“I’m tired, Ali. Let’s break up…” Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Hanggang sa naglakad na siya papasok. I just stood there, frozen. Pinipilit ang sarili na magpakatatag kahit na… sobrang sakit. Pero may hangganan din ang pagiging malakas. Hindi kasi natin madadaya ang totoo nating nararamdaman. Taksil ang mga luha ko na nag-uunahan pa sa pagtulo mula sa mga mata ko. Hirap na hirap ako sa paghinga na parang nauubusan ng hangin habang umiiyak at nakatayo sa terasa kung saan din ako iniwan ni Dim. Mali ba ang narinig ko? Nakikipaghiwalay na siya sa akin… pero bakit? Ang dami kong tanong na hindi ko man lang maitanong sa kanya. Pero… lasing lang siya, hindi ba? Tama! Lasing lang siya. Agad kong pinunasan ang luha ko. Tapos ay nagpasyang pumasok na at magpunta sa ikawalang palapag. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kuwarto ni Dim pero naka-lock iyon. Napabuntong hininga ako tapos ay nagpasya na sa kabilang kuwarto
“Miss Ali, nakikiramay kami…” Napalingon ako kina Rose, Lily, Lou at Henry na magkakasamang lumapit sa akin habang nakaupo ako sa isang mono block chair sa tabi ni Nay Myrna. Kasalukuyan kasi siyang nakaburol sa chapel ng bahay-ampunan. “Thank you,” nanghihinang saad ko. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana. Bakit ngayon pa kailangang mangyari ang mga bagay na ito? Bakit kailangan kong masaktan ng sobra? Hindi ko ba deserve na maging masaya? Bakit… lagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahalaga sa akin? Yesterday, Sister Minerva called me. Sinabi niya sa akin ang masamang balita kaya nagmamadali ko silang pinuntahan sa hospital. Nagtaka raw sila kasi hindi lumalabas sa silid si Nay Myrna, nang i-check nila, wala na raw siyang buhay. Sinubukan pa nila na isugod siya sa pinakamalapit na hospital, pero wala na talaga… Dalawang araw na akong walang maayos natulog dahil sa dami ng mga nangyayari. At ra
Pigil ang pag-iyak ko habang pinapanuod ang paglibing kay Nay Myrna. Ang mga kasama niyang staffs sa ampunan ay nag-iiyakan, ang mga bata sa ampunan ay humahagulgol. Marami ring iba pang mga bisita na nagluluksa sa pagkawala niya. Ang dami pong nagmamahal sa inyo, Nay. At nasasaktan po kaming lahat sa pagkawala niyo… Bulong ko sa isip ko. Sobrang sakit. Sobrang lungkot. At hindi rin nakakatulong ang malungkot na kantang pinapatugtog ngayon. Parang mas nakakadagdag lang iyon ng bigat sa nararamdaman. Yakap ako ni Ate Gigi na malungkot na nakatingin lang sa akin, katabi naman niya ay si Roy. Ang tatlong monay at si Henry ay nasa likod naman namin. Napakadaya talaga ng buhay. Hindi natin alam kung ano ang mga nangyayari sa hinaharap. Parang lagi tayong nangangapa sa dilim. At kung hindi mo gagawin ang makakaya mo para sumabay sa pag-ikot nito ay mapag-iiwanan, masasaktan at mahihirapan ka. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sak
“D-Drake? Nay Myrna?” pagtawag ko sa dalawang tao na nakatalikod sa akin. Marahan naman silang bumaling at tumingin sa akin, tapos ay pareho pang ngumiti. “Magiging okay rin ang lahat, Ali…” mahinahong saad ni Drake. “Hindi ba’t sinabi ko sa ’yo na hindi kita iiwan hangga’t hindi ko nakikilala ang lalaking magmamahal at magbibigay ng pamilya sa ’yo? Hindi natin masasabi ang mangyayari sa hinaharap, anak, pero iyong taong sasamahan ka habang buhay ay kasama mo na. Kapag may nawala… may bagong darating…” Naguluhan ako sa sinabi ni Nay Myrna. Tapos ay may namuong luha sa mga mata ko nang makita na unti-unti silang maglaho. “Drake! N-Nay—” agad kong iminulat ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame. “Ali, okay ka lang?” napalingon ako kay Ate Gigi nang itanong niya iyon, nagmamadali pa siyang tumayo mula sa sofa tapos ay lumapit sa akin. “A-Ate…” malungkot na saad ko.
“Yes, Ma’am. I’ll be there. Thank you!” malawak ang ngiting saad ko. “Perfect! Please bring and present at least one valid ID,” aniya, sumagot ulit ako at nagpasalamat bago niya binaba ang tawag. Someone from Montealegre Magazines just called me for the initial interview. I passed. Tinanong din ako kung makakapunta raw ba ako sa opisina nila sa bukas para sa exam at final interview kaya sinabi ko na ‘Oo’. Halos isang linggo na mula noong mailibing si Nay Myrna. Halos isang linggo na mula noong makipaghiwalay sa akin si Dim. Halos isang linggo na rin ako rito sa apartment ni Ate Gigi at nagpapahinga lang. Si Ate Gigi naman ay nagsimula nang magtrabaho sa Montealegre Magazines. At siguro naman ay sapat na sa akin ang halos isang linggong pahinga. Like I said, I need to move along with my own life. Kahit pa gaano kasakit ang mga nangyari ay hindi naman puwede na tumigil na ako sa paglaban. That’s not how it goes.
“Sigurado ka ba, Ali? I mean, you can just forget about it and make new work experience,” tanong ni Ate Gigi. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan at kagabi pa niya paulit ulit na tinatanong sa akin iyon. Naikuwento ko kasi sa kanya ang napag-usapan namin ni Dim. “That’s a two-year work experience, ate. Palamuti rin iyon sa CV. Naisama ko rin kasi noong nag-send ako ng application sa Montealegre Magazines, sayang naman baka hindi i-acknowledge,” sagot ko. “You know, I’m just worried about you. Kahit kasi sabihin mo na okay ka na at okay lang sa ’yo ang mga nangyari, alam ko na deep inside ay hindi ka pa talaga okay,” aniya, napabuntong hininga naman ako kasi alam ko na tama siya. “But what can I do? Tama naman siya, eh. There’s no such thing as immediate resignation unless inabuso ako ng company or boss ko. Kung dadalhin ko ito sa DOLE, ano ang idadahilan ko? That he dumped me?” dahilan ko naman. Mahalaga sa akin ang wo
Inaantok ako. Sa totoo lang ay sobrang dali ng trabahong pinapagawa sa akin ni Dim, pero inaantok at naiinip ako. Sa mahabang oras na nasa loob ako ng opisina niya ay hindi ako lumingon sa kanya kahit pa gustong gusto kong gawin iyon. Pinigilan ko ang sarili ko. “Uhm, Ali?” bahagya akong natigilan nang marinig ang pagtawag ko ni Dim sa pangalan ko. Kahit pa nagdadalawang isip ay pilit naman akong lumingon. “Yes, sir?” “I already asked Lou to buy us food for lunch. Pinabili ko siya ng kare-kare, hindi ba’t paborito mo rin iyon?” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon. “Sasabay na lang po ako sa mga kaibigan ko, sir,” sagot ko. “Please, Ali? I… need to talk to you about something,” napabuntong hininga na lang ako sa huli at tumango. “Okay,” maiksing sagot ko tapos ay muling bumalik sa ginagawa kong trabaho. Il
“Tell me what really happened that day,” utos ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch. Hindi marami ang nakain ko kahit pa sobrang gutom ako. Mas importante kasi sa akin ang mapag-usapan namin ang nangyari mahigit dalawang taon ang nakakalipas. “I… I was having a yacht party with them,” aniya at huminga pa ng malalim na para bang sobrang hirap sa kanya na balikan ang lahat. But I want to hear his thoughts. Kahit pa naaawa ako sa kanya, at kahit na hindi ko siya gustong pilitin na pag-usapan ang mga bagay na ito ay alam kong kailangan para alam ko rin kung paano ko siya matutulungan. This has been long overdue, to be honest. “I saw him kissing a girl,” aniya at mariin pang pumikit. “I got mad because… he’s in a relationship with you. Kahit na sinabi mo na ako ang mahal mo noon, nagalit ako kasi… kasi bakit ka niya lolokohin samantalang ako… pangarap kita,” aniya at muling huminga ng malalim. “So you challenged him on a