Pigil ang pag-iyak ko habang pinapanuod ang paglibing kay Nay Myrna. Ang mga kasama niyang staffs sa ampunan ay nag-iiyakan, ang mga bata sa ampunan ay humahagulgol. Marami ring iba pang mga bisita na nagluluksa sa pagkawala niya. Ang dami pong nagmamahal sa inyo, Nay. At nasasaktan po kaming lahat sa pagkawala niyo… Bulong ko sa isip ko. Sobrang sakit. Sobrang lungkot. At hindi rin nakakatulong ang malungkot na kantang pinapatugtog ngayon. Parang mas nakakadagdag lang iyon ng bigat sa nararamdaman. Yakap ako ni Ate Gigi na malungkot na nakatingin lang sa akin, katabi naman niya ay si Roy. Ang tatlong monay at si Henry ay nasa likod naman namin. Napakadaya talaga ng buhay. Hindi natin alam kung ano ang mga nangyayari sa hinaharap. Parang lagi tayong nangangapa sa dilim. At kung hindi mo gagawin ang makakaya mo para sumabay sa pag-ikot nito ay mapag-iiwanan, masasaktan at mahihirapan ka. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sak
“D-Drake? Nay Myrna?” pagtawag ko sa dalawang tao na nakatalikod sa akin. Marahan naman silang bumaling at tumingin sa akin, tapos ay pareho pang ngumiti. “Magiging okay rin ang lahat, Ali…” mahinahong saad ni Drake. “Hindi ba’t sinabi ko sa ’yo na hindi kita iiwan hangga’t hindi ko nakikilala ang lalaking magmamahal at magbibigay ng pamilya sa ’yo? Hindi natin masasabi ang mangyayari sa hinaharap, anak, pero iyong taong sasamahan ka habang buhay ay kasama mo na. Kapag may nawala… may bagong darating…” Naguluhan ako sa sinabi ni Nay Myrna. Tapos ay may namuong luha sa mga mata ko nang makita na unti-unti silang maglaho. “Drake! N-Nay—” agad kong iminulat ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame. “Ali, okay ka lang?” napalingon ako kay Ate Gigi nang itanong niya iyon, nagmamadali pa siyang tumayo mula sa sofa tapos ay lumapit sa akin. “A-Ate…” malungkot na saad ko.
“Yes, Ma’am. I’ll be there. Thank you!” malawak ang ngiting saad ko. “Perfect! Please bring and present at least one valid ID,” aniya, sumagot ulit ako at nagpasalamat bago niya binaba ang tawag. Someone from Montealegre Magazines just called me for the initial interview. I passed. Tinanong din ako kung makakapunta raw ba ako sa opisina nila sa bukas para sa exam at final interview kaya sinabi ko na ‘Oo’. Halos isang linggo na mula noong mailibing si Nay Myrna. Halos isang linggo na mula noong makipaghiwalay sa akin si Dim. Halos isang linggo na rin ako rito sa apartment ni Ate Gigi at nagpapahinga lang. Si Ate Gigi naman ay nagsimula nang magtrabaho sa Montealegre Magazines. At siguro naman ay sapat na sa akin ang halos isang linggong pahinga. Like I said, I need to move along with my own life. Kahit pa gaano kasakit ang mga nangyari ay hindi naman puwede na tumigil na ako sa paglaban. That’s not how it goes.
“Sigurado ka ba, Ali? I mean, you can just forget about it and make new work experience,” tanong ni Ate Gigi. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan at kagabi pa niya paulit ulit na tinatanong sa akin iyon. Naikuwento ko kasi sa kanya ang napag-usapan namin ni Dim. “That’s a two-year work experience, ate. Palamuti rin iyon sa CV. Naisama ko rin kasi noong nag-send ako ng application sa Montealegre Magazines, sayang naman baka hindi i-acknowledge,” sagot ko. “You know, I’m just worried about you. Kahit kasi sabihin mo na okay ka na at okay lang sa ’yo ang mga nangyari, alam ko na deep inside ay hindi ka pa talaga okay,” aniya, napabuntong hininga naman ako kasi alam ko na tama siya. “But what can I do? Tama naman siya, eh. There’s no such thing as immediate resignation unless inabuso ako ng company or boss ko. Kung dadalhin ko ito sa DOLE, ano ang idadahilan ko? That he dumped me?” dahilan ko naman. Mahalaga sa akin ang wo
Inaantok ako. Sa totoo lang ay sobrang dali ng trabahong pinapagawa sa akin ni Dim, pero inaantok at naiinip ako. Sa mahabang oras na nasa loob ako ng opisina niya ay hindi ako lumingon sa kanya kahit pa gustong gusto kong gawin iyon. Pinigilan ko ang sarili ko. “Uhm, Ali?” bahagya akong natigilan nang marinig ang pagtawag ko ni Dim sa pangalan ko. Kahit pa nagdadalawang isip ay pilit naman akong lumingon. “Yes, sir?” “I already asked Lou to buy us food for lunch. Pinabili ko siya ng kare-kare, hindi ba’t paborito mo rin iyon?” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon. “Sasabay na lang po ako sa mga kaibigan ko, sir,” sagot ko. “Please, Ali? I… need to talk to you about something,” napabuntong hininga na lang ako sa huli at tumango. “Okay,” maiksing sagot ko tapos ay muling bumalik sa ginagawa kong trabaho. Il
“Tell me what really happened that day,” utos ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Hindi marami ang nakain ko kahit pa sobrang gutom ako. Mas importante kasi sa akin ang mapag-usapan namin ang nangyari mahigit dalawang taon ang nakakalipas. “I… I was having a yacht party with them,” aniya at huminga pa ng malalim na para bang sobrang hirap sa kanya na balikan ang lahat. But I want to hear his thoughts. Kahit pa naaawa ako sa kanya, at kahit na hindi ko siya gustong pilitin na pag-usapan ang mga bagay na ito ay alam kong kailangan para alam ko rin kung paano ko siya matutulungan. This has been long overdue, to be honest. “I saw him kissing a girl,” aniya at mariin pang pumikit. “I got mad because… he’s in a relationship with you. Kahit na sinabi mo na ako ang mahal mo noon, nagalit ako kasi… kasi bakit ka niya lolokohin samantalang ako… pangarap kita,” aniya at muling huminga ng malalim. “So you challenged him on a
“Are you okay?” tanong ni Henry sa akin pagkaparada niya ng sasakyan niya sa parking lot ng isang malaking hotel. Ngumiti naman ako sa kanya bago marahang tumango. “Yeah, thank you for asking,” sagot ko kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan ako. As soon as he turned off the car’s engine, we both stepped out of the car. Huminga pa ako ng malalim habang nakatingin sa entrance ng hotel. Ang daming mga bisita. Bihis na bihis silang lahat at mukhang galing lahat sa mayayamang mga pamilya. “Let’s go,” ani Henry. Sabay naman kaming naglakad papasok. He even offered his right arm on me. Kahit na nagdadalawang isip ay kumapit pa rin ako ro’n. “Kung hindi lang dahil sa request ng magaling at tsismosa mong girlfriend, hindi ako papayag dito,” mahinang saad ko kaya natawa siya. “At kung ako naman ang hindi pumayag baka isang linggo akong awayin no’n,” sagot naman niya kaya sabay kaming natawa.
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang kuwarto. Bumaling ako pakaliwa at nakita ko na nahiga rin si Dim, nakatagilid siya at nakangiti akong tinititigan. “Good morning,” may halong lambing na bati niya. Agad naman akong napaupo sa kama dala ng gulat. And then it hit me! Nandito ako ngayon sa bahay nila. Natulog ako sa kuwarto niya! Agad akong tumingin sa wall clock at napansin na alas siete na ng umaga. “Bakit dito mo ’ko dinala? Sabi ko gusto kong umuwi!” reklamo ko. “Hindi kasi kita magising kagabi. Hindi ko rin naman alam kung saan ang apartment ni Gigi,” aniya kaya napangiwi ako. “Hindi man lang siya tumawag sa akin? Because, Dim, I’m pretty sure she did!” may halong pang-aakusa na saad ko. “She did,” aniya at marahan pang tumango. “She called you but I didn’t answer. Nag-send na lang ako ng text sa kanya gamit ang phone mo. Ang sabi ko hindi ka