Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Dim. Pagkalabas kasi niya ng resto ay tahimik lang ako na sumunod sa kanya. Hirap na hirap talaga akong basahin ang bawat kilos niya. Hindi kagaya dati na kahit iniisip niya ay ang dali kong makuha. Right now, I feel like he’s a walking riddle. May mga pagkakataon na ang sungit niya, meron din naman na parang wala siyang pake sa akin. Tapos minsan ay ngingiti siya. He’s really driving me crazy. Ngayon naman ay tahimik lang akong nakasunod sa kanya habang palakad lakad kami sa mall. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin namin dito at natatakot naman ako na magtanong baka sungitan lang niya ako ulit. Ilang saglit lang ay nakita kong sumakay siya sa elevator, halos patakbo naman akong sumunod sa kanya. Then he pushed the button to 4th floor. Nang makarating ay tahimik na naman siyang naglakad, at para na naman akong maamong aso na sumunod sa kanya. Bahagya akong nakaramdam ng excitement nang maki
“Ang tagal naman ng pagkain,” reklamo ni Lily. It’s been over twenty minutes, at wala pa ang order niya rito. Mahina pa nga akong natawa kasi mukhang gutom na talaga siya. “Bakla, ang dami kaya ng in-order mo,” sagot naman ni Rose. “Mas maigi na iyong hindi tayo mabitin, ’no! Atsaka madalang lang naman,” depensa naman niya, tapos ay may biglang kumatok sa nakasarang pinto. “Finally!” dagdag pa niya sa pag-aakalang iyong order na iyon. “Come in!” sagot naman ni Rose doon sa kumatok. The door was pushed open, and it was really the waiter with a service trolley. But to our surprise, Dim was also there. Napalingon ako sa mga kaibigan ko at napansin ko na napanganga sila nang makita si Dim. Hindi ko nga pala nasabi sa kanila na pupunta siya rito. Hindi ko rin naman kasi alam na seseryosohin niya ang pagiging masunurin kay Tita Fely. Nakakaloka. “Am I welcome here?” preskong tanong ni Dim na naglakad
Pagkatapos siguro ng ilang minuto ay naglakad na ako pabalik sa VIP Room. Medyo nagulat pa nga ako kasi napansin ko na katabi na ngayon ni Dim si Henry, nakaupo siya sa kung saan ako nakaupo kanina. Napalingon sa akin si Dim at tinaasan ulit ako ng kilay bago muling ibinalik ang tingin kina Rose at Lily na halatang enjoy na enjoy na naman sa pagkanta. Napansin ko na nakatingin sa akin si Lou, ngumisi pa siya at pasimpleng nginuso si Dim. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagpasyang umupo sa puwesto niya kanina. Medyo napangiwi ako nang mapansing medyo amoy sigarilyo pa siya, kaya naman inilabas ko ang alcohol sa bag ko tapos ay inilapag ko iyon sa harap niya. “Hindi ko gusto ang amoy ng sigarilyo,” wika ko nang napalingon siya doon. Napailing naman siya bago kinuha ang alcohol, tapos ay naglagay sa kamay niya at maging sa may damit niya na akala mo naman perfume iyon. “Okay na?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay sa
I woke up at around five in the morning. Sobrang inaantok pa ako kasi kulang na kulang ang tulog ko. Pero kahit na gustuhin kong matulog pa sana ay hindi ko naman magawa dahil nga may lakad kami ngayon. Siguro ay ala una na ng madaling araw ako nakatulog kanina. Kasalanan iyon ni Dim! Hindi ko alam sa kung anong dahilan at kung ano ang connect, pero siya talaga ang may kasalanan! Siguro dahil masyado akong na-overwhelm sa mga kilos niya kagabi. I mean, how playful he was last night was more like his old attitude. Parang siya na ulit iyong Dim na nakasanayan ko. I stood up from bed and walked my way inside the bathroom. Hindi na rin ako nagdalawang isip na maligo. Mabuti na nga lang at may heater ang mga shower dito kaya naging komportable ako sa pagligo. Hindi gaya sa apartment ko na wala, sobrang lamig lagi ng tubig. Right after I’m done with shower, I also dressed up. Isang pinaghalong kulay itim at dilaw ang dress na napili ko. It
Just a few minutes more of drive, we finally got to our destination. Nakakatuwa kasi sobrang dami ng mga tao. Some were silently praying and some were just outside and taking pictures. Siguro ay natapos na nila ang mga naunang misa. Kami naman ay hindi na nagdalawang isip na pumasok sa chapel para makinig na sa misa na nagsimula na. There were too many people and we didn’t find any available seats. Kaya naman nakatayo lang kami sa isang gilid habang nakikinig sa misa. While we’re on that, I also used that as an opportunity to sincerely talk to God in my mind. I just thanked Him for all the blessings he has given me. Siyempre, hindi rin nawala sa akin ang ipagdasal si Drake. Alam ko na gano’n din ang ginawa nina Tita at Tito, at maging si Dim. After almost an hour, the mass is finally done. Lumabas kami at nagpunta sa may mga nagbebenta ng kandila. Bumili kami no’n ay sinindihan namin, tapos ay inilagay namin sa puwesto kung saan ang
Days turned real fast and it’s been a week since we went to Manaoag. Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Dim. Minsan ay napapansin ko na parang medyo umiiwas pa rin siya, pero hindi na kagaya nung una na halos araw araw kung sungitan niya ako. Today is Monday. It is actually the day that I hate the most. I mean, kapag kasi galing ka sa off tapos papasok ka ay parang nakakatamad. Sa tingin ko ay hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng ganito. Pero wala naman akong magawa kasi kailangan kong magtrabaho. Hindi ako puwedeng tumigil sa pagtatrabaho kasi kagaya nang sinabi ko ay wala naman akong ibang pamilya na puwedeng asahan at susuporta sa akin. Bigla ko tuloy naalala si Nay Myrna, halos dalawang linggo na rin pala akong hindi nakakapasyal sa bahay ampunan. Miss ko na rin siyang makakuwentuhan. Siguro ay papasyalan ko siya kapag may libreng oras ako. Matanda na si Nay Myrna. Madalas nga ay halos hindi na siya makakilos ng m
Pagkadating sa opisina ay naabutan ko sina Lou, Rose at Lily sa may pantry. Nakita ko rin agad sa mesa ang blueprint na may natuyong kape. Nanlumo ako sa nakita. “M-Miss Ali, sorry po…” naiiyak na naman na saad ni Lou nang makita niya ako. “Nangyari na, Lou,” mahinang saad ko na lang bago tuluyang lumapit sa kanila. “Wala pa rin ba si Sir Dim?” tanong ko, halos sabay sabay naman silang umiling bilang tugon. Ramdam ko na kinakabahan din sila dahil sa nangyari. Maging ako ay gano’n din naman. Naipaliwanag na sa akin ni Lou kung bakit nangyari ito, at wala naman akong magagawa pa. Hindi ko rin naman magawang magalit sa kanya dahil kagaya nang sinabi ko ay kasalanan ko rin. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko, nang tignan ko iyon ay si Henry ang tumatawag kaya agad kong sinagot. “Hey, you have three missed call. What’s up?” aniya. “S-Sir Henry, m-may problema kasi,” kinakabahang saad ko. “What happened?” tanong niya. “Iyong blueprint kasi a-aksidente kong natapuna
The next day, I woke up at around six in the morning. Nasanay na ako na maagang gumigising. Pero ngayong umaga ay gagayak ako hindi para pumasok sa trabaho, kung hindi para mapuntahan si Nay Myrna sa hospital at masamahan ko siya pagka-discharge sa kanya. Pagkatapos no’n ay balak kong maghanap ng bagong trabaho. Last night, I also sent an email application to some other big companies. Naghihintay na lang ako ng tawag mula sa mga kompanyang iyon. Gano’n pa man ay magwa-walk-in din ako sa pag-apply ng bagong trabaho mamaya. Mas maigi na kasi iyong marami akong application para may mga pagpipilian ako. It was around seven when I’m finally done with everything. Nagpasya ako na lumabas na dala ang isang paper bag na may lamang pagkain. Nagluto kasi ako ng agahan para kina Nay Myrna. Hindi ako sigurado kung kumain na ba sila, pero alam ko na hindi naman iyon masasayang. Naglakad ako papunta sa terminal ng jeep tapos ay sumakay
“You are a coward, Dmitri. Nakakahiya ka!” “You should be ashamed of yourself!” “Sana ikaw na lang ang nawala!” “You killed your brother!” “You should live your life alone!” “You don’t deserve to be happy!” Those voices kept on coming back inside my head. Like a ghost that’s haunting me. Nakakabingi dahil paulit-ulit na. And I lived with those voices over the years, I felt like I’m going to lose my sanity. Boses ni Alison ang madalas kong naririnig, pero may mga pagkakataon na sarili kong boses ang nagsasabi no’n sa akin. At hindi ko siya masisisi kung bakit nasabi niya sa akin ang mga bagay na iyon noon. What happened was too hard to take. At alam ko na dala lang ng labis na galit kaya nagawa niya akong sisihin. Hindi ako galit sa kanya. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. But she hated me because of what happened. So to make things easier, I left everything behind. I was ready to spend my whole life alon
“Are you sure you’re okay?” mababa ang boses na tanong ko kay Dim. Kapaparada lang niya ng sasakyan niya sa parking lot ng memorial park, dahil nga naisip ni Dim na pasyalan si Drake. “Yes, love,” malambing na sagot ni Dim. Nauna siyang bumaba sa akin tapos ay binuksan ang pinto ng backseat para kunin si Dave. Napangiti ako dahil sa nasaksihan tyapos ay bumaba na rin. Habang buhat naman ni Dim si Dave ay agad niyang hinawakan ang kamay ko tapos ay sabay kaming naglakad papunta sa puntod ng kaibigan ko, na kakambal niya. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Dim. Siguro ay kinakabahan siya. Pero hindi ako nagsalita. Hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko ro’n. Siguro ay sapat na iyon para sabihin sa kanya na okay lang ang lahat at nandito lang ako sa tabi niya. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng puntod ni Drake. Marahan namang ibinaba ni Dim si Dave tapos ay ngumiti pa sa bata. “Dave
The next day, I woke up abruptly and feeling empty. Sa kuwarto ako ni Dim natulog, magkatabi kami, pero ngayon ay iminulat ko ang mga mata ko na wala siya sa tabi ko. I had a bad dream. In that dream, he broke up with me and left me because… he was just confused about his feelings for me. Alam ko naman na napag-usapan na namin ang tungkol dito at okay na ang lahat, kaya hindi ko maintindihan kung bakit napanaginipan ko pa iyon. Dahil ba sa pagbubuntis ko? Hindi ko alam. Pero lagi kong naririnig at lagi nilang sinasabi na madalas daw sa buntis ang pagiging emosyonal. Marahan akong umupo sa kama at tahimik na umiyak. Alam ko na hindi ko dapat iniiyakan ang panaginip lang, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I really feel sad and empty for no reason. Ilang sandali lang ay marahang nagbukas ang pinto ng kuwarto. Tumingin ako ro’n habang tahimik na umiiyak, nakita ko kung paano natigilan si Dim nang makita niya ako. May dala nga rin si
I couldn’t help myself but smile. Hindi ko inakala na may ganitong plano na pala si Dim. Kinausap pa niya ang mga kaibigan ko para matulungan siya sa balak niyang ito. The proposal in the office alone was so overwhelming, I mean, it’s too overwhelming in a good way. Tapos ay may pa-engagement party pa ngayon dito sa bahay nila. Halos mga malalapit na kaibigan at pamilya ang nandito, meron ding iilan sa mga nagtatrabaho sa Corcuera Constructions. As in! Grabe, sobrang saya lang. Oo, nagawa niya akong saktan dahil sa mga maling desisyon. Pero parang bawing-bawi naman na siya sa pagpapasaya sa akin ngayon. Kanina ay nagsalita sina Tita, Tito at Dim sa maliit na entablado malapit sa may pool na ginawa ng event organizer. They gave us some heartwarming speech. Naiiyak na nga lang ako habang nakikinig sa kanila. But everything just went well. Ngayon ay nagpa-party na ang lahat. May mga kumakain pa rin sa mga tables nila, may mga nag-iinuma
Inip na inip ako habang nakaupo sa sofa. Kasalukuyan akong nandito sa opisina ni Dim. Siya naman ay abala sa trabaho. He asked me to just stay still. Gusto ko nga sanang magtrabaho, kahit na ano lang ang ipagawa niya sa akin pero hindi siya pumayag. Alam ko na unfair kasi maayos naman akong sasahod, pero ayaw talaga niya na pagawan ako ng kahit na anong trabaho. Kaya naman sa huli ay napabuntong hininga na lang ako at humiga sa sofa. Binuksan ko rin ang company tablet para makapaglaro ng paborito kong detective game. Alas tres pa lang ng hapon. At kanina pa talaga ako inip na inip. After lunch nga ay sinubukan kong puntahan sa pantry ang tatlong monay, pero sumaglit lang sila kasi marami pa raw silang kailangang tapusin. Hindi ko naman sila gustong abalahin kaya hinayaan ko na lang. Ni hindi ko pa nga naikukuwento sa kanila ang nangyari nung gabing pinasama nila ako kay Henry sa event, eh. Pagkatapos ng ilang minutong pa
Nakakatawa dahil wala pang sampong minuto ay dumating na si Dim. Halata nga sa kanya ang pagmamadali. Ang akala ko nga ay hindi niya papansinsin ang mensahe ko dahil pagod siya sa trabaho, hindi lang pala talaga siya nag-reply. “Let’s cuddle,” agad na saad niya nang pagbuksan ko siya ng pinto. “Huh? Bakit nandito ka? May trabaho ka, ah?” kunware ay saad ko. “My baby wants to cuddle, and what my baby wants, my baby gets,” aniya kaya bahagya akong napanguso. “Just because I want to cuddle doesn’t mean I want to cuddle with you!” pag-iinarte ko pa kaya napangisi siya. “But you texted me.” “W-Wrong sent lang ako!” Napangiwi ako kasi mukhang mali ata ang nasabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay na para bang hindi natuwa sa narinig mula sa akin. “Eh, sino pala ang gusto mong ka-cuddle?” tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot ay sinara na niya ang pinto. Tapos ay muli niya a
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang kuwarto. Bumaling ako pakaliwa at nakita ko na nahiga rin si Dim, nakatagilid siya at nakangiti akong tinititigan. “Good morning,” may halong lambing na bati niya. Agad naman akong napaupo sa kama dala ng gulat. And then it hit me! Nandito ako ngayon sa bahay nila. Natulog ako sa kuwarto niya! Agad akong tumingin sa wall clock at napansin na alas siete na ng umaga. “Bakit dito mo ’ko dinala? Sabi ko gusto kong umuwi!” reklamo ko. “Hindi kasi kita magising kagabi. Hindi ko rin naman alam kung saan ang apartment ni Gigi,” aniya kaya napangiwi ako. “Hindi man lang siya tumawag sa akin? Because, Dim, I’m pretty sure she did!” may halong pang-aakusa na saad ko. “She did,” aniya at marahan pang tumango. “She called you but I didn’t answer. Nag-send na lang ako ng text sa kanya gamit ang phone mo. Ang sabi ko hindi ka
“Are you okay?” tanong ni Henry sa akin pagkaparada niya ng sasakyan niya sa parking lot ng isang malaking hotel. Ngumiti naman ako sa kanya bago marahang tumango. “Yeah, thank you for asking,” sagot ko kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan ako. As soon as he turned off the car’s engine, we both stepped out of the car. Huminga pa ako ng malalim habang nakatingin sa entrance ng hotel. Ang daming mga bisita. Bihis na bihis silang lahat at mukhang galing lahat sa mayayamang mga pamilya. “Let’s go,” ani Henry. Sabay naman kaming naglakad papasok. He even offered his right arm on me. Kahit na nagdadalawang isip ay kumapit pa rin ako ro’n. “Kung hindi lang dahil sa request ng magaling at tsismosa mong girlfriend, hindi ako papayag dito,” mahinang saad ko kaya natawa siya. “At kung ako naman ang hindi pumayag baka isang linggo akong awayin no’n,” sagot naman niya kaya sabay kaming natawa.
“Tell me what really happened that day,” utos ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Hindi marami ang nakain ko kahit pa sobrang gutom ako. Mas importante kasi sa akin ang mapag-usapan namin ang nangyari mahigit dalawang taon ang nakakalipas. “I… I was having a yacht party with them,” aniya at huminga pa ng malalim na para bang sobrang hirap sa kanya na balikan ang lahat. But I want to hear his thoughts. Kahit pa naaawa ako sa kanya, at kahit na hindi ko siya gustong pilitin na pag-usapan ang mga bagay na ito ay alam kong kailangan para alam ko rin kung paano ko siya matutulungan. This has been long overdue, to be honest. “I saw him kissing a girl,” aniya at mariin pang pumikit. “I got mad because… he’s in a relationship with you. Kahit na sinabi mo na ako ang mahal mo noon, nagalit ako kasi… kasi bakit ka niya lolokohin samantalang ako… pangarap kita,” aniya at muling huminga ng malalim. “So you challenged him on a