Umupo ako sa isang mono block chair na nasa loob ng counter bar tapos ay napabuntong hininga. Ang daming naging customer kaninang pagka-alis ni Ate Gigi. Hindi nakakapagtaka na pagod na ako ngayon.
Ngayon ko lang naramdaman ito, sa mga nakalipas kasi na araw ay kasama ko si Roy. Isa rin iyon na sobrang sipag. Tapos ang saya pa niya kasama kaya hindi namin namamalayan ang oras sa trabaho. Hindi rin namin nararamdaman ang pagod.
Mabilis akong napatayo nang marinig ang pagbukas ng pinto, ngumiti pa ako at umambang babatiin ang customer.
“Good eveni—” natigilan naman ako agad nang makita si Dmitri na pumasok sa loob. “Dim,” banggit ko sa pangalan niya.
“Are you not done yet?” nakangiting tanong niya.
Napanguso ako at agad na tumingin sa wall clock. 7:30 na pala ng gabi.
“May thirty minutes pa, Dim. May bibili pa niyan,” sagot ko naman.
Pagkasabi ko no’n ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na nasa bulsa ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na kunin iyon para tignan kung sino ang nag-message. Hindi rin naman ako nagdalawang isip na buksan at basahin iyon nang makita ang pangalan ni Ate Gigi sa screen.
Ate Gigi:
Alison, puwede mo na isara ang shop. Ako na ang bahala sa inventory bukas ng umaga. Salamat.
Iyon ang sinabi niya. Mabilis akong napangiti at patakbong pumunta sa pinto para baliktarin ang signage na open sa close. Tapos ay binalingan ko ng tingin si Dim at ngumiti sa kanya.
“Puwede na raw akong magsara sabi ni Ate Gigi,” saad ko pa.
Bumalik na ako sa counter, tapos ay dinala ko sa kusina ang lahat ng mga maruming pinaggamitan. Nilinisan ko na rin iyon at sinigurado ko na wala akong kahit na anong kalat na maiiwan.
Saktong alas otso iyon nang matapos ako. Tinanggal ko na ang apron tapos ay ibinalik ko iyon sa locker ko. Limang magkakaparehong apron ang meron ako. Gano’n din si Roy at Ate Gigi, tuwing sabado ay pinapa-laundry ni Ate Gigi ang mga iyon na siyang nakakatuwa kasi bawas na sa trabaho namin.
Lumabas na ulit ako pagkatapos, nakita ko si Dmitri sa harap ng counter na naghihintay pa rin sa akin. Ngumiti pa nga siya ulit nang makita akong lumabas na.
“Let’s go?” anyaya niya kaya marahan akong tumango.
“Tatawagan ko pala si Nanay, magpapaalam ako,” saad ko habang naglalakad kami palabas ng coffee shop, ang tinutukoy ko ay si Mother Myrna.
“Dumiretso ako doon bago kita pinuntahan dito. Naipagpaalam na kita, basta ihatid na lang daw kita doon pagkatapos,” sagot naman ni Dmitri kaya napangiti ako.
“Oh, tara na!” anyaya ko pa.
Pinatay ko na ang lahat ng ilaw sa loob, pagkalabas namin ay sinigurado ko rin na naka-lock ang lahat. Nang okay na ay naglakad na kami papunta sa kotse na dala niya.
“Nasaan ang driver niyo?” tanong ko.
“Pinayagan ako ni Dad na i-drive ang sasakyan niya,” sagot niya kaya tumango na lang ako.
Pagkapasok na namin sa loob ng sasakyan ay binuhay na niya agad ang makina nito. Hindi na rin siya nagdalawang isip na paandarin ang sasakyan para makarating na kami sa kanila.
Siguro ay umabot ng halos sampong minuto ang biyahe bago kami nakarating sa kanila. Nang ipasok ni Dim ang sasakyan sa isang nakabukas na gate ay namangha pa nga ako nang makita maganda at malaking bahay. Para itong mansiyon sa sobrang laki.
“Wow! Ang laki ng bahay niyo, Dim!” namamanghang saad ko.
“Gusto mo dito ka na lang tumira?” tanong naman niya kaya napangiwi ako.
“Hindi, ’no! Hindi naman puwede iyon,” sagot ko naman.
Nang maiparada na niya ang sasakyan at mapatay ang makina nito ay sabay kaming bumaba. Tapos ay naglakad na kami, dumaan pa kami sa poolside bago pumasok sa isang malaking pinto.
Pagkapasok namin una kong napansin ang isang malaking aranya sa kisame, napakaliwanag ng kulay na inilalabas nito.
“Grabe, parang iyong mga mansiyon sa fairytales!” namamanghang saad ko pa, nilingon ko si Dim at nakita ko na nakangiti siya sa akin.
“Mamaya na kita ipapasyal sa bahay, hinihintay na kasi tayo nina Mom at Dad sa kusina,” saad niya kaya tumango na lang ako.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa ideya na makikilala at makakausap ko na ang mga taong umampon sa kanila. At dalawang mabuting tao na nagbigay ng isang buong pamilya sa dalawa kong matalik na kaibigan.
“Mom, Dad…” nakangiting pagtawag ni Dim ng pangalan ng dalawa, nakaupo na sila sa hapag at halatang hinihintay kami.
Namangha naman ako nang makita ang magandang ginang. Halata sa kanya na may edad na siya pero sobrang ganda at sopistikada pa rin ng dating niya. Iyong matandang lalaki naman ay sobrang guwapo pa rin.
“Dmitri, son,” nakangiting saad naman nung lalaki. “Ang tagal niyo, ginutom niyo kami,” nagbibirong saad pa niya kaya medyo napangiwi ako dahil sa hiya.
Hindi na bale, marunong naman akong makisama. Sigurado na mawawala rin ang hiya ko mamaya kapag nakausap ko na sila.
“Have a seat,” malumanay na saad naman nung babae kaya iyon ang ginawa namin. Umupo kami ng magkatabi ni Dmitri.
“M-Magandang gabi po,” nahihiyang bati ko.
“Magandang gabi rin sa ’yo, hija. You must be Alison?” saad nung babae, ngumiti naman ako at mabilis na tumango.
“Ako nga po,” nahihiya pa rin na saad ko.
“I’m Fely, hija. You can call me Tita Fely. Maganda ka pa rin hanggang ngayon,” nakangiting saad niya kaya medyo nagulat ako.
“N-Nakita niyo na po ako dati?” nalilitong tanong ko, ngumiti naman siya at marahang tumango.
“I was also about to adop—”
“Mom…” pagputol ni Dmitri sa sasabihin ni Tita Fely kaya natigilan ang ginang at ngumiti na lang.
“Anyways, I’ve heard a lot about you. Oo, nakita na kita sa ampunan dati pero matagal na iyon. Matagal ko na ring sinasabihan ang kambal na isama ka rito, pero lagi raw nilang nakakalimutan,” mahina pa siyang natawa sa sinabi niya kaya ngumiti na lang ako at tumango.
“Mas masaya sana kung nandito rin si Drake, iyon nga lang mas inuna pa ang gala,” saad naman nung lalaki. “Ako nga pala si Rick, you can call me Tito Rick,” dagdag pa niya kaya napangiti ako.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala,” saad ko naman.
“Let’s eat?” nakangiti at masayang tanong pa ni Tita, kaya iyon ang napagkasunduan namin.
Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin kasi ang daming nasa hapag. Tapos ay puro masasarap pa. Hindi ako familiar sa tawag sa iba pero mukhang masarap lahat.
“Grabe, mukhang isang gabi lang po tataba na ako. Ang sasarap po ng pagkain,” masayang saad ko kaya natawa silang lahat.
“Dahan dahan naman, nadudumihan ka, eh,” saad ni Dim.
Medyo nagulat pa ako nang kumuha siya ng tissue tapos ay marahan siyang pinunasan ang gilid ng labi ko. Napalingon ako sa mga magulang niya at nakita ko na nagkatinginan sila at napangiti, nakaramdam ako bigla ng hiya sa kung anong maaari nilang isipin kaya mabilis akong umiwas.
“Ano ba ‘yan, istorbo ka sa pagkain!” may halong pagbibiro na saad ko kaya natawa ulit ang mga magulang niya.
“Kain ka lang nang kain, hija. Atsaka welcome ka rito kahit na anong oras mo gustong pumunta, okay?” nakangiting saad pa ni Tita kaya mas lalo akong napangiti.
Hindi ko alam pero sobrang gaan ng loob at pakiramdam ko sa kanila. Sobrang bait nila. At ang makasama sila na kumain ngayon, pakiramdam ko ay may buong pamilya na rin ako. Parang may magulang na ako.
“Salamat po,” nakangiting sagot ko.
“Ano nga pala ang kurso mo, hija?” tanong naman ni Tito, nilunok ko ang laman ng bibig ko tapos ay uminom ng konting tubig.
“Business Management po,” magalang na sagot ko kaya tumango siya.
“Baka puwede kang pumasok sa kompanya namin kapag mag-OJT ka na. Sabihan mo lang sina Dmitri at Drake,” nakangiting saad pa niya. “Sinabi ko nga na Business Management na rin ang kunin, ang kaso mas gusto nila ang Political Science,” dagdag pa niya kaya napangiti ako.
“Magaling naman po sila pareho. Kaya kahit na anong kurso ang kunin nila, matutulungan po nila kayo sa business niyo,” sagot ko kaya napangiti siya at agad na tumango.
“You’re right, hija. Pero ayaw ko rin naman silang pilitin na gawin ang hindi nila gusto. Kinuha namin sila para bigyan ng pamilya, hindi para magtrabaho para sa amin. Kaya desisyon pa rin nila ang masusunod,” saad ulit ni Tito kaya mas lalo akong napangiti.
“Ang suwerte po nila sa inyo,” sagot ko naman. “Kapag po gumawa sila ng kalokohan, ako po ang bahala. Pipingutin ko sila,” dagdag ko pa kaya sabay silang natawa ni Tita.
“Hindi mo naman kaya, ang liit mo kaya. Paano mo maaabot ang tenga namin?” nang-aasar naman na tanong ni Dmitri.
Napangiwi ako sa sinabi niya kaya mabilis kong hinila ang kaliwang tenga niya, hindi siya naka-iwas kaya napangiwi na lang din siya.
“Anong sinabi mo?” tanong ko pa.
“Ah! Aray! Oo na, sorry na!” agad na saad niya kaya binitawan ko ang tenga niya. “Ang sakit no’n, ah!” reklamo pa niya kaya ngumisi ako.
“Kapag gumawa kayo mg kalokohan isusumbong ko kayo kay Nanay,” saad ko naman.
“Oh my, you are so funny and adorable, hija. I really like you,” nakangiti at malambing naman na saad ni Tita.
Pilit naman akong ngumiti at agad na kumuha ng carbonara. Tapos ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain.
“Kayo ni Drake, ano pala ang balak niyo pagka-graduate? I mean, mag-aaral pa ba kayo at ipu-pursue niyo ba ang pagla-lawyer?” tanong naman ni Tito kay Dim.
“No, Dad. I just really like the course, pero pagkakuha ng bachelor’s degree ay tutulong muna ako sa company,” sagot naman ni Dim kaya tumango si Tito.
“It’s your choice, hijo. But if I were you, I’ll continue to study abroad. Maybe Harvard or New York University? You could be a good lawyer,” saad ni Tito kaya tumango ako.
Totoo naman iyon, kahit pa ang totoo ay ayaw ko ng ideya na aalis siya at mag-aaral sa ibang bansa.
“I’ll think about it, Dad. Wala naman pong pinipiling edad ang edukasyon. Maybe I’ll consider helping you out for a few years until I’m fully decided what to do next. Hindi naman po masasayang ang taon lalo na kung magtatrabaho ako sa inyo,” sagot ulit niya kaya ngumiti si Tito at ngumiti.
Nakamamangha talaga ang paraan kung paano siya mag-isip. Sobrang matured na. Samantalang ako ang balak ko lang talaga ay makatapos ng apat na taong kurso, tapos ay magtrabaho na.
“He’s not going to study abroad,” saad naman ni Tita kaya napalingon kami sa kanyang lahat. “I mean, I don’t mind but I doubt it. Alam naman natin na mayroon siyang hindi maiwan dito,” ngumisi pa siya nang sabihin iyon.
Alam ko na may gustong iparating si Tita, pero hindi ko alam kung ano o sino. Napanguso ako at saglit na nag-isip. Siguro ay iyong babae na kasama niya kanina.
Heto na naman ako, medyo nasasaktan sa ideya na tama ang nasa isip ko.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago tumambay sa sala nila para makapagkuwentuhan muna. Ang dami nga naming napag-usapan. Sobrang dami kong nalaman tungkol sa kanila. Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa akin bilang kaibigan ng mga anak nila. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses kong sinabi pero sobrang suwerte nina Drake at Dmitri at sila ang pamilyang nakapili sa kanila. Pagkatapos naman ng ilang minutong pakikipagkuwentuhan kasama sila ay nagpasya sila na magpahinga na dahil maaga pa raw silang aalis bukas. Kaya naman iniwan na nila kami ni Dmitri sa sala. “Do you want to see my room?” nakangiting tanong ni Dim sa akin matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Okay lang ba?” tanong ko naman kaya mabilis siyang tumango. “Of course, Ali,” nakangiti pa rin na sagot niya. “Let’s go,” anyaya pa niya at tumayo na mula sa sofa. Hindi naman
Mabilis na lumipas ang oras, oras na naging araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan at buwan na naging taon. Right now, I’m already on my fourth year college. Two years ago, iyong gabi na hinatid ako ni Dmitri pauwi sa bahay ampunan ay naramdaman ko na parang nahuhulog na ako sa kanya. At hindi nga ako nagkamali. Nangyari iyon. Lalo na’t simula noong nakakuha na ako ng sarili kong maliit na apartment ay madalas ko na ulit silang makasama ni Drake. Halos araw araw nga kung pasyalan nila ako sa coffee shop. Araw araw din na tumatambay silang dalawa sa apartment ko. Pinilit ko namang iwasan, pero ang hirap pala na pigilan ang sariling nararamdaman. Hindi ko alam at hindi ko na rin matandaan kung saan nagsimula. Basta ang alam ko lang ay may gusto ako sa kanya. May mga nanliligaw naman sa akin, sinusubukan ko rin na bigyan sila ng chance para lang maibaling sa iba ang atensiyon ko. At hindi ko maintindihan kung bakit si Dim pa rin ang naaala
Kinuha ko ang isang baso na may lamang alak na nasa harap ko tapos ay agad ko iyong ininom. Medyo napangiwi pa ako nang maramdaman ang pait ng beer. Hindi talaga ako mahilig uminom, madalas nga kapag lumalabas kami nina Ate Gigi at Roy ay hinahayaan ko lang silang dalawa na maglasing. Pero pagkatapos ng mga nangyari kanina, pagkatapos ng mga narinig kong sinabi nina Drake at Dmitri, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong maglasing ngayon. “Girl, hindi ka mauubusan ng alak. Relax!” natatawang saad ni Ate. Kalalabas lang namin halos mula sa shop, pagkatapos namin iyong maisara ay dumiretso kami rito sa Dreamers, ang isa sa pinakakilalang night club sa lugar. “Ano ba ang nangyari? Mukhang ang bigat ng problema mo, ah?” tanong naman ni Roy, mabilis akong umiling dahil doon. “Wala, ’no! Hindi ba’t kayo naman ang nag-aayang uminom ngayon? So ano ang problema? Kapag hindi ako umiinom pinipilit niyo ako, kapag umiinom na
Napangiwi ako nang maramdaman ang pait ng whiskey na gumuhit sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung gaano na karami ang naiinom kong alak ngayon, pero hindi na bale. “Uhm, excuse me, please. Kailangan kong magpunta sa washroom,” mababa ang boses na saad ko kay Drake. Hindi naman puwede na kay Dim pa ako makidaan dahil magkatabi sila ni Love. Dalawa pa silang tatayo kung sakali. Kaya kay Drake na ako nagsabi kasi siya naman ang nasa kabilang dulo. “Sasamahan na kita,” saad ni Drake at tumayo na. Hinayaan ko naman siya na sundan ako nang naglalakad na ako papunta sa washroom. “Dito na lang kita hihintayin,” mababa ang boses na saad ni Drake bago ako makapasok sa banyo, nagkibit naman ako ng balikat at hinayaan ko na lang siya. Pagkapasok ay ginagawa ko na agad ang kailangan kong gawin, tapos ay naghugas ako ng kamay sa lababo at bahagya na ring naghilamos ng mukha para kahit na papaano ay mahimasmasan ako. Nang medyo makaramd
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili ni Dmitri sa gano’ng posisyon. Pero pagkatapos ng ilang sandali ay siya na rin mismo ang kumawala sa yakap at ngumiti pa siya sa akin. “Pasensiya ka na, Ali…” mababa ang boses na saad pa niya kaya mabilis akong umiling. “Hindi, Dim. Okay lang. Nag-aalala ako sa ’yo,” sagot ko naman. Tipid siyang ngumiti bago naglakad papunta sa papag, tapos ay umupo siya roon. Marahan pa niyang tinapik ang puwesto sa tabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at umupo rin sa tabi niya. “I wasn’t hurt, Ali. I was disappointed,” marahang saad niya. “Hindi ako naniniwala na hindi ka nasaktan, Dim. Kahit na hindi mo aminin ay alam kong nasaktan at nasasaktan ka pa rin,” sagot ko naman kaya mahina siyang natawa. “Pagod na akong mag-isip,” seryosong sagot naman niya pagkatapos. “After more than two years, I tried to court her again hoping that I’ll be able to
Napangiwi ako nang imulat ko ang mga mata ko. Nagising kasi ako nang naramdaman ko na may matigas na brasong nakayapos sa akin, tapos ay nakaramdam din ako ng mainit na hangin na bumubuga sa may bandang leeg ko. Napasinghap ako nang makita si Dmitri na nakayakap sa akin, sa sobrang lapit nga ng mukha niya ay amoy na amoy ko ang hininga niya habang mahimbing pa rin na natutulog. Teka, bakit ang bango pa rin ng hininga niya? It smells like mint. Ang unfair naman ng mundo. Mabuti na lang at nauna akong magising sa kanya, kung nagkataon na nauna siya ay baka maamoy niya na bad breath ako. Napangiwi ako sa kung ano ang naiisip ko. Bakit ko pa pinoproblema iyon? Hindi ba dapat ay isipin ko kung paano ako makakawala sa yakap niya na hindi siya nagigising? Huminga ako ng malalim tapos ay marahan kong inalis ang braso niya sa akin. Natigilan pa nga ako nang bahagya siyang gumalaw. Ang akala ko ay magigising siya pero mabuti na lang at hindi n
“Ang akala ko ay nakalimutan niyo na ako,” ma-dramang saad ni Nanay habang kaharap kaming tatlo nina Dmitri at Drake. Magkakasama kasi kaming pumasyal ngayon sa bahay ampunan. Nagpasya ring bumili ang kambal ng tatlong malalaking bilao ng pancit, mga tinapay at softdrinks para sa mga bata. “Puwede po ba iyon?” malambing na sagot ni Drake at yumakap pa kay Nanay, napangiti naman ako kasi ang lambing niya. “Naku, ang pinakaloko-lokong bata naglalambing na ngayon,” natatawang saad naman ni Nanay Myrna. “Ano, hindi ka ba pinipingot ng mga magulang mo lalo na kapag naliligo ka sa ulan?” tanong pa niya kaya natawa kaming lahat. “Nay, matanda na po ako,” natatawang sagot din naman ni Drake. “Puro ka kalokohan noong nandito ka pa. Ito namang kapatid mo pinagtatakpan ka lagi. Kayong dalawa ang sakit sa ulo ko noon,” bulalas pa ni nanay kaya malakas akong natawa. “Silang dalawa din po iyong mahilig tumakas kapag tangh
Days turned real fast. Sa awa ng Diyos, sa wakas ay nakapagtapos na ako sa kolehiyo. Hindi rin natuloy ang kambal sa Palawan at nagpasya sila na ipagpaliban na muna iyon, na siya ring nakakatuwa kasi kung sakaling natuloy sila ay hindi sila makakadalo sa graduation ko. Last month, pumayag ako na maging girlfriend na ni Drake. Hindi ko alam kung ano at paano nangyari. Basta ang alam ko lang ay nagseselos ako nang makita si Dmitri na may kasamang babae, hindi iyon si Love, pero isinama niya sa night out na dapat ay para sa aming tatlo lang. Kaya sa harap nila mismo, sinabi ko na sinasagot ko na si Drake. Halata ang gulat sa kanilang lahat nang sabihin ko iyon, pero hindi ko na magawang bawiin pa. “Ano ang plano mo niyan?” tanong ni Drake sa akin. Kasalukuyan kaming nasa rooftop sa harap mismo ng apartment ko. Kasama rin namin si Dmitri at ang bago nitong girlfriend. Napansin ko na simula nung gabing sinagot ko si Drake ay halos paiba i
“You are a coward, Dmitri. Nakakahiya ka!” “You should be ashamed of yourself!” “Sana ikaw na lang ang nawala!” “You killed your brother!” “You should live your life alone!” “You don’t deserve to be happy!” Those voices kept on coming back inside my head. Like a ghost that’s haunting me. Nakakabingi dahil paulit-ulit na. And I lived with those voices over the years, I felt like I’m going to lose my sanity. Boses ni Alison ang madalas kong naririnig, pero may mga pagkakataon na sarili kong boses ang nagsasabi no’n sa akin. At hindi ko siya masisisi kung bakit nasabi niya sa akin ang mga bagay na iyon noon. What happened was too hard to take. At alam ko na dala lang ng labis na galit kaya nagawa niya akong sisihin. Hindi ako galit sa kanya. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. But she hated me because of what happened. So to make things easier, I left everything behind. I was ready to spend my whole life alon
“Are you sure you’re okay?” mababa ang boses na tanong ko kay Dim. Kapaparada lang niya ng sasakyan niya sa parking lot ng memorial park, dahil nga naisip ni Dim na pasyalan si Drake. “Yes, love,” malambing na sagot ni Dim. Nauna siyang bumaba sa akin tapos ay binuksan ang pinto ng backseat para kunin si Dave. Napangiti ako dahil sa nasaksihan tyapos ay bumaba na rin. Habang buhat naman ni Dim si Dave ay agad niyang hinawakan ang kamay ko tapos ay sabay kaming naglakad papunta sa puntod ng kaibigan ko, na kakambal niya. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Dim. Siguro ay kinakabahan siya. Pero hindi ako nagsalita. Hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko ro’n. Siguro ay sapat na iyon para sabihin sa kanya na okay lang ang lahat at nandito lang ako sa tabi niya. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng puntod ni Drake. Marahan namang ibinaba ni Dim si Dave tapos ay ngumiti pa sa bata. “Dave
The next day, I woke up abruptly and feeling empty. Sa kuwarto ako ni Dim natulog, magkatabi kami, pero ngayon ay iminulat ko ang mga mata ko na wala siya sa tabi ko. I had a bad dream. In that dream, he broke up with me and left me because… he was just confused about his feelings for me. Alam ko naman na napag-usapan na namin ang tungkol dito at okay na ang lahat, kaya hindi ko maintindihan kung bakit napanaginipan ko pa iyon. Dahil ba sa pagbubuntis ko? Hindi ko alam. Pero lagi kong naririnig at lagi nilang sinasabi na madalas daw sa buntis ang pagiging emosyonal. Marahan akong umupo sa kama at tahimik na umiyak. Alam ko na hindi ko dapat iniiyakan ang panaginip lang, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I really feel sad and empty for no reason. Ilang sandali lang ay marahang nagbukas ang pinto ng kuwarto. Tumingin ako ro’n habang tahimik na umiiyak, nakita ko kung paano natigilan si Dim nang makita niya ako. May dala nga rin si
I couldn’t help myself but smile. Hindi ko inakala na may ganitong plano na pala si Dim. Kinausap pa niya ang mga kaibigan ko para matulungan siya sa balak niyang ito. The proposal in the office alone was so overwhelming, I mean, it’s too overwhelming in a good way. Tapos ay may pa-engagement party pa ngayon dito sa bahay nila. Halos mga malalapit na kaibigan at pamilya ang nandito, meron ding iilan sa mga nagtatrabaho sa Corcuera Constructions. As in! Grabe, sobrang saya lang. Oo, nagawa niya akong saktan dahil sa mga maling desisyon. Pero parang bawing-bawi naman na siya sa pagpapasaya sa akin ngayon. Kanina ay nagsalita sina Tita, Tito at Dim sa maliit na entablado malapit sa may pool na ginawa ng event organizer. They gave us some heartwarming speech. Naiiyak na nga lang ako habang nakikinig sa kanila. But everything just went well. Ngayon ay nagpa-party na ang lahat. May mga kumakain pa rin sa mga tables nila, may mga nag-iinuma
Inip na inip ako habang nakaupo sa sofa. Kasalukuyan akong nandito sa opisina ni Dim. Siya naman ay abala sa trabaho. He asked me to just stay still. Gusto ko nga sanang magtrabaho, kahit na ano lang ang ipagawa niya sa akin pero hindi siya pumayag. Alam ko na unfair kasi maayos naman akong sasahod, pero ayaw talaga niya na pagawan ako ng kahit na anong trabaho. Kaya naman sa huli ay napabuntong hininga na lang ako at humiga sa sofa. Binuksan ko rin ang company tablet para makapaglaro ng paborito kong detective game. Alas tres pa lang ng hapon. At kanina pa talaga ako inip na inip. After lunch nga ay sinubukan kong puntahan sa pantry ang tatlong monay, pero sumaglit lang sila kasi marami pa raw silang kailangang tapusin. Hindi ko naman sila gustong abalahin kaya hinayaan ko na lang. Ni hindi ko pa nga naikukuwento sa kanila ang nangyari nung gabing pinasama nila ako kay Henry sa event, eh. Pagkatapos ng ilang minutong pa
Nakakatawa dahil wala pang sampong minuto ay dumating na si Dim. Halata nga sa kanya ang pagmamadali. Ang akala ko nga ay hindi niya papansinsin ang mensahe ko dahil pagod siya sa trabaho, hindi lang pala talaga siya nag-reply. “Let’s cuddle,” agad na saad niya nang pagbuksan ko siya ng pinto. “Huh? Bakit nandito ka? May trabaho ka, ah?” kunware ay saad ko. “My baby wants to cuddle, and what my baby wants, my baby gets,” aniya kaya bahagya akong napanguso. “Just because I want to cuddle doesn’t mean I want to cuddle with you!” pag-iinarte ko pa kaya napangisi siya. “But you texted me.” “W-Wrong sent lang ako!” Napangiwi ako kasi mukhang mali ata ang nasabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay na para bang hindi natuwa sa narinig mula sa akin. “Eh, sino pala ang gusto mong ka-cuddle?” tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot ay sinara na niya ang pinto. Tapos ay muli niya a
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang kuwarto. Bumaling ako pakaliwa at nakita ko na nahiga rin si Dim, nakatagilid siya at nakangiti akong tinititigan. “Good morning,” may halong lambing na bati niya. Agad naman akong napaupo sa kama dala ng gulat. And then it hit me! Nandito ako ngayon sa bahay nila. Natulog ako sa kuwarto niya! Agad akong tumingin sa wall clock at napansin na alas siete na ng umaga. “Bakit dito mo ’ko dinala? Sabi ko gusto kong umuwi!” reklamo ko. “Hindi kasi kita magising kagabi. Hindi ko rin naman alam kung saan ang apartment ni Gigi,” aniya kaya napangiwi ako. “Hindi man lang siya tumawag sa akin? Because, Dim, I’m pretty sure she did!” may halong pang-aakusa na saad ko. “She did,” aniya at marahan pang tumango. “She called you but I didn’t answer. Nag-send na lang ako ng text sa kanya gamit ang phone mo. Ang sabi ko hindi ka
“Are you okay?” tanong ni Henry sa akin pagkaparada niya ng sasakyan niya sa parking lot ng isang malaking hotel. Ngumiti naman ako sa kanya bago marahang tumango. “Yeah, thank you for asking,” sagot ko kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan ako. As soon as he turned off the car’s engine, we both stepped out of the car. Huminga pa ako ng malalim habang nakatingin sa entrance ng hotel. Ang daming mga bisita. Bihis na bihis silang lahat at mukhang galing lahat sa mayayamang mga pamilya. “Let’s go,” ani Henry. Sabay naman kaming naglakad papasok. He even offered his right arm on me. Kahit na nagdadalawang isip ay kumapit pa rin ako ro’n. “Kung hindi lang dahil sa request ng magaling at tsismosa mong girlfriend, hindi ako papayag dito,” mahinang saad ko kaya natawa siya. “At kung ako naman ang hindi pumayag baka isang linggo akong awayin no’n,” sagot naman niya kaya sabay kaming natawa.
“Tell me what really happened that day,” utos ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Hindi marami ang nakain ko kahit pa sobrang gutom ako. Mas importante kasi sa akin ang mapag-usapan namin ang nangyari mahigit dalawang taon ang nakakalipas. “I… I was having a yacht party with them,” aniya at huminga pa ng malalim na para bang sobrang hirap sa kanya na balikan ang lahat. But I want to hear his thoughts. Kahit pa naaawa ako sa kanya, at kahit na hindi ko siya gustong pilitin na pag-usapan ang mga bagay na ito ay alam kong kailangan para alam ko rin kung paano ko siya matutulungan. This has been long overdue, to be honest. “I saw him kissing a girl,” aniya at mariin pang pumikit. “I got mad because… he’s in a relationship with you. Kahit na sinabi mo na ako ang mahal mo noon, nagalit ako kasi… kasi bakit ka niya lolokohin samantalang ako… pangarap kita,” aniya at muling huminga ng malalim. “So you challenged him on a