Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami ni Dmitri. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Ramdam ko na parang naiinis siya sa akin, suguro ay dahil ayaw kong magpahatid sa kanya. Naiintindihan ko naman kung galit siya. Lalo na’t kaibigan niya ako. Marahil ang iniisip niya ay magiging kargo niya ako kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin. Gusto kong mag-sorry sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit napakabigat bitawan ng salitang ‘sorry’. Nahihiya ako. Hanggang sa makarating na kami sa apartment ko ay tahimik pa rin kami. Nang bumaba ako sa sasakyan ay gano’n din ang ginawa niya. Kumunot pa nga ang noo ko nang mapansin na hanggang paakyat sa hagdan ay nakasunod pa rin siya sa akin. “Okay na ako rito, Dim. Balikan mo na ang girlfriend mo,” mahinang saad ko. “Salamat ulit sa paghatid,” dagdag ko pa. “I already told you that she’s not my girlfriend, Alison,” madiing saad niya.
Being in a secret relationship with Dmitri is not easy. Sa tuwing magkasama kami ay may takot akong nararamdaman na baka may makakita sa amin. So as much as possible, I’m trying to avoid any public display of affection with him. Para kung sakaling may makakita man sa amin ay hindi magtaka. Normal naman kasi sa amin ang laging magkasama kahit pa noong magkaibigan pa lang kami. “What do you want to eat?” nakangiting tanong niya sa akin. We are currently on a well known mall in the city. Katatapos lang naming manuod ng sine at ngayon ay kakain na kami ng tanghalian. “Kahit na ano, Dim. Hindi naman ako mapili sa pagkain,” mahinahong sagot ko. Paminsan minsan ay iginagala ko ang tingin ko sa paligid. Para bang isang takas sa preso na natatakot na may makakita kasi mahuhuli ako. Para akong mababaliw na hindi mapakali. “Hey, don’t worry, okay?” malambing na saad niya. “Alam ko ang nasa isip mo, pero huwag kang mata
Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan lalo na’t nakatanggap ako ng mensahe kay Dmitri, ang sabi niya ay ngayong araw daw uuwi si Drake. Kasalukuyan akong nasa coffee shop at nagtatrabaho pa rin kasama si Ate Gigi. So Roy kasi ay umalis na sa coffee shop, ako naman ay nakiusap kay Ate na kung puwedeng manatili muna ako hanggang sa makanahap na ako ng trabaho. Pumayag naman siya. May mga ilang kompanya na ang tumawag sa akin, ilang beses na rin akong na-interview pero ang lagi nilang sinasabi ay tatawagan na lang nila ako. Naghihintay ako, pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa mga kompanyang iyon. “Ate, CR lang ako,” paalam ko kay Ate Gigi, ngumiti naman siya at tumango. Agad naman na akong tumayo at pumasok sa pinto, nasa may bandang kusina kasi ang CR. Sa totoo lang ay gusto ko lang namang maghilamos kasi inaantok ako. Hindi ko maintindihan pero lagi akong hirap na makatulog nitong mga nakaraang gabi
Hindi na halos mawala ang kabang nararamdaman ko pagkapasok namin sa bahay nina Drake. Kagaya nang napag-usapan namin kanina ay simundo niya ako sa coffee shop. Nakakahiya nga kay Ate Gigi kasi alas siete pa lang iyon, pero sinabi rin naman niya na gusto niyang magpahinga ng maaga kaya magsasara na rin siya. Kaya naman ang ginawa ko na lang ay tinulungan ko na muna siyang magligpit bago ako umalis kasama si Drake. Pagkapasok namin ay dumiretso kami agad sa kusina, medyo kumunot pa nga ang noo ko kasi wala namang tao doon maliban sa dalawang kasambahay. “Sir, nasa poolside po ang mga magulang niyo. Doon po nila kayo hinihintay,” magalang na saad nung isang kasambahay, ngumiti naman si Dmitri at marahang tumango. “Thank you,” aniya tapos ay nilingon ako. “Let’s go?” anyaya pa niya, huminga na lang ako ng malalim at marahang tumango. Nang maglakad na siya papunta sa backdoor ay sumunod ako sa kanya. May daan din kasi doon papunt
Pagkatapos ng dinner ay nakipagkuwentuhan pa sa amin sina tito at tita. Siguro ay mga bandang alas diez na iyon nang magpasya naman sila na magpahinga na. “Alam niyo naman ang mga matatanda, madali nang mapagod,” may halong pagbibirong saad pa ni tito. “Baka naman balak niyo lang magpakapagod ni mom, dad, ah?” biro ni Drake kaya mahina kaming natawa, lalo na si tito. Pero si tita ay agad na piningot si Drake dahil sa sinabi nito. “Kahit kailan talaga puro ka kalokohan,” saad pa ni tita. Natawa na lang ako dahil doon. Nang makapasok naman na sila ay tatlo na lang kaming naiwan sa poolside. Si Dim ay umiinom pa rin ng wine. “Are you planning to get drunk, brother?” tanong ni Drake, nagkibit naman ng balikat si Dim. “Nakakalasing ba ang wine?” balik na tanong naman niya. “Why don’t we have JD instead?” suhestiyon ni Drake, napangiwi pa ako kasi wala naman sa plano na mag-inuman ngayon.
“Dito ka na lang matulog, Ali,” suhestiyon ni Drake nang malapit na kaming matapos sa inuman. Alas dose na rin kasi iyon at sobrang late na. Sa totoo lang ay gusto ko sanang umuwi sa apartment ko, pero hindi ko naman magawang magpahatid pa sa kanila lalo na’t nakainom na rin sila. Kahit pa sabihin na hindi pa sila lasing at kaya pa naman nila ay hindi maikakaila ang katotohanan na naka-inom pa rin sila. Ayaw ko naman na mapahamak pa kami kung sakali. Gaya nang laging sinasabi sa amin ni tita, it’s better safe than sorry. “Yeah, may mga guestrooms naman dito,” segunda ni Dim. Napanguso na lang ako dahil doon. Wala naman na akong magagawa kahit pa hindi ako sang ayon sa gusto nila. At isa pa, mukhang tulog na rin ang driver nila at ayaw ko naman na maka-abala. “Kung hindi ka naman komportable ihahatid na lang kita,” nakangiting saad ulit ni Drake kaya mabilis akong umiling. “Okay lang ako,” sagot ko naman. “Di
“Sigurado ka na ba talaga na hindi ka sasama bukas?” pangungulit sa akin ni Drake. Kasalukuyan kasi silang nakatambay ni Dmitri sa rooftop. Nagpasya sila na tambayan na muna ako dahil halos isang linggo rin daw silang mawawala. Lunes bukas, at lunes ng madaling araw ang flight nila. Kanina pa nga nila ako pinipilit na sumama at paulit ulit na tinatanong para maihabol daw nila ang plane ticket ko. It’s actually tempting. Pero masyado na akong nahihirapan sa sitwaysong pinasok ko kaya gusto ko munang umiwas sa kanilang dalawa kahit na limang araw lang. Kapag nangyari siguro iyon ay mas magiging klaro ang isip ko sa kung ano ba talaga ang kailangan kong gawin. “Hindi na talaga, Drake. Okay lang ako. At isa pa, ilang araw na ako na laging nag-a-undertime sa coffee shop. Nakakahiya naman kay Ate Gigi kung mawawala pa ako ng limang araw,” sagot ko naman. “Maghihintay rin kasi ako ng mga tawag simula bukas mula sa mga kompanya na in-apply-a
“Girl, ano tutunganga ka lang diyan?” napalingon ako kay Ate Gigi nang sabihin niya iyon. Ibinaba ko ang cellphone ko at hindi pa rin makapaniwala sa natanggap na tawag. Naluluha ako dahil sa tuwa. Si Ate Gigi naman ay tinitigan ako ng may halong pagtataka. “Ano ang nangyari sa ’yo? Sino ba kasi ang tumawag? Ang tagal niyong magka-usap, ah?” saad niya. “A-Ate…” may halong kaba na saad ko. “Ano nga? Magsasalita ka o sasabunutan kita?” tanong niya. “T-Tumawag iyong HR Manager nung in-apply-an kong Telco Company sa California. N-Natanggap ako…” hindi makapaniwalang saad ko. Totoo ang sinabi ko. Abala ako sa paggawa ng kape nang may tumawag sa akin kaya pinagpatuloy na ni ate ang ginagawa ko at sinabi na sagutin ko ang tawag. Halos isang oras kaming magka-usap nung babae sa kabilang linya. Minsanan na niyang ginawa ang initial at final interview at pasado daw ako. Sinabi pa niya na may ise-send siya