Share

Chapter 78

Inilapag ko ang kape ko sa mesa sa may pantry tapos ay umupo sa isang bakanteng. Humikab din ako kasi medyo inaantok pa ako.

Alas dose na ata kami ng hating gabi nakauwi ni Dim kagabi. Hindi rin kami agad nakatulog tapos ay ang aga pa naming nagising ngayon para sa trabaho.

Si Dim ay nasa opisina na niya, pinagdala ko siya ng kape tapos ay nagpasya ako na dito na lang sa pantry magkape. Hindi ko naman kasi gustong abalahin si Dim sa trabahong ginagawa niya.

Sa ngayon ay hinihintay ko sina Lou, baka lang kasi may mga bago silang tsismis na baon, para lang magising ang diwa ko. I took a sip on my coffee and sighed heavily. Inaantok pa talaga ako.

“Good morning, Miss Ali!” nakangiting bati ni Lou sa akin mayamaya lang.

“Good morning,” bati ko rin pabalik.

Pinanuod ko naman siyang gumawa ng kape niya. Nang matapos ay umupo na rin siya sa isang silya na nasa harap ko at inilapag ang dalang kape sa mesa.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status