“Good morning, beautiful people!” malawak ang ngiting bati ni Lily na pababa ng hagdan kaya napalingon kami sa kanya. It’s 8:00 AM. Nasa hapag na kaming lahat para makakain ng agahan at siya na lang ang hininhintay namin. Hindi ko alam kung anong oras kami natapos sa inuman kagabi pero alam ko na late na rin iyon. Ang tatlong monay ay nagpasyang magsama sama na lang sa iisang kuwarto, tapos ay isa kay Henry. As usual, kami ni Dim ay magkasama sa kuwarto niya. “Feeling Beauty Queen ka pa sa pagrampa riyan, bilisan mo na at umupo ka na rito. Kanina pa kami nagugutom,” ani Rose na ikinatawa naming lahat. “Oo nga, ang tagal mo,” segunda naman ni Lou. “Mga bakla, hindi puwedeng may makaligtaang isa sa mga morning routines ko. Kailangan always pretty!” sagot naman ni Lily bago umupo sa tabi ni Rose. “Magsu-swimming din naman tayo ulit mamaya, matatanggal din ang makeups sa mukha mo,” ani Lou. “Hoy, ex
Pagkabalik sa movie room ay tahimik lang ako na nanuod. Ni wala na nga akong maintindihan sa pinapanuod namin kasi iniisip ko iyong narinig ko kay Dim kanina habang kausap niya si Cassidy. Kahit nang matapos na ang palikula ay hindi ko namalayan. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa at titig na titig sa TV. “Huy, girl! Manunuod ka pa?” napalingon ako kay Lily nang itanong iyon. Saka ko napansin na nakatayo na pala silang lahat at bukas na ang ilaw. “Ah, hindi na. Medyo inaantok lang,” pagsisinungaling ko kahit pa ang totoo ay gulong gulo na ako sa iniisip. “Pahinga ka na muna rito o sa kuwarto niyo ni Dim. Kami na ang maghahanda ng tanghalian natin,” ani Rose, tumango naman sina Lou at Lily bilang pangsang ayon. “Hindi, okay lang. Kami na ni Rhea ang bahala,” sagot ko. Tapos ay agad akong tumayo at naglakad na palabas ng movie room kasama sila. Nang nasa hallway na kami ay napalingon ako sa pinto
“What’s happening, Ali? Nagalit ba siya kasi ako ang sumagip sa ’yo?” may halong pag-aalala na tanong ni Henry. Nakaupo pa rin ako sa gilid ng pool habang si Lou ay marahang minamasahe ang binti ko na pinulikat. “Hindi, Sir,” mahinang sagot ko na lang. It wasn’t the reason why Dim acted like that. Alam ko. Drake also drowned. It was the reason why he lost his life. At base sa nakita kong takot na rumehistro sa mukha ni Dim kanina, alam ko na si Drake agad ang una niyang naisip nang muntik na akong malunod. It was my fault for trying to avoid him. Kung hindi na sana ako naligo sa pool, hindi na sana ako muntik malunod. Hindi rin sana nangyari kay Dim iyon. I almost drowned, and I feel like it was a trigger point for him to suddenly break down. Hindi niya ginawa kasi alam kong iniisip niya na may ibang tao. Pigil ang pag-iyak niya kanina at kahit pa halatang nanghihina ay nagmamadali siyang bumalik sa loob. “M
“I’m tired, Ali. Let’s break up…” Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Hanggang sa naglakad na siya papasok. I just stood there, frozen. Pinipilit ang sarili na magpakatatag kahit na… sobrang sakit. Pero may hangganan din ang pagiging malakas. Hindi kasi natin madadaya ang totoo nating nararamdaman. Taksil ang mga luha ko na nag-uunahan pa sa pagtulo mula sa mga mata ko. Hirap na hirap ako sa paghinga na parang nauubusan ng hangin habang umiiyak at nakatayo sa terasa kung saan din ako iniwan ni Dim. Mali ba ang narinig ko? Nakikipaghiwalay na siya sa akin… pero bakit? Ang dami kong tanong na hindi ko man lang maitanong sa kanya. Pero… lasing lang siya, hindi ba? Tama! Lasing lang siya. Agad kong pinunasan ang luha ko. Tapos ay nagpasyang pumasok na at magpunta sa ikawalang palapag. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kuwarto ni Dim pero naka-lock iyon. Napabuntong hininga ako tapos ay nagpasya na sa kabilang kuwarto
“Miss Ali, nakikiramay kami…” Napalingon ako kina Rose, Lily, Lou at Henry na magkakasamang lumapit sa akin habang nakaupo ako sa isang mono block chair sa tabi ni Nay Myrna. Kasalukuyan kasi siyang nakaburol sa chapel ng bahay-ampunan. “Thank you,” nanghihinang saad ko. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana. Bakit ngayon pa kailangang mangyari ang mga bagay na ito? Bakit kailangan kong masaktan ng sobra? Hindi ko ba deserve na maging masaya? Bakit… lagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahalaga sa akin? Yesterday, Sister Minerva called me. Sinabi niya sa akin ang masamang balita kaya nagmamadali ko silang pinuntahan sa hospital. Nagtaka raw sila kasi hindi lumalabas sa silid si Nay Myrna, nang i-check nila, wala na raw siyang buhay. Sinubukan pa nila na isugod siya sa pinakamalapit na hospital, pero wala na talaga… Dalawang araw na akong walang maayos natulog dahil sa dami ng mga nangyayari. At ra
Pigil ang pag-iyak ko habang pinapanuod ang paglibing kay Nay Myrna. Ang mga kasama niyang staffs sa ampunan ay nag-iiyakan, ang mga bata sa ampunan ay humahagulgol. Marami ring iba pang mga bisita na nagluluksa sa pagkawala niya. Ang dami pong nagmamahal sa inyo, Nay. At nasasaktan po kaming lahat sa pagkawala niyo… Bulong ko sa isip ko. Sobrang sakit. Sobrang lungkot. At hindi rin nakakatulong ang malungkot na kantang pinapatugtog ngayon. Parang mas nakakadagdag lang iyon ng bigat sa nararamdaman. Yakap ako ni Ate Gigi na malungkot na nakatingin lang sa akin, katabi naman niya ay si Roy. Ang tatlong monay at si Henry ay nasa likod naman namin. Napakadaya talaga ng buhay. Hindi natin alam kung ano ang mga nangyayari sa hinaharap. Parang lagi tayong nangangapa sa dilim. At kung hindi mo gagawin ang makakaya mo para sumabay sa pag-ikot nito ay mapag-iiwanan, masasaktan at mahihirapan ka. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sak
“D-Drake? Nay Myrna?” pagtawag ko sa dalawang tao na nakatalikod sa akin. Marahan naman silang bumaling at tumingin sa akin, tapos ay pareho pang ngumiti. “Magiging okay rin ang lahat, Ali…” mahinahong saad ni Drake. “Hindi ba’t sinabi ko sa ’yo na hindi kita iiwan hangga’t hindi ko nakikilala ang lalaking magmamahal at magbibigay ng pamilya sa ’yo? Hindi natin masasabi ang mangyayari sa hinaharap, anak, pero iyong taong sasamahan ka habang buhay ay kasama mo na. Kapag may nawala… may bagong darating…” Naguluhan ako sa sinabi ni Nay Myrna. Tapos ay may namuong luha sa mga mata ko nang makita na unti-unti silang maglaho. “Drake! N-Nay—” agad kong iminulat ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame. “Ali, okay ka lang?” napalingon ako kay Ate Gigi nang itanong niya iyon, nagmamadali pa siyang tumayo mula sa sofa tapos ay lumapit sa akin. “A-Ate…” malungkot na saad ko.
“Yes, Ma’am. I’ll be there. Thank you!” malawak ang ngiting saad ko. “Perfect! Please bring and present at least one valid ID,” aniya, sumagot ulit ako at nagpasalamat bago niya binaba ang tawag. Someone from Montealegre Magazines just called me for the initial interview. I passed. Tinanong din ako kung makakapunta raw ba ako sa opisina nila sa bukas para sa exam at final interview kaya sinabi ko na ‘Oo’. Halos isang linggo na mula noong mailibing si Nay Myrna. Halos isang linggo na mula noong makipaghiwalay sa akin si Dim. Halos isang linggo na rin ako rito sa apartment ni Ate Gigi at nagpapahinga lang. Si Ate Gigi naman ay nagsimula nang magtrabaho sa Montealegre Magazines. At siguro naman ay sapat na sa akin ang halos isang linggong pahinga. Like I said, I need to move along with my own life. Kahit pa gaano kasakit ang mga nangyari ay hindi naman puwede na tumigil na ako sa paglaban. That’s not how it goes.