“Are you sure you’re okay?” mababa ang boses na tanong ko kay Dim. Kapaparada lang niya ng sasakyan niya sa parking lot ng memorial park, dahil nga naisip ni Dim na pasyalan si Drake. “Yes, love,” malambing na sagot ni Dim. Nauna siyang bumaba sa akin tapos ay binuksan ang pinto ng backseat para kunin si Dave. Napangiti ako dahil sa nasaksihan tyapos ay bumaba na rin. Habang buhat naman ni Dim si Dave ay agad niyang hinawakan ang kamay ko tapos ay sabay kaming naglakad papunta sa puntod ng kaibigan ko, na kakambal niya. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Dim. Siguro ay kinakabahan siya. Pero hindi ako nagsalita. Hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko ro’n. Siguro ay sapat na iyon para sabihin sa kanya na okay lang ang lahat at nandito lang ako sa tabi niya. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng puntod ni Drake. Marahan namang ibinaba ni Dim si Dave tapos ay ngumiti pa sa bata. “Dave
“You are a coward, Dmitri. Nakakahiya ka!” “You should be ashamed of yourself!” “Sana ikaw na lang ang nawala!” “You killed your brother!” “You should live your life alone!” “You don’t deserve to be happy!” Those voices kept on coming back inside my head. Like a ghost that’s haunting me. Nakakabingi dahil paulit-ulit na. And I lived with those voices over the years, I felt like I’m going to lose my sanity. Boses ni Alison ang madalas kong naririnig, pero may mga pagkakataon na sarili kong boses ang nagsasabi no’n sa akin. At hindi ko siya masisisi kung bakit nasabi niya sa akin ang mga bagay na iyon noon. What happened was too hard to take. At alam ko na dala lang ng labis na galit kaya nagawa niya akong sisihin. Hindi ako galit sa kanya. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. But she hated me because of what happened. So to make things easier, I left everything behind. I was ready to spend my whole life alon
Two Years AgoI just destroyed something beautiful, and the feeling was a lot worse than I could ever imagine. I killed him. I killed the only person who always sees the best in me. I killed my brother. I killed my best friend. Pakiramdam ko ay isa akong duwag na nakatayo sa labas ng kotse ko, nakatanaw sa maraming taong nagmamahal sa kanya na ngayon ay nag-iiyakan habang inililibing siya. Ni hindi ko man lang nagawang lumapit sa kabaong niya noong nakaburol siya, hindi ko rin magawang lumapit sa kanya ngayong inililibing na siya. Lagi lang akong nakatanaw mula sa malayo. Natatakot akong lumapit dahil alam kong galit sa akin ang lahat, maging siya. If only I could exchange our fate, I’ll definitely put myself inside that coffin. Would these people be here too to mourn for me if I was the one who died? I don’t know… The scene was heartbreaking, and hearing their sobs makes me want to just kill myself for putting my brother in that situati
Present DayMariin kong ipinikit ang mga mata ko bago nagpakawala ng isang buntong hininga at ibaba ang hawak na telepono. Halos dalawang taon na simula nang magtrabaho ako sa Corcuera Constructions bilang sekretarya ni Tito Rick pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ako sanay. I opened my small notebook to take down note that one of the clients rescheduled their meeting with Tito Rick first thing in the morning tomorrow. Naaawa ako sa kanya, may edad na siya pero patong-patong pa rin ang trabaho niya sa kompanya nila. If only Dmitri is here to help him then it would be a lot easier. Dmitri… Mapait akong napangiti nang maalala ang mapait na nakaraan. Kung sanang nandito sina Drake at Dmitri ay hindi kailangang mahirapan ni Tito ng ganito. Drake is long gone, and even if we wished for him to come back a million times, it’s impossible. I have moved on from that tragedy but he will always stay inside my heart. Dmitri, on the other hand, I don’
Flashback…Napabuntong hininga ako bago bumaling ng tingin sa mga bata na masayang naglalaro sa playground ng bahay ampunan kung saan ako kasalukuyang nakatira. Naka-upo ako sa isang swing at tahimik na nag-iisip. Ang bahay ampunan ay ang kinalakihan kong tahanan, si Mother Myrna na at ang iba pang mga madre na ang tumayong magulang sa akin, sa amin… Today is my 18th birthday but why do I feel like I am not happy? Pakiramdam ko ay hindi ako buo. Pakiramdam ko ay may kulang. Mapait naman akong napangiti nang mapagtanto na ang kulang na tinutukoy ko ay ang dalawang matalik kong kaibigan. Sina Drake at Dmitri. Kasama ko sila dito noon. Silang dalawa ang lagi kong kalaro at kasama. Noong twelve years old sila ay masuwerte silang napili ng mayamang mag-asawa para ampunin. Naging masaya ako para sa kanila, iyon ang totoo. Pero may parte sa akin ang nalulungkot dahil nga alam ko na sa pag-alis nila rito, ay magbabago na ang lahat. A
The following days after my birthday just went fine. Kagaya nang dati ay sa tuwing sabado at linggo na ako pinapasyalan nina Drake at Dmitri. Minsan naman kahit pa weekdays ay pinapasyalan ako ni Dmitri bago siya umuwi sa kanila na siya namang nakakatuwa. Sa tuwing hindi naman siya makakapunta ay nagvi-video call kami tuwing gabi. Iyon ang naging takbo ng buhay ko. Pagkalipas din ng ilang araw ay nagpaalam ako ng maayos kay Mother Myrna na maghahanap ako ng part time job para pantulong na rin sa pag-aaral ko. Noong una ay nagdadalawang isip siya kung papayagan niya ako, baka raw kasi maapektuhan lang ang pag-aaral ko at mawala sa focus, pero sinabi ko na hindi naman ako papaya na mangyari iyon kaya pumayag na rin siya sa huli. Pinaalalahanan pa niya ako na kapag sa tingin ko raw ay nahihirapan na ako ay mag-resign na ako agad. Hindi rin naman na ako nag-aksaya pa ng panahon na maghanap nga ng trabaho, at nakakatuwa na natanggap ako sa isang coffee s
Umupo ako sa isang mono block chair na nasa loob ng counter bar tapos ay napabuntong hininga. Ang daming naging customer kaninang pagka-alis ni Ate Gigi. Hindi nakakapagtaka na pagod na ako ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ito, sa mga nakalipas kasi na araw ay kasama ko si Roy. Isa rin iyon na sobrang sipag. Tapos ang saya pa niya kasama kaya hindi namin namamalayan ang oras sa trabaho. Hindi rin namin nararamdaman ang pagod. Mabilis akong napatayo nang marinig ang pagbukas ng pinto, ngumiti pa ako at umambang babatiin ang customer. “Good eveni—” natigilan naman ako agad nang makita si Dmitri na pumasok sa loob. “Dim,” banggit ko sa pangalan niya. “Are you not done yet?” nakangiting tanong niya. Napanguso ako at agad na tumingin sa wall clock. 7:30 na pala ng gabi. “May thirty minutes pa, Dim. May bibili pa niyan,” sagot ko naman. Pagkasabi ko no’n ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone
Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago tumambay sa sala nila para makapagkuwentuhan muna. Ang dami nga naming napag-usapan. Sobrang dami kong nalaman tungkol sa kanila. Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin bilang kaibigan ng mga anak nila. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses kong sinabi pero sobrang suwerte nina Drake at Dmitri at sila ang pamilyang nakapili sa kanila. Pagkatapos naman ng ilang minutong pakikipagkuwentuhan kasama sila ay nagpasya sila na magpahinga na dahil maaga pa raw silang aalis bukas. Kaya naman iniwan na nila kami ni Dmitri sa sala. “Do you want to see my room?” nakangiting tanong ni Dim sa akin matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Okay lang ba?” tanong ko naman kaya mabilis siyang tumango. “Of course, Ali,” nakangiti pa rin na sagot niya. “Let’s go,” anyaya pa niya at tumayo na mula sa sofa. Hindi naman