At exactly 8:20 AM, I had decided to go out of my office. Dumiretso ako sa table ni Lou na siyang assistant secretary. “Good morning, Miss Ali,” nakangiting bati niya nang makita ako na papalapit sa kanya, tumayo rin siya agad mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya. “Lou, ready na ba ang board room?” tanong ko. “Yes, Miss Ali. Naghihintay na rin po ro’n ang ibang board members,” sagot naman niya. “Alright, thank you,” sagot ko. “Sasamahan ko si Mr. Corcuera ro’n para kung kailangan niya ng refresher ay matulungan ko siya. Ikaw na muna ang bahala rito,” dagdag ko pa, ngumiti naman si Lou at marahang tumango. “Sure, Miss Ali,” aniya bago muling umupo sa swivel chair para maipagpatuloy na ang ginagawa niya. Ako naman ay nagdadalang isip kung pupunta na ba ako sa board room o hihintayin ko na si Dim. Sakto naman na napansin kong nagbukas ang pinto ng opisina niya, kaya naman tumayo ako ng maayos para hintayin n
Sa totoo lang ay wala akong ginagawang trabaho ngayon. Naghihintay lang ako na dumating ang oras para ma-meet na namin si Mr. Martinez. Kung tutuusin ay puwede akong mag-send ng mga email proposal or mag-check ng email inquiry at mag-reply, pero may back office team naman na ang CC o Corcuera Constructions na siyang gumagawa noon. Ang madalas na ginagawa kong trabaho ay ang mag-set ng meeting, appointments, restaurant reservations at kung ano ano pa lalo na kung sa labas ng kompanya kikitain ni Tito Rick ang mga kliyente o mga posibleng business partners. Ako rin ang nag-aayos ng schedule niya, o kung wala siya rito ay ako ang tumatanggap ng lahat at ibi-briefing ko na lang siya sa mga nakaligtaan niya pagkabalik niya. Gusto ko lang talaga na tumambay rito sa opisina lalo na’t si Dmitri ang nakikita ko. Pasimple nga kung tumitig ako sa kanya. Totoo ang sinabi nina Rose at Lily kanina na mas naging guwapo nga siya. His be
I didn’t know how long I have waited for them to finish. Magdadalawang oras na pero nasa labas pa rin ako ng resto kasama at kakuwentuhan ang driver na si Mang Dom. “Mukhang napasarap po ang kuwentuhan nina Sir at ang mga kaibigan niya, ma’am, ah?” nakangiting wika ni Mang Dom, siguro ay napansin niya na naiinip na ako. Totoo naman na naiinip na ako, pero hindi ko naman gustong sirain ang oras na kasama ni Dmitri ang mga kaibigan niya. Maybe, this can also help him divert his attention to other things. At isa pa, alam ko naman na wala akong karapatan na ayain na siyang umalis kasi ‘boss’ at ‘empleyado’ na lang ang relasyon namin ngayon. Even though I am close with his parents, I honest;y don’t have any idea if he still see me as his friend. “Ang tagal po kasi nilang hindi nagkita-kita,” sagot ko naman. “Atsaka Mang Dom, ilang beses ko po bang sasabihin na Ali na lang ang itawag niyo sa akin?” natatawang dagdag ko pa, ngumiti lang siy
Alam ko naman iyon. Alam ko na hindi na siya katulad ng dati. Hindi na siya ang Dmitri na nakilala ko, kaya hindi ko maintindihan kung bakit may kirot pa rin sa puso ko sa sinabi niya gayong hindi naman na bago iyon sa akin. “By the way, I already talked to the HR and Finance Team, pina-disable ko ang punch in and out access mo sa trabaho at lunch. I just think that it’s kind of unfair especially if you’re always with me. Atsaka para ma-enjoy mo ang lunch mo na hindi nagagahol sa oras kasama ang boyfriend mo,” mahabang saad niya, pero ang mas pinakanakakagulat ay ang huli niyang sinabi. Teka, alam niyang nag-lunch kami ni Henry? Atsaka anong boyfriend ang pinagsasasabi niya? “Hindi ko po boyfriend si Henry, Sir,” sagot ko naman. “I honestly don’t care,” aniya at nag-iwas pa ng tingin. “I’m just saying so you can now enjoy your time at work on a move forward,” dagdag pa niya. Napanguso na lang ako at nagkibit ng balikat.
“I can’t give this project to anyone else. I want Corcuera Constructions to work on it. Lalo na’t subok ko na rin ang mga Engineers at Architects niyo,” wika ni Mr. Martinez. Kasalukuyan kaming nasa Jag’s ulit para kitain siya tungkol dito. Habang nag-uusap sina Dmitri at Mr. Martinez ay tahimik lang akong nakikinig. If there are anything important, I’m taking down notes. Mas maigi na iyon kesa makalimutan ko. Lalo na’t baka hingan ako ng minutes ni Dim. Kasama rin ni Mr. Martinez si Primo na kung minsan ay nagbibigay rin ng suhestiyon. “We can set an appointment with our Architects and Engineers, Mr. Martinez. When is your free time if I may ask?” tanong naman ni Dim. “That, I am not sure,” ani Mr. Martinez. “Alam mo naman na sobrang abala ako. Ilang ulit ko na ngang na-cancel itong meeting na ito dahil sa dami ng ginagawa,” dagdag pa niya, tumango naman si Dim. “I understand,” aniya. “Just call my secretary beforehand
“Babalikan ko lang si sir, mukhang may kailangan,” paalam ko sa tatlo kong kaibigan. Hinayaan naman nila ako na tumayo na. Iniwan ko na sa mesa ang kape ko dahil wala naman akong balak na magtagal sa opisina ni Dim. Tatanungin ko lang siya kung may kailangan ba siya. Pagkapasok sa opisina niya ay agad akong naglakad palapit sa kanya. Nang mapansin niya ako ay agad siyang huminto sa ginagawa at tumingin sa akin. “Uhm, itatanong ko lang po sir kung may kailangan kayo? Nakita ko kasi kayo malapit sa may pantry kanina,” wika ko. “I was about to get a cup of coffee, pero mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo,” aniya. “Ikukuha ko po kayo,” agad na saad ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Kinuha ko na ang mug niya tapos ay naglakad na pabalik sa pantry. Hinugasan ko muna ang mug tapos bago gumawa ng kape. Nandoon pa rin naman ang tatlong monay, ngayon ay kumakain na sila ng chips. “Miss Ali, bal
My mind was too preoccupied the some things that I couldn’t even comprehend. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami. Gusto ko siyang kausapin pero wala akong maisip na topic. Gusto ko na kahit na papaano ay makapag-usap kami pero pinangungunahan ako ng kaba at takot. “S-Si Mang Dom?” tanong ko mayamaya lang. Nilakasan ko ang loob ko na magtanong. At sa dami ng puwede kong itanong ay iyon pa talaga! Nakakaloka! “It’s his day-off,” ang maiksing sagot niya, tumango naman ako. “S-Sino nga pala ang imi-meet natin? I mean, medyo nagtaka lang ako kasi hindi na dumaan sa akin,” wika ko pa. “Just a friend,” maiksing sagot ulit niya. Napanguso ako kasi mukhang wala naman siyang balak talaga na kausapin ako. It’s as if he just didn’t want to be rude the reason as to why he’s still responding to my questions. Pinilit ko ang sarili ko na mag-isip pa ng puwedeng itanong sa kanya. Sa totoo lang a
I couldn’t finish everything. Sobrang dami kasi ng order niya. Kaya naman hindi ko na inisip kung matagal siyang naghihintay sa akin. Kahit nga iwan niya ako ay okay lang. Tumawag kasi ako ng staff at pinabalot ang mga natirang mga pagkain. Sayang naman kasi. Iyong ibang putahe nga ay hindi pa nagalaw. We can give these foods to homeless. Or puwede rin na initin mamayang gabi at kainin sa dinner. Hindi tama ang nagsasayang ng pagkain. Nang ibigay na sa akin nung staff ang paper bag ay naglakad na ako papunta sa harap ng resort. Medyo nakahinga pa nga ako ng maluwag nang makita na nandoon pa rin ang sasakyan ni Dim. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumakay, at pagkasara ko pa lang ng pinto ay pinaandar na niya agad iyon. “Sir Dim, pakihinto po ang sasakyan kapag may nadaanan tayong homeless. Para hindi masayang itong mga pagkain,” wika ko. Hindi naman siya sumagot. Gano’n pa man ay hinayaan ko na lang kasi alam ko nama