Chapter 4:
TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong.
Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot…
Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon.
Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon?
“Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon.
Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko dahilan ng pagsikip nito.
Buong gabi akong nanatili sa ganoong posisyon. Ayoko nang bumalik sa pagtulog. Natatakot na akong mapanaginipan ulit iyon. Alas singko pa lang ng umaga ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto para maghanda ng agahan. Alas otso pa naman ang dating ni Vince pero minsan ay maaga siyang pumupunta rito at minsan ay dito rin siya nag-aalmusal.
Magda-dalawang linggo na akong nagtatrabaho bilang PA ni Vince. Magda-dalawang linggo na rin mula nung huling beses akong nagpunta sa club. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay naging tahimik naman ang buhay ko. Wala na ang mga lalaking palaging nakasunod sa akin. Pero ang mga panaginip na laging gumigising sa akin halos gabi-gabi ang siyang gumagambala sa akin.
Anong mayroon sa mga imaheng nakikita ko? Bakit iyon ang palagi kong napapanaginipan? Anong koneksyon ng mga panaginip ko sa scorpion tattoo?
Iilan lang ‘yan sa maraming tanong na tumatakbo sa utak ko habang nagkakape. Pilit ko iyong hinahanapan ng kasagutan, ngunit wala akong makapang sagot sa lahat ng iyon.
“Good morning,” bati ko kay Vince pagpasok niya. Kagaya ng lagi niyang ginagawa ay nagtimpla siya ng kape saka dumiretso sa island counter na siyang naghahati sa kusina at sala. Hindi na ako umasang babatiin niya rin ako pabalik. Sa dalawang linggong pagtatrabaho ko sa kaniya, sanay na ako sa kasupladuhan niya.
“What’s with your face?” kunot-noong tanong niya ilang minuto ang nakalipas. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Alam kong halata ang namamaga kong mga mata. Hindi kinaya ng concealer kong itago ang pamamaga no’n.
“Hindi ako nakatulog nang maayos,” simpleng sagot ko saka nagsimula nang maglinis. Hindi naman kasama sa napagkasunduan namin ang paglilinis sa condo niya, pero dahil dito rin naman ako nakatira, responsibilidad ko ang kalinisan ng buong lugar. Ayoko namang isipin ni Vince na burara akong tao.
“Did you cry?”
“Hindi.”
“Liar.”
Huminga ako nang malalim at nilingon siya. “Kapag ba sinabi kong umiyak ako, bibigyan mo ako ng pera?” Biro lang naman sana iyon pero nanlaki ang mga mata ko nang walang pagdadalawang-isip niyang hinugot ang pitaka mula sa bulsa niya. “Hoy! Ano ba! Biro lang naman! Ayos lang ako!”
Tinaasan niya ako ng kilay. “You’re broke that’s why you cried, right? Then here, go shopping. Buy decent clothes. I’m bringing you to a party later.” Inabot niya sa ‘kin ang limang libong piso kaya mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko.
“Totoo? Ipangsa-shopping ko lang ‘to?!” hindi makapaniwalang sabi ko, pero dali-dali kong kinuha ang pera na inabot niya. Mahirap na! Baka bigla na lang magbago ang ihip ng hangin at bawiin niya pa ang sinabi niya!
“Tss!”
Binigyan ko siya ng malawak na ngiti at nagmadali na akong naglinis sa sala. Sabihin na akong mukhang pera, pero totoong biglang gumaan ang mood ko dahil sa perang binigay niya.
“The party’s at six. Make sure to be home before five. I don’t want to be late.”
***
“Mafia De Feo…” sambit ko habang nakatitig sa screen ng computer. Narito ako ngayon sa isang computer shop. Taliwas sa sinabi ni Vince, dumiretso ako sa computer shop sa halip na mag-shopping. Hindi naman ako kagaya sa ibang mga babae na kukulangin ang isang araw para makahanap ng damit na masusuot. Isa pa, may mas importante akong kailangan gawin kaysa mag-shopping.
Ilang araw na ang ginugol ko para mag-research tungkol sa tattoo na nakita ko. Hindi madaling mangalap ng impormasyon tungkol doon, lalo na dahil hindi ko alam kung saan magsisimula sa paghahanap ng impormasyon. Nang hindi inaasahang napadpad ako sa isang article tungkol sa mga makapangyarihang mafia organizations at kabilang na roon ang Mafia De Feo. Ang scorpion tattoo sa batok ng lalaking nakamaskara ang siyang simbolo ng kanilang organisasyon. Iyon ang nakasaad sa article.
Noong una ko itong nalaman, literal na kinilabutan ako. Alam kong may kakaiba sa tattoo na iyon. Pero hindi ko akalaing may kinalaman iyon sa ganoong klaseng grupo.
“Vinicius De Feo… the mysterious and ruthless capo dei capi of Mafia De Feo, an Italian Mafia family…” Kumunot ang noo ko sa nabasa. “Capo dei capi? Ano ‘yun?” wala sa sariling utal ko.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa unti-unting gumuhit ang sakit sa sentido ko nang makita ang isang stolen picture ng sinasabing Vinicius De Feo. Isang lalaking may suot na kulay puting maskara. Kagaya ng lalaking nakaharap ko noon. Siya ba ang lider ng Mafia De Feo?
Habang inaalala ang gabing iyon, mas lalo pang tumindi ang pagkirot ng ulo ko hanggang sa hindi ko na mapigilang mapadaing.
“’Wag niyo po kaming patayin! Wala po kaming kinalaman sa kanila. Wala po kaming kasalanan sa inyo!”
“Wala kaming nilabag sa batas ninyo! Bakit kami ang sinisisi niyo?”
“Parang awa niyo na! Kahit kami na lang po! ‘Wag na ang anak namin!”
“Napakasama niyong tao! Akala niyo ba matatakasan niyo itong ginawa niyo sa amin? Mabubulok kayo sa impyerno sa kasamaan niyo!”
“Tama na… tama na… please… Ayoko na!”
“Miss? Miss?” Dahan-dahan akong tumingala sa babaeng mahinang tumapik sa balikat ko. Halata ang pagtataka at pag-aalala sa kaniyang mukha. “Ayos ka lang ba?”
“Uh…” Hindi ko alam kung anong sasabihin. Wala ako sa wisyo para magsalita. Pakiramdam ko ay anumang sandali ay mawawalan na ako ng ulirat dahil sa matinding kirot sa ulo ko.
“Napansin kasi kitang umiiyak. May problema ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?”
Dahan-dahan akong umiling. Parang may kung anong pumupukpok sa ulo ko pero alam kong kaya ko ang sarili ko. Pinalis ko ang luha sa magkabila kong pisngi saka pilit na ngumiti.
“A-Ayos lang ako. Salamat…” pangungumbinsi ko sa kaniya.
Mukha mang nag-aalangan ngunit hindi na siya nangulit saka tumango at umalis na. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa bumalik siya sa may counter malapit sa entrance. Saka ko lang naalala na siya pala ang nagbabantay nitong shop.
Ibinalik ko ang atensyon sa screen. Sa larawan ng sinasabing si Vinicius De Feo. “Sino ka?”
***
“Smile. Act like you’re a happy girlfriend,” bulong ni Vince habang nakapalupot ang braso niya sa baywang ko. Sinunod ko ang gusto niya at nagpatuloy kami sa paglalakad papasok ng venue.
Inilibot ko ang tingin sa mga taong abala sa pagkikihalubilo sa isa’t isa. Sumisigaw ng karangyaan ang bawat kilos at suot nila. Sa isang tingin pa lang ay masasabi nang bawat isa sa kanila ay nanggaling sa mayayamang angkan. Napako ang tingin ko sa sikat na artista sa may hindi kalayuan.
“Hindi mo naman sinabi na may mga kakilala ka palang mga artista,” sabi ko kay Vince nang umalis na ang kausap niya. Lumingon siya sa akin. “Pwede ba akong magpa-autograph sa kaniya?” Kunot-noong sinundan ni Vince ng tingin ang artistang tinutukoy ko.
“I can give you my autograph if you want. Why would you ask for that asshole’s signature when you can have mine?”
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi agad rumehistro sa utak ko ang narinig. “Joke ba ‘yun? Tatawa na ba ako?” sabi ko. Mas lalong kumunot ang noo niya. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? “Bakit naman ako magpapa-autograph sa ‘yo? Artista ka ba?”
“I’m not. But I’m better than that bastard. Much better,” mababa ang boses na sagot niya.
“Teka nga! Nagseselos ka ba?” Tinaasan ko siya ng kilay. Syempre biro lang iyon. Bakit naman siya magseselos? ‘Di ba?
“Dream on. You’re not even my type.” Naputol na ang usapan namin nang may lumapit sa kaniya. Isang gwapong lalaki na may kulay blonde na buhok. May pagka singkit ang mga mata niya at medyo may pagka-badboy ang pormahan.
“Vince! What’s up?” Tinapik niya ang balikat ni Vince.
Nag-usap sila habang ako ay binubusog ang mga mata sa mga magagandang tanawin sa paligid. Tanawin-- mga naggu-gwapuhang lalaki. May ibang mga mukhang modelo, may iba na mga modelo na naka-trabaho na ni Vince at may mga artista rin. Kung alam ko lang na marami palang mga nakakaakit na tanawin rito, edi sana ay namili ako ng damit na mas kita ang hubog ng katawan ko at hindi itong nagmukha akong trying hard na kikay. Tss! Sayang!
“This is Coreen. My assistant.”
Nabalik ang atensyon ko kay Vince at sa lalaking kausap niya. Sa lahat ng mga taong nakausap niya ngayong gabi, ngayon niya lang ako pinakilala bilang assistant niya at hindi bilang girlfriend. Close ba sila ng lalaking ito?
Tumaas ang isang kilay ng lalaki at ngumisi. “Ah, the girlfriend?” Mas lumapad pa ang ngisi niya nang bumaling siya sa akin.
“Shut up Czar,” saway ni Vince sa kaniya. Mukhang hindi nasisiyahan sa inaasal ng kaibigan.
“What? She’s your girlfriend, right? May sinabi ba akong mali?” pilyong sagot niya at hindi pa rin naaalis ang ngisi. “I’m Czar. Vince’s friend.” Inabot niya ang kamay sa ‘kin.
“Coreen.” Ngumiti ako at nakipagkamay sa kaniya.
“Coreen… nice name. Suits your pretty face.” Kumindat siya dahilan ng agarang pag-init ng magkabila kong pisngi.
“Enough with your shits Czar. Coreen, go and enjoy. You can eat, or do whatever you want. Just don’t mess around.” Iyon nga ang ginawa ko. Wala rin naman akong balak na pakinggan ang pag-uusapan nila kaya nilibang ko ang sarili sa paglilibot.
May iilang ngumingiti sa akin at may iilan ring tinataasan ako ng kilay. Pero dahil wala ako sa mood para patulan sila, hinayaan ko na lang sila at tumungo sa buffet sa may gilid.
“I bet you’re enjoying the party.” Nilingon ko ang babaeng tumabi sa akin. Katatapos ko lang kumuha ng pagkain. Mag-isa lang ako sa mesa na para sa amin. Hindi ko makita si Vince at Czar. Siguro ay lumabas sila o nagpunta sa kung saan para makapag-usap nang maayos.
“Uh, oo.” Tipid akong ngumiti. Kilala ko ang babaeng ito. Si Kelly. Ang model na patay na patay kay Vince. Siya ang dahilan kung bakit ako pinagpapanggap na girlfriend ni Vince. Para matigil na si Kelly sa pag aligid sa kaniya.
“I see.” Bumaba ang tingin niya sa mga pagkain sa plato ko. “And you have a good appetite.”
“Minsan lang akong makakain ng mga ganito kaya nilubos ko na.”
“Right. Squatters can’t afford foods that cost thousands. Enjoy your food, dear. It’s a once in a lifetime opportunity to taste such food for free.” Kumindat siya saka tumayo na.
Sinundan ko siya ng tingin habang kuyom ang magkabilang kamay. Akala niya ba hindi ko naintindihan ang pang-iinsulto niya sa ‘kin? Aba! Kaya naman pala ayaw sa kaniya ni Vince! Napakasama ng ugali!
Ibinuhos ko na lang ang inis ko sa pag-kain. Hindi ko na pinansin pa ang mga tao sa paligid ko. Ayaw kong may mapagbuntunan ng inis dito.
Halos kalahating oras na akong mag-isa sa mesa at hindi pa rin bumabalik si Vince. Dumagdag pa sa init ng ulo ko ang iilan na kung makatingin sa akin ay para nang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.
“Maybe Vince had a really bad taste when it comes to girls. Kasi naman, bakit siya pa? Sa dami ng nagkakagusto sa kaniya, sa isang squatter pa talaga?”
“Baka naman inakit niya? Baka pinagbantaan ang buhay kaya no choice si Vince.”
Mahinang tawanan ang sunod kong narinig. Kanina pa akong handang sugurin sila pero pilit kong pinapakalma ang sarili. Ayaw kong sirain ang party. Pero sana bumalik na si Vince bago pa maputol ang manipis kong pasensya rito.
“A source said she worked at a nightclub. I think she’s a stripper.”
“Talaga? You mean… she’s a whore--”
“Tangina naririnig ko kayo!” Hindi ko na napigilang tumayo at harapin sila. Dalawang retokadang babae ang nakita kong kasama si Kelly. Ngumisi si Kelly nang magtama ang tingin namin. Unti-unti ko na ring naririnig ang mga bulungan sa paligid.
Humalukipkip ang isang babae. “Ano naman kung naririnig mo kami? Totoo naman lahat ng sinabi namin, ‘di ba? Bayaran kang babae. Ilang beses ka na bang nai-table?”
“Shh! Shut up Claire. You’re humiliating her,” saway ni Kelly ngunit hindi pa rin naaalis ang ngisi niya. “I’m sorry, Coreen. My friends just love to buzz around. I hope you don’t mind. After all, they’re just spitting facts, right?”
Walang pagdadalawang-isip ko siyang sinugod dala ang isang baso ng juice na kanina ko pang hawak. Isinaboy ko iyon sa mukha niya dahilan ng pagsinghap ng mga tao sa paligid.
“Oh my God! Kelly!”
“What did you do, bitch?!”
“COREEN!” Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin nang bigla akong hinila ni Vince palabas. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko habang kinakaladkad ako papunta sa elevator. “What was that?” tanong niya nang sumarado na ang pinto ng elevator.
“Anong what was that?” inis kong sagot.
“I told you to behave, Coreen.”
“Behave? Ano ako sa tingin mo? Istatuwa na walang pakiramdam? Iniinsulto ako ng mga babaeng ‘yun! Syempre kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Alangan namang hayaan ko lang na maliitin nila ako?”
“You could’ve confronted them in a proper way--”
“Proper way? Walang proper-proper way sa ‘kin, Vince! Tsaka teka nga, pinagtatanggol mo ba ang mga babaeng ‘yun? Akala ko ba ayaw mo do’n sa Kelly na ‘yun? Kaya mo nga ako kinuha bilang tagapanggap na girlfriend mo, ‘di ba?”
“You’re talking nonsense. Shut your mouth,” medyo kalmado niyang sabi. Pinili ko na rin na ‘wag nang magsalita bago pa ako may masabing hindi tama.
Nang muling bumukas ang elevator ay iginiya niya ako patungo sa sasakyan niya. Siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa ‘kin. “Stay here. I’ll just settle your mess.” Hindi niya na ako hinintay na makasagot at bumalik na sa elevator.
Ibinagsak ko ang sarili sa backrest. Hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa mga demonyitang iyon. Kung hindi lang ako hinila paalis ni Vince ay baka hindi lang iyon ang nagawa ko kay Kelly. Ang kapal ng mukha! Akala mo naman kung sino kung makapagsalita!
Habang nag-iisip kung paano makakaganti sa lintek na Kelly na iyon, biglang akong natigilan nang may makitang makinang na bagay sa may bandang paanan ko. Isang mukhang malaking pendant na kulay ginto. Tinitigan ko iyon at nang mamukhaan ang nakaukit doon, agad ko iyong pinulot.
Isa iyong pabilog na pendant. Kasing laki ito ng limang pisong barya. Kulay ginto habang ang nakaguhit sa gitna ay kulay itim at pulang scorpion. Kumunot ang noo ko. Ito ang scorpion tattoo sa batok ng lalaking nakamaskara. Ito rin ang palagi kong napapanaginipan.
Ilang sandali ko pa iyong tinitigan hanggang sa napansin ko ang nakasulat sa ibabang bahagi ng pendant. “MDF…” Mafia De Feo.
Napatalon ako nang biglang bumukas ang pinto sa driver’s seat at pumasok doon si Vince. Mabilis kong itinago ang pendant. Kumunot ang noo niya. “What are you doing?”
“Huh? U-Uh, wala! W-Wala!”
Nag-iwas ako ng tingin at mas itinago pa ang pendant na hawak.
Mafia De Feo…
Vince… Anong kinalaman mo sa kanila?
Chapter 5: “IT’S A wrap! Thank you everyone!” sigaw ni Mr. Kim habang pumapalakpak. Nakadiretso ang tingin kay Vince. Siya ang direktor ng isinagawang commercial photoshoot ngayong hapon. “Thank you, Vince. You really are the best!” hirit ng bakla sabay tapik sa balikat ni Vince na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghaplos niya sa braso nito. Naiiling kong pinagpatuloy ang pagligpit ng iba pang gamit at hindi na sila pinansin. Mag-iisang buwan na akong nagtatrabaho kay Vince pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga taong walang kahiya-hiyang nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kaniya. Babae man o pusong babae, lahat puro mga agresibo. Kulang na lang ay ipagsigawan nilang patay na patay sila kay Vince. Kaya nga hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong magpanggap bilang girlfriend niya. Tulad na lang ngayon; ipinakilala ako ni Vince bilang nobya niya. Pero mukhang walang pakialam si Mr. Kim at sige pa rin siya sa pang-aakit sa boss ko.
Chapter 6: “BUT YOU told me you’ll never leave me! You and Dad promised me, Mom. Why do you have to leave without me? Don’t you love me anymore?” “We have to. Dad and I are doing this for your own good. Do you remember those bad guys who wanted to kidnap you? They’re still after us. That’s why we have to leave you with your Nanny. We need you to be safe and that means you have to be away from us. Be a good girl. Do you understand?” “When will I see you again? Are we seeing each other soon? My birthday’s coming, Mom.” “Soon, Coreen. Soon. We promise.” Nawala na parang bulan ang babaeng kausap ko at biglang dumilim ang paligid. Nang unti-unting bumalik ang liwanag ay agad na namilog ang mga mata ko nang makitang halos maligo na ako ng pulang likido. Dugo... masangsang at malagkit na dugo. Paanong...? “Coreen, do you get me? Are you listening?” “Huh?” Wala sa sariling sambit ko. Ilang beses akong napakurap nang maalalang may trabaho nga pala ako. Umiling si Vince. Napaayos ako ng
Chapter 1 “PSST! MISS ganda! Isang rum pa nga!” Sa kabila ng maingay na tugtugin ay rinig ko pa rin ang sinabi ng lasing na costumer. Ngumisi ako at kinuha ang order niya, saka lumapit sa kaniya. “Here’s your order, sir. Anything else?” malambing kong tanong. Hinagod ko siya ng tingin mula sa kaniyang pangit na mukha pababa sa kamay niyang nakahawak na sa aking hita. Lasing na nga. Manyak na, e. Mas lumapad pa ang ngisi ko nang inisang lagok niya lang ang isang shot ng kaniyang rum. “Alam mo, type kita. Ang ganda-ganda mo, e. May… nag-reserve na ba sa ‘yo?” Tinaas ko ang isang kilay saka marahang umiling. Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. “Edi… pwede kitang ikama?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa bulgar niyang sinabi. Kahit sa namumuong inis sa sistema ko ay nagawa ko pa ring gawaran siya ng pilit na ngiti. Be nice, Coreen. Magagalit si Madam
Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng
Chapter 3: AKALA KO swerte ako sa oras na iyon. Akala ko maliligtas na ako mula sa mga masasamang taong gusto akong ipahamak. Pero mali pala… dahil mukhang panibagong panganib na naman ang naghihintay sa ‘kin ngayon. “What the fuck?! Are you out of your mind?!” Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Are you trying to kill yourself-” Umawang ang bibig ko nang titigan ko ang mukha niya. Ang gwapong mukha ng supladong lalaki kanina sa club. Maging siya ay natigilan din nang siguro ay namukhaan ako. “S-Sorry. May humahabol kasi sa ‘kin. Gusto nila akong patayin. Please… tulungan mo ako,” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kaniya. Walang kasiguraduhan ang tulong na hinihingi ko sa kaniya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Wala na akong ibang mahingan ng tulong. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa braso ko. Kumunot ang noo niya. “You’re bleeding. What happened to you?” kuryuso niyang tanong ngunit bago pa man ako makasagot ay

Chapter 4: TAGAKTAK ANG pawis sa aking noo nang magising mula sa masamang panaginip. Dali-dali akong sumiksik sa dulo ng higaan saka nagtalukbong. Walang pinagkaiba ang panaginip ko ngayon at sa mga nakaraang panaginip ko. Paulit-ulit na lang. Nakakatakot… Dugo, mga walang buhay na katawan, mga baril, sigawan ng mga taong hindi ko mamukhaan, at ang tattoo na iyon. Ang scorpion tattoo na kagaya ng nakita ko sa lalaking nakamaskara noon. Anong mayroon sa tattoo na iyon? Bakit simula nang makita ko iyon ay lagi ko na lang napapanaginipan ang mga imaheng iyon? “Panaginip lang ‘yun, Coreen. Panaginip lang…” alo ko sa sarili. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa panaginip na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kumot na unti-unti nang nababasa ng likido mula sa mukha ko ay hindi ko pa mapapansin ang walang tigil na pag-agos ng luha ko. Umiiyak na naman ako. Hindi ko iyon intensyon pero palagi na lang akong nagigising nang ganito. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko