Hindi mawala ang ngiti sa akin habang pinapanuod sina Dim at Mario na linisin ang dalawang malaking isda na nahuli nila kanina. Kasalukuyan kaming nakaupo ni Luigi sa sofa sa may kubo at hinayaan ang dalawa na gawin ang trabaho. “Iihawin niyo na ba? I mean, it’s too early,” ani Luigi. Tama siya. Alas diez pa lang kasi ng umaga. Hindi naman kami tumagal sa pamimingwit kasi sinabi nila na marami naman silang dala na mga sea foods. Basically speaking, we just did it for experience. Hinayaan ko naman silang mag-usap at nakikinig lang ako sa kanila. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon mula sa bulsa ko para matignan kung sino ang nag-message. Tita Fely: You look good together, hija. I’m glad that you’re both enjoying. Napangiti ako dahil sa text ni Tita. Reply niya iyon nang i-send ko sa kanila ni Tito ang picture na kuha ni Luigi sa amin ni Dim. Napansin
“Ang saya mabuhay!” usal ni Luigi tapos ay itinaas pa ang hawak na beer-in-can. “Cheers?” aya niya sa amin na agad naman naming ginawa. “Cheers!” we all said in chorus. It’s already 8:00 PM. Kaninang alas seis ay kumain kami ng hapunan, ang inulam namin ay ang natira sa mga sea foods na niluto namin kaninang tanghalian. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Kaninang umaga ay ang ganda ng sikat ng araw. We were able to enjoy the whole place because of that, we also took a lot of pictures as a remembrance. Ngayon naman ay nakatambay kami sa tabing dagat. They set-up a bonfire, tapos ay umupo at nagpasya kaming uminom sa gilid nito. Ang lamig ng simoy ng hangin, dinig na dinig din namin ang malakas na hampas ng alon sa dalampasigan, pero hindi kami giniginaw dahil sa apoy mula sa bonfire. “So, kailan niyo balak magpakasal?” tanong ni Mario ilang sandali lang. Sabay naman kaming natigilan at nagkati
It was around 3:00 PM when we got back to Manila. Dumiretso kami ni Dim sa bahay nila at sinabi niya na magpahinga na muna ako sa kuwarto niya. I didn’t agree, though. Mas pinili ko na samahan sina Tita Fely at Tito Rick na tumambay sa terasa nila. Kaning alas diez ng umaga kami umalis sa isla, tapos alas onse ay nag-lunch pa kami kasama sina Mario, Luigi, Nanang at Tatang. We actually just stayed a few days there but I felt like I had a sepanx with the place and the people. Kung ako ang tatanungin ay nabitin pa ako sa bakasyong iyon, pero hindi ko naman aaminin iyon kay Dim lalo na’t ang gusto niya ay manatili pa ako ro’n at babalikan na lang daw niya ako. “So, how was the place?” nakangiti at may halong kilig na tanong ni Tita. “Ang ganda po. Sobra po kaming nag-enjoy!” sagot ko bago uminom ng konting juice mula sa malinaw na basong nasa harap ko. “Magkaka-apo na ba kam—” agad na tinakpan ni Tita ang bibig ni Tito kaya
“Hija, sumabay ka na kaya sa amin?” tanong ni Tita sa akin. I’m currently sitting on the dining table with them while they are eating. It’s already past 8:00 PM, and Dim’s still not here. They also tried to wait for him but they told me that they are already hungry. Kaya naman hinayaan ko sila na mauna nang kumain. “I’m okay, Tita. Hindi pa rin naman po ako gutom. I’ll just wait for Dim para may kasabay po siya,” sagot ko. Pareho silang napangiti ni Tito dahil sa sinabi ko. “You’ll be a good wife, hija,” wika pa ni Tita. Hindi na ako sumagot. Sa totoo lang ay iniisip ko kasi si Dim. Nasaan na kaya siya? He told us that he’ll be home by 8:00 PM or before that, but up until now, he’s still not here. Ilang text na rin ang pinadala ko sa kanya pero wala siyang reply kahit na isa. Ilang beses ko na rin siyang sinubukang tawagan pero hindi siya sumasagot. Nag-aalala na ako sa kanya. Pero hindi ko nama
The next day, I woke up at around 6:00 AM. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw, siguro ay alas dos na iyon. Pero may pasok ako ngayon kaya kailangan ko pa ring gumising ng maaga. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko, siguro ay dahil sa kakulangan sa tulog at sobrang pag-iyak. Pero hindi ko iyon inalintana. Dumiretso ako sa banyo at naligo na. Habang tinitignan ko nga ang sarili ko sa salamin ay napansin ko na medyo mugto ang mga mata ko. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos at nagbihis na. Saktong pagkalabas ko ay nakita ko sina Tito at Tita na palabas din sa kuwarto nila, kumunot pa ang noo ni Tita nang makitang hindi ako sa kuwarto ni Dim nanggaling. “Hindi ka sa kuwarto ni Dim natulog?” tanong niya, pilit naman akong ngumiti bago umiling. “Anong oras siya umuwi kagabi?” tanong naman ni Tito. “12:00 midnight na po ata iyon, Tito,” sagot ko. Nagkatinginan
“Enjoy, Mom and Dad,” ani Dim tapos ay yumakap sa mga magulang niya. “Enjoy po kayo ro’n,” saad ko rin tapos yumakap sa kanila pagkatapos ni Dim. “That’s for certain. Mag-iingat kayo rito, at tumawag kayo agad kapag may problema,” sagot naman ni Tito nang humiwalay na ako sa yakap sa kanila. Kaninang tanghali ay sabay sabay kaming nag-lunch, tapos ay bumalik kami sa trabaho ni Dim. Alas cinco nang umalis kami tapos ay bumiyahe na kami pa-airport para ihatid sina Tito at Tita. 6:30 PM ay naroon na kami, alas siete raw kasi ang flight nila. Balak nga naming mag-dinner pa sana na magkakasama pero baka mahuli na raw sila. Medyo traffic din kasi kaya gano’ng oras na kaming nakarating. “I’ll send some pictures and update you, guys, from time to time,” ani Tita. Ngumiti pa siya sa amin at muling yumakap bago sila naglakad na paalis. Pinanuod naman namin sila ni Dim at nagkatinginan pa kami. He flashed me a small smile an
“Ikinagagalak ko ang pasya niyo. Naniniwala ako na maalagaan at mabibigyan niyo ng maayos na buhay si Dave,” puno ng sinseridad na saad ni Nay Myrna. It’s just 11:00 AM, it’s almost lunch and we just arrived here in Bahay-Ampunan. Hindi na kami nagdalawang isip na kausapin agad si Nay Myrna para sabihin sa kanya ang pasya namin na ampunin si Dave. Kasama namin ngayon ang bata sa opisina ni Nay Myrna na tahimik lang na nakikinig sa amin. Yakap pa nga niya iyong mga drawing books at libro na dinala namin para sa kanya. “Masaya ka ba, Dave?” nakangiting tanong ni Nay Myrna sa bata, hindi naman siya sumagot. Nakatitig lang siya kay Nay Myrna na para bang nagtatanong kung ano ang nangyayari. “Dave, balak ka kasi naming kunin dito para maalagaan ka namin. Okay lang ba sa ’yo kung kami na ang magiging bago mong mga magulang?” marahan at nakangiting tanong ko. Nakita ko ang ngiting sumilay sa labi niya bago siya mar
Ang dami naming napagkuwentuhan habang kumakain ng dinner. Nalaman ko na lang din na kaya pala matagal na hindi nakapagparamdam si Roy ay dahil nang-ibang bansa siya. Kauuwi lang niya halos nang tumawag sa kanya si Ate Gigi nung isang araw. Si Dim naman ay tahimik lang na kumain at hinayaan kami na mag-usap usap. Nang matapos kaming kumain ay nagpasya kami na magpahinga muna, tapos ay lumabas para uminom. Boring daw kasi kung sa VIP Room kami iinom, eh wala kaming ibang nakikitang mga tao. Hindi gaya sa labas ay may live band, tapos kapag nagpapahinga sila ay may disco, maraming mga nagsasayawan. Bago kami humanap ng puwesto ay nagpasya muna kaming mag-CR lahat. Mabilis lang ako sa loob. Lumabas din ako agad mula sa banyo at agad na naabutan si Dim na hinihintay kami. Prente pa siyang nakasandal sa pader. Mukha talaga siyang model kahit na ano ang gawin at kilos niya. Medyo napangiwi pa nga ako kasi pansin ko na ang dami