Just like what we talked about, right after eating our lunch we had decided to swim. Siyempre nagpahinga muna kami, pagkatapos ay agad akong pumanhik papunta sa ikalawang palapag at nagsuot ng inner wears. Iyong puting tee shirt ni Dim na suot ko kanina pagkagising ko ay iyon na lang din ang napagpasyahan kong isuot. Masyado naman kasing mahaba iyon para sa akin kaya okay lang. Pagkalabas namin ay sinalubong namin ang medyo malakas pa rin na ulan. Napangiwi pa nga ako kasi sobrang lamig. “Parang hindi pala magandang ideya ang maligo sa pool,” mababa ang boses na saad ko habang naglalakad kami papunta sa pool. “Come on, it’s fine!” aniya at ngumiti pa. He’s only wearing the basketball shorts from last night, and he’s not wearing any tops. Ilang beses ko na rin siyang nakitang hubad-baro, at alam ko naman na may maganda talaga siyang katawan. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang sarili ko na paulit ulit na mamangha sa tuwing
“Ugh, ang sarap!” usal ko pagkasubo ng isang tinidor ng pancit canton na may kasama pang itlog. Kasalukuyan kaming nanunuod ng isang nakakatawang pelikula at kumakain. What’s funny is, he was the one who boiled the egg and cooked the noodles. Hindi ko nga alam na kaya niya, pero nagawa niya. Ako naman ang nagtimpla ng milo namin. “Stop moaning, Ali. You’re giving me an idea,” bulong niya. Muntik na akong maubo dahil sa sinabi niya. Tapos ay binalikan sa isip ang sinabi ko. Ugh, ang sarap! Oo nga, ano? Parang ungol nga. “I’m not!” depensa ko. Hindi naman kasi talaga, although, aminado ako na parang gano’n ang kinalabasan. “Marunong ka palang magluto ng pancit canton. Hindi overcooked. Saktong sakto,” pag-iiba ko pa ng usapan. “I told you,” may halong pagmamalaking saad niya. “I can also fry,” dagdag pa niya. “Naniniwala na ako,” may halong pagbibirong saad ko tapos ay tumawa pa. “Instant noodles
Kasalukuyan akong nakatayo sa veranda sa silid na tinutuluyan namin ni Dim. My arms were also crossed. Nakatitig ako sa kahabaan ng dagat na ngayon ay sobrang dilim na. Maliban sa iilang mga ilaw sa poste na nasa labas ay halos wala na nga akong makita dahil sa dilim ng gabi pero rinig na rinig ko naman ang bawat paghampas ng tubig sa dalampasigan na siyang magaan pa rin sa pakiramdam. Hindi ko talaga inaakala na darating kami ulit ni Dim sa puntong ito ng buhay namin. But here we are, and it’s making me damn happy. Sobrang bilis talaga ng oras, ni hindi natin namamalayan ang bawat paglipas nito. Parang kailan lang mula noong bumalik siya. Yes, my feelings for him didn’t change even after all these years. Pero kahit na gano’n ay hindi na ako umasa na masusuklian pa iyon. Pero gaya nang sinabi ko ay heto kami ngayon. Pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako… na deserve ko pa ring mahalin kahit pa masyadong marami ang maling desisyon na
The next day, I woke up from deep sleep as the sunlight from the outside touched my face. Una akong lumingon sa kama, pero wala na naman si Dim sa tabi ko kaya napanguso na naman ako. I also took a glance at the wall clock and saw that it’s already 8:00 AM. I sighed and sat on the bed. Pilit kong inalala kung ano ang nangyari kagabi, tapos ay napangiti ako nang matandaan ang mga iyon. Dalawang beses iyon nangyari, and if I am not mistaken we slept at around two in the morning. Kahit pa kasi pagod na kami sa pagtakatapos ng pangalawang beses ay nag-cuddle pa kami at nag-usap lang. Akmang tatayo na sana ako nang mapatingin sa pinto, bigla kasi iyong nagbukas at pumasok doon ang nakangiting si Dim. May dala siyang tray na may lamang pagkain. “Good morning!” masayang bati pa niya. Inilapag niya sa bedside table ang almusal. Napangiti ako nang makitang isang baso ng gatas at pancake iyon na may pancake syrup pa sa taas, nakak
Hindi mawala ang ngiti sa akin habang pinapanuod sina Dim at Mario na linisin ang dalawang malaking isda na nahuli nila kanina. Kasalukuyan kaming nakaupo ni Luigi sa sofa sa may kubo at hinayaan ang dalawa na gawin ang trabaho. “Iihawin niyo na ba? I mean, it’s too early,” ani Luigi. Tama siya. Alas diez pa lang kasi ng umaga. Hindi naman kami tumagal sa pamimingwit kasi sinabi nila na marami naman silang dala na mga sea foods. Basically speaking, we just did it for experience. Hinayaan ko naman silang mag-usap at nakikinig lang ako sa kanila. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon mula sa bulsa ko para matignan kung sino ang nag-message. Tita Fely: You look good together, hija. I’m glad that you’re both enjoying. Napangiti ako dahil sa text ni Tita. Reply niya iyon nang i-send ko sa kanila ni Tito ang picture na kuha ni Luigi sa amin ni Dim. Napansin
“Ang saya mabuhay!” usal ni Luigi tapos ay itinaas pa ang hawak na beer-in-can. “Cheers?” aya niya sa amin na agad naman naming ginawa. “Cheers!” we all said in chorus. It’s already 8:00 PM. Kaninang alas seis ay kumain kami ng hapunan, ang inulam namin ay ang natira sa mga sea foods na niluto namin kaninang tanghalian. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Kaninang umaga ay ang ganda ng sikat ng araw. We were able to enjoy the whole place because of that, we also took a lot of pictures as a remembrance. Ngayon naman ay nakatambay kami sa tabing dagat. They set-up a bonfire, tapos ay umupo at nagpasya kaming uminom sa gilid nito. Ang lamig ng simoy ng hangin, dinig na dinig din namin ang malakas na hampas ng alon sa dalampasigan, pero hindi kami giniginaw dahil sa apoy mula sa bonfire. “So, kailan niyo balak magpakasal?” tanong ni Mario ilang sandali lang. Sabay naman kaming natigilan at nagkati
It was around 3:00 PM when we got back to Manila. Dumiretso kami ni Dim sa bahay nila at sinabi niya na magpahinga na muna ako sa kuwarto niya. I didn’t agree, though. Mas pinili ko na samahan sina Tita Fely at Tito Rick na tumambay sa terasa nila. Kaning alas diez ng umaga kami umalis sa isla, tapos alas onse ay nag-lunch pa kami kasama sina Mario, Luigi, Nanang at Tatang. We actually just stayed a few days there but I felt like I had a sepanx with the place and the people. Kung ako ang tatanungin ay nabitin pa ako sa bakasyong iyon, pero hindi ko naman aaminin iyon kay Dim lalo na’t ang gusto niya ay manatili pa ako ro’n at babalikan na lang daw niya ako. “So, how was the place?” nakangiti at may halong kilig na tanong ni Tita. “Ang ganda po. Sobra po kaming nag-enjoy!” sagot ko bago uminom ng konting juice mula sa malinaw na basong nasa harap ko. “Magkaka-apo na ba kam—” agad na tinakpan ni Tita ang bibig ni Tito kaya
“Hija, sumabay ka na kaya sa amin?” tanong ni Tita sa akin. I’m currently sitting on the dining table with them while they are eating. It’s already past 8:00 PM, and Dim’s still not here. They also tried to wait for him but they told me that they are already hungry. Kaya naman hinayaan ko sila na mauna nang kumain. “I’m okay, Tita. Hindi pa rin naman po ako gutom. I’ll just wait for Dim para may kasabay po siya,” sagot ko. Pareho silang napangiti ni Tito dahil sa sinabi ko. “You’ll be a good wife, hija,” wika pa ni Tita. Hindi na ako sumagot. Sa totoo lang ay iniisip ko kasi si Dim. Nasaan na kaya siya? He told us that he’ll be home by 8:00 PM or before that, but up until now, he’s still not here. Ilang text na rin ang pinadala ko sa kanya pero wala siyang reply kahit na isa. Ilang beses ko na rin siyang sinubukang tawagan pero hindi siya sumasagot. Nag-aalala na ako sa kanya. Pero hindi ko nama