“So, what do you think about the place?” tanong ni Mr. Martinez kay Dim. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian sa isang restaurant. Katatapos lang naming bisitahin ang site. Ang bilis nga ng oras, eh. Ni hindi ko man lang namalayan. Parang kagabi lang ay hirap na hirap akong makatulog dahil sa dalawang beses na malalim na halikan namin ni Dim. Natatandaan ko rin na parang walang katapusan ang biyahe kanina, ngayon naman ay kumakain na kami ng tanghalian. Right after this, we’ll go straight to Isla Amara and I’m damn excited. I mean, who wouldn’t get excited by the thought that I’ll be alone in an island with Dim for twenty four long hours, right? Ang daming puwedeng mangyari sa mahabang oras na iyon. And it’s thrilling the hell out of me. “It’s good, Mr. Martinez. Especially maraming tao sa isla. But I’m just quite worried because there are existing small resorts around,” sagot ni Dim. “Hindi naman magiging kakompite
It looks like the heaven’s doing something to have me stuck here with Dim. Hapon pa lang pero sobrang lakas na ng ulan, malakas na iyon kaninang tumawag si Mario kay Dim, at mas lumakas pa ngayon. Gano’n pa man ay hindi ko iyon pinansin pa. Ni hindi man nga ako nag-alala na baka hindi kami makauwi bukas. Laman kasi ng isip ko ang ideya na mukhang hindi bothered kanina si Dim sa pagsakay namin sa bangka. We were holding each other’s hand, I mean, I’m just wondering… did it help him calm down? I don’t know. I hope so. Ang gaan kasi sa feeling isipin iyon. Kahit na papaano pakiramdam ko ay nakakatulong ako sa kanya. “Are you okay?” tanong ni Dim. It’s just 5:00 PM, kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa na nasa terrace at pinapanuod ang malakas na hangin at ulan. “Yeah,” sagot ko. “Medyo nakakalungkot lang talaga kasi hindi man lang ako nakakuha ng mga pictures sa dagat na may araw. Ang ganda pa naman ng lugar,” dagdag ko pa.
Pagkalabas ko sa banyo ay agad akong nagbihis. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na may suot na inner wears kapag matutulog na sa apartment ko. But right now, I know that I have to. Lalo na’t kasama ko si Dim sa iisang silid. Hindi ko naman gusto na makita niya iyon at baka isipin pa niya na nagpapakita ako ng motibo. Nagsuot ako ng kulay yellow na pajama at kulay puting tee shirt. Tapos ay umupo ako sa gilid ng kama habang sinusuklay ang basa kong buhok. Habang ginagawa ko iyon ay rinig na rinig ko ang agos ng tubig sa shower mula sa banyo. Tapos ay napahawak ako sa labi ko na hinalikan na naman kanina ni Dim. Ilang ulit na kaming nadadala ng maiinit na halikan. Alam ko na kung hindi lang kami parehong nakakapagpigil ay baka sa kung saan na napunta iyon. But then again, I realized how much I love him. I never entertained any other guys. Kahit pa may iilan na nagtangkang manligaw sa akin. I have been saving mg V-card for the man that I tr
I woke up the next day as I felt a little pain in between my legs. Napangiwi pa ako nang sinubukan kong umupo. Medyo mahapdi. Napansin ko na ang tanging suot ko ay isang kulay puti at mahabang tee shirt, na sa wari ko’y si Dim ang nagmamay-ari. Sumandal ako sa headboard ng kama habang pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi habang nakapikit pa rin ang mga mata. Tapos ay agad akong napamulat at nagulat nang matandaan kung ano ang ginawa namin ni Dim. Oh my golly banana! We did it, right? We freaking did it! We had s*x last night! Kaya pala medyo mahapdi ang kaselanan ko ngayon. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Dim, pero wala siya. Nakabukas din ng pinto ng kuwarto. Medyo nalungkot ako sa ideya na hindi man lang niya ako hinintay na magising. I mean, hindi ba sa mga libro, normally pagkatapos may mangyari sa mga bida ay cuddle muna pagkagising? Agad akong nanlumo sa ideya na totoong mga tao nga pala kami at hindi
“Ikaw na lang, tinatamad ako,” sagot ko sa pag-aaya niya ng ‘exercise’, kahit pa ang totoo ay alam kong hindi ko kaya dahil nga medyo masakit pa ang pagitan ng mga hita ko. “Masakit pa ba?” kaswal na tanong niya, napangiwi naman ako kasi medyo naiilan ako, gano’n pa man ay marahan akong tumango bilang tugon. “O-Oo,” sagot ko pa. Wala naman kasing mangyayari kung magsisinungaling pa ako. Para rin alam niya. “Let me see it,” aniya kaya nanlaki na naman ang mga mata ko. “Dmitri Corcuera!” sigaw ko pa sa pangalan niya. Tinignan naman niya ako ng may halong pagtataka, nakakunot pa ang noo niya na parang nagtatanong kung bakit ko siya sinisigawan. “I already saw it last night, Ali,” aniya. “I just want to make sure that it’s not swollen,” dagdag pa niya. Napalunok naman ako dahil sa narinig. Sinasabi niya sa akin ang mga bagay na ito na parang normal lang ang lahat. I mean, normal ba tala
Just like what we talked about, right after eating our lunch we had decided to swim. Siyempre nagpahinga muna kami, pagkatapos ay agad akong pumanhik papunta sa ikalawang palapag at nagsuot ng inner wears. Iyong puting tee shirt ni Dim na suot ko kanina pagkagising ko ay iyon na lang din ang napagpasyahan kong isuot. Masyado naman kasing mahaba iyon para sa akin kaya okay lang. Pagkalabas namin ay sinalubong namin ang medyo malakas pa rin na ulan. Napangiwi pa nga ako kasi sobrang lamig. “Parang hindi pala magandang ideya ang maligo sa pool,” mababa ang boses na saad ko habang naglalakad kami papunta sa pool. “Come on, it’s fine!” aniya at ngumiti pa. He’s only wearing the basketball shorts from last night, and he’s not wearing any tops. Ilang beses ko na rin siyang nakitang hubad-baro, at alam ko naman na may maganda talaga siyang katawan. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang sarili ko na paulit ulit na mamangha sa tuwing
“Ugh, ang sarap!” usal ko pagkasubo ng isang tinidor ng pancit canton na may kasama pang itlog. Kasalukuyan kaming nanunuod ng isang nakakatawang pelikula at kumakain. What’s funny is, he was the one who boiled the egg and cooked the noodles. Hindi ko nga alam na kaya niya, pero nagawa niya. Ako naman ang nagtimpla ng milo namin. “Stop moaning, Ali. You’re giving me an idea,” bulong niya. Muntik na akong maubo dahil sa sinabi niya. Tapos ay binalikan sa isip ang sinabi ko. Ugh, ang sarap! Oo nga, ano? Parang ungol nga. “I’m not!” depensa ko. Hindi naman kasi talaga, although, aminado ako na parang gano’n ang kinalabasan. “Marunong ka palang magluto ng pancit canton. Hindi overcooked. Saktong sakto,” pag-iiba ko pa ng usapan. “I told you,” may halong pagmamalaking saad niya. “I can also fry,” dagdag pa niya. “Naniniwala na ako,” may halong pagbibirong saad ko tapos ay tumawa pa. “Instant noodles
Kasalukuyan akong nakatayo sa veranda sa silid na tinutuluyan namin ni Dim. My arms were also crossed. Nakatitig ako sa kahabaan ng dagat na ngayon ay sobrang dilim na. Maliban sa iilang mga ilaw sa poste na nasa labas ay halos wala na nga akong makita dahil sa dilim ng gabi pero rinig na rinig ko naman ang bawat paghampas ng tubig sa dalampasigan na siyang magaan pa rin sa pakiramdam. Hindi ko talaga inaakala na darating kami ulit ni Dim sa puntong ito ng buhay namin. But here we are, and it’s making me damn happy. Sobrang bilis talaga ng oras, ni hindi natin namamalayan ang bawat paglipas nito. Parang kailan lang mula noong bumalik siya. Yes, my feelings for him didn’t change even after all these years. Pero kahit na gano’n ay hindi na ako umasa na masusuklian pa iyon. Pero gaya nang sinabi ko ay heto kami ngayon. Pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako… na deserve ko pa ring mahalin kahit pa masyadong marami ang maling desisyon na