“Hija, sumabay ka na kaya sa amin?” tanong ni Tita sa akin. I’m currently sitting on the dining table with them while they are eating. It’s already past 8:00 PM, and Dim’s still not here. They also tried to wait for him but they told me that they are already hungry. Kaya naman hinayaan ko sila na mauna nang kumain. “I’m okay, Tita. Hindi pa rin naman po ako gutom. I’ll just wait for Dim para may kasabay po siya,” sagot ko. Pareho silang napangiti ni Tito dahil sa sinabi ko. “You’ll be a good wife, hija,” wika pa ni Tita. Hindi na ako sumagot. Sa totoo lang ay iniisip ko kasi si Dim. Nasaan na kaya siya? He told us that he’ll be home by 8:00 PM or before that, but up until now, he’s still not here. Ilang text na rin ang pinadala ko sa kanya pero wala siyang reply kahit na isa. Ilang beses ko na rin siyang sinubukang tawagan pero hindi siya sumasagot. Nag-aalala na ako sa kanya. Pero hindi ko nama
The next day, I woke up at around 6:00 AM. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw, siguro ay alas dos na iyon. Pero may pasok ako ngayon kaya kailangan ko pa ring gumising ng maaga. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko, siguro ay dahil sa kakulangan sa tulog at sobrang pag-iyak. Pero hindi ko iyon inalintana. Dumiretso ako sa banyo at naligo na. Habang tinitignan ko nga ang sarili ko sa salamin ay napansin ko na medyo mugto ang mga mata ko. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos at nagbihis na. Saktong pagkalabas ko ay nakita ko sina Tito at Tita na palabas din sa kuwarto nila, kumunot pa ang noo ni Tita nang makitang hindi ako sa kuwarto ni Dim nanggaling. “Hindi ka sa kuwarto ni Dim natulog?” tanong niya, pilit naman akong ngumiti bago umiling. “Anong oras siya umuwi kagabi?” tanong naman ni Tito. “12:00 midnight na po ata iyon, Tito,” sagot ko. Nagkatinginan
“Enjoy, Mom and Dad,” ani Dim tapos ay yumakap sa mga magulang niya. “Enjoy po kayo ro’n,” saad ko rin tapos yumakap sa kanila pagkatapos ni Dim. “That’s for certain. Mag-iingat kayo rito, at tumawag kayo agad kapag may problema,” sagot naman ni Tito nang humiwalay na ako sa yakap sa kanila. Kaninang tanghali ay sabay sabay kaming nag-lunch, tapos ay bumalik kami sa trabaho ni Dim. Alas cinco nang umalis kami tapos ay bumiyahe na kami pa-airport para ihatid sina Tito at Tita. 6:30 PM ay naroon na kami, alas siete raw kasi ang flight nila. Balak nga naming mag-dinner pa sana na magkakasama pero baka mahuli na raw sila. Medyo traffic din kasi kaya gano’ng oras na kaming nakarating. “I’ll send some pictures and update you, guys, from time to time,” ani Tita. Ngumiti pa siya sa amin at muling yumakap bago sila naglakad na paalis. Pinanuod naman namin sila ni Dim at nagkatinginan pa kami. He flashed me a small smile an
“Ikinagagalak ko ang pasya niyo. Naniniwala ako na maalagaan at mabibigyan niyo ng maayos na buhay si Dave,” puno ng sinseridad na saad ni Nay Myrna. It’s just 11:00 AM, it’s almost lunch and we just arrived here in Bahay-Ampunan. Hindi na kami nagdalawang isip na kausapin agad si Nay Myrna para sabihin sa kanya ang pasya namin na ampunin si Dave. Kasama namin ngayon ang bata sa opisina ni Nay Myrna na tahimik lang na nakikinig sa amin. Yakap pa nga niya iyong mga drawing books at libro na dinala namin para sa kanya. “Masaya ka ba, Dave?” nakangiting tanong ni Nay Myrna sa bata, hindi naman siya sumagot. Nakatitig lang siya kay Nay Myrna na para bang nagtatanong kung ano ang nangyayari. “Dave, balak ka kasi naming kunin dito para maalagaan ka namin. Okay lang ba sa ’yo kung kami na ang magiging bago mong mga magulang?” marahan at nakangiting tanong ko. Nakita ko ang ngiting sumilay sa labi niya bago siya mar
Ang dami naming napagkuwentuhan habang kumakain ng dinner. Nalaman ko na lang din na kaya pala matagal na hindi nakapagparamdam si Roy ay dahil nang-ibang bansa siya. Kauuwi lang niya halos nang tumawag sa kanya si Ate Gigi nung isang araw. Si Dim naman ay tahimik lang na kumain at hinayaan kami na mag-usap usap. Nang matapos kaming kumain ay nagpasya kami na magpahinga muna, tapos ay lumabas para uminom. Boring daw kasi kung sa VIP Room kami iinom, eh wala kaming ibang nakikitang mga tao. Hindi gaya sa labas ay may live band, tapos kapag nagpapahinga sila ay may disco, maraming mga nagsasayawan. Bago kami humanap ng puwesto ay nagpasya muna kaming mag-CR lahat. Mabilis lang ako sa loob. Lumabas din ako agad mula sa banyo at agad na naabutan si Dim na hinihintay kami. Prente pa siyang nakasandal sa pader. Mukha talaga siyang model kahit na ano ang gawin at kilos niya. Medyo napangiwi pa nga ako kasi pansin ko na ang dami
“Are you okay?” tanong ni Dim sa akin. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan niya ngayon at bumabiyahe na pauwi. Siguro ay nagtanong siya dahil napansin niya na tahimik ako mula kanina sa Dreamers. Aminado naman ako ro’n. Hindi kasi maalis sa isip ko ang kinanta niya. Alam ko… alam ko na parte ng liriko ng awiting iyon ay para sa kambal niya. I honestly don’t want to think too much about it, but I just can’t help myself. Kahit ano kasing pilit ko, alam ko sa sarili ko na apektado ako lalo pa’t apektado rin siya. “Okay lang ako. Medyo napagod lang siguro,” pagsisinungaling ko. Mabilis niya akong tinapunan ng tingin habang nagmamaneho pa rin tapos ay tumango na lang at ibinalik na ang mga mata sa kalsada. Nang magkaroon naman siya ng pagkakataon ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Kahit na papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. “What do you want to do tomorrow?” tanong pa niya sa
The next day, we took Dave out just like what we discussed last night. Mga bandang alas otso na nga ata kami nagising kaninang umaga. Kung hindi kasi ako nagkakamali ay parang alas dos na ng madaling araw kami nakatulog. Imagine? Kaming dalawa lang ang magkausap sa loob ng mahabang oras pero hindi kami nainip? It’s something that I should be proud of. Kasi alam ko na kahit pa walang sense ang topic namin ay interesado pa rin siya sa mga naririnig niya sa akin. Iba kasi ang dating kapag nainip sa ’yo ang boyfriend mo. Para bang sinasabi niya na hindi siya interesado talaga sa ’yo… hindi siguro sa lahat, pero para sa akin gano’n ang dating no’n. Pagkagising namin kaninang alas otso ay naligo lang kami, kumain ng almusal tapos ay nagpasyang magpunta na sa bahay ampunan. Hindi naman kami nahirapan na kumbinsihin si Nay Myrna na ilabas si Dave. Kilala naman niya kami at alam ko na may tiwala siya sa amin. At isa pa, ilang linggo na lang a
Kasalukuyang nasa sala si Dim, nakaupo siya sa sofa at nanunuod ng NBA. Ako naman ay narito sa kusina, kasama ko si Rhea at naghahanda na ng hapunan namin. It’s already 6:00 PM. Halos kagigising lang namin ni Dim. Pagkauwi kasi namin kanina ay alam niyo na, may nangyari na naman. Kaya pala parang nagmamadali siyang umuwi kanina. Right after that, we both fell asleep. Marahil ay dala na rin ng pagod. Nakakapagod kasi maglakad-lakad sa Mall tapos pagkauwi pinagod pa niya ako. “Alam mo, Ma’am, lagi kong naririnig dati sina Ma’am Fely at Sir Rick na nag-uusap tungkol sa ’yo. Masarap ka raw magluto,” ani Rhea habang hinihiwa ang mga karne. “Hindi naman, marunong lang,” sagot ko. “Atsaka huwag ka nang mambola. Ako naman ang magluluto nito,” napahagikgik siya dahil sa sinabi ko. “Totoo nga po,” aniya. I’m actually planning to cook caldereta. Madali lang naman itong matapos lalo na kapag malambot na ang karne ng bab
“You are a coward, Dmitri. Nakakahiya ka!” “You should be ashamed of yourself!” “Sana ikaw na lang ang nawala!” “You killed your brother!” “You should live your life alone!” “You don’t deserve to be happy!” Those voices kept on coming back inside my head. Like a ghost that’s haunting me. Nakakabingi dahil paulit-ulit na. And I lived with those voices over the years, I felt like I’m going to lose my sanity. Boses ni Alison ang madalas kong naririnig, pero may mga pagkakataon na sarili kong boses ang nagsasabi no’n sa akin. At hindi ko siya masisisi kung bakit nasabi niya sa akin ang mga bagay na iyon noon. What happened was too hard to take. At alam ko na dala lang ng labis na galit kaya nagawa niya akong sisihin. Hindi ako galit sa kanya. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya. But she hated me because of what happened. So to make things easier, I left everything behind. I was ready to spend my whole life alon
“Are you sure you’re okay?” mababa ang boses na tanong ko kay Dim. Kapaparada lang niya ng sasakyan niya sa parking lot ng memorial park, dahil nga naisip ni Dim na pasyalan si Drake. “Yes, love,” malambing na sagot ni Dim. Nauna siyang bumaba sa akin tapos ay binuksan ang pinto ng backseat para kunin si Dave. Napangiti ako dahil sa nasaksihan tyapos ay bumaba na rin. Habang buhat naman ni Dim si Dave ay agad niyang hinawakan ang kamay ko tapos ay sabay kaming naglakad papunta sa puntod ng kaibigan ko, na kakambal niya. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Dim. Siguro ay kinakabahan siya. Pero hindi ako nagsalita. Hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko ro’n. Siguro ay sapat na iyon para sabihin sa kanya na okay lang ang lahat at nandito lang ako sa tabi niya. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa harap ng puntod ni Drake. Marahan namang ibinaba ni Dim si Dave tapos ay ngumiti pa sa bata. “Dave
The next day, I woke up abruptly and feeling empty. Sa kuwarto ako ni Dim natulog, magkatabi kami, pero ngayon ay iminulat ko ang mga mata ko na wala siya sa tabi ko. I had a bad dream. In that dream, he broke up with me and left me because… he was just confused about his feelings for me. Alam ko naman na napag-usapan na namin ang tungkol dito at okay na ang lahat, kaya hindi ko maintindihan kung bakit napanaginipan ko pa iyon. Dahil ba sa pagbubuntis ko? Hindi ko alam. Pero lagi kong naririnig at lagi nilang sinasabi na madalas daw sa buntis ang pagiging emosyonal. Marahan akong umupo sa kama at tahimik na umiyak. Alam ko na hindi ko dapat iniiyakan ang panaginip lang, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I really feel sad and empty for no reason. Ilang sandali lang ay marahang nagbukas ang pinto ng kuwarto. Tumingin ako ro’n habang tahimik na umiiyak, nakita ko kung paano natigilan si Dim nang makita niya ako. May dala nga rin si
I couldn’t help myself but smile. Hindi ko inakala na may ganitong plano na pala si Dim. Kinausap pa niya ang mga kaibigan ko para matulungan siya sa balak niyang ito. The proposal in the office alone was so overwhelming, I mean, it’s too overwhelming in a good way. Tapos ay may pa-engagement party pa ngayon dito sa bahay nila. Halos mga malalapit na kaibigan at pamilya ang nandito, meron ding iilan sa mga nagtatrabaho sa Corcuera Constructions. As in! Grabe, sobrang saya lang. Oo, nagawa niya akong saktan dahil sa mga maling desisyon. Pero parang bawing-bawi naman na siya sa pagpapasaya sa akin ngayon. Kanina ay nagsalita sina Tita, Tito at Dim sa maliit na entablado malapit sa may pool na ginawa ng event organizer. They gave us some heartwarming speech. Naiiyak na nga lang ako habang nakikinig sa kanila. But everything just went well. Ngayon ay nagpa-party na ang lahat. May mga kumakain pa rin sa mga tables nila, may mga nag-iinuma
Inip na inip ako habang nakaupo sa sofa. Kasalukuyan akong nandito sa opisina ni Dim. Siya naman ay abala sa trabaho. He asked me to just stay still. Gusto ko nga sanang magtrabaho, kahit na ano lang ang ipagawa niya sa akin pero hindi siya pumayag. Alam ko na unfair kasi maayos naman akong sasahod, pero ayaw talaga niya na pagawan ako ng kahit na anong trabaho. Kaya naman sa huli ay napabuntong hininga na lang ako at humiga sa sofa. Binuksan ko rin ang company tablet para makapaglaro ng paborito kong detective game. Alas tres pa lang ng hapon. At kanina pa talaga ako inip na inip. After lunch nga ay sinubukan kong puntahan sa pantry ang tatlong monay, pero sumaglit lang sila kasi marami pa raw silang kailangang tapusin. Hindi ko naman sila gustong abalahin kaya hinayaan ko na lang. Ni hindi ko pa nga naikukuwento sa kanila ang nangyari nung gabing pinasama nila ako kay Henry sa event, eh. Pagkatapos ng ilang minutong pa
Nakakatawa dahil wala pang sampong minuto ay dumating na si Dim. Halata nga sa kanya ang pagmamadali. Ang akala ko nga ay hindi niya papansinsin ang mensahe ko dahil pagod siya sa trabaho, hindi lang pala talaga siya nag-reply. “Let’s cuddle,” agad na saad niya nang pagbuksan ko siya ng pinto. “Huh? Bakit nandito ka? May trabaho ka, ah?” kunware ay saad ko. “My baby wants to cuddle, and what my baby wants, my baby gets,” aniya kaya bahagya akong napanguso. “Just because I want to cuddle doesn’t mean I want to cuddle with you!” pag-iinarte ko pa kaya napangisi siya. “But you texted me.” “W-Wrong sent lang ako!” Napangiwi ako kasi mukhang mali ata ang nasabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay na para bang hindi natuwa sa narinig mula sa akin. “Eh, sino pala ang gusto mong ka-cuddle?” tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot ay sinara na niya ang pinto. Tapos ay muli niya a
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang kuwarto. Bumaling ako pakaliwa at nakita ko na nahiga rin si Dim, nakatagilid siya at nakangiti akong tinititigan. “Good morning,” may halong lambing na bati niya. Agad naman akong napaupo sa kama dala ng gulat. And then it hit me! Nandito ako ngayon sa bahay nila. Natulog ako sa kuwarto niya! Agad akong tumingin sa wall clock at napansin na alas siete na ng umaga. “Bakit dito mo ’ko dinala? Sabi ko gusto kong umuwi!” reklamo ko. “Hindi kasi kita magising kagabi. Hindi ko rin naman alam kung saan ang apartment ni Gigi,” aniya kaya napangiwi ako. “Hindi man lang siya tumawag sa akin? Because, Dim, I’m pretty sure she did!” may halong pang-aakusa na saad ko. “She did,” aniya at marahan pang tumango. “She called you but I didn’t answer. Nag-send na lang ako ng text sa kanya gamit ang phone mo. Ang sabi ko hindi ka
“Are you okay?” tanong ni Henry sa akin pagkaparada niya ng sasakyan niya sa parking lot ng isang malaking hotel. Ngumiti naman ako sa kanya bago marahang tumango. “Yeah, thank you for asking,” sagot ko kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan ako. As soon as he turned off the car’s engine, we both stepped out of the car. Huminga pa ako ng malalim habang nakatingin sa entrance ng hotel. Ang daming mga bisita. Bihis na bihis silang lahat at mukhang galing lahat sa mayayamang mga pamilya. “Let’s go,” ani Henry. Sabay naman kaming naglakad papasok. He even offered his right arm on me. Kahit na nagdadalawang isip ay kumapit pa rin ako ro’n. “Kung hindi lang dahil sa request ng magaling at tsismosa mong girlfriend, hindi ako papayag dito,” mahinang saad ko kaya natawa siya. “At kung ako naman ang hindi pumayag baka isang linggo akong awayin no’n,” sagot naman niya kaya sabay kaming natawa.
“Tell me what really happened that day,” utos ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Hindi marami ang nakain ko kahit pa sobrang gutom ako. Mas importante kasi sa akin ang mapag-usapan namin ang nangyari mahigit dalawang taon ang nakakalipas. “I… I was having a yacht party with them,” aniya at huminga pa ng malalim na para bang sobrang hirap sa kanya na balikan ang lahat. But I want to hear his thoughts. Kahit pa naaawa ako sa kanya, at kahit na hindi ko siya gustong pilitin na pag-usapan ang mga bagay na ito ay alam kong kailangan para alam ko rin kung paano ko siya matutulungan. This has been long overdue, to be honest. “I saw him kissing a girl,” aniya at mariin pang pumikit. “I got mad because… he’s in a relationship with you. Kahit na sinabi mo na ako ang mahal mo noon, nagalit ako kasi… kasi bakit ka niya lolokohin samantalang ako… pangarap kita,” aniya at muling huminga ng malalim. “So you challenged him on a