Hindi ako kumportable sa suot ko ngayon, pero wala naman na akong magawa kasi suot ko na at nasa labas na ako. Ang tatlong monay ay lumusong na agad sa tubig dagat kasama ang iba pa. Ako naman ay nagpasyang lapitan na lang si Dim at umupo rin sa buhanginan. He’s only wearing a khaki shorts. Wala siyang suot na pang-itaas kaya litaw na litaw ang maganda niyang katawan. Pansin ko na marami ang napapalingon sa gawi namin dahil sa kanya. Sino ba naman ang hindi lilingon, eh, sobrang guwapo niya? He looks like a model. Baka nga kahit mga Greek Gods ay mainggit sa ganda ng hulma ng katawan at kaguwapuhan niya. He’s a head-turner. “Hindi ka maliligo?” tanong ko. “Baka sa pool na lang mamaya, o sa banyo mismo,” aniya. Tumango na lang ako. Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero hindi ko na ginawa. Mukhang alam ko na rin naman kasi ang sagot ko. I think he grew hating the sea because of what happened to
The next day, we all enjoyed the place for a little more time. Ang natatandaan kong nangyari kagabi ay nagpakalasing ang halos lahat, tapos ay naligo pa sila sa pool. Hindi na ako sumali sa kanila at nagpasyang maligo na sa banyo. Nakakatuwa nga kasi sinamahan ako ni Dim at naghintay siya sa labas. He said that it’s dark, and it may be dangerous. Pagkatapos ko ay siya naman ang naligo, tapos ay sabay na kaming bumalik sa mga tenta namin. I tried to sleep even though our friends are kind of noisy. Puro tawa at halakhak ang naririnig ko habang umiinom pa rin ang iba, at ang iba naman ay naliligo sa pool. I think it was around two in the morning when they are done. Gano’ng oras din ako nakatulog ng maayos, tapos ay nagising ako ng alas cinco ng umaga. I lack of sleep, but it’s okay. Puwede naman akong matulog sa biyahe pauwi, at matulog ulit pagkauwi. Right now, we are all packing our stuffs and getting ready to go home.
It was dinner time when Tita was also done making lasagna. Medyo matrabaho nga raw kasi talaga iyon, pero ginawa pa rin naman niya. Naniwala ata siya sa sinabi ni Dim na ako ang may gusto no’n kahit pa halata naman na siya lang talaga. Ngayon ay nakaupo kaming apat sa hapag at kumakain. Since for me, Tita Fely is the master of lasagna, I’ve decided not to eat some rice even though the dishes looked delicious. Lasagna na rin ang una kong kinuha kasi sobrang nakakatakam ang hitsura. Maliban do’n ay puro mga fried din, like spring rolls, fish fillet and fried chicken. Silang tatlo naman ay kumain ng kanin. “Dito ka ba matutulog, hija?” tanong ni Tita. Ang sabi niya kanina ay hindi na siya magtatanong patungkol sa kung paano nangyari na nasa dating stage na kami ni Dim. Pero mukhang hindi siya nakapagpigil kasi nagtanong din siya kanina. Siyempre, wala naman kaming choice kung hindi sabihin ang totoo. Pero hindi lahat. We ju
“I… I didn’t smoke, I swear!” agad na depensa niya kahit na wala pa akong sinasabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon. “I mean, I was about to. But you suddenly came!” dagdag pa niya. “Really,” wika ko at agad na lumapit sa kanya. Bahagya akong yumuko para maamoy siya, nakita ko naman na nagulat siya dahil sa ginawa ko. Sobrang lapit na kasi ng mga mukha namin at amoy na amoy na namin ang hininga ng isa’t isa. Nagtama rin ang mga mata namin at nakitaan ko siya ng napakaraming emosyon doon. “Amoy yosi ka!” singhal ko nang bumalik ako sa reyalidad. Lumayo pa ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. Napangiwi naman siya at nagkamot pa ng batok. “I’m sorry…” pabulong na saad niya. “For what?” tanong ko. “For smoking and lying to you about it,” aniya. “It’s just that… it’s really hard to stop, but I’m trying,” dagdag pa niya. “I guess, you’re not trying hard enough,” mababa a
I couldn’t focus on the movie because of the kiss. Honestly speaking, I felt like I’m currently on cloud nine after realizing that we really kissed! Sobrang nakakangilo ng pagkatao. How can he be so good at it? Marami na ba siyang nahalikan sa Paris noong nandoon siya? Hindi ko alam! It doesn’t even matter to me! Truth is, I feel like I want more… or maybe something more. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kaya naman bago pa niya mapansin na sobra akong nadala ng halikan namin ay kinuha ko ang tub ng ice cream at binuksan iyon. Kinuha ko rin ang kutsara tapos ay nagsimula nang kumain habang nakatitig kunware sa TV kahit pa wala naman akong maintindihan sa pelikula. “You okay?” mababa ang boses na tanong niya, ngumiti naman ako at tumango. Pero hindi ako lumingon sa kanya, natatakot kasi ako sa sarili ko. Baka kapag napatitig na naman ako sa guwapo niyang mukha ay hindi ako makapagpigil at ako na mismo a
“So, what do you think about the place?” tanong ni Mr. Martinez kay Dim. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian sa isang restaurant. Katatapos lang naming bisitahin ang site. Ang bilis nga ng oras, eh. Ni hindi ko man lang namalayan. Parang kagabi lang ay hirap na hirap akong makatulog dahil sa dalawang beses na malalim na halikan namin ni Dim. Natatandaan ko rin na parang walang katapusan ang biyahe kanina, ngayon naman ay kumakain na kami ng tanghalian. Right after this, we’ll go straight to Isla Amara and I’m damn excited. I mean, who wouldn’t get excited by the thought that I’ll be alone in an island with Dim for twenty four long hours, right? Ang daming puwedeng mangyari sa mahabang oras na iyon. And it’s thrilling the hell out of me. “It’s good, Mr. Martinez. Especially maraming tao sa isla. But I’m just quite worried because there are existing small resorts around,” sagot ni Dim. “Hindi naman magiging kakompite
It looks like the heaven’s doing something to have me stuck here with Dim. Hapon pa lang pero sobrang lakas na ng ulan, malakas na iyon kaninang tumawag si Mario kay Dim, at mas lumakas pa ngayon. Gano’n pa man ay hindi ko iyon pinansin pa. Ni hindi man nga ako nag-alala na baka hindi kami makauwi bukas. Laman kasi ng isip ko ang ideya na mukhang hindi bothered kanina si Dim sa pagsakay namin sa bangka. We were holding each other’s hand, I mean, I’m just wondering… did it help him calm down? I don’t know. I hope so. Ang gaan kasi sa feeling isipin iyon. Kahit na papaano pakiramdam ko ay nakakatulong ako sa kanya. “Are you okay?” tanong ni Dim. It’s just 5:00 PM, kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa na nasa terrace at pinapanuod ang malakas na hangin at ulan. “Yeah,” sagot ko. “Medyo nakakalungkot lang talaga kasi hindi man lang ako nakakuha ng mga pictures sa dagat na may araw. Ang ganda pa naman ng lugar,” dagdag ko pa.
Pagkalabas ko sa banyo ay agad akong nagbihis. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na may suot na inner wears kapag matutulog na sa apartment ko. But right now, I know that I have to. Lalo na’t kasama ko si Dim sa iisang silid. Hindi ko naman gusto na makita niya iyon at baka isipin pa niya na nagpapakita ako ng motibo. Nagsuot ako ng kulay yellow na pajama at kulay puting tee shirt. Tapos ay umupo ako sa gilid ng kama habang sinusuklay ang basa kong buhok. Habang ginagawa ko iyon ay rinig na rinig ko ang agos ng tubig sa shower mula sa banyo. Tapos ay napahawak ako sa labi ko na hinalikan na naman kanina ni Dim. Ilang ulit na kaming nadadala ng maiinit na halikan. Alam ko na kung hindi lang kami parehong nakakapagpigil ay baka sa kung saan na napunta iyon. But then again, I realized how much I love him. I never entertained any other guys. Kahit pa may iilan na nagtangkang manligaw sa akin. I have been saving mg V-card for the man that I tr