Share

Chapter 26

Alam ko naman iyon. Alam ko na hindi na siya katulad ng dati. Hindi na siya ang Dmitri na nakilala ko, kaya hindi ko maintindihan kung bakit may kirot pa rin sa puso ko sa sinabi niya gayong hindi naman na bago iyon sa akin.

“By the way, I already talked to the HR and Finance Team, pina-disable ko ang punch in and out access mo sa trabaho at lunch. I just think that it’s kind of unfair especially if you’re always with me. Atsaka para ma-enjoy mo ang lunch mo na hindi nagagahol sa oras kasama ang boyfriend mo,” mahabang saad niya, pero ang mas pinakanakakagulat ay ang huli niyang sinabi.

Teka, alam niyang nag-lunch kami ni Henry? Atsaka anong boyfriend ang pinagsasasabi niya?

“Hindi ko po boyfriend si Henry, Sir,” sagot ko naman.

“I honestly don’t care,” aniya at nag-iwas pa ng tingin. “I’m just saying so you can now enjoy your time at work on a move forward,” dagdag pa niya.

Napanguso na lang ako at nagkibit ng balikat.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status