“Ang tagal mong walang paramdam, Sir, ah?” tanong ni Rose. Kasalukuyan kaming nasa Dreamers na at nagsimula na sa inuman. It’s 8:00 PM, kaning alas seis ay kumain kami ng dinner tapos ay nagpahinga lang saglit. At heto na nga kami ngayon. Gaya nang sinabi ko kanina ay hindi ko na pinadala kay Lily ang sasakyan niya. Nagpasya kami na magkita kita na rito sa Dreamers tapos ay sinabihan ko na agad si Henry na siya na ang maghatid sa amin mamaya pauwi. Pumayag naman siya agad. “Medyo busy kasi. Alam niyo na, sobrang laking project ang meron tayo kay Mr. Martinez,” aniya. “Busy pero may time ihatid si Lou?” tanong naman ni Lily, ang tingin na binigay niya sa dalawa ay nanunukat pa. “Nadaanan ko siya sa may kanto nila. Sakto may kailangan akong daanan sa firm, at madadaanan ko rin naman ang CC Building kaya sinabay ko na,” palusot ulit ni Henry. Sa totoo lang ay gusto kong matawa kasi todo explain siya. Pero hindi
Sa kaiiyak ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa kahit pa umaga na. Nagising lang ako nang maramdaman ang sikat ng araw na tumama sa mukha ko. I also heard a familiar sound of a car. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana, nakita ko na kapaparada lang ni Mang Dom ng sasakyan tapos ay bumaba ro’n si Dim. Alas siete na iyon ng umaga. Basically speaking, I only had two hours of sleep. Napabuntong hininga naman ako at agad na umakyat sa ikalawang palapag. Nagmamadali akong humila ng isang tuwalya at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay lumabas ako at dumiretso sa walk in closet ni Dim kung saan din nakalagay ang iba ko pang mga gamit. Nang makapagbihis na ay nagpasya na akong bumaba. Naabutan ko naman si Dim na nakaupo sa may kusina at nagkakape. Nang mapalingon siya sa akin ay pilit akong ngumiti sa kanya. “Ali…” aniya na parang nahihiya sa akin. “It’s okay, Dim. Mas pabor sa akin na hindi ka
“Girl, buti nga terminated na siya!” ani Lily tapos ay nagtawanan silang tatlo nina Rose at Lou. It’s Friday night. Kasalukuyan kaming nasa poolside sa bahay nina Dim. Ang usapan ay bukas pa sila pupunta rito, pero balak pa nilang lumabas sana. Kaya lang ay wala ako sa mood kahit pa sinabihan ako ni Dim na sumama na sa kanila. Ang ending ay nagpasya kami na dito na lang mag-inuman. Dim is currently inside his room. May mga tinatapos pa kasi siyang trabaho na hindi niya natapos kanina sa opisina. Ang tatlong monay naman ay mananatili rito kasama namin hanggang sa linggo. Tumawag naman na ako kina Tito at Tita noong isang araw para masabihan sila tungkol dito. Base sa obserbasyon ko ay masaya naman sila kasi tiyak daw na magiging masaya ang bahay. “Aba, una kong hinila ang patilya niya para masaktan siya agad. Nakakagigil!” giit naman ni Rose. “Guys, may mali rin tayo ro’n. Kahit pa gaano kasama ang ugali niya
“Good morning, beautiful people!” malawak ang ngiting bati ni Lily na pababa ng hagdan kaya napalingon kami sa kanya. It’s 8:00 AM. Nasa hapag na kaming lahat para makakain ng agahan at siya na lang ang hininhintay namin. Hindi ko alam kung anong oras kami natapos sa inuman kagabi pero alam ko na late na rin iyon. Ang tatlong monay ay nagpasyang magsama sama na lang sa iisang kuwarto, tapos ay isa kay Henry. As usual, kami ni Dim ay magkasama sa kuwarto niya. “Feeling Beauty Queen ka pa sa pagrampa riyan, bilisan mo na at umupo ka na rito. Kanina pa kami nagugutom,” ani Rose na ikinatawa naming lahat. “Oo nga, ang tagal mo,” segunda naman ni Lou. “Mga bakla, hindi puwedeng may makaligtaang isa sa mga morning routines ko. Kailangan always pretty!” sagot naman ni Lily bago umupo sa tabi ni Rose. “Magsu-swimming din naman tayo ulit mamaya, matatanggal din ang makeups sa mukha mo,” ani Lou. “Hoy, ex
Pagkabalik sa movie room ay tahimik lang ako na nanuod. Ni wala na nga akong maintindihan sa pinapanuod namin kasi iniisip ko iyong narinig ko kay Dim kanina habang kausap niya si Cassidy. Kahit nang matapos na ang palikula ay hindi ko namalayan. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa at titig na titig sa TV. “Huy, girl! Manunuod ka pa?” napalingon ako kay Lily nang itanong iyon. Saka ko napansin na nakatayo na pala silang lahat at bukas na ang ilaw. “Ah, hindi na. Medyo inaantok lang,” pagsisinungaling ko kahit pa ang totoo ay gulong gulo na ako sa iniisip. “Pahinga ka na muna rito o sa kuwarto niyo ni Dim. Kami na ang maghahanda ng tanghalian natin,” ani Rose, tumango naman sina Lou at Lily bilang pangsang ayon. “Hindi, okay lang. Kami na ni Rhea ang bahala,” sagot ko. Tapos ay agad akong tumayo at naglakad na palabas ng movie room kasama sila. Nang nasa hallway na kami ay napalingon ako sa pinto
“What’s happening, Ali? Nagalit ba siya kasi ako ang sumagip sa ’yo?” may halong pag-aalala na tanong ni Henry. Nakaupo pa rin ako sa gilid ng pool habang si Lou ay marahang minamasahe ang binti ko na pinulikat. “Hindi, Sir,” mahinang sagot ko na lang. It wasn’t the reason why Dim acted like that. Alam ko. Drake also drowned. It was the reason why he lost his life. At base sa nakita kong takot na rumehistro sa mukha ni Dim kanina, alam ko na si Drake agad ang una niyang naisip nang muntik na akong malunod. It was my fault for trying to avoid him. Kung hindi na sana ako naligo sa pool, hindi na sana ako muntik malunod. Hindi rin sana nangyari kay Dim iyon. I almost drowned, and I feel like it was a trigger point for him to suddenly break down. Hindi niya ginawa kasi alam kong iniisip niya na may ibang tao. Pigil ang pag-iyak niya kanina at kahit pa halatang nanghihina ay nagmamadali siyang bumalik sa loob. “M
“I’m tired, Ali. Let’s break up…” Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Hanggang sa naglakad na siya papasok. I just stood there, frozen. Pinipilit ang sarili na magpakatatag kahit na… sobrang sakit. Pero may hangganan din ang pagiging malakas. Hindi kasi natin madadaya ang totoo nating nararamdaman. Taksil ang mga luha ko na nag-uunahan pa sa pagtulo mula sa mga mata ko. Hirap na hirap ako sa paghinga na parang nauubusan ng hangin habang umiiyak at nakatayo sa terasa kung saan din ako iniwan ni Dim. Mali ba ang narinig ko? Nakikipaghiwalay na siya sa akin… pero bakit? Ang dami kong tanong na hindi ko man lang maitanong sa kanya. Pero… lasing lang siya, hindi ba? Tama! Lasing lang siya. Agad kong pinunasan ang luha ko. Tapos ay nagpasyang pumasok na at magpunta sa ikawalang palapag. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kuwarto ni Dim pero naka-lock iyon. Napabuntong hininga ako tapos ay nagpasya na sa kabilang kuwarto
“Miss Ali, nakikiramay kami…” Napalingon ako kina Rose, Lily, Lou at Henry na magkakasamang lumapit sa akin habang nakaupo ako sa isang mono block chair sa tabi ni Nay Myrna. Kasalukuyan kasi siyang nakaburol sa chapel ng bahay-ampunan. “Thank you,” nanghihinang saad ko. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana. Bakit ngayon pa kailangang mangyari ang mga bagay na ito? Bakit kailangan kong masaktan ng sobra? Hindi ko ba deserve na maging masaya? Bakit… lagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahalaga sa akin? Yesterday, Sister Minerva called me. Sinabi niya sa akin ang masamang balita kaya nagmamadali ko silang pinuntahan sa hospital. Nagtaka raw sila kasi hindi lumalabas sa silid si Nay Myrna, nang i-check nila, wala na raw siyang buhay. Sinubukan pa nila na isugod siya sa pinakamalapit na hospital, pero wala na talaga… Dalawang araw na akong walang maayos natulog dahil sa dami ng mga nangyayari. At ra