Ang dami naming napagkuwentuhan habang kumakain ng dinner. Nalaman ko na lang din na kaya pala matagal na hindi nakapagparamdam si Roy ay dahil nang-ibang bansa siya. Kauuwi lang niya halos nang tumawag sa kanya si Ate Gigi nung isang araw. Si Dim naman ay tahimik lang na kumain at hinayaan kami na mag-usap usap. Nang matapos kaming kumain ay nagpasya kami na magpahinga muna, tapos ay lumabas para uminom. Boring daw kasi kung sa VIP Room kami iinom, eh wala kaming ibang nakikitang mga tao. Hindi gaya sa labas ay may live band, tapos kapag nagpapahinga sila ay may disco, maraming mga nagsasayawan. Bago kami humanap ng puwesto ay nagpasya muna kaming mag-CR lahat. Mabilis lang ako sa loob. Lumabas din ako agad mula sa banyo at agad na naabutan si Dim na hinihintay kami. Prente pa siyang nakasandal sa pader. Mukha talaga siyang model kahit na ano ang gawin at kilos niya. Medyo napangiwi pa nga ako kasi pansin ko na ang dami
“Are you okay?” tanong ni Dim sa akin. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan niya ngayon at bumabiyahe na pauwi. Siguro ay nagtanong siya dahil napansin niya na tahimik ako mula kanina sa Dreamers. Aminado naman ako ro’n. Hindi kasi maalis sa isip ko ang kinanta niya. Alam ko… alam ko na parte ng liriko ng awiting iyon ay para sa kambal niya. I honestly don’t want to think too much about it, but I just can’t help myself. Kahit ano kasing pilit ko, alam ko sa sarili ko na apektado ako lalo pa’t apektado rin siya. “Okay lang ako. Medyo napagod lang siguro,” pagsisinungaling ko. Mabilis niya akong tinapunan ng tingin habang nagmamaneho pa rin tapos ay tumango na lang at ibinalik na ang mga mata sa kalsada. Nang magkaroon naman siya ng pagkakataon ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Kahit na papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. “What do you want to do tomorrow?” tanong pa niya sa
The next day, we took Dave out just like what we discussed last night. Mga bandang alas otso na nga ata kami nagising kaninang umaga. Kung hindi kasi ako nagkakamali ay parang alas dos na ng madaling araw kami nakatulog. Imagine? Kaming dalawa lang ang magkausap sa loob ng mahabang oras pero hindi kami nainip? It’s something that I should be proud of. Kasi alam ko na kahit pa walang sense ang topic namin ay interesado pa rin siya sa mga naririnig niya sa akin. Iba kasi ang dating kapag nainip sa ’yo ang boyfriend mo. Para bang sinasabi niya na hindi siya interesado talaga sa ’yo… hindi siguro sa lahat, pero para sa akin gano’n ang dating no’n. Pagkagising namin kaninang alas otso ay naligo lang kami, kumain ng almusal tapos ay nagpasyang magpunta na sa bahay ampunan. Hindi naman kami nahirapan na kumbinsihin si Nay Myrna na ilabas si Dave. Kilala naman niya kami at alam ko na may tiwala siya sa amin. At isa pa, ilang linggo na lang a
Kasalukuyang nasa sala si Dim, nakaupo siya sa sofa at nanunuod ng NBA. Ako naman ay narito sa kusina, kasama ko si Rhea at naghahanda na ng hapunan namin. It’s already 6:00 PM. Halos kagigising lang namin ni Dim. Pagkauwi kasi namin kanina ay alam niyo na, may nangyari na naman. Kaya pala parang nagmamadali siyang umuwi kanina. Right after that, we both fell asleep. Marahil ay dala na rin ng pagod. Nakakapagod kasi maglakad-lakad sa Mall tapos pagkauwi pinagod pa niya ako. “Alam mo, Ma’am, lagi kong naririnig dati sina Ma’am Fely at Sir Rick na nag-uusap tungkol sa ’yo. Masarap ka raw magluto,” ani Rhea habang hinihiwa ang mga karne. “Hindi naman, marunong lang,” sagot ko. “Atsaka huwag ka nang mambola. Ako naman ang magluluto nito,” napahagikgik siya dahil sa sinabi ko. “Totoo nga po,” aniya. I’m actually planning to cook caldereta. Madali lang naman itong matapos lalo na kapag malambot na ang karne ng bab
“Mukhang effective ang pagmasahe mo sa akin kagabi at nung isang araw. Hindi na masakit ang likod ko,” wika ni Dim. Napangiti naman ako bago marahang tumango. “I’m glad, Dim. Basta kapag may masakit o may problema sabihan mo lang ako, ah? Para maalagaan kita.” Kasalukuyan kaming nasa sasakyan niya at bumabiyahe papunta sa opisina kasi may kailangan muna raw siyang tapusin saglit. Ang bilis kasing lumipas ng mga araw. Today is Tuesday and just like what he said, we’re going back to Pangasinan to meet Mr. Martinez. Nang makarating ay dumiretso na siya sa opisina niya, ako naman ay sa pantry para magawan ko siya ng kape. It’s just eight in the morning. Sabi niya ay baka alas nueve na raw kami makabiyahe papunta sa Pangasinan. Habang gumagawa nga ako ng kape ay agad akong nilapitan ng tatlong monay. “Akala ko kailangan niyo magpunta sa Pangasinan, Miss Ali?” tanong ni Rose. “May kailangan lang daw tapusin saglit
“Stop laughing, Ali! I need an advice!” frustrated pa rin na saad ni Henry. “Hindi ko mapigilan, Henry. I mean, halata naman kasi na gustong gusto mo siya. Hindi naman ganyan ang magiging reaksiyon mo kung hindi!” sagot ko. “But what am I going to do?” mahinang tanong niya. “Henry, hindi mo dapat tinatanong ’yan sa ibang tao. Ikaw mismo dapat ay alam mo kung ano ang dapat mong gawin. Ikaw lang naman kasi ang totoong nakakaalam ng nararamdaman mo para sa kanya, eh,” paliwanag ko. Saglit siyang natahimik na para bang iniisip ang sinabi ko. Tapos ay napangiti siya at marahang tumango. “Alright, kung ayaw niya akong maging boyfriend, edi hindi,” aniya kaya napangiwi ako. “Sa ngayon,” dagdag pa niya. “I think what I need to do right now is to court her. We’ll give ourselves enough time to know each other more.” Napangiti ako at mabilis na tumango. “Exactly! Hindi naman kasi dapat minamadali ang mga bagay.”
Inilapag ko ang kape ko sa mesa sa may pantry tapos ay umupo sa isang bakanteng. Humikab din ako kasi medyo inaantok pa ako. Alas dose na ata kami ng hating gabi nakauwi ni Dim kagabi. Hindi rin kami agad nakatulog tapos ay ang aga pa naming nagising ngayon para sa trabaho. Si Dim ay nasa opisina na niya, pinagdala ko siya ng kape tapos ay nagpasya ako na dito na lang sa pantry magkape. Hindi ko naman kasi gustong abalahin si Dim sa trabahong ginagawa niya. Sa ngayon ay hinihintay ko sina Lou, baka lang kasi may mga bago silang tsismis na baon, para lang magising ang diwa ko. I took a sip on my coffee and sighed heavily. Inaantok pa talaga ako. “Good morning, Miss Ali!” nakangiting bati ni Lou sa akin mayamaya lang. “Good morning,” bati ko rin pabalik. Pinanuod ko naman siyang gumawa ng kape niya. Nang matapos ay umupo na rin siya sa isang silya na nasa harap ko at inilapag ang dalang kape sa mesa.
Pagkabalik ko sa taas ay agad akong dumiretso sa pantry kung saan naghihintay sa akin ang tatlong monay. Pagkalapit ay agad akong umupo sa bakanteng silya sa tabi ni Lou. “Anong meron?” tanong ko. Kumuha pa ako ng isang pirasong chips na nasa harap nila. “Miss Ali, confirm! Si Mang Joel nga na guard ang naka-jontis sa BFF ni Veronica sa CSR Team,” pabulong na saad agad ni Lily. “Huh? Hindi ba’t may asawa at anak na si Mang Joel?” nalilitong tanong ko. “Iyon na nga. Miss Ali. Hindi na sila nahiya. Gagawa na lang ng kalokohan, mag-iiwan pa ng ebidensiya,” ani Rose. Napabuntong hininga ako dahil sa nalaman. Bakit kaya may mga tao na hindi kayang makuntento sa kung ano ang meron sila, ano? Hindi ba sila nahihiya sa kung ano ang sasabihin ng ibang mga tao sa kanila? Ni hindi man lang ba sila nahihiya sa mga pamilya nila na naghihintay sa kanila sa bahay? “Kakausapin daw ng HR sina Mang J