Share

Chapter 84

Pagkabalik sa movie room ay tahimik lang ako na nanuod. Ni wala na nga akong maintindihan sa pinapanuod namin kasi iniisip ko iyong narinig ko kay Dim kanina habang kausap niya si Cassidy.

Kahit nang matapos na ang palikula ay hindi ko namalayan. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa at titig na titig sa TV.

“Huy, girl! Manunuod ka pa?” napalingon ako kay Lily nang itanong iyon.

Saka ko napansin na nakatayo na pala silang lahat at bukas na ang ilaw.

“Ah, hindi na. Medyo inaantok lang,” pagsisinungaling ko kahit pa ang totoo ay gulong gulo na ako sa iniisip.

“Pahinga ka na muna rito o sa kuwarto niyo ni Dim. Kami na ang maghahanda ng tanghalian natin,” ani Rose, tumango naman sina Lou at Lily bilang pangsang ayon.

“Hindi, okay lang. Kami na ni Rhea ang bahala,” sagot ko.

Tapos ay agad akong tumayo at naglakad na palabas ng movie room kasama sila. Nang nasa hallway na kami ay napalingon ako sa pinto
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status