha sa mga mata ko.
Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon. Sa dinami-rami ba naman ng pwedeng malasin nang ganito, bakit ako pa? Malas na nga ako sa buhay, dumagdag pa ito.
“How are you related to those men?”
Saglit ko siyang nilingon. Nakatuon lang sa kalsada ang mga mata niya. Kahit sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa hitsura niya. Napaka-gwapo. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka perpektong mukha.
Isang beses akong napalunok saka iniwas na ang tingin sa kaniya. “Hindi ko sila kilala.”
“Then why are they after you?”
“Hindi ko alam,” pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kaniya ang totoong rason. Hindi ko kilala ang lalaking ito. Kahit na tinulungan niya akong makatakas ay hindi pa rin ako siguradong ligtas ako sa kaniya. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko siya, kaya pinili ko na lang na ‘wag nang sabihin iyon.
Hindi na nasundan ang tanong niya kaya hindi na rin ako nagsalita. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng mga paa at ng kaliwang braso ko. Pilit kong iniinda ang sakit habang nasa byahe kami.
Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Hindi rin ako nagtanong pa at inihilig na ang ulo sa bintana. Kita ko na ang unting-unting pagsikat ng araw mula sa silangan. Malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ko habang tinititigan ang bukang-liwayway. Ito na yata ang pinakamahabang gabi sa buong buhay ko. Ang daming nangyari. Hindi ko akalaing ilang oras lang ang nakararaan ay muntik na akong mamatay.
Muli na namang bumalik ang kaba at takot sa dibdib ko, ngunit hindi ko na iyon pinansin. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok. Nagising na lang ako nang maramdaman ang kamay na marahang nakahawak sa braso ko. Agad akong napadaing nang dumapo iyon ilang sentimetro lang ang layo sa sugat ko.
“The bleeding won’t stop,” aniya habang tinititigan ang sugat ko. May kinuha siyang panyo sa bulsa niya saka inabot iyon sa akin. Tinitigan ko lang iyon.
“Ayos lang ako.”
Tumaas ang isang kilay niya. “For now. Soon, you’ll drain all your blood and you’ll die.” Siya na mismo ang nagtali ng panyo sa may sugat ko. “You think I would let you die inside my car?”
Ngayon ko lang natanto na sa kabila ng labis na panghihina ng katawan ko ay kaya ko pa rin palang makaramdam ng inis. Naiinis ako sa paraan ng pananalita ng lalaking ito. Nakakainis man, pero inaamin kong may punto ang una niyang sinabi.
“Ibaba mo na lang ako sa ospital o sa kahit saang clinic na lang,” sabi ko.
Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Hinintay ko pang muli niyang buhayin ang makina ng sasakyan, pero sa halip ay bumaba siya saka pinagbuksan ako ng pinto. Kunot-noo akong tumingala sa kaniya. Hindi ko makuha kung anong ibig niyang sabihin, ngunit sinunod ko ang gusto niya. Bumaba ako ng sasakyan.
Kung ayaw niya akong dalhin sa ospital, ayos lang naman. Kaya ko namang pumunta mag-isa roon. Masyado lang yata akong umasa na totoong may malasakit ang lalaking ito sa akin para dalhin ako sa pagamutan. Kung sa bagay, sapat nang tulong ang ginawa niyang paglayo sa akin doon sa mga lalaking dumukot sa akin.
“Salamat.” Aalis na sana ako ngunit natigil ako nang muli siyang nagsalita.
“I’ll clean your wounds. Let’s go up.”
“Ha?”
Tiningnan niya ako sa paraan na parang ako na ang pinaka-bobong tao na nakausap niya. “I’m inviting you to my unit. I’ll help you clean your wounds.”
Nilibot ko ang tingin saka natantong nandito pala kami sa isang basement parking. Hindi ko ito napansin kanina. Masyado na yatang sabaw ang utak ko dahil sa rami ng mga nangyari sa akin.
“Ayoko. Salamat na lang,” tanggi ko sa sinabi niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit natigil na naman ako nang may sabihin siyang sadyang ikinagulat ko.
“Then give me back my wallet.”
“Ha?” takang tanong ko. Ilang segundo pa akong nag-isip hanggang sa naalala ko ang nangyari kagabi.
“Tss! Let’s go.” Hindi na ako nakaangal nang hawakan niya ang palapulsuhan ko saka hinila papunta sa elevator. Nang nasa tamang palapag na kami ay muli niya akong hinila patungo sa unit na tinutukoy niya. “Get in,” sabi niya sabay mahina akong tinulak papasok.
“T-Teka! ‘Di ba sabi ko, ayokong magpagamot sa ‘yo?” natatarantang pigil ko. Aba! Malay ko ba kung anong gagawin niya sa akin dito! Saka alam niyang kinuha ko ang wallet niya kaya mas lalong kailangan kong tanggihan ang imbitasyon niya!
Nasa hamba pa rin kami ng pinto nang mabilis akong umikot paharap sa kaniya. “Aalis na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa pagtulong sa ‘kin.”
Tinulak ko siya sa gilid para makadaan. Hindi niya naman ako pinigilan. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay natigil na naman ako.
“Yes. A woman just stole my wallet last night. She’s here. I’m bringing her to the police station.”
Literal na umawang ang bibig ko nang makitang may kausap na siya ngayon sa cellphone niya. Nakahalukipkip siya at prenteng sumandal sa dingding. Nagmamadali akong bumalik sa kinatatayuan niya.
“Anong ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong ngunit ngumisi lang siya. “Ano sabing ginawa mo?!”
“Give me my wallet. Let me help you with your wounds. That’s what I want. Or else, I’ll sue you for stealing my wallet.”
“Bwisit naman, eh! Sinabi nang--” Wala sa sarili akong napapadyak sa sahig ngunit agad ko rin ‘yung pinagsisihan nang maramdaman ang hapdi sa paa ko. Mahina ngunit malulutong na mura ang lumabas sa bibig ko.
“See? You’re unwell,” sabi niya kaya muling umangat ang tingin ko sa kaniya. “Get in.” Iminuwestra niya ang kamay para papasukin ako. Labag sa loob kong sinunod ang gusto niya.
Pagpasok ko pa lang ay agad napalitan ng pagkamangha ang inis ko sa kaniya. Hindi naman gaanong kalakihan ang unit na ito, pero masasabi kong lahat ng mga gamit na narito ay purong mga mamahalin. Neutral colors lang ang makikita sa paligid. Puti ang kulay ng dingding samantalang cream o di kaya’y brown naman ang kulay ng mga gamit.
Naagaw ang atensyon ko sa naglalakihang frames na nakasabit sa dingding. Purong mga photographies ang naroon. Iba-ibang lugar at mayroon ding mga larawan ng mga hayop. Saka ko napansin na puno ng picture frames ang unit niya.
“Gusto mo bang gamutin ang sugat mo? O matutulala ka na lang diyan?”
Maagap akong lumingon sa kaniya na ngayon ay may hawak nang first aid kit. Tinaasan ko siya ng kilay. “May pa english-english pa! Marunong ka naman palang magtagalog!” sabi ko pero agad kong itinikom ang bibig nang tumalim ang titig niya sa ‘kin. Nanahimik na lang ako saka hinayaan siyang linisin ang sugat ko.
“You’re lucky this wasn’t from the gunshot,” sabi niya nang sinimulan niya nang linisin ang sugat sa braso ko. Hindi ko akalaing ang dami ko palang natamong sugat kagabi lalo na sa paa ko. May mga gasgas din sa hita at binti ko dahil sa pagtakbo sa kakahuyan.
“Nagulat ako dahil sa putok ng baril. Hindi ko napansin na may sanga pala sa dadaanan ko kaya natusok ang braso ko,” sagot ko nang hindi tumitingin sa seryoso niyang mukha.
“You should stay away from those men.”
“Umiiwas ako! Pero sila ang habol nang habol sa ‘kin!” Ngayon na pinaalala niya na naman sa akin ang mga lalaking dumukot sa ‘kin, unti-unti na namang nabubuhay ang takot ko.
“Vercetti Cartel… Those men are dangerous,” bulong niya sa sarili. Hindi ko iyon narinig pero hindi na ako nag-abala pang itanong iyon sa kaniya.
Tahimik kong pinanood ang paglalagay niya ng kung anong gamot sa braso ko. Sobrang gaan ng kamay niya habang ginagawa iyon. Saka ko lang natantong hindi pa pala kami nagpapakilala sa isa’t isa.
“Ako si Coreen. Ikaw?” Saglit siyang tumigil sa ginagawa saka nag-angat ng tingin. Ilang segundo niya akong tinitigan pero sa huli ay pinagpatuloy niya lang ang paggamot sa sugat ko. “Tss!” Napairap na lang ako sa kasupladuhan niya. Gaano ba kahirap magpakilala? Kahit sabihin man lang ang pangalan niya, hindi niya pa magawa?
“You should change your clothes. I lend you my extra shirt,” sabi niya nang matapos na siya sa ginagawa.
“’Wag na. Salamat na lang.”
Hindi siya muling nagsalita, pero pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. “You look…” Kumunot ang noo niya na parang hirap siyang tapusin ang sinasabi niya. “Why are you wearing such kind of clothes? Is that your way of luring your customers?”
“Waitress nga sabi ako! P****k na ba talaga tingin mo sa ‘kin?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napapairap dahil sa lalaking ito. Napaka mapanghusga! Porket sa club ako nagtatrabaho?
“Are you happy with your work?” biglang seryosong tanong niya. Hindi agad ako nakasagot doon.
Hindi ako masaya. Iyon ang totoo. Pero may magagawa ba ako? Malaki ang utang na loob ko kay Madam Georgia dahil sa pagkupkop niya sa akin noon. High School lang din ang natapos ko kaya siguradong mahihirapan akong maghanap ng disenteng trabaho kung sakaling aalis ako sa club. ‘Tsaka nasanay na rin ako sa trabaho ko.
“Ayos lang sa ‘kin ang trabaho ko.”
“Be my assistant.” Nagtatanong na tingin ang binigay ko sa kaniya. “I’m looking for a personal assistant,” dagdag niya.
“Ano bang trabaho mo?”
“I’m a freelance photographer.”
Ngayon lang ako naliwanagan. Kaya pala maraming mga pictures rito. Malamang ay siya ang kumuha sa lahat ng mga naka-display rito.
“I’ll give you a good amount of salary. And you can stay here if you want. I don’t really stay here that much so you can have that room.” Sinundan ko ng tingin ang pinto na itinuro niya. “The other room serves as my studio.” Nabaling naman ang tingin ko sa katabi nitong pinto.
Inaamin kong nakae-engganyo ang offer niya. Pero… “Sorry, pero ayos na talaga ako sa trabaho ko sa club,” tanggi ko nang hindi siya nililingon. Paano naman iyon? Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan siya. Ni hindi niya nga masabi ang pangalan niya.
“Then should I bring you to the police station instead?” Nakataas na ang isang kilay niya nang lingunin ko siya. Kagaya ng nanunuya niyang tingin sa akin kanina.
“Alam mo, hindi ko kasalanan na tatanga-tanga ka at iniwan mo ang wallet mo! Tapos ngayon, may pulis ka pang nalalaman?!”
“Then you’re admitting that you really stole my wallet?”
Natameme ako dahil sa sinasabi niya. Maghahanap pa sana ako ng palusot ngunit tinalikuran niya na ako dala ang first aid kit na ginamit niya sa ‘kin.
“I won’t take no for an answer. I am hiring you as my personal assistant. You’ll start today. Now, you can go and get your things. I have a photoshoot this afternoon. Don’t ever try to run away if you don’t want to end up in jail. Do you get it?”
Gusto kong maiyak sa sobrang inis. Anong karapatan niya para i-blackmail ako ng ganito? Sino ba siya sa akala niya? Ayokong sundin ang gusto niya. Pero ano pa bang magagawa ko? Ayokong makulong. Paano na lang ang buhay ko kung sa kulungan ang bagsak ko?
“One more thing, I might need you to act as my girlfriend sometimes. If needed. Don’t worry. I’ll give you additional payment.”
Nagpupuyos ng galit kong tinungo ang pinto palabas. Walang imik kong binuksan ang pinto ngunit bago ko tuluyang maisarado ang pinto ay narinig ko ang huling sinabi niya.
“I’m Vince. My name is Vince Figueroa. And as long as you’re my assistant, you are safe with me.”
Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko
Chapter 5: “IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin. Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince. Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko.
Chapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng
Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam
Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng

Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay