Pagkadating sa opisina ay naabutan ko sina Lou, Rose at Lily sa may pantry. Nakita ko rin agad sa mesa ang blueprint na may natuyong kape. Nanlumo ako sa nakita. “M-Miss Ali, sorry po…” naiiyak na naman na saad ni Lou nang makita niya ako. “Nangyari na, Lou,” mahinang saad ko na lang bago tuluyang lumapit sa kanila. “Wala pa rin ba si Sir Dim?” tanong ko, halos sabay sabay naman silang umiling bilang tugon. Ramdam ko na kinakabahan din sila dahil sa nangyari. Maging ako ay gano’n din naman. Naipaliwanag na sa akin ni Lou kung bakit nangyari ito, at wala naman akong magagawa pa. Hindi ko rin naman magawang magalit sa kanya dahil kagaya nang sinabi ko ay kasalanan ko rin. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko, nang tignan ko iyon ay si Henry ang tumatawag kaya agad kong sinagot. “Hey, you have three missed call. What’s up?” aniya. “S-Sir Henry, m-may problema kasi,” kinakabahang saad ko. “What happened?” tanong niya. “Iyong blueprint kasi a-aksidente kong natapuna
The next day, I woke up at around six in the morning. Nasanay na ako na maagang gumigising. Pero ngayong umaga ay gagayak ako hindi para pumasok sa trabaho, kung hindi para mapuntahan si Nay Myrna sa hospital at masamahan ko siya pagka-discharge sa kanya. Pagkatapos no’n ay balak kong maghanap ng bagong trabaho. Last night, I also sent an email application to some other big companies. Naghihintay na lang ako ng tawag mula sa mga kompanyang iyon. Gano’n pa man ay magwa-walk-in din ako sa pag-apply ng bagong trabaho mamaya. Mas maigi na kasi iyong marami akong application para may mga pagpipilian ako. It was around seven when I’m finally done with everything. Nagpasya ako na lumabas na dala ang isang paper bag na may lamang pagkain. Nagluto kasi ako ng agahan para kina Nay Myrna. Hindi ako sigurado kung kumain na ba sila, pero alam ko na hindi naman iyon masasayang. Naglakad ako papunta sa terminal ng jeep tapos ay sumakay
“N-No?” tanong niya, halatang kinukumpirma kung tama ba ang narinig niyang sinabi ko. “Uh-huh,” sagot ko. “In fact, may job interview na ako bukas. Mas mabuti na rin siguro iyon. Aminin man kasi natin at hindi, alam naman nating pareho na hindi ka komportable sa presensiya ko. Let’s just say that I’m doing you a favor,” mahabang dagdag ko pa. “That’s not true…” mahina at frustrated pa rin na saad niya. “Lou told me that she was the one who accidentally poured coffee on that blueprint, and then, I also found out that it wasn’t really the blueprint for Mr. Martinez’s project. I was a bit harsh—” “A bit?” tanong ko, pinuputol ang sasabihin niya. “Fine, I was really harsh with you yesterday, and I am really sorry,” aniya kaya marahan akong tumango. “It’s okay, Dim. Wala na sa akin iyon. Don’t worry because I don’t hold grudges. At isa pa, tama ka naman, eh. Paano pala kung iyon talaga ang blueprint? Kasalanan ko rin kasi nan
“Good morning, Sir Dim. Ang aga po natin, ah?” nakangiting wika ko nang makita si Dim na naghihintay sa mag elevator. “Uhm, yeah. I actually have a lot of things to do today,” sagot niya. “Pakikuha ng schedules ko kay Lou. Iyong morning coffee ko at 8:00 AM, and don’t let anyone bother me unless it’s really important,” dagdag pa niya kaya marahan akong tumango. “Okay po, Sir,” nakangiting sagot ko. Hindi ko alam pero ganadong ganado ako ngayong araw. Siguro ay dahil sa naging pag-uusap namin ni Dim? I mean, sino ba namang hindi matutuwa kasi sinadya pa niya ako sa apartment ko, hindi ba? I don’t want to assume but at the same time, I want to make myself believe that it means something. “G-Good morning po, Sir. Good morning po, Miss Ali,” sabay kaming napalingon sa isang empleyado mula sa HR na bumati sa amin. Ngumiti naman ako at marahang tumango. “Good morning,” bati ko. Ibinalik ko na ang ting
Pagkaalis ni Henry ay naghintay muna akk ng ilang minuto bago nagpasyang lumabas. Wala sina Rose at Lily sa pantry, si Lou naman ay abala sa mesa niya kaya agad ko siyang nilapitan. “Bakit lumabas si Sir Dim kanina? Anong ginawa o kailangan niya?” tanong ko kay Lou. “Nagtanong lang siya kung wala bang chocolates sa pantry. Tapos tinanong din niya ako kung ano ang ibang gusto ng mga empleyado na idagdag doon,” sagot ni Lou kaya marahan akong tumango. “Oh, alright,” wika ko at ngumiti. “Thanks, Lou,” dagdag ko pa at nagpasyang pumasok na lang sa opisina ni Dim. Nabanggit ko na rin naman sa kanya na doon ko gagawin ang trabaho ko, kahit na wala naman talaga akong gagawin. At isa pa una pa lang nasabi ko na sa kanya na doon ko madalas ginagawa ang trabaho ko noong si Tito Rick pa ang nandito, kahit na hindi naman totoo. So I’m pretty sure that he wouldn’t mind my presence inside his office while he’s working. Hindi na ako ku
“Anong oras kayo makakauwi, Miss Ali?” tanong sa akin Lou. Kasalukuyan akong nasa pantry at name-mirienda kasama siya at sina Rose at Lily. We are drinking an orange juice and eating bread from a famous bakeshop just in front of the CC Building. “Hindi ko alam, Lou, eh. Kasi kailangan pa naming mag-dinner kasama si Mr. Lim. Baka late na rin,” sagot ko. Sinabi ko kasi sa kanila na hindi na ako makakasama sa balak nilang pagpunta sa Mall mamaya pagkatapos ng working hours namin. Alam ko na nasabi kong sasama ako, pero biglaan din naman kasi na sinabi ni Dim na isasama niya ako. Atsaka hindi naman na bago ang ganitong mga ganap. I’m his secretary. At kahit noong secretary pa ako ni Tito Rick, madalas talaga ang ganitong mga biglaang lakad. “Sayang naman,” ani Rose, tumango naman si Lily bilang pagsang ayon. “Inaya pa naman kami ni Sir Henry sa birthday celebration ng mom niya. Hindi ka rin ba makakapunta, Miss
“D-Dim…” kinakabahan at nag-aalalang banggit ko sa pangalan niya. “I’m okay,” mahinang saad niya kahit na nakangiwi pa rin. Inalalayan naman kami ng mga trabahador na tumayo. Agad kong tinignan ang kaliwang balikat niya, napansin ko na ang suot niyang kulay puting long sleeve na polo ay nadumihan at napunit. Hindi naman malalim ang sugat, pero medyo marami ang gasgas na natamo niya at may konting dugo. “Hindi ba kayo nag-iingat?” pagalit na sigaw ni Mr. Lim, halatang nagalit dahil sa nangyari, kahit pa nasabihan naman na kami na huwag munang magbanda rito. “It’s fine, Mr. Lim. I’m okay. They already warned us about this area, and it’s partly our fault because it slipped out of our minds,” mababa ang boses na saad naman ni Dim. Nakita ko kung paano huminga ng malalim si Mr. Lim bago tumango. “I’m so sorry, Mr. Corcuera,” mahinahong paghingi ng pasensiya ni Mr. Lim. “It’s really okay.
Right after eating, we still stayed there while listening to Sir Henry’s mom as she’s talking about their life these past few years in front of so many people. Nakakatuwa siyang pakinggan, kasi napaka-humble niya. Base sa kuwento niya ay sobrang dami na rin nilang napagdaanan. Iyong tipong kahit medyo umahon na sila sa hirap ay sunod sunod pa rin ang mga problema na hinaharap nila. It was a beautiful story, to be honest. Nakaka-inspire para sa mga kagaya ko na alam kong nagsisimula pa lang talaga sa agos ng buhay. Listening to her makes me want to do more in life. Habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ay napalingon ako sa gawi nina Dim, napansin ko na nakatingin siya sa akin pero nang magtama ang paningin namin ay agad siyang umiwas. Katabi niya si Tita Fely, katabi naman ni Tita ay si Tito. Tapos sa harap nila ay nakaupo si Sir Henry at ang dad nito. “Grabe pala ang mga pinagdaanan nila, ano?” mahinang saad ni Lou.