Share

Chapter 86

“I’m tired, Ali. Let’s break up…”

Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Hanggang sa naglakad na siya papasok. I just stood there, frozen. Pinipilit ang sarili na magpakatatag kahit na… sobrang sakit.

Pero may hangganan din ang pagiging malakas. Hindi kasi natin madadaya ang totoo nating nararamdaman. Taksil ang mga luha ko na nag-uunahan pa sa pagtulo mula sa mga mata ko.

Hirap na hirap ako sa paghinga na parang nauubusan ng hangin habang umiiyak at nakatayo sa terasa kung saan din ako iniwan ni Dim.

Mali ba ang narinig ko? Nakikipaghiwalay na siya sa akin… pero bakit? Ang dami kong tanong na hindi ko man lang maitanong sa kanya. Pero… lasing lang siya, hindi ba? Tama! Lasing lang siya.

Agad kong pinunasan ang luha ko. Tapos ay nagpasyang pumasok na at magpunta sa ikawalang palapag. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kuwarto ni Dim pero naka-lock iyon. Napabuntong hininga ako tapos ay nagpasya na sa kabilang kuwarto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status