“Girl, ano tutunganga ka lang diyan?” napalingon ako kay Ate Gigi nang sabihin niya iyon. Ibinaba ko ang cellphone ko at hindi pa rin makapaniwala sa natanggap na tawag. Naluluha ako dahil sa tuwa. Si Ate Gigi naman ay tinitigan ako ng may halong pagtataka. “Ano ang nangyari sa ’yo? Sino ba kasi ang tumawag? Ang tagal niyong magka-usap, ah?” saad niya. “A-Ate…” may halong kaba na saad ko. “Ano nga? Magsasalita ka o sasabunutan kita?” tanong niya. “T-Tumawag iyong HR Manager nung in-apply-an kong Telco Company sa California. N-Natanggap ako…” hindi makapaniwalang saad ko. Totoo ang sinabi ko. Abala ako sa paggawa ng kape nang may tumawag sa akin kaya pinagpatuloy na ni ate ang ginagawa ko at sinabi na sagutin ko ang tawag. Halos isang oras kaming magka-usap nung babae sa kabilang linya. Minsanan na niyang ginawa ang initial at final interview at pasado daw ako. Sinabi pa niya na may ise-send siya
Present Day What happened more than two years ago felt like it only happened yesterday. Ang makita si Dmitri na umiiyak kanina dala ng sakit at sinisisi pa rin ang sarili niya ay bumabasag sa puso ko. Truth be told, I was so ashamed of myself back then. I chose to be in a relationship with Drake knowing that I’m in love with Dmitri. I was unfair… Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoo. Niloko ko siya. Kaya noong nawala siya ay sobra akong na-guilty. At hindi ko magawang sisihin ang sarili ko kaya ipinasa ko kay Dim ang lahat ng pasanin. Natatandaan ko na noong tumawag sa akin si Tita Fely para sabihing wala na si Drake ay si Dmitri pa ang una kong tinanong sa kanya. Mas nauna pa akong mag-alala sa kanya kesa kay Drake na siyang nawala. Madaling araw nang maiuwi si Drake noon. Dmitri wasn’t in stable condition and crying non-stop and we couldn’t talk to him. Kaya tinanong namin ang mga kaibigan nila. They said that Dim asked
The next day, I woke up groggily and feeling empty. Pero kahit na gano’n ay pinilit ko pa rin na tumayo sa kama, gumayak at pumasok sa trabaho. I’m still living on the same small apartment from two years ago. Noong muli akong umuwi mula sa ibang bansa ay nagpasya ako na upahan ito. Mabuti na nga lang at hindi pa nakukuha ng iba. Oo, masyadong maliit ang apartment, at hindi ko alam pero mas komportable ako rito. Bago ako lumabas ay napalingon ako sa wall clock at napansin kong 7:30 na ng umaga. My work will start at 8:00 AM, and I haven’t had the chance to eat breakfast, nor even drink a coffee. Maaga naman talaga akong nagigising, pero siguro dahil medyo naparami ang ininom kong alam kagabi at hanggang madaling araw ako halos nahinto sa pag-iyak kaya late akong nagising ngayong araw. I honestly feel like skipping work, but ever since I started working as Tito Rick’s secretary, I tried my best not to do that. Alam ko naman na kaya ni Tito
At exactly 8:20 AM, I had decided to go out of my office. Dumiretso ako sa table ni Lou na siyang assistant secretary. “Good morning, Miss Ali,” nakangiting bati niya nang makita ako na papalapit sa kanya, tumayo rin siya agad mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya. “Lou, ready na ba ang board room?” tanong ko. “Yes, Miss Ali. Naghihintay na rin po ro’n ang ibang board members,” sagot naman niya. “Alright, thank you,” sagot ko. “Sasamahan ko si Mr. Corcuera ro’n para kung kailangan niya ng refresher ay matulungan ko siya. Ikaw na muna ang bahala rito,” dagdag ko pa, ngumiti naman si Lou at marahang tumango. “Sure, Miss Ali,” aniya bago muling umupo sa swivel chair para maipagpatuloy na ang ginagawa niya. Ako naman ay nagdadalang isip kung pupunta na ba ako sa board room o hihintayin ko na si Dim. Sakto naman na napansin kong nagbukas ang pinto ng opisina niya, kaya naman tumayo ako ng maayos para hintayin n
Sa totoo lang ay wala akong ginagawang trabaho ngayon. Naghihintay lang ako na dumating ang oras para ma-meet na namin si Mr. Martinez. Kung tutuusin ay puwede akong mag-send ng mga email proposal or mag-check ng email inquiry at mag-reply, pero may back office team naman na ang CC o Corcuera Constructions na siyang gumagawa noon. Ang madalas na ginagawa kong trabaho ay ang mag-set ng meeting, appointments, restaurant reservations at kung ano ano pa lalo na kung sa labas ng kompanya kikitain ni Tito Rick ang mga kliyente o mga posibleng business partners. Ako rin ang nag-aayos ng schedule niya, o kung wala siya rito ay ako ang tumatanggap ng lahat at ibi-briefing ko na lang siya sa mga nakaligtaan niya pagkabalik niya. Gusto ko lang talaga na tumambay rito sa opisina lalo na’t si Dmitri ang nakikita ko. Pasimple nga kung tumitig ako sa kanya. Totoo ang sinabi nina Rose at Lily kanina na mas naging guwapo nga siya. His be
I didn’t know how long I have waited for them to finish. Magdadalawang oras na pero nasa labas pa rin ako ng resto kasama at kakuwentuhan ang driver na si Mang Dom. “Mukhang napasarap po ang kuwentuhan nina Sir at ang mga kaibigan niya, ma’am, ah?” nakangiting wika ni Mang Dom, siguro ay napansin niya na naiinip na ako. Totoo naman na naiinip na ako, pero hindi ko naman gustong sirain ang oras na kasama ni Dmitri ang mga kaibigan niya. Maybe, this can also help him divert his attention to other things. At isa pa, alam ko naman na wala akong karapatan na ayain na siyang umalis kasi ‘boss’ at ‘empleyado’ na lang ang relasyon namin ngayon. Even though I am close with his parents, I honest;y don’t have any idea if he still see me as his friend. “Ang tagal po kasi nilang hindi nagkita-kita,” sagot ko naman. “Atsaka Mang Dom, ilang beses ko po bang sasabihin na Ali na lang ang itawag niyo sa akin?” natatawang dagdag ko pa, ngumiti lang siy
Alam ko naman iyon. Alam ko na hindi na siya katulad ng dati. Hindi na siya ang Dmitri na nakilala ko, kaya hindi ko maintindihan kung bakit may kirot pa rin sa puso ko sa sinabi niya gayong hindi naman na bago iyon sa akin. “By the way, I already talked to the HR and Finance Team, pina-disable ko ang punch in and out access mo sa trabaho at lunch. I just think that it’s kind of unfair especially if you’re always with me. Atsaka para ma-enjoy mo ang lunch mo na hindi nagagahol sa oras kasama ang boyfriend mo,” mahabang saad niya, pero ang mas pinakanakakagulat ay ang huli niyang sinabi. Teka, alam niyang nag-lunch kami ni Henry? Atsaka anong boyfriend ang pinagsasasabi niya? “Hindi ko po boyfriend si Henry, Sir,” sagot ko naman. “I honestly don’t care,” aniya at nag-iwas pa ng tingin. “I’m just saying so you can now enjoy your time at work on a move forward,” dagdag pa niya. Napanguso na lang ako at nagkibit ng balikat.
“I can’t give this project to anyone else. I want Corcuera Constructions to work on it. Lalo na’t subok ko na rin ang mga Engineers at Architects niyo,” wika ni Mr. Martinez. Kasalukuyan kaming nasa Jag’s ulit para kitain siya tungkol dito. Habang nag-uusap sina Dmitri at Mr. Martinez ay tahimik lang akong nakikinig. If there are anything important, I’m taking down notes. Mas maigi na iyon kesa makalimutan ko. Lalo na’t baka hingan ako ng minutes ni Dim. Kasama rin ni Mr. Martinez si Primo na kung minsan ay nagbibigay rin ng suhestiyon. “We can set an appointment with our Architects and Engineers, Mr. Martinez. When is your free time if I may ask?” tanong naman ni Dim. “That, I am not sure,” ani Mr. Martinez. “Alam mo naman na sobrang abala ako. Ilang ulit ko na ngang na-cancel itong meeting na ito dahil sa dami ng ginagawa,” dagdag pa niya, tumango naman si Dim. “I understand,” aniya. “Just call my secretary beforehand