I couldn’t finish everything. Sobrang dami kasi ng order niya. Kaya naman hindi ko na inisip kung matagal siyang naghihintay sa akin. Kahit nga iwan niya ako ay okay lang. Tumawag kasi ako ng staff at pinabalot ang mga natirang mga pagkain. Sayang naman kasi. Iyong ibang putahe nga ay hindi pa nagalaw. We can give these foods to homeless. Or puwede rin na initin mamayang gabi at kainin sa dinner. Hindi tama ang nagsasayang ng pagkain. Nang ibigay na sa akin nung staff ang paper bag ay naglakad na ako papunta sa harap ng resort. Medyo nakahinga pa nga ako ng maluwag nang makita na nandoon pa rin ang sasakyan ni Dim. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumakay, at pagkasara ko pa lang ng pinto ay pinaandar na niya agad iyon. “Sir Dim, pakihinto po ang sasakyan kapag may nadaanan tayong homeless. Para hindi masayang itong mga pagkain,” wika ko. Hindi naman siya sumagot. Gano’n pa man ay hinayaan ko na lang kasi alam ko nama
Tahimik ako habang nasa kusina kaming dalawa ni Tita Fely. It’s just six in the evening and we’re preparing our dinner. Sina Dim at Tito Rick kasi ay umiinom ng wine sa may poolside habang nagkukuwentuhan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagtawa ni Dim kanina. Iyon ang unang beses sa loob ng mahigit dalawang taon. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit tahimik ako. Kasama ko kasi si Tita Fely at nandito ako sa bahay nila. Nahihiya ako. “Why are you so quiet, hija?” tanong sa akin ni Tita Fely na ngayon ay ginigisa ang mga sangkap sa putahe na lulutuin niya. “Po?” gulat na tanong ko. “H-Hindi po, tita. Medyo marami lang pong iniisip,” pagsisinungaling ko naman. Narinig ko na napabuntong hininga siya dahil doon. Tapos binitawan niya ang sandok at hinarap ako. “Simula noong bumalik si Dim napansin ko na madalang kung puntahan mo kami rito. Hindi kagaya nang dati na kahit pa marami kang ginagawa ay araw
Saturday came real fast. Hindi ko namalayan dahil sa dami ng ginagawang trabaho. The night when I had a dinner with the Corcuera family, Dmitri was the one who drove me home. As usual, napanis na naman ang laway ko sa biyahe kasi hindi naman kami nag-uusap. Sinabi ko naman sa kanila na kaya kong umuwi mag-isa. But Tita Fely insisted for Dim to drive me home. It’s as if she’s trying to make something happen. Hindi ko alam kung ano at wala rin akong ideya. Before I went home that night, Tita Fely gave me a notebook. Pinaghalong kulay ginto at itim ang kulay no’n at mukhang mamahalin. Sinabi niya na diary daw ni Drake iyon. Of course, I accepted it without any hesitations. Iyon nga lang ay hindi ko pa binubuksan. Hindi ko pa binabasa hanggang ngayon. Hindi ko kasi alam kung handa na ba ako. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko bang basahin ang mga laman no’n. Right now, I am sitting in front of the vanity mirror. Katatapos ko lang kasing mal
“How’s Hilda and Hector, hijo?” tanong ni Tito Rick kay Henry. Nagpasya kasi kami na sumabay na sa kanila sa pagkain. Tito Rick suggested it. Nung una ay humindi si Tita at sinabi na date namin ito ni Henry kaya kailangan namin ng oras na kaming dalawa lang, pero agad kong sinabi na ayos lang sa akin. Kaya ang ending ay magkakasabay kami sa pagkain ngayon. “They’re doing great, Tito,” nakangiti at magalang na sagot ni Henry. “Hanggang ngayon ay parang bata pa rin kung mag-away at magkatampuhan. At nasanay na po ako sa kanila,” may halong pagbibiro na saad pa niya kaya natawa sina Tito at Tita. “Ganyan nga sila, even when we were still on college. But that’s their charm as a couple,” nakangiting wika naman ni Tita. Mayamaya lang ay dumating na ang mga order naming pagkain. Magkatabing nakaupo sina Tito at Tita. Sa harap naman nila ay kami. Nasa kaliwang bahagi ko si Henry at nasa kanan naman si Dim. Nakapagitna ako sa kanilang dalawa.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Dim. Pagkalabas kasi niya ng resto ay tahimik lang ako na sumunod sa kanya. Hirap na hirap talaga akong basahin ang bawat kilos niya. Hindi kagaya dati na kahit iniisip niya ay ang dali kong makuha. Right now, I feel like he’s a walking riddle. May mga pagkakataon na ang sungit niya, meron din naman na parang wala siyang pake sa akin. Tapos minsan ay ngingiti siya. He’s really driving me crazy. Ngayon naman ay tahimik lang akong nakasunod sa kanya habang palakad lakad kami sa mall. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin namin dito at natatakot naman ako na magtanong baka sungitan lang niya ako ulit. Ilang saglit lang ay nakita kong sumakay siya sa elevator, halos patakbo naman akong sumunod sa kanya. Then he pushed the button to 4th floor. Nang makarating ay tahimik na naman siyang naglakad, at para na naman akong maamong aso na sumunod sa kanya. Bahagya akong nakaramdam ng excitement nang maki
“Ang tagal naman ng pagkain,” reklamo ni Lily. It’s been over twenty minutes, at wala pa ang order niya rito. Mahina pa nga akong natawa kasi mukhang gutom na talaga siya. “Bakla, ang dami kaya ng in-order mo,” sagot naman ni Rose. “Mas maigi na iyong hindi tayo mabitin, ’no! Atsaka madalang lang naman,” depensa naman niya, tapos ay may biglang kumatok sa nakasarang pinto. “Finally!” dagdag pa niya sa pag-aakalang iyong order na iyon. “Come in!” sagot naman ni Rose doon sa kumatok. The door was pushed open, and it was really the waiter with a service trolley. But to our surprise, Dim was also there. Napalingon ako sa mga kaibigan ko at napansin ko na napanganga sila nang makita si Dim. Hindi ko nga pala nasabi sa kanila na pupunta siya rito. Hindi ko rin naman kasi alam na seseryosohin niya ang pagiging masunurin kay Tita Fely. Nakakaloka. “Am I welcome here?” preskong tanong ni Dim na naglakad
Pagkatapos siguro ng ilang minuto ay naglakad na ako pabalik sa VIP Room. Medyo nagulat pa nga ako kasi napansin ko na katabi na ngayon ni Dim si Henry, nakaupo siya sa kung saan ako nakaupo kanina. Napalingon sa akin si Dim at tinaasan ulit ako ng kilay bago muling ibinalik ang tingin kina Rose at Lily na halatang enjoy na enjoy na naman sa pagkanta. Napansin ko na nakatingin sa akin si Lou, ngumisi pa siya at pasimpleng nginuso si Dim. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagpasyang umupo sa puwesto niya kanina. Medyo napangiwi ako nang mapansing medyo amoy sigarilyo pa siya, kaya naman inilabas ko ang alcohol sa bag ko tapos ay inilapag ko iyon sa harap niya. “Hindi ko gusto ang amoy ng sigarilyo,” wika ko nang napalingon siya doon. Napailing naman siya bago kinuha ang alcohol, tapos ay naglagay sa kamay niya at maging sa may damit niya na akala mo naman perfume iyon. “Okay na?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay sa
I woke up at around five in the morning. Sobrang inaantok pa ako kasi kulang na kulang ang tulog ko. Pero kahit na gustuhin kong matulog pa sana ay hindi ko naman magawa dahil nga may lakad kami ngayon. Siguro ay ala una na ng madaling araw ako nakatulog kanina. Kasalanan iyon ni Dim! Hindi ko alam sa kung anong dahilan at kung ano ang connect, pero siya talaga ang may kasalanan! Siguro dahil masyado akong na-overwhelm sa mga kilos niya kagabi. I mean, how playful he was last night was more like his old attitude. Parang siya na ulit iyong Dim na nakasanayan ko. I stood up from bed and walked my way inside the bathroom. Hindi na rin ako nagdalawang isip na maligo. Mabuti na nga lang at may heater ang mga shower dito kaya naging komportable ako sa pagligo. Hindi gaya sa apartment ko na wala, sobrang lamig lagi ng tubig. Right after I’m done with shower, I also dressed up. Isang pinaghalong kulay itim at dilaw ang dress na napili ko. It