Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili ni Dmitri sa gano’ng posisyon. Pero pagkatapos ng ilang sandali ay siya na rin mismo ang kumawala sa yakap at ngumiti pa siya sa akin. “Pasensiya ka na, Ali…” mababa ang boses na saad pa niya kaya mabilis akong umiling. “Hindi, Dim. Okay lang. Nag-aalala ako sa ’yo,” sagot ko naman. Tipid siyang ngumiti bago naglakad papunta sa papag, tapos ay umupo siya roon. Marahan pa niyang tinapik ang puwesto sa tabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at umupo rin sa tabi niya. “I wasn’t hurt, Ali. I was disappointed,” marahang saad niya. “Hindi ako naniniwala na hindi ka nasaktan, Dim. Kahit na hindi mo aminin ay alam kong nasaktan at nasasaktan ka pa rin,” sagot ko naman kaya mahina siyang natawa. “Pagod na akong mag-isip,” seryosong sagot naman niya pagkatapos. “After more than two years, I tried to court her again hoping that I’ll be able to
Napangiwi ako nang imulat ko ang mga mata ko. Nagising kasi ako nang naramdaman ko na may matigas na brasong nakayapos sa akin, tapos ay nakaramdam din ako ng mainit na hangin na bumubuga sa may bandang leeg ko. Napasinghap ako nang makita si Dmitri na nakayakap sa akin, sa sobrang lapit nga ng mukha niya ay amoy na amoy ko ang hininga niya habang mahimbing pa rin na natutulog. Teka, bakit ang bango pa rin ng hininga niya? It smells like mint. Ang unfair naman ng mundo. Mabuti na lang at nauna akong magising sa kanya, kung nagkataon na nauna siya ay baka maamoy niya na bad breath ako. Napangiwi ako sa kung ano ang naiisip ko. Bakit ko pa pinoproblema iyon? Hindi ba dapat ay isipin ko kung paano ako makakawala sa yakap niya na hindi siya nagigising? Huminga ako ng malalim tapos ay marahan kong inalis ang braso niya sa akin. Natigilan pa nga ako nang bahagya siyang gumalaw. Ang akala ko ay magigising siya pero mabuti na lang at hindi n
“Ang akala ko ay nakalimutan niyo na ako,” ma-dramang saad ni Nanay habang kaharap kaming tatlo nina Dmitri at Drake. Magkakasama kasi kaming pumasyal ngayon sa bahay ampunan. Nagpasya ring bumili ang kambal ng tatlong malalaking bilao ng pancit, mga tinapay at softdrinks para sa mga bata. “Puwede po ba iyon?” malambing na sagot ni Drake at yumakap pa kay Nanay, napangiti naman ako kasi ang lambing niya. “Naku, ang pinakaloko-lokong bata naglalambing na ngayon,” natatawang saad naman ni Nanay Myrna. “Ano, hindi ka ba pinipingot ng mga magulang mo lalo na kapag naliligo ka sa ulan?” tanong pa niya kaya natawa kaming lahat. “Nay, matanda na po ako,” natatawang sagot din naman ni Drake. “Puro ka kalokohan noong nandito ka pa. Ito namang kapatid mo pinagtatakpan ka lagi. Kayong dalawa ang sakit sa ulo ko noon,” bulalas pa ni nanay kaya malakas akong natawa. “Silang dalawa din po iyong mahilig tumakas kapag tangh
Days turned real fast. Sa awa ng Diyos, sa wakas ay nakapagtapos na ako sa kolehiyo. Hindi rin natuloy ang kambal sa Palawan at nagpasya sila na ipagpaliban na muna iyon, na siya ring nakakatuwa kasi kung sakaling natuloy sila ay hindi sila makakadalo sa graduation ko. Last month, pumayag ako na maging girlfriend na ni Drake. Hindi ko alam kung ano at paano nangyari. Basta ang alam ko lang ay nagseselos ako nang makita si Dmitri na may kasamang babae, hindi iyon si Love, pero isinama niya sa night out na dapat ay para sa aming tatlo lang. Kaya sa harap nila mismo, sinabi ko na sinasagot ko na si Drake. Halata ang gulat sa kanilang lahat nang sabihin ko iyon, pero hindi ko na magawang bawiin pa. “Ano ang plano mo niyan?” tanong ni Drake sa akin. Kasalukuyan kaming nasa rooftop sa harap mismo ng apartment ko. Kasama rin namin si Dmitri at ang bago nitong girlfriend. Napansin ko na simula nung gabing sinagot ko si Drake ay halos paiba i
Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami ni Dmitri. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Ramdam ko na parang naiinis siya sa akin, suguro ay dahil ayaw kong magpahatid sa kanya. Naiintindihan ko naman kung galit siya. Lalo na’t kaibigan niya ako. Marahil ang iniisip niya ay magiging kargo niya ako kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin. Gusto kong mag-sorry sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit napakabigat bitawan ng salitang ‘sorry’. Nahihiya ako. Hanggang sa makarating na kami sa apartment ko ay tahimik pa rin kami. Nang bumaba ako sa sasakyan ay gano’n din ang ginawa niya. Kumunot pa nga ang noo ko nang mapansin na hanggang paakyat sa hagdan ay nakasunod pa rin siya sa akin. “Okay na ako rito, Dim. Balikan mo na ang girlfriend mo,” mahinang saad ko. “Salamat ulit sa paghatid,” dagdag ko pa. “I already told you that she’s not my girlfriend, Alison,” madiing saad niya.
Being in a secret relationship with Dmitri is not easy. Sa tuwing magkasama kami ay may takot akong nararamdaman na baka may makakita sa amin. So as much as possible, I’m trying to avoid any public display of affection with him. Para kung sakaling may makakita man sa amin ay hindi magtaka. Normal naman kasi sa amin ang laging magkasama kahit pa noong magkaibigan pa lang kami. “What do you want to eat?” nakangiting tanong niya sa akin. We are currently on a well known mall in the city. Katatapos lang naming manuod ng sine at ngayon ay kakain na kami ng tanghalian. “Kahit na ano, Dim. Hindi naman ako mapili sa pagkain,” mahinahong sagot ko. Paminsan minsan ay iginagala ko ang tingin ko sa paligid. Para bang isang takas sa preso na natatakot na may makakita kasi mahuhuli ako. Para akong mababaliw na hindi mapakali. “Hey, don’t worry, okay?” malambing na saad niya. “Alam ko ang nasa isip mo, pero huwag kang mata
Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan lalo na’t nakatanggap ako ng mensahe kay Dmitri, ang sabi niya ay ngayong araw daw uuwi si Drake. Kasalukuyan akong nasa coffee shop at nagtatrabaho pa rin kasama si Ate Gigi. So Roy kasi ay umalis na sa coffee shop, ako naman ay nakiusap kay Ate na kung puwedeng manatili muna ako hanggang sa makanahap na ako ng trabaho. Pumayag naman siya. May mga ilang kompanya na ang tumawag sa akin, ilang beses na rin akong na-interview pero ang lagi nilang sinasabi ay tatawagan na lang nila ako. Naghihintay ako, pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa mga kompanyang iyon. “Ate, CR lang ako,” paalam ko kay Ate Gigi, ngumiti naman siya at tumango. Agad naman na akong tumayo at pumasok sa pinto, nasa may bandang kusina kasi ang CR. Sa totoo lang ay gusto ko lang namang maghilamos kasi inaantok ako. Hindi ko maintindihan pero lagi akong hirap na makatulog nitong mga nakaraang gabi
Hindi na halos mawala ang kabang nararamdaman ko pagkapasok namin sa bahay nina Drake. Kagaya nang napag-usapan namin kanina ay simundo niya ako sa coffee shop. Nakakahiya nga kay Ate Gigi kasi alas siete pa lang iyon, pero sinabi rin naman niya na gusto niyang magpahinga ng maaga kaya magsasara na rin siya. Kaya naman ang ginawa ko na lang ay tinulungan ko na muna siyang magligpit bago ako umalis kasama si Drake. Pagkapasok namin ay dumiretso kami agad sa kusina, medyo kumunot pa nga ang noo ko kasi wala namang tao doon maliban sa dalawang kasambahay. “Sir, nasa poolside po ang mga magulang niyo. Doon po nila kayo hinihintay,” magalang na saad nung isang kasambahay, ngumiti naman si Dmitri at marahang tumango. “Thank you,” aniya tapos ay nilingon ako. “Let’s go?” anyaya pa niya, huminga na lang ako ng malalim at marahang tumango. Nang maglakad na siya papunta sa backdoor ay sumunod ako sa kanya. May daan din kasi doon papunt