Right after eating, we still stayed there while listening to Sir Henry’s mom as she’s talking about their life these past few years in front of so many people. Nakakatuwa siyang pakinggan, kasi napaka-humble niya. Base sa kuwento niya ay sobrang dami na rin nilang napagdaanan. Iyong tipong kahit medyo umahon na sila sa hirap ay sunod sunod pa rin ang mga problema na hinaharap nila. It was a beautiful story, to be honest. Nakaka-inspire para sa mga kagaya ko na alam kong nagsisimula pa lang talaga sa agos ng buhay. Listening to her makes me want to do more in life. Habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ay napalingon ako sa gawi nina Dim, napansin ko na nakatingin siya sa akin pero nang magtama ang paningin namin ay agad siyang umiwas. Katabi niya si Tita Fely, katabi naman ni Tita ay si Tito. Tapos sa harap nila ay nakaupo si Sir Henry at ang dad nito. “Grabe pala ang mga pinagdaanan nila, ano?” mahinang saad ni Lou.
Saturday came fast, and the past few days just went real fine. Pagkatapos nung naging pag-uusap namin ni Dim noong gabing iyon ay naging maayos naman ang lahat. Everything just went back to normal. And when I say normal, kasama ro’n iyong madalas na tahimik lang siya. I can feel that we’re not totally okay, but I can also feel that he’s trying his best so we could be okay. Nag-alala nga ako na baka maging awkward ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa pagkatapos nung gabing iyon, pero mabuti na lang ay hindi naman. Ngayon ay nasa harap kami ng CC building. It’s just four in the morning and we are all waiting for the other employees that are going to join us in this team building. “Sino pa ang hinihintay natin?” tanong ni Linda sa amin, siya ang HR Manager ng Corcuera Constructions. “Sina Rose at Lily po, Ma’am,” sagot naman ni Lou kaya marahang tumango si Linda. Sina Rose at Lily ang hinihintay nila, ako nam
Kagaya nang sinabi ni Linda, pagkatapos itayo ang mga tents namin ay nagluto na sila ng tanghalian. Ako naman au umupo sa may kubo para magpahinga muna saglit. Nakakatuwa ang lugar. Sobrang ganda tapos kahit na mataas ang sikat ng araw ay hindi masakit sa balat dahil sobrang presko ng hangin. Sina Lou, Rose, Lily at iba pa naming mga kasama ay nagsitakbuhan na sa may tabing dagat para kumuha ng mga pictures. Pinilit pa nga nila akong sumama sa kanila pero sinabi ko na lang na masakit ang paa ko kahit na hindi naman totoo. Si Henry naman ay gumamit daw ng banyo. Si Dim ay nakaupo sa tabi ko. “Sir, mag-enjoy muna po kayo. Tatawagin na lang namin kayo kapag kakain na po,” ani Linda habang abala sila sa pagluluto, nakakatawa nga kasi si Veronica ang kasama niya. Iyong babaeng kinuwento nina Rose, Lily at Lou sa akin na nagsabing feeling daw niya ay bet siya ni Dim. “I’m fine here,” ani Dim. “Thanks, anyway,” dag
“Let’s start with our first game!” sigaw ni Linda matapos ang mahigit isang oras na pahinga at kuwentuhan namin habang nakaupo sa ibaba ng mga matatas na puno at buhanginan. Nagsitayuan naman ang lahat at naghiyawan na halatang excited. “So, ako lang ang hindi kasali sa larong ito, tapos kayong lahat ay kailangang mag-patticipate,” aniya at ngumisi pa. “Anong laro?” tanong naman ni Rose. “Mga larong pambata lang tayo,” aniya. “Chill at good vibes lang. Nakaka-miss kasi ang kabataan natin kung saan naglalaro tayo kasama ang mga kaibigan natin sa kalsada, sa panahon ngayon puro smartphone na, tayo naman, hindi na magawa ang mga iyon kasi bukod sa may edad na tayo ay abala tayo sa trabaho,” mahabang paliwanag pa niya. “I’m excited!” may halong harot na wika naman ni Veronica. “Alright, ang first game natin ay ang ‘the boat is sinking’…” aniya at ngumisi sa amin. “Alright, let’s get ready!” sigaw pa niya.
Hindi ako kumportable sa suot ko ngayon, pero wala naman na akong magawa kasi suot ko na at nasa labas na ako. Ang tatlong monay ay lumusong na agad sa tubig dagat kasama ang iba pa. Ako naman ay nagpasyang lapitan na lang si Dim at umupo rin sa buhanginan. He’s only wearing a khaki shorts. Wala siyang suot na pang-itaas kaya litaw na litaw ang maganda niyang katawan. Pansin ko na marami ang napapalingon sa gawi namin dahil sa kanya. Sino ba naman ang hindi lilingon, eh, sobrang guwapo niya? He looks like a model. Baka nga kahit mga Greek Gods ay mainggit sa ganda ng hulma ng katawan at kaguwapuhan niya. He’s a head-turner. “Hindi ka maliligo?” tanong ko. “Baka sa pool na lang mamaya, o sa banyo mismo,” aniya. Tumango na lang ako. Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero hindi ko na ginawa. Mukhang alam ko na rin naman kasi ang sagot ko. I think he grew hating the sea because of what happened to
The next day, we all enjoyed the place for a little more time. Ang natatandaan kong nangyari kagabi ay nagpakalasing ang halos lahat, tapos ay naligo pa sila sa pool. Hindi na ako sumali sa kanila at nagpasyang maligo na sa banyo. Nakakatuwa nga kasi sinamahan ako ni Dim at naghintay siya sa labas. He said that it’s dark, and it may be dangerous. Pagkatapos ko ay siya naman ang naligo, tapos ay sabay na kaming bumalik sa mga tenta namin. I tried to sleep even though our friends are kind of noisy. Puro tawa at halakhak ang naririnig ko habang umiinom pa rin ang iba, at ang iba naman ay naliligo sa pool. I think it was around two in the morning when they are done. Gano’ng oras din ako nakatulog ng maayos, tapos ay nagising ako ng alas cinco ng umaga. I lack of sleep, but it’s okay. Puwede naman akong matulog sa biyahe pauwi, at matulog ulit pagkauwi. Right now, we are all packing our stuffs and getting ready to go home.
It was dinner time when Tita was also done making lasagna. Medyo matrabaho nga raw kasi talaga iyon, pero ginawa pa rin naman niya. Naniwala ata siya sa sinabi ni Dim na ako ang may gusto no’n kahit pa halata naman na siya lang talaga. Ngayon ay nakaupo kaming apat sa hapag at kumakain. Since for me, Tita Fely is the master of lasagna, I’ve decided not to eat some rice even though the dishes looked delicious. Lasagna na rin ang una kong kinuha kasi sobrang nakakatakam ang hitsura. Maliban do’n ay puro mga fried din, like spring rolls, fish fillet and fried chicken. Silang tatlo naman ay kumain ng kanin. “Dito ka ba matutulog, hija?” tanong ni Tita. Ang sabi niya kanina ay hindi na siya magtatanong patungkol sa kung paano nangyari na nasa dating stage na kami ni Dim. Pero mukhang hindi siya nakapagpigil kasi nagtanong din siya kanina. Siyempre, wala naman kaming choice kung hindi sabihin ang totoo. Pero hindi lahat. We ju
“I… I didn’t smoke, I swear!” agad na depensa niya kahit na wala pa akong sinasabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon. “I mean, I was about to. But you suddenly came!” dagdag pa niya. “Really,” wika ko at agad na lumapit sa kanya. Bahagya akong yumuko para maamoy siya, nakita ko naman na nagulat siya dahil sa ginawa ko. Sobrang lapit na kasi ng mga mukha namin at amoy na amoy na namin ang hininga ng isa’t isa. Nagtama rin ang mga mata namin at nakitaan ko siya ng napakaraming emosyon doon. “Amoy yosi ka!” singhal ko nang bumalik ako sa reyalidad. Lumayo pa ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. Napangiwi naman siya at nagkamot pa ng batok. “I’m sorry…” pabulong na saad niya. “For what?” tanong ko. “For smoking and lying to you about it,” aniya. “It’s just that… it’s really hard to stop, but I’m trying,” dagdag pa niya. “I guess, you’re not trying hard enough,” mababa a