Share

Chapter 51

Hindi ako kumportable sa suot ko ngayon, pero wala naman na akong magawa kasi suot ko na at nasa labas na ako. Ang tatlong monay ay lumusong na agad sa tubig dagat kasama ang iba pa.

Ako naman ay nagpasyang lapitan na lang si Dim at umupo rin sa buhanginan. He’s only wearing a khaki shorts. Wala siyang suot na pang-itaas kaya litaw na litaw ang maganda niyang katawan.

Pansin ko na marami ang napapalingon sa gawi namin dahil sa kanya. Sino ba naman ang hindi lilingon, eh, sobrang guwapo niya?

He looks like a model. Baka nga kahit mga Greek Gods ay mainggit sa ganda ng hulma ng katawan at kaguwapuhan niya. He’s a head-turner.

“Hindi ka maliligo?” tanong ko.

“Baka sa pool na lang mamaya, o sa banyo mismo,” aniya.

Tumango na lang ako. Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero hindi ko na ginawa. Mukhang alam ko na rin naman kasi ang sagot ko.

I think he grew hating the sea because of what happened to
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status